Chapter 50:Hinatid niya sa airport si Lila. Susunduin nito ang Nanay at ang pinsan nito. Tumindi ang kaniyang paghanga sa dalaga nang malaman na ito pala ang nagpapaaral sa pinsan nito. Lumuwas ito sa Maynila upang matustusan ang mga pangangailangan ng pamilya nito sa probinsiya. Nakatayo siya mula sa malayo, pinagmasdan ang masayang pagyayakapan ng tatlo. Hindi niya namalayan na siya ay nakangiti habang nakatitig sa kanila. Masaya siya dahil masaya ang kaniyang maid.Dinala nito malapit sa kaniya ang pamilya at pinakilala siya nito.“Nanay, Etang, ang aking Amo. Si Sir Ryllander,” ani nito.“Ito iyong sinabi mong boss mong suplado, Ate? Siyang napakaguwapo, Ate! Para siyang isang male lead character sa mga nababasa ko. Sobrang guwapo niya, Ate,” bulong ng dalagita na siya namang naririnig niya pa rin.“Etang, magpaawat ka naman. Huwag mo masyadong pinahahalata na pinag-uusapan natin siya.”“Hi, S-Sir. Kumusta po? Ako po si Ethalyn. Etang po for short,” pagpapakilala ng dalagita.“
Huling Na-update : 2025-03-06 Magbasa pa