Chapter 50:Hinatid niya sa airport si Lila. Susunduin nito ang Nanay at ang pinsan nito. Tumindi ang kaniyang paghanga sa dalaga nang malaman na ito pala ang nagpapaaral sa pinsan nito. Lumuwas ito sa Maynila upang matustusan ang mga pangangailangan ng pamilya nito sa probinsiya. Nakatayo siya mula sa malayo, pinagmasdan ang masayang pagyayakapan ng tatlo. Hindi niya namalayan na siya ay nakangiti habang nakatitig sa kanila. Masaya siya dahil masaya ang kaniyang maid.Dinala nito malapit sa kaniya ang pamilya at pinakilala siya nito.“Nanay, Etang, ang aking Amo. Si Sir Ryllander,” ani nito.“Ito iyong sinabi mong boss mong suplado, Ate? Siyang napakaguwapo, Ate! Para siyang isang male lead character sa mga nababasa ko. Sobrang guwapo niya, Ate,” bulong ng dalagita na siya namang naririnig niya pa rin.“Etang, magpaawat ka naman. Huwag mo masyadong pinahahalata na pinag-uusapan natin siya.”“Hi, S-Sir. Kumusta po? Ako po si Ethalyn. Etang po for short,” pagpapakilala ng dalagita.“
Chapter 51:Hindi niya halos makayanang ipasok sa isip ang nalaman. Sa una ay pinagdududahan na niya ang taong iyon at malakas ang kutob niya na konektado ito sa kaso ng mga magulang niya. Akala niya na ang pagdududa sa taong iyon ang masakit na parte, pero nagkamali siya dahil ang makumpirma ang totoo ang pinakamasakit na parte ng paghahalungkat niya sa katotohanan.“Your daughter cheated on me,” wika niya habang nakahawak sa bote ng beer nang mahigpit. Muli niyang tinungga ang bote. Nang wala na itong laman ay agad na niya itong pinagulong sa sahig. “At ngayon, malaman-laman ko lang na totoo pala ang lahat ng pagdududa ko sa iyo.”Sumandal siya sa riles ng verandah ng kaniyang kuwarto. Hinayaan niyang halikan nang paulit-ulit ng walang-tigil sa pag-agos na luha ang kaniyang mga pisngi. Maagang nawala sa kaniya ang mga magulang niya dahil sa taong akala niya ay mapagkakatiwalaan ng kaniyang Mommy at Daddy.Palagi niyang nakikita sa mga litrato na magkakasama sila sa kahit na saan. Mag
Chapter 52:Habang nagmamaneho ang Amo niya ay tinitigan niya ito. Ayaw umalis ng kaniyang titig sa mga mata nito na tila ba ay may tinatago sa likod ng mga pilit na ngiti na ginuhit ng mga labi nito. Kung noon ay mahirap para sa kaniya na basahin ang lalaki, ngayon ay sobrang dali na lamang ng gawain na iyon.“Ano ba, Miss Maid? May dumi ba sa mukha ko? May muta ba ako?”“Wala naman, Sir. May napansin lamang ako sa iyo.”“Hmm. And what is that? You’re making me conciuos right now.”“May problema ka, Sir, ano?”“I never thought that you are also a psychic,” wika nito. “Paano mo naman nasabi na ako ay may problema?”“Sinasabi kasi ng mga mata mo, Sir.”“Oh really?” maiksing tanong nito sa kaniya.Saglit siyang tumingin sa unahan ng daan. Subalit binalik niya agad kay Ryllander. Pilit nitong pinapalapad ang ngiti. Kung minsan ay tumitingin sa kaniya ang Amo niya.“Oo. Kahit na ano pang pag-ngiti ang gawin mo, kahit na ano pang tawa ang ipaparinig mo, at kahit na ano pang pagtatago ng na
Chapter 53:Tumungo siya sa loob ng silid. Yumuko siya at marahan na tinapik-tapik ang balikat ni Etang. Ayaw niya kasing gisingin ang Nanay niya na mahimbing na ang tulog. Naiirita siya sa Amo niya. Gabi na pero mapilit ito na sunduin siya. Ano lang ba ang intindihin ni Ryllander ang nangyari kanina? Nagtanong lang naman ang tao at sinagot lamang niya ito. Subalit para kay Ryllander ay iba na ang kahulugan ng tig-iisang linya na binato nila ng estranghero kanina sa isa’t isa. Halos ka-edad na rin ng Tatay niya ang taong iyon kanina.At kahit na hindi ay hindi siya dapat na pinag-iisipan ni Ryllander ng hindi wasto at ayon sa kung anong uri siya ng dalaga.“Etang?”“O, Ate? Bakit dala mo ang bag mo? Saan ka pupunta?” tanong ni Etang. Kinusot pa nito ang mga mata dahil ay nakatulog na rin ito.“Kailangan ko kasing bumalik sa mansiyon ngayon.”“Ate, gabi na masyado, a. Hindi mo ba puwede na ipagpabukas na lang ang iyong pag-uwi roon? Baka mapaano ka sa daan. Hindi mo pa lubos na kilala a
Chapter54:“Next time, kapag sinabi ko na huwag mong kakausapin ang mga taong ayaw ko na kakausapin mo. Can you, do it?”Walang masama sa sinabi niya. Siya ay lubos na nagulat sa reaksiyon ng Amo niya. Halos malimutan na nito ang estado na mayroon ito at ang pinag-aralan nito. Hindi siya umimik, sa halip ay tahimik na lamang siyang tumungo sa loob ng mansiyon.Ganoon na lamang ang gulat ni Lordes nang makita siya nito. Ang alam nito ay tutungo siya sa tinutuluyan ng kaniyang Nanay at pinsan. Pero dis-oras na ng gabi ay bumalik siya rito sa mansiyon.“O, Lila? Napaaga yata ang pagbalik mo sa mansiyon? Hindi ba ay matutulog ka sana kina Nanay mo?”Hindi siya umimik. Siya ay lumingon na lang. Kaunting ngiti na puno ng pang-aasar ang nakita niya sa mga labi ng Ginang. “Dumiretso ka sa kuwarto ko, Miss Maid, may ipapagawa ako sa iyo,” wika ng Amo niya na nakasunod sa kaniya. “May pag-uusapan din tayo,” dagdag nito.Wala pa rin siyang tinugon. Hinayaan niyang makauna sa pag-akyat ang Amo
Chapter 55:“Damn it, Ryllander,” mura niya sa sarili niya.Ilang araw na siyang hindi kinakausap ni Lila. Bihira na rin itong tumungo sa kaniyang silid. Dahil walang ganap sa organisasyon ay nakalaan ang atensiyon niya sa trabaho niya bilang isang businessman. Subalit kahit na ano ang gawin niya ay bigla na lamang niyang naaalala ang mukha ng kaniyang maid.Miss na miss niya ang babae kahit nasa iisang bahay lang sila. Ayaw niya lang naman na may ibang lalaki na kinakausap ang maid niya, maliban sa kaniya.Nang umuwi siya ay dumaan siya sa isang bentahan ng mga bulaklak. Inisip niya si Lila at nais niyang makabawi sa babae. Ang babaeng iyon ang dahilan kung kaya ay hindi siya makatulog nang maayos sa loob ng ilang gabi. Kung alam lang sana ni Lila na kaya siya nagkakaganito at sobrang strikto sa kaniya ay may nararamdaman din siya rito ay tiyak maiintindihan siya ng babaeng iyon.Isang bouquet ng puting rosas ang binili niya at dalawang bars ng tsokolate. Nakangiti siyang nagmaneho p
Chapter 56:Napako sa bouquet ng bulalak ang titig ni Lila. Hindi niya maiwasan ang ngumiti dahil sa bagay na ito. Tanang buhay niya ay hindi pa siya nakatanggap ng bulaklak na mula sa isang lalaki. Nililigawan siya ng mga lalaki sa kanilang probinsiya subalit ang dala lamang nila ay kanilang mga sarili. Kung minsan ay pinapasabi lamang ng mga iyon sa iba na gusto nila si Lila.Ngayon ay may nagbigay sa kaniya ng bulaklak. Pero hindi naman siya nililigawan ng lalaking nagbigay nito. Kung tawagin ni Ryllander ang bouquet na iyon ay peace offering lamang. Pangarap niya ang makatanggap ng bulaklak mula sa lalaking mahal niya. Subalit mas higit sana siyang matutuwa kung mahal din siya ng taong nag-alay ng bulaklak sa kaniya.Tumunog ang kaniyang cellphone. Sinagot niya ito dahil nais niyang malaman kung sino ang tumatawag. Wala kasing pangalan ang tumawag na numero sa kaniya.“Hello,” aniya.“Yes. Hello, Darling,” bati ng pamilyar na boses sa kaniya. “I am glad that you answered the call.
Chapter 57:“Celine, hinayaan kita na siraan ako sa management noon. Pero hindi kita hahayaan na guluhin pa ako,” wika ni Adah. “Pero kung magpupumilit ka na sumuksok sa lugar ko ay pagbibigyan kita sa gusto mo. I might be soft, Celine. But my bullets are strong and would probably could kill demons like you.”“Akala mo naman ay matatakot mo ako, Adah Laos!”“Umalis ka na lang, Celine. Ang problema kasi sa iyo ay kahit na saan ka na lang sumusulpot. Kahit hindi mo lugar ay nagpapakita ka ng pagiging hayok mo sa atensiyon. Matuto kang lumugar,” wika ni Lila. “Gusto kong ipaalala sa iyo na wala ka sa kadiliman kung saan ikaw ang reyna-reynahan.“May araw ka rin sa akin, Adah! Lalo ka na, Lila!” saad nito bago na lumabas.Hahatakin sana ni Adah si Celine pero ay hinila niya si Adah.“Hayaan mo na siya,” aniya.“Kahit kailan ay napakasama ng budhi niya. She’s mothering all the insecurities she had inside of her,” bulyaw pa ni Adah.Huminga ito nang malalim at agad na tumingin sa kaniya.“O
Chapter 102:Hinang-hina siya. Sinubukan niyang ahunin ang kaniyang ulo subalit pakiramdam niya ay ang bigat na nito. Ang kaniyang katawan ay puno ng sugat na naging dahilan ng walang-tigil na pagmamanhid ng kaniyang laman. Muli siyang sinipa ni Celine. Kaya ay tumingala siya sa babae at muling nag-makaawa.“H-Huwag mo nang patagalin pa ang lahat, Celine. P-Patayin mo na lamang ako. Hindi ko na kaya pa…”Yumuko si Celine upang maabot ang kaniyang buhok. Inahon siya ng babae at pinilit siyang makatayo. Inangat nito ang kaniyang ulo at ilang beses na inalog-alog pa.“Tingnan mo siya ngayon, Lila! Tingnan mo ang lalaking sinabi mong walang pakialam sa iyo! He is weak and has no power to save you! But still, he is here, trying to save you.” wika nito. “Nakita mo na? Pumunta siya rito! You lied to me! Ang sinabi mo sa akin ay hindi ka niya pupuntahan, hindi ka na niya hahanapin pa, at wala na siyang pakialam sa iyo! Pero isang tawag ko lang sa kaniya at sabing hawak kita ay sumuko na siya
Chapter 101:Nakapuwesto na ang mga tauhan na kasama niya. Si Totoy ang tumayo bilang command nila. Sana ay mapagtagumpayan nilang iligtas si Lila.Noong nakulong na ang Daddy ni Celine ay akala niya roon na nagtatapos ang ganitong mga eksena. Hindi pa pala. Mas mahirap ngayon dahil hawak ng kaaway niya si Lila. Isang maling hakbang lang na gagawin niya ay mapapahamak nang tuluyan ang babae. Lubos pa siyang nangangamba dahil dala-dala ng babae sa sinapupunan nito ang kanilang anak.Sumagi sa isip niya ang sinabi ni James sa kaniya tungkol sa pagmamahal na mayroon siya para kay Lila at sa anak niya. Sa kaniyang sitwasyon ngayon ay tiyak na iyon ang siyang magiging matibay na kasangkapan na magliligtas sa kaniyang mag-ina.Pagpatak ng alas otso ay nakarating na siya sa lugar na sinabi ni Celine. Madilim ang paligid ng lumang warehouse. Kabado niyang tinahak ang daan papasok. Walang kahit na isang baril na dala si Ryllander dahil isa iyon sa mga bilin ni Celine. Ang tanging mayroon siya
Chapter 100: Nanlisik ang mga mata niyang tumitig sa screen ng kaniyang cellphone. Tumayo siya at agad na sinuot ang kaniyang bullet proof bago ang kaniyang itim na leather jacket. Si Totoy naman ay maiging hinanda ang pistol nito. “Paano mo nadala ang baril na iyan? Hindi ba mahigpit ang security?” “Mahigpit naman. Pero posible ang lahat ng bagay kung malawak ang iyong koneksiyon at may tiwala ang mga tao sa iyo.” “Oo nga naman,” sabi naman ni Nahum. “Nahum, nagdududa ako sa location na sinend ni Celine sa akin. I think that woman is scheming.” “I know, Sir Ryllander. That’s why I am searching more information about the location she gave. Noong tumawag siya sa iyo ay iba ang lokasyon niya. Ang sabi sa info ay ilang kilometro ang layo niya mula sa location na sinend niya sa iyo. She always came prepared, Sir.” “Bakit hindi mo na lang kasi balikan ang ex mong baliw na iyon, Ryllander? Sa tingin ko ay iyon lang naman ang pinuputok ng butsi niya. Gusto ka lang nun makuha ulit,” suh
Chapter 99:Dinala sila ni Nahum sa sala. Inofferan sila ng imbestigador ng maiinom.“Pasensiya na kayo sa bahay ko. Medyo makalat,” wika nito.Tumingin siya sa maliit na piraso ng tela na malapit sa kaniyang sapatos. Lihim niya itong sinipa dahil nagtataka siya kung ano ang bagay na ito.“Shit,” mura niya nang malaman kung ano iyon. Umiling na lamang siya at agad na tinitigan si Nahum bago binalik sa karampot na tela na nasa sahig ang kaniyang sulyap. “Clean your mess,” bulong niya. Kumpyansa naman siya na kayang basahin ni Nahum ang kaniyang mga labi.“Uminom muna kayo ng juice,” sabi ni Nahum. Nang naipatong na nito sa lamesa ang tray kung saan nakaupo ang pitsel at dalawang baso ay pinulot na nito ang tela na kaniyang tinitigan.Lihim na pinasok ni Nahum sa bulsa nito ang t-back at agad itong umalis. Sinundan niya sa kusina ang lalaki. Binuksan nito ang trash bin at tinapon ang tela na hinugot mula sa bulsa nito.“Nakakadiri ka, Nahum. Alam mo naman na parating kami, hindi ba? Ni
Chapter 98:Iisa lamang ang kanilang hangarin at iyon ay ang mailigtas si Lila. Hindi mawala-wala ang pagdududa niya na may relasyon sina Lila at Totoy, at hindi mabura ang katotohanan na alam niyang kaya siyang tapatan nito. Ang selos na mayroon siya sa lalaki ay mahirap ding walain. Subalit kailangan niyang ilagay sa tabi muna ang kahit na anong bagay na makakadulot ng sigalot sa pagitan nila. Sumatutal ay iisa lamang ang nais nilang mangyari at iyon ay ang maisalba si Lila.Nagpaalam sa kaniya si Totoy kanina na maghahanap ng hotel na matutuluyan. Pero inalok niya ito na sa mansion na lamang niya tumuloy ang lalaki. Mabuti na lamang at hindi na nagmatigas pa si Totoy. Kahit na taga-probinsiya ang lalaki ay alam niyang alam nito ang pasikot-sikot dito sa Maynila. Nakatapos ng degree na saklaw ng agham at pagsasaka si Totoy. Batid niya ang ilang detalye sa lalaki dahil saglit siyang naghanap ng impormasyon tungkol sa mga Rosell kanina online.Kaya pala mukhang mamahalin ang lalaki ay
Chapter 97:Kanina pa siya kinakabahan. Hindi niya matumbok kung ano ang dahilan nito. Unang niyang naisip si Adah. Ilang linggo na rin kasi na hindi niya kinumusta ang pinsan niya. Kung hindi siya nagkamali ay ang huling pagkikita nila ay ang gabi ng welcome home party ng Abuela nito. Kinuha niya ang telepono at agad na tinawagan ang linya ng kaniyang pinsan.“Ry? How are you? Mabuti naman at tumawag ka. Hindi ako madalas na nangumusta dahil kailangan ko pang magplano kung ngayong summer season ko ba ilalabas ang mga bagong disenyo ko. Alam mo naman na mas naging mahigpit at mahirap ang karera ng mga brand owners ngayon, lalo na sa mga tulad ko na hindi naman masyadong kilala.”Siya ay nahawak sa mesa. Nawala ang pag-aalala niya sa pinsan niya. Subalit ganoon pa rin ang kaba na namayani sa puso niya. Hindi niya mawari ang rason ng puso niya kung bakit para itong nahuhulog sa kawalan.“I am glad to hear that, Adah.”“Ikaw?”“I am worried and I think something’s happening. Kanina pa ak
Chapter 96:Isang metro na lamang ang layo ni Celine sa upuan kung saan siya nakagapos. “May nalalaman ka pang pakulo at nagbigay ka ng pekeng impormasyon. You said you are in Baguio, right? E, kung bagyuhin ko ang pagmumukha mo ngayon?!”“Celine, lumayo ako sa iyo at kay Ryllander dahil ayaw ko ng gulo! Mahirap bang hayaan na lang ako?! Kung gusto mong kunin si Ryllander, edi kunin mo siya! W-Wala na akong pakialam sa kaniya!” Sarkastikang tumawa si Celine. Pinagmasdan siya nito saglit hanggang sa hindi na nito makontrol ang sarili at siya ay sinampal nito.“Hindi na lang ito tungkol kay Ryllander, Lila! It’s about you and me. Ikaw ang dahilan kaya nawala sa akin ang lahat ng mayroon ako. That's why you are sitting in front of me right now!”“Wala naman talagang bagay ang sa iyo, hindi ba? Kung ang pagiging head ng association ang pinuputok ng butsi mo ngayon ay gusto ko lang ipaalala sa iyo na para kay Mrs. Han ang posisyon na iyon!”“Para sa kaniya?! Walang para sa kaniya kung hi
Chapter 95:Nakaupo siya sa dulo ng kama. Walang lakas siyang suminghap. Hindi na ba titigil ang pagiging talunan niya sa mundong ito? Umiling siya nang maalala ang tinuro ng Tatay niyang namayapa na. Hindi tama na magkuwestiyon ukol sa mga hindi mabubuting bagay na dumarating at nangyayari sa buhay. Masama na gawin ang bagay na iyon dahil ang Diyos sa langit ang makakatanggap ng pagdududa. Perpekto ang Diyos at ang lahat ng ginagawa niya sa buhay ng isang tao ay may sadya. “Baby, kumapit ka lang at huwag bibitaw sa tiyan ni Mommy mo, a. Hindi kita pababayaan at kahit na nasa ganitong sitwasyon tayo ay hindi ko hahayaan na mapahamak ka.”Umaga na’t hindi niya batid kung ano ang mangyayari. Pero kaniyang isinasa-Diyos ang lahat. Wala nang iba pang makakatulong sa kaniya kun’di ang Diyos lamang. Hindi siya makahingi ng tulong sa pamilya niya at kay Totoy. Kaya ay ang dalangin niya ay panatilihin lang siyang buhay upang hindi mamatay ang pag-asa na mayroon ang puso niya na matatapos di
Chapter 94:“Juice mo,” wika ni Totoy at nilagay sa tapat niya ang baso na may lamang juice. Tinitigan niya ang laman ng baso. Mukha naman itong malinis. Pero hindi pa rin maiwasan ni Ryllander ang mangamba na baka may nilagay ang lalaki sa inumin niya. Halata naman na mainit ang dugo nito sa kaniya. Pagkatapos nilang mag-usap ng ina ni Lila kanina ay aalis na sana siya. Pero pinigilan siya ng Ginang at sinabihan na huwag munang umalis. “Sinabi ni Tita na bukas ka na lang ng umaga aalis. May bakanteng kuwarto naman sa taas, dalawa tayo roon.”“What?”“Ano? Aalis ka? Edi, mas mababastos si Tita kapag umalis ka. Pero ikaw ang bahala. Parang wala lang naman sa iyo na nawawala si Lila nang dahil sa iyo.”“That's not what I mean. Kaya kong matulog sa bahay ni Auntie. Pero ang makasama ka sa kuwarto ay parang nagdadalawang-isip pa ako.” Umirap siya patingin sa juice. “Pati nga itong inumin na dala mo ay nakakabahalang tikman. Baka bigla na lang bubula ang bibig ko,” aniya. “A, pinagbibi