Chapter 20:Nang natiyak ng Amo niya na wala na sa loob ng mall ang mga kaaway nito ay dinala siya nito sa isang boutique kung saan ay walang masyadong tao ang nagagawi. Napansin ni Lila na mas maganda at mas mahal ang mga damit na binebenta rito. “Sir, mas mahal naman dito. Bumalik na lang kaya tayo sa boutique kung saan tayo nagawi kanina?” “I don’t want to return there, Miss Maid.”“Pero, Sir…”“Miss Maid, kung doon mo pala mas gustong bumili sana ay hindi ka gumawa ng eksena kanina roon. Mas marami na ang mga taong nasa shop na iyon dahil sa ginawa mo. For sure women are hunting me, wishing I would return there.”“Hambogero,” bulong niya. “I am not bragging, Miss Maid. Ikaw lang naman ang may ayaw sa akin. But women here and there, they are after me. Mayaman ako, guwapo, macho, matalino. I have everything that a woman would wish her boyfriend should have. Kaya kung ako sa iyo ay mag-ingat ka na sa susunod. Don’t make them line up in front of me if you want to stay a little bit
Chapter 21:Ang akala niya ay wala na silang pupuntahan pa ng Amo niya. Subalit kinabukasan ay dinala siya nito sa isang pamilihan ng sikat na local brand ng mga sapatos. Sumunod siya sa Amo niya dahil wala siyang alam sa mga bagay na ito. Kahit na babae siya ay hindi siya mahilig sa mga mamahaling sapatos o kahit na ano pa mang bagay na alam niyang gagastusan ng malaking halaga ng pera. Simple lang naman ang buhay niya sa probinsiya. Sanay na rin siyang sumalo ng mga pinaglumaan ng mga kapitbahay niya kaya ay hindi mahalaga sa kaniya ang pangalan ng mga pang-sapin sa paa. Basta’t mayroon lang siyang maisusuot ay okay na iyon para sa kaniya. “Sir, kahit isang pares lang ho ang bilhin niyo. Ibawas mo na lang din sa suweldo ko nang paunti-unti,” aniya. “Puwede rin naman po na sa dibisorya na lang tayo bumili nang makamura.”Nakaramdam na siya ng hiya sa kaniyang Amo. Sa loob ng ilang araw ay para bang binili na nito ang buong pagkatao niya. Sa kaniyang pagkakaalam kung makakapatay siy
Chapter 22:Papasok na sana siya sa banyo nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Agad niya itong sinagot nang makita na si Anthony ang tumawag. Nasasabik na rin siyang marinig ang boses ng lalaki, kaya ay ganoon na lamang kabilis niyang itinihaya ang sarili sa kama at hinanda ang sarili upang makipag-usap sa kaibigan.“Anthony?! Kumusta ka na?”“I’m not good.”“Hala! Bakit naman? Sikat na sikat kaya ang bagong menu ng food business mo!”“I am used to fame, Adellilah. But I am not used to being set aside. Nagtatampo ako dahil sa ginawa mo."“Ha?”Narinig niya kung paano huminga nang malalim si Anthony. Naisip niya na ang pagtatapos ng parusa ni Ryllander sa kaniya ang rason kaya’y may pagtatampo sa tinig ng lalaki. “You’re punishment was done, right? Baka nakalimutan mo na may pangako ka sa akin.”“Alam ko iyon, Anthony. Pero hindi naman ako tunay na malaya pa dahil makakalabas lang ako kapag kasama ko si Sir Ryllander. Napagod nga ako nitong nakaraang mga araw dahil palagi kami
Chapter 23:Tinaasan niya ng kaliwang kilay ang babaeng humawak sa damit na una niyang nakita. Nang tutungo sana ang babae sa saleslady na naroon ay agad na hinila ni Celine ang damit. “This is mine,” aniya at minalditahan ng titig ang babae. “Ganoon ka na ba talaga ka-bastos, Miss? Nakita mo na ngang nahawakan ko na, hindi ba? Sa makatuwid ay ako ang unang kumuha ng damit na iyan—” Babawiin sana ng babae ang damit subalit mas inilayo pa niya ito sa babae.“I don’t know where in hell you live, why don't you recognize who you are messing with,” sabi niya sa babae. “Excuse me?” “You’re excused. Leave this place because parasites like you don’t belong here. I wonder if may pangbayad ka sa damit na ito.”“Wala akong pakialam kung sino ka man, Miss. Ang sa akin lang ay sana marunong kang rumespeto sa iba. Nakita mo na ngang ako ang nauna sa damit na iyan, hindi ba?”Napansin ng saleslady na may kaunting gulo na nangyayari sa pagitan niya at ng babaeng umaastang matapang. Kaya ay lumap
Chapter 24: Ang mga mata niya ay nasisilawan sa bawat presyo ng mga bag na nasa loob ng silid niya. Nang dineliver ang mga ito sa mansiyon ay pinahatid ito ng Amo niya sa mga katulong sa loob ng kaniyang silid. Para tuloy siyang nagtitinda ng mga bag sa lagay niyang ito.“Diyos ko! Ano ang gagawin ko sa mga ito?” tanong niya. “Ang mamahal pa ng mga kustal na ito.”May dalawa pang naiwan sa baba kaya’y hinatid ito ni Lordes. Bakas sa mukha ng Ginang ang pagod na namayani sa diwa nito, sapagkat kanina pa siya umakyat-panaog upang ihatid ang mga bag na binili ni Ryllander para sa kaniya. “Aling Lordes, pasensiya na po kayo. Binigyan pa kayo ni Sir Ryllander ng obligasyon. Sinabihan ko naman siya na ako na lang ang kukuha sa baba pero ang sinagot niya sa akin ay huwag raw akong magtatangka na gawin iyon.”“Hayaan mo na at simpleng trabaho lang ito. Sa wari ko ay mas mahirap naman ang mga trabaho na pinapagawa niya sa iyo!”“Sinabi mo pa, Aling Lordes. Hindi ko na alam kung parte pa ba n
Chapter 25:Hindi niya inasahan na magiging mabuti ang trato ng Amo niya sa kaniya sa gabing ito. Simula pa lang sa entrada ng mansiyon ng mga Mejes ay pinakapit na siya ni Ryllander sa bisig nito at tinuruan pa siya nito kung paano makipag-halubilo sa mga taong naririto ngayon.Sinabihan siya ng lalaki na um-Ingles kung kinakailangan. May paalala rin si Ryllander sa kaniya. Mainam raw na huwag masyadong bigyang pansin si Celine, at huwag siyang humiwalay sa Amo niya. “The gentleman is here,” wika ng isang lalaking sa tingin niya ay nasa edad singkuwenta na. Ngumiti naman si Ryllander at agad itong nakipagkamayan sa lalaki. “And who’s this beautiful lady beside you?” tanong ng lalaki.“Mister Montefar, she’s my muse tonight,” diretsong tugon ni Ryllander.“Oh, really? Talaga namang ang tinik mo pagdating sa babae, Mister Callares. I hope my son would be like you.” Umiling ito. “Kaso, parang wala na akong magagawa pa dahil ang gusto niya ay tulad niyang guwapo rin. Maging sa samahan n
Chapter 26:“Hindi ko alam kung tao ba talaga ang mag-amang iyon! Para kasing mas maraming pursiyento ng dugo nila ay dugo ng demonyo! Baka naman kasi ay galing sila sa lungga ni Satanas! O baka si Satanas ang galing sa lungga nila!” “Calm down.”“Paano? Kung maka-asta sila ay hawak nila sa leeg ang lahat ng tao rito!” Tumigil siya at tumingin sa gawi ni Ryllander. “Pero salamat sa pagtatanggol mo sa akin kanina. Akala ko ay paglalamayan na ako. Humugot ba naman ng baril at talagang ipuputok iyon sa akin!”“Sinabi ko naman sa iyo na ako ang bahala sa lahat, hindi ba? I guarantee you security,” wika ng lalaki. Naiinis siya sa puso niya. Bigla na lang kasi itong tumitigil sa pagtibok at mayamaya ay parang tambol na mabilisang pinaghahampas. Hindi naman siya gaanong mahilig sa kape kaya ay tiyak na wala siyang nerbiyos. Hindi niya mawari kung ano ba ang dahilan ng ganoong ritmo ng tibok ng puso niya. “Napansin ko lang kanina na para bang nabahag ang buntot ni Mister Mejes dahil sa gin
Chapter 27:Inalog niya ang laman ng kupitang hawak niya habang nakangisi siyang nagmamasaid sa pagkakalat ni Lila sa gitna ng maraming tao. Umasal probinsiyana na kasi ang babae dahil sa droga na nilagay ni Marky sa inumin nito. Tinaas ng babae ang mga kamay nito na ang isa ay hawak pa ang kupita habang sumasayaw-sayaw. “Hindi ba ay kasiyahan ito?! Bakit hindi kayo sumasayaw?! Sumayaw tayo! Tantantaran! Taran! Tarantaran!” Kahit sino na lang ang pinaparesan ng babae. Sa hinhin at inosenteng mukha nito ay alam ni Celine na alak na may droga ang makakapagpalabas ng kalikutan nito. Kaya ay iyon ang sinabi niya kay Marky na gawin.“Hindi ba ang sabi ko sa iyo ay ako na ang bahala sa kaniya?” natatawang sabi ni Marky na nasa tabi niya. “Look at her. She’s a mess, Miss Celine!” hagikgik ng bakla. “I hope you liked it!”“Thanks, Marky! Nagustuhan ko ang ginawa mo! You’re a good henchman!”“I hope tutuparin mo ang sinabi mo sa akin, Miss Celine. Best friends?” Binuklat nito ang nakatiklop
Chapter 102:Hinang-hina siya. Sinubukan niyang ahunin ang kaniyang ulo subalit pakiramdam niya ay ang bigat na nito. Ang kaniyang katawan ay puno ng sugat na naging dahilan ng walang-tigil na pagmamanhid ng kaniyang laman. Muli siyang sinipa ni Celine. Kaya ay tumingala siya sa babae at muling nag-makaawa.“H-Huwag mo nang patagalin pa ang lahat, Celine. P-Patayin mo na lamang ako. Hindi ko na kaya pa…”Yumuko si Celine upang maabot ang kaniyang buhok. Inahon siya ng babae at pinilit siyang makatayo. Inangat nito ang kaniyang ulo at ilang beses na inalog-alog pa.“Tingnan mo siya ngayon, Lila! Tingnan mo ang lalaking sinabi mong walang pakialam sa iyo! He is weak and has no power to save you! But still, he is here, trying to save you.” wika nito. “Nakita mo na? Pumunta siya rito! You lied to me! Ang sinabi mo sa akin ay hindi ka niya pupuntahan, hindi ka na niya hahanapin pa, at wala na siyang pakialam sa iyo! Pero isang tawag ko lang sa kaniya at sabing hawak kita ay sumuko na siya
Chapter 101:Nakapuwesto na ang mga tauhan na kasama niya. Si Totoy ang tumayo bilang command nila. Sana ay mapagtagumpayan nilang iligtas si Lila.Noong nakulong na ang Daddy ni Celine ay akala niya roon na nagtatapos ang ganitong mga eksena. Hindi pa pala. Mas mahirap ngayon dahil hawak ng kaaway niya si Lila. Isang maling hakbang lang na gagawin niya ay mapapahamak nang tuluyan ang babae. Lubos pa siyang nangangamba dahil dala-dala ng babae sa sinapupunan nito ang kanilang anak.Sumagi sa isip niya ang sinabi ni James sa kaniya tungkol sa pagmamahal na mayroon siya para kay Lila at sa anak niya. Sa kaniyang sitwasyon ngayon ay tiyak na iyon ang siyang magiging matibay na kasangkapan na magliligtas sa kaniyang mag-ina.Pagpatak ng alas otso ay nakarating na siya sa lugar na sinabi ni Celine. Madilim ang paligid ng lumang warehouse. Kabado niyang tinahak ang daan papasok. Walang kahit na isang baril na dala si Ryllander dahil isa iyon sa mga bilin ni Celine. Ang tanging mayroon siya
Chapter 100: Nanlisik ang mga mata niyang tumitig sa screen ng kaniyang cellphone. Tumayo siya at agad na sinuot ang kaniyang bullet proof bago ang kaniyang itim na leather jacket. Si Totoy naman ay maiging hinanda ang pistol nito. “Paano mo nadala ang baril na iyan? Hindi ba mahigpit ang security?” “Mahigpit naman. Pero posible ang lahat ng bagay kung malawak ang iyong koneksiyon at may tiwala ang mga tao sa iyo.” “Oo nga naman,” sabi naman ni Nahum. “Nahum, nagdududa ako sa location na sinend ni Celine sa akin. I think that woman is scheming.” “I know, Sir Ryllander. That’s why I am searching more information about the location she gave. Noong tumawag siya sa iyo ay iba ang lokasyon niya. Ang sabi sa info ay ilang kilometro ang layo niya mula sa location na sinend niya sa iyo. She always came prepared, Sir.” “Bakit hindi mo na lang kasi balikan ang ex mong baliw na iyon, Ryllander? Sa tingin ko ay iyon lang naman ang pinuputok ng butsi niya. Gusto ka lang nun makuha ulit,” suh
Chapter 99:Dinala sila ni Nahum sa sala. Inofferan sila ng imbestigador ng maiinom.“Pasensiya na kayo sa bahay ko. Medyo makalat,” wika nito.Tumingin siya sa maliit na piraso ng tela na malapit sa kaniyang sapatos. Lihim niya itong sinipa dahil nagtataka siya kung ano ang bagay na ito.“Shit,” mura niya nang malaman kung ano iyon. Umiling na lamang siya at agad na tinitigan si Nahum bago binalik sa karampot na tela na nasa sahig ang kaniyang sulyap. “Clean your mess,” bulong niya. Kumpyansa naman siya na kayang basahin ni Nahum ang kaniyang mga labi.“Uminom muna kayo ng juice,” sabi ni Nahum. Nang naipatong na nito sa lamesa ang tray kung saan nakaupo ang pitsel at dalawang baso ay pinulot na nito ang tela na kaniyang tinitigan.Lihim na pinasok ni Nahum sa bulsa nito ang t-back at agad itong umalis. Sinundan niya sa kusina ang lalaki. Binuksan nito ang trash bin at tinapon ang tela na hinugot mula sa bulsa nito.“Nakakadiri ka, Nahum. Alam mo naman na parating kami, hindi ba? Ni
Chapter 98:Iisa lamang ang kanilang hangarin at iyon ay ang mailigtas si Lila. Hindi mawala-wala ang pagdududa niya na may relasyon sina Lila at Totoy, at hindi mabura ang katotohanan na alam niyang kaya siyang tapatan nito. Ang selos na mayroon siya sa lalaki ay mahirap ding walain. Subalit kailangan niyang ilagay sa tabi muna ang kahit na anong bagay na makakadulot ng sigalot sa pagitan nila. Sumatutal ay iisa lamang ang nais nilang mangyari at iyon ay ang maisalba si Lila.Nagpaalam sa kaniya si Totoy kanina na maghahanap ng hotel na matutuluyan. Pero inalok niya ito na sa mansion na lamang niya tumuloy ang lalaki. Mabuti na lamang at hindi na nagmatigas pa si Totoy. Kahit na taga-probinsiya ang lalaki ay alam niyang alam nito ang pasikot-sikot dito sa Maynila. Nakatapos ng degree na saklaw ng agham at pagsasaka si Totoy. Batid niya ang ilang detalye sa lalaki dahil saglit siyang naghanap ng impormasyon tungkol sa mga Rosell kanina online.Kaya pala mukhang mamahalin ang lalaki ay
Chapter 97:Kanina pa siya kinakabahan. Hindi niya matumbok kung ano ang dahilan nito. Unang niyang naisip si Adah. Ilang linggo na rin kasi na hindi niya kinumusta ang pinsan niya. Kung hindi siya nagkamali ay ang huling pagkikita nila ay ang gabi ng welcome home party ng Abuela nito. Kinuha niya ang telepono at agad na tinawagan ang linya ng kaniyang pinsan.“Ry? How are you? Mabuti naman at tumawag ka. Hindi ako madalas na nangumusta dahil kailangan ko pang magplano kung ngayong summer season ko ba ilalabas ang mga bagong disenyo ko. Alam mo naman na mas naging mahigpit at mahirap ang karera ng mga brand owners ngayon, lalo na sa mga tulad ko na hindi naman masyadong kilala.”Siya ay nahawak sa mesa. Nawala ang pag-aalala niya sa pinsan niya. Subalit ganoon pa rin ang kaba na namayani sa puso niya. Hindi niya mawari ang rason ng puso niya kung bakit para itong nahuhulog sa kawalan.“I am glad to hear that, Adah.”“Ikaw?”“I am worried and I think something’s happening. Kanina pa ak
Chapter 96:Isang metro na lamang ang layo ni Celine sa upuan kung saan siya nakagapos. “May nalalaman ka pang pakulo at nagbigay ka ng pekeng impormasyon. You said you are in Baguio, right? E, kung bagyuhin ko ang pagmumukha mo ngayon?!”“Celine, lumayo ako sa iyo at kay Ryllander dahil ayaw ko ng gulo! Mahirap bang hayaan na lang ako?! Kung gusto mong kunin si Ryllander, edi kunin mo siya! W-Wala na akong pakialam sa kaniya!” Sarkastikang tumawa si Celine. Pinagmasdan siya nito saglit hanggang sa hindi na nito makontrol ang sarili at siya ay sinampal nito.“Hindi na lang ito tungkol kay Ryllander, Lila! It’s about you and me. Ikaw ang dahilan kaya nawala sa akin ang lahat ng mayroon ako. That's why you are sitting in front of me right now!”“Wala naman talagang bagay ang sa iyo, hindi ba? Kung ang pagiging head ng association ang pinuputok ng butsi mo ngayon ay gusto ko lang ipaalala sa iyo na para kay Mrs. Han ang posisyon na iyon!”“Para sa kaniya?! Walang para sa kaniya kung hi
Chapter 95:Nakaupo siya sa dulo ng kama. Walang lakas siyang suminghap. Hindi na ba titigil ang pagiging talunan niya sa mundong ito? Umiling siya nang maalala ang tinuro ng Tatay niyang namayapa na. Hindi tama na magkuwestiyon ukol sa mga hindi mabubuting bagay na dumarating at nangyayari sa buhay. Masama na gawin ang bagay na iyon dahil ang Diyos sa langit ang makakatanggap ng pagdududa. Perpekto ang Diyos at ang lahat ng ginagawa niya sa buhay ng isang tao ay may sadya. “Baby, kumapit ka lang at huwag bibitaw sa tiyan ni Mommy mo, a. Hindi kita pababayaan at kahit na nasa ganitong sitwasyon tayo ay hindi ko hahayaan na mapahamak ka.”Umaga na’t hindi niya batid kung ano ang mangyayari. Pero kaniyang isinasa-Diyos ang lahat. Wala nang iba pang makakatulong sa kaniya kun’di ang Diyos lamang. Hindi siya makahingi ng tulong sa pamilya niya at kay Totoy. Kaya ay ang dalangin niya ay panatilihin lang siyang buhay upang hindi mamatay ang pag-asa na mayroon ang puso niya na matatapos di
Chapter 94:“Juice mo,” wika ni Totoy at nilagay sa tapat niya ang baso na may lamang juice. Tinitigan niya ang laman ng baso. Mukha naman itong malinis. Pero hindi pa rin maiwasan ni Ryllander ang mangamba na baka may nilagay ang lalaki sa inumin niya. Halata naman na mainit ang dugo nito sa kaniya. Pagkatapos nilang mag-usap ng ina ni Lila kanina ay aalis na sana siya. Pero pinigilan siya ng Ginang at sinabihan na huwag munang umalis. “Sinabi ni Tita na bukas ka na lang ng umaga aalis. May bakanteng kuwarto naman sa taas, dalawa tayo roon.”“What?”“Ano? Aalis ka? Edi, mas mababastos si Tita kapag umalis ka. Pero ikaw ang bahala. Parang wala lang naman sa iyo na nawawala si Lila nang dahil sa iyo.”“That's not what I mean. Kaya kong matulog sa bahay ni Auntie. Pero ang makasama ka sa kuwarto ay parang nagdadalawang-isip pa ako.” Umirap siya patingin sa juice. “Pati nga itong inumin na dala mo ay nakakabahalang tikman. Baka bigla na lang bubula ang bibig ko,” aniya. “A, pinagbibi