Chapter 24: Ang mga mata niya ay nasisilawan sa bawat presyo ng mga bag na nasa loob ng silid niya. Nang dineliver ang mga ito sa mansiyon ay pinahatid ito ng Amo niya sa mga katulong sa loob ng kaniyang silid. Para tuloy siyang nagtitinda ng mga bag sa lagay niyang ito.“Diyos ko! Ano ang gagawin ko sa mga ito?” tanong niya. “Ang mamahal pa ng mga kustal na ito.”May dalawa pang naiwan sa baba kaya’y hinatid ito ni Lordes. Bakas sa mukha ng Ginang ang pagod na namayani sa diwa nito, sapagkat kanina pa siya umakyat-panaog upang ihatid ang mga bag na binili ni Ryllander para sa kaniya. “Aling Lordes, pasensiya na po kayo. Binigyan pa kayo ni Sir Ryllander ng obligasyon. Sinabihan ko naman siya na ako na lang ang kukuha sa baba pero ang sinagot niya sa akin ay huwag raw akong magtatangka na gawin iyon.”“Hayaan mo na at simpleng trabaho lang ito. Sa wari ko ay mas mahirap naman ang mga trabaho na pinapagawa niya sa iyo!”“Sinabi mo pa, Aling Lordes. Hindi ko na alam kung parte pa ba n
Chapter 25:Hindi niya inasahan na magiging mabuti ang trato ng Amo niya sa kaniya sa gabing ito. Simula pa lang sa entrada ng mansiyon ng mga Mejes ay pinakapit na siya ni Ryllander sa bisig nito at tinuruan pa siya nito kung paano makipag-halubilo sa mga taong naririto ngayon.Sinabihan siya ng lalaki na um-Ingles kung kinakailangan. May paalala rin si Ryllander sa kaniya. Mainam raw na huwag masyadong bigyang pansin si Celine, at huwag siyang humiwalay sa Amo niya. “The gentleman is here,” wika ng isang lalaking sa tingin niya ay nasa edad singkuwenta na. Ngumiti naman si Ryllander at agad itong nakipagkamayan sa lalaki. “And who’s this beautiful lady beside you?” tanong ng lalaki.“Mister Montefar, she’s my muse tonight,” diretsong tugon ni Ryllander.“Oh, really? Talaga namang ang tinik mo pagdating sa babae, Mister Callares. I hope my son would be like you.” Umiling ito. “Kaso, parang wala na akong magagawa pa dahil ang gusto niya ay tulad niyang guwapo rin. Maging sa samahan n
Chapter 26:“Hindi ko alam kung tao ba talaga ang mag-amang iyon! Para kasing mas maraming pursiyento ng dugo nila ay dugo ng demonyo! Baka naman kasi ay galing sila sa lungga ni Satanas! O baka si Satanas ang galing sa lungga nila!” “Calm down.”“Paano? Kung maka-asta sila ay hawak nila sa leeg ang lahat ng tao rito!” Tumigil siya at tumingin sa gawi ni Ryllander. “Pero salamat sa pagtatanggol mo sa akin kanina. Akala ko ay paglalamayan na ako. Humugot ba naman ng baril at talagang ipuputok iyon sa akin!”“Sinabi ko naman sa iyo na ako ang bahala sa lahat, hindi ba? I guarantee you security,” wika ng lalaki. Naiinis siya sa puso niya. Bigla na lang kasi itong tumitigil sa pagtibok at mayamaya ay parang tambol na mabilisang pinaghahampas. Hindi naman siya gaanong mahilig sa kape kaya ay tiyak na wala siyang nerbiyos. Hindi niya mawari kung ano ba ang dahilan ng ganoong ritmo ng tibok ng puso niya. “Napansin ko lang kanina na para bang nabahag ang buntot ni Mister Mejes dahil sa gin
Chapter 27:Inalog niya ang laman ng kupitang hawak niya habang nakangisi siyang nagmamasaid sa pagkakalat ni Lila sa gitna ng maraming tao. Umasal probinsiyana na kasi ang babae dahil sa droga na nilagay ni Marky sa inumin nito. Tinaas ng babae ang mga kamay nito na ang isa ay hawak pa ang kupita habang sumasayaw-sayaw. “Hindi ba ay kasiyahan ito?! Bakit hindi kayo sumasayaw?! Sumayaw tayo! Tantantaran! Taran! Tarantaran!” Kahit sino na lang ang pinaparesan ng babae. Sa hinhin at inosenteng mukha nito ay alam ni Celine na alak na may droga ang makakapagpalabas ng kalikutan nito. Kaya ay iyon ang sinabi niya kay Marky na gawin.“Hindi ba ang sabi ko sa iyo ay ako na ang bahala sa kaniya?” natatawang sabi ni Marky na nasa tabi niya. “Look at her. She’s a mess, Miss Celine!” hagikgik ng bakla. “I hope you liked it!”“Thanks, Marky! Nagustuhan ko ang ginawa mo! You’re a good henchman!”“I hope tutuparin mo ang sinabi mo sa akin, Miss Celine. Best friends?” Binuklat nito ang nakatiklop
Chapter 28:Pumikit siya at agad na huminga nang malalim. Maling ideya na isinama niya sa gathering si Lila. Hindi nakaligtas ang babae sa masamang plano ni Celine dito. Kahit na itanggi man iyon ng kaniyang ex-fiancee ay batid ni Ryllander na ang babaeng iyon lamang ang naglalayon na makaranas ng hindi mabuting karanasan sa piging si Lila. Galit ito sa maid niya dahil inakala nito na mayroon espesyal na namamagitan sa kaniya at sa probinsiyang maid niya. Ang totoo niyan ay natuwa siya dahil unti-unting nararamdaman ni Celine ang naramdaman niya noon. Pero hindi niya inasahan na magiging labis ang ex-fiancee niya.Kasalanan niya kung bakit pinagtawanan kanina ng marami si Lila. Kung hindi umiral ang kaniyang pagmamataas ay hindi na napahamak si Lila. Ginamit niya ang maid niya upang magalit at makaranas ng pagseselos si Celine. Hindi dahil nais niya itong bumalik sa kaniya kun’di ay pawang paghihiganti lamang ang intensyon niya. Subalit nangyari na iyon at tanging ang kaniyang magagaw
Chapter 29:“Diyos ko! N-Nasaan ako?!”Umahon siya mula sa malapad at malambot na kama nang siya ay nagkamalay. Medyo masakit ang ulo at buong katawan niya buhat sa rason na hindi niya maalala. “Ano ang nangyari?” tanong niya sa sarili, sabay niligaw ang tingin sa loob ng silid kung saan siya naroroon. “K-Kaninong kuwarto ito? Nasaang bahay ako?” Hindi maubos-ubos ang kaniyang mga tanong. Siya ay nag-aalala dahil hindi man lang siya pamilyar sa hitsura ng silid na ito. Hindi ito ang guest room sa mansiyon ng Amo niya, hindi rin ito silid ni Ryllander, at lalong hindi ito ang hitsura ng silid ng isang hotel. Sapilitan siyang bumaba mula sa kama kahit na nais niyang maupo pa at bawiin ang lakas bago tumayo. Ang salamin mula sa ‘di kalayuan ang una niyang pinuntahan. Ganoon na lamang ang kaniyang pagkagulat nang masilayan ang repleksiyon na nakasuot ng mga damit na hindi niya pag-aari. “P-Paanong n-napalitan ang suot ko?! Kaninong itong mga damit na suot k-ko?!” Napayakap siya sa ka
Chapter 30: “Diyos ko. H-Hindi kaya ako mabubuntis nito, S-Sir Ryllander?!” Humilamos ang Amo niya dahil sa tanong na sinambit ng kaniyang bibig. Agad na sinalo ng kaniyang mga palad ang mukha niyang halos mahulog na. Nahihiya siya at hindi maalis sa kaniyang isipan ang sinabi ng Amo niya. Hinalikan raw siya nito. Hindi niya namalayan iyon. Naiinis siya sa sarili niya dahil sa kaniyang kapabayaan ay hindi na siya ganap na birhen. Ang kaniyang mga labi na isusuko niya sana sa lalaking marangal na kaniyang pinapangarap na makasama ay nakuha ng Amo niya na hindi niya lubos maisip na susukuan niya kahit ng kaniyang labi lang. “Sir? P-Paano na ito? Paano na lang kung magbunga ang halik na iyon? H-Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko k-kapag nabuntis ako!” tarantang lintaya niya habang ang mga mata niya’y nanunubig na. “Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa Nanay na ako ay nagdadalang-tao na! Ako ay hindi pa handang maging ina!” Hinilot na lamang ni Ryllander ang batok nito. Tumayo
Chapter 31:Natuto si Lila kung paano ayusin ang sarili. Mula sa pagtatali ng kaniyang buhok, paglalapat ng pulbo at pag-guhit ng tintang panglabi sa mga labi niya. Binilhan siya ni Ryllander ng mga gamit pambabae na magagamit niya sa pang-araw-araw. Kung minsan ay biglang pumipintig ang puso niya sa tuwing nagpapakita ng magandang pakikitungo ang Amo niyang suplado sa kaniya, subalit hindi niya iyon binibigyang pansin. Batid niya na pagpapanggap lamang ang lahat ng namamagitan sa kanilang dalawa. Tanging ang pagiging peke ang totoo sa mga bagay na pinapakita ng Amo niya. Wala sa mansiyon si Ryllander, kaya naman ay malaya siyang nakipag-usap kay Lordes. Naikuwento niya sa Ginang ang paghalik sa kaniya ni Ryllander sa pagtitipon kung saan sila dumalo. Ganoon na lamang ang kilig ng Ginang nang malaman iyon.“Lila, ikaw ay isang masuwerteng nilalang! Kung alam lang ito ng sanlibutan ay tiyak na magtatanim sila ng sama ng loob sa mga puso nila para sa iyo! Tunay nga naman na ika’y kaii
Chapter 64:Isang ilaw lamang ang naka-on sa loob ng kaniyang silid. Kaniyang pimagmasdan ang litrato ng kaniyang Abuela at Abuelo na kinuha noong araw ng kasal nila. Malungkot ang mga mata niya at ang puso niya ay puno ng panimdim. Buntong-hininga ang pinakawalan niya.Ito ang rason na ayaw niyang sabihin sa babae ang pag-ibig niya para rito. Ang kuwento ng kaniyang Lolo at Lola ang pumipigil sa kaniya na sabihin sa babae ang totoong nararamdaman niya. Hindi niya maitatanggi na ang kaniyang pamilya ay matapobre. Mabait lamang sila sa mga taong nasa parehong antas na mayroon sila. Subalit kapag nalaman ng mga ito na mababa ang estado ng isang tao sa buhay ay para bang putik ang tingin nila rito.Ang mga magulang niya lang ang may buong pagtanggap sa mga taong hindi kasing-yaman nila. Subalit ang mga naiwan na kapatid ng kaniyang Daddy ay malayo ang mga ugali sa mga magulang niya. Lalo na ang ina ng mga ito na si Donya Felicidad.Natatakot siya na kapag nagtapat siya ng pag-ibig kay Li
Chapter 63:Ganoon na lamang kabilis na naglaho ang pag-ibig niya kay Ryllander. Ang bawat porsiyento ng pagmamahal na naramdaman niya para sa Amo niya ay para bang sinindihang bulak na kahit ang abo nito ay hindi mahagilap. Kung noon ay uhaw siya na makita ang Amo niya araw-araw. Ngayon ay pagkamuhi at pagkasuklam na lamang sa taong iyon ang mayroon siya.“Kailangan mong maging matatag ngayon, Lila. Hindi ka puwedeng umalis sa impyernong ito dahil mahirap makahanap ng trabaho,” wika niya na nakatanaw sa sahig.Dalawang araw na ang lumipas simula noong gabing inangkin ng Amo niya ang kaniyang katawan. Masakit pa rin ang kaniyang pagkababae at hindi maalis sa puso niya ang pagkadismaya sa taong iyon. Pero nanatili siya sa mansiyon upang magtrabaho. Titiisin ang poot na mayroon siya para sa Amo niya dahil kailangan niya ang trabahong ito.Bumaba siya. Akala niya ay nakaalis na si Ryllander. Ang hindi niya alam ay sadya siyang hinintay nito. Luminga siya sa paligid at wala siyang nakitan
Chapter 62:Halos magsusumigaw siya sa paghingi ng tulong subalit walang nakarinig sa kaniya dahil tiyak ay tulog na ang mga katulong. Nahapdi na ang braso niya. Lubos ang takot niya sa lalaking nakatitig sa kaniya ngayon. Hindi na niya kilala ang Amo niya. Para bai tong may sapi ng diyablos.“Sir, t-tama na po,” pagmamakaawa niya sa lalaki.Tinapon siya nito sa sahig. Marahan niyang inahon ang sarili na magulo ang buhok at ang kaninang magandang damit ay napunit na.“Bakit kailangan mo akong suwayin nang ilang beses, Miss Maid?!” tanong nito sa kaniya. “At bakit kailangan ang lalaking iyon pa ang kinausap mo kanina?”Hinawi niya ang mga hibla ng buhok niyang nakaharang sa kaniyang mukha. Ang emosyon niya ay naging samu’t sari na.“Diyos ko! A-Ano ba ang ginawa ko roon? Sinabi na nga sa iyo ni Anthony na w-wala akong ginawang masama! Ang unfair mo! Malaya kang nakikipaglandian sa mga babae sa party pero ako ay pinagbawalan mong makipag-usap sa kaibigan ko?!”“Hindi ako nakikipaglandia
Chapter 61:Matatanaw pa ang mga tao sa main venue ng party. Ang kaniyang Amo ay patuloy pa rin sa pakikipagsayawan at kuwentuhan sa ibang panauhin. Hindi matinag ang inis niya na para bang isa siyang bomba na inalisan ng pin sa mga oras na ito. Mayamaya ay baka sasabog na.Huminga siya nang malalim at pilit na ngiti ang ginawa niya nang nakita niya na papalapit na sa kaniyang gawi si Anthony. May dalang isang bote ng alak ang kaibigan at isang kaha ng sigarilyo. Kinindatan siya ng lalaki nang makalapit na ito sa kaniya. Nilapag nito ang bote ng alak at isang kaha ng sigarilyo sa mesa na naroon.“Bakit ganiyan ka-haba ang mukha mo, Adellilah? It is given that you are beautiful even though you are having a long face, but you are gorgeous when you smile. Isa pa ay hindi ako sanay na makita kang ganiyan. Is there any problem?” tanong ng kaniyang kaibigan, kinuha nito ang dalawang maliliit na baso at nilapag sa tabi ng bote.Umiling siya at tumingin sa alak na dala ng lalaki.“Ano ang ala
Chapter 60:“You can do it,” bulong ni Ryllander bago siya inalalayan nito na umakyat sa entablado.“Here we go. Everyone, I know that not everybody here knew this beautiful lady. She is the woman I mentioned earlier. The ever-beautiful girlfriend of Ryllander Callares. She is Adellilah Mantoha,” pagpapakilalang muli sa kaniya ni Mrs. Han.Sinabi ng titig ng Ginang na kaya niyang ibalik kay Celine ang ginawa nito sa kaniya. Tumango siya at agad na ngumiti sa madla sa kabila ng kaba na namayani sa kaniyang buong pagkatao.May mga tao ang nagagalak na tumingin sa kaniya. Ang iba naman ay mayroong galit ang mga titig na binato sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang ibang tao. Sa wari niya ay dalawa lang ang dahilan kaya sila nagagalit sa kaniya. Dahil ay espesyal ang trato ni Mrs. Han sa kaniya o baka naman ay nagagalit sila dahil nobyo niya ang lalaking pinangarap ng karamihan.“M-Magandang gabi,” simula niya.“Akala ko ba ay sa ibang bansa ka nakapag-aral, Lila? Why you are s
Chapter 59:Maraming mga bisita ang mga Han. Hindi lamang ang mga kasapi ng organisasyon at asosasyon ang naririto ngayon. Maging ang mga kamag-anak nila at ibang kakilala ay naririto rin. Ang akala niya na ang mga Mejes na ang siyang pinakamayaman sa lahat. Mayroon pa pala at hindi na siya magdududa kung may mas mayaman pa sa mga Han.Isang kulay na dirty white dress na ang laylayan ay sa ibabaw ng kaniyang mga tuhod ang suot ni Lila. Simple lamang ito pero halos isangdaang libo na naman ang nagasto para bilhin ito. Medyo mura na nga raw ito sabi ni Adah dahil siya ang bibili. Kung sa iba ibebenta ang damit ay tiyak na lalagpas ito sa dalawangdaang libong piso.Ang kaniyang kapares sa party ay nakasuot ng dirty white na long sleeve at itim na slacks. Parehong simple lamang ang mga damit nila subalit ang mga mata ng mga naroon ay nakatitig sa kanilang dalawa.“Sir, wala po ba akong dumi sa mukha?” tanong niya sa kaniyang Amo sa pabulong na paraan. “Kanina pa sila nakatitig, e. Kinakab
Chapter 58:“Palagi kang abala nitong mga nakaraang mga araw, Sir Ryllander. Ano ho ba ang ginagawa mo?”Hindi siya iniwan ng kaniyang Amo. Hanggang ngayon na halos mag-alas diyes na ay kasama pa rin niya ito sa hardin. Nagpahatid pa ng dalawang tasa ng kape ang Amo niya rito para sa kanilang dalawa. Si Lordes ang naghatid kaya ay hindi siya nakaligtas sa mapang-asar na titig ng Ginang. Para itong nanood ng sine kung kiligin sa kanila ni Ryllander.“May kailangan lang akong hulihin, Miss Maid.”“Ano po?”“There’s a beast in the city and I want to catch him with my own hands.”Noong una ay ang sabi ni Ryllander sa kaniya ay abala ito sa opisina dahil sa bagong putahe na ilalabas ng restaurant na pagmamay-ari nito. Pero ngayon ay dinaan siya ng Amo niya sa isang malalim at matalinghagang mga salita.“Hindi ko po kayo gets, Sir.”“Hindi mo naman kailangan na ma-gets ang sinabi ko. Ang kailangan mo lang gawin ay alisin na ang pag-aalala mo para sa akin.”“Parang malabo iyon, Sir Ryllander
Chapter 57:“Celine, hinayaan kita na siraan ako sa management noon. Pero hindi kita hahayaan na guluhin pa ako,” wika ni Adah. “Pero kung magpupumilit ka na sumuksok sa lugar ko ay pagbibigyan kita sa gusto mo. I might be soft, Celine. But my bullets are strong and would probably could kill demons like you.”“Akala mo naman ay matatakot mo ako, Adah Laos!”“Umalis ka na lang, Celine. Ang problema kasi sa iyo ay kahit na saan ka na lang sumusulpot. Kahit hindi mo lugar ay nagpapakita ka ng pagiging hayok mo sa atensiyon. Matuto kang lumugar,” wika ni Lila. “Gusto kong ipaalala sa iyo na wala ka sa kadiliman kung saan ikaw ang reyna-reynahan.“May araw ka rin sa akin, Adah! Lalo ka na, Lila!” saad nito bago na lumabas.Hahatakin sana ni Adah si Celine pero ay hinila niya si Adah.“Hayaan mo na siya,” aniya.“Kahit kailan ay napakasama ng budhi niya. She’s mothering all the insecurities she had inside of her,” bulyaw pa ni Adah.Huminga ito nang malalim at agad na tumingin sa kaniya.“O
Chapter 56:Napako sa bouquet ng bulalak ang titig ni Lila. Hindi niya maiwasan ang ngumiti dahil sa bagay na ito. Tanang buhay niya ay hindi pa siya nakatanggap ng bulaklak na mula sa isang lalaki. Nililigawan siya ng mga lalaki sa kanilang probinsiya subalit ang dala lamang nila ay kanilang mga sarili. Kung minsan ay pinapasabi lamang ng mga iyon sa iba na gusto nila si Lila.Ngayon ay may nagbigay sa kaniya ng bulaklak. Pero hindi naman siya nililigawan ng lalaking nagbigay nito. Kung tawagin ni Ryllander ang bouquet na iyon ay peace offering lamang. Pangarap niya ang makatanggap ng bulaklak mula sa lalaking mahal niya. Subalit mas higit sana siyang matutuwa kung mahal din siya ng taong nag-alay ng bulaklak sa kaniya.Tumunog ang kaniyang cellphone. Sinagot niya ito dahil nais niyang malaman kung sino ang tumatawag. Wala kasing pangalan ang tumawag na numero sa kaniya.“Hello,” aniya.“Yes. Hello, Darling,” bati ng pamilyar na boses sa kaniya. “I am glad that you answered the call.