Chapter 30: “Diyos ko. H-Hindi kaya ako mabubuntis nito, S-Sir Ryllander?!” Humilamos ang Amo niya dahil sa tanong na sinambit ng kaniyang bibig. Agad na sinalo ng kaniyang mga palad ang mukha niyang halos mahulog na. Nahihiya siya at hindi maalis sa kaniyang isipan ang sinabi ng Amo niya. Hinalikan raw siya nito. Hindi niya namalayan iyon. Naiinis siya sa sarili niya dahil sa kaniyang kapabayaan ay hindi na siya ganap na birhen. Ang kaniyang mga labi na isusuko niya sana sa lalaking marangal na kaniyang pinapangarap na makasama ay nakuha ng Amo niya na hindi niya lubos maisip na susukuan niya kahit ng kaniyang labi lang. “Sir? P-Paano na ito? Paano na lang kung magbunga ang halik na iyon? H-Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko k-kapag nabuntis ako!” tarantang lintaya niya habang ang mga mata niya’y nanunubig na. “Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa Nanay na ako ay nagdadalang-tao na! Ako ay hindi pa handang maging ina!” Hinilot na lamang ni Ryllander ang batok nito. Tumayo
Chapter 31:Natuto si Lila kung paano ayusin ang sarili. Mula sa pagtatali ng kaniyang buhok, paglalapat ng pulbo at pag-guhit ng tintang panglabi sa mga labi niya. Binilhan siya ni Ryllander ng mga gamit pambabae na magagamit niya sa pang-araw-araw. Kung minsan ay biglang pumipintig ang puso niya sa tuwing nagpapakita ng magandang pakikitungo ang Amo niyang suplado sa kaniya, subalit hindi niya iyon binibigyang pansin. Batid niya na pagpapanggap lamang ang lahat ng namamagitan sa kanilang dalawa. Tanging ang pagiging peke ang totoo sa mga bagay na pinapakita ng Amo niya. Wala sa mansiyon si Ryllander, kaya naman ay malaya siyang nakipag-usap kay Lordes. Naikuwento niya sa Ginang ang paghalik sa kaniya ni Ryllander sa pagtitipon kung saan sila dumalo. Ganoon na lamang ang kilig ng Ginang nang malaman iyon.“Lila, ikaw ay isang masuwerteng nilalang! Kung alam lang ito ng sanlibutan ay tiyak na magtatanim sila ng sama ng loob sa mga puso nila para sa iyo! Tunay nga naman na ika’y kaii
Chapter 32:Nakatayo siya sa gitna ng hardin, nakatalikod sa mansiyon at paminsan-minsan na tinitingala ang maliwanag na kalangitan dahil sa kinang ng mga bituin at ng bilog na buwan. Huminga siya nang malalim bago niya niyakap ang sarili na halos balutin na ng lamig ng simoy ng hangin. “Lila, kumuha ka talaga ng bato at pinukpok mo sa sarili mo. Ang tapang mo kanina na makipagsagutan sa anak ng demonyo na iyon, a. Panindigan mo iyang tapang mo.”Naramdaman niya ang pagpatong ng tuxedo sa kaniyang mga balikat.“Bakit ka nandito sa labas nang sleeveless lang ang suot? Baka magkasakit ka, Miss Maid.”Tumingin siya sa Amo niya na nakasuot ng puting longslib na binutones hanggang leeg, itim na slacks at itim na sapatos pang opisina. Totoo ang sinabi nila na kung pagmasdan ang Amo niya ay para itong isang mamahaling gamit na aasamin na maangkin. Pero para sa kaniya ay isa itong maawtoridad na lalaki, suplado, at hindi matawaran sa kahit na anong desisyon. Pero sa wari niya’y nagbabago na
Chapter 33:Nakatingin sa kanila ang mga tao na pilabas ng Amo niya. Nasa isang tanyag na restawran sila na binayaran ni Ryllander ang lahat ng mesa upang walang ibang makapasok sa loob.“Sir, kawawa naman po ang iba. Nagsumikap ang mga iyon para bayaran ang reserbasyon nila rito. Tingnan mo nga sila at ang sama ng tingin nila sa akin,” aniya.“Don’t look at them. Naiinggit lang sila dahil kasama mo ako—Ang lalaking kayang bayaran ang buong araw ng restaurant na ito. Baka nga ang mga lalaking iyan ay nasa minimum wage lang ang sahod,” may pagmamayabang na sabi nito.Kahit ano pa ang sabihin nito ay hindi niya maiwasan ang mailang dahil sa sitwasyon. “Puwede naman tayong lumipat kanina sa ibang kainan. Nauna sila sa atin.”“Miss Maid, ayaw kong may iba akong kasama bukod sa iyo. Ang hirap na ngang pagtiyagaan ang kakulitan mo at tinis ng boses mo, tapos gusto mo pang maging crowded ang lugar na ito. Huwag mong sabihin na nauna sila dahil patas naman akong lumaban upang masolo natin it
Chapter 34:Patuloy sa pagkukuwento ang kaniyang Amo tungkol sa pagmamahal nito kay Celine noong nasa isang masayang relasyon sila. Inakala raw nito ay hindi na matatapos pa ang lahat sa kanilang dalawa ni Celine. “Akala ko nga noon na ang pag-ibig ang masama, pero nang matagpi-tagpi ko ang lahat ay napagtanto ko na ang sarap sa pakiramdam kung ang paligid ay puno ng pag-ibig. Sadyang may mga tao lang na hindi marunong magpahalaga rito, inabuso ang pag-ibig na binibigay ng mga taong totoong nagmamahal, at inalipin ang mga pusong marurupok. But I leaned my lesson.”“Hindi mo na ba siya binigyan ng pagkakataon, Sir? Hinahabol ka niya ngayon. Kung mahal mo pa siya ay huwag mo sayangin ang pagkakataon na naghahabol siya sa iyo at umaasam ng kapatawaran mo.” Kirot ang naramdaman ng puso niya habang sinabi ang mga bagay na iyon kay Ryllander, pero kung gagawin iyon ng Amo niya ay tiyak na matatapos din ang trabaho niyang magpanggap bilang pekeng kasintahan nito. “Miss Maid, bakit pa ako
Chapter 35:Inasikaso ni Adah ang sugat niya. Panay ang pag-ngiwi niya dahil nadidiin ng pinsan niyang ito ang bulak na may betadine sa sugat niya. “Adah, hindi ka ba marunong mag-dahan-dahan?! It hurts!”“Dahan-dahan na iyan, Ry! Paanong hindi sasakit, e, sugat iyan! Bakit ba kasi palagi na lang ganito ang problema mo? Kung hindi ka nababaril ay hinahabol ka ng mga taong may galit sa iyo!” singhal ng pinsan niya. “I guess, mas marami pa ang mga taong galit sa iyo at gusto kang matigok kumpara sa mga taong gusto kang mabuhay sa mundo!”“Cous, I think mali ka. Women are after my welfare. They probably would pray for my safety. Remember, I am their dream!”“And definitely their worst nightmare!”“Ouch! Cous, masakit!”“Talagang masasaktan ka dahil malalim iyan! Huwag kang magalaw dahil patapos na ako.” Kinuha na ng pinsan niya ang mga bandeha at sinimulan na nitong balutin ang sugat niya. “You’re all good now. Just make sure to clean your wound so that it will be healed fast,” wika ni
Chapter 36:Kaniyang tinapon ang sarili’t tumalukbong. Pagod na siyang magkunwari. Humugot siya ng hangin bago niya ito binuga. Umahon siya’t dumausdos sa gilid ng kama hanggang sa makaupo na siya sa sahig. “Lila, bakit bigla na lang nagbago ang tingin mo sa kaniya? Hindi ba ay kinaiinisan mo siya’t kinatatakutan?! B-Bakit gumaan ang pakiramdam mo’t komportable ka na sa tabi niya? B-Bakit nasasanay ka na palagi siyang kasama?”Ilang butil ng luha ang bumagsak mula sa kaniyang mga mata. Pinahid niya ang palad niya sa ilalim ng mga mata niya at tumingala na siya. Kung sana’y tulad sa mga nobela na nababasa niya lang ang takbo ng buhay niya. Subalit malayo ito roon. Sobrang layo.Pinilit niyang pinikit ang kaniyang mga mata nang siya’y bumalik sa ibabaw ng kama kahit na parang imposible na magiging mahimbing ang tulog niya. Sana ay magising siya na panaginip lamang ang lahat ng ito. O hindi naman kaya’y sa pagmulat niya ng kaniyang mga mata ay inis at takot ang nararamdaman niya para ka
Chapter 37:“A-Aling Lordes?”Umupo sa tapat niya ang Ginang. Ang mga mata niyang nakatingin dito ay gumalaw upang ipukol ang titig sa tandang na nakapatong sa kaniyang biyas. Mariin siyang pumikit, at agad na huminga nang malalim. Sana’y bigla na lang magkaroon ng himala, mabiyak ang lupa’t bigla na lang siyang hilahin nito kahit na sandali lamang. Para kasing binalatan siya’t sinabuyan ng asin dahil sa presensya ng Ginang. Saksi ito nang kamuhian niya ang Amo niya’t iturin na parang sumpa ang pangalan ni Ryllander. Pero sa pagkakataon na ito ay hindi niya namalayan na nasa likuran niya si Aling Lordes at narinig ng Ginang ang kaniyang pagtatapat ng kaniyang tunay nararamdaman para sa Amo niya sa tandang nito.“Ano ba, Lila? Kulang na lang ay mahalikan mo na ang iyong tuhod diyan. Tumingin ka nga sa akin at mag-usap tayo,” wika ng Ginang.Hindi niya pa rin maangat ang titig sa kaniyang kausap. Nanatili siyang nakayuko. Sa pagkakataon na ito ay ninanais niyang tumayo’t tumakbo na l
Chapter 64:Isang ilaw lamang ang naka-on sa loob ng kaniyang silid. Kaniyang pimagmasdan ang litrato ng kaniyang Abuela at Abuelo na kinuha noong araw ng kasal nila. Malungkot ang mga mata niya at ang puso niya ay puno ng panimdim. Buntong-hininga ang pinakawalan niya.Ito ang rason na ayaw niyang sabihin sa babae ang pag-ibig niya para rito. Ang kuwento ng kaniyang Lolo at Lola ang pumipigil sa kaniya na sabihin sa babae ang totoong nararamdaman niya. Hindi niya maitatanggi na ang kaniyang pamilya ay matapobre. Mabait lamang sila sa mga taong nasa parehong antas na mayroon sila. Subalit kapag nalaman ng mga ito na mababa ang estado ng isang tao sa buhay ay para bang putik ang tingin nila rito.Ang mga magulang niya lang ang may buong pagtanggap sa mga taong hindi kasing-yaman nila. Subalit ang mga naiwan na kapatid ng kaniyang Daddy ay malayo ang mga ugali sa mga magulang niya. Lalo na ang ina ng mga ito na si Donya Felicidad.Natatakot siya na kapag nagtapat siya ng pag-ibig kay Li
Chapter 63:Ganoon na lamang kabilis na naglaho ang pag-ibig niya kay Ryllander. Ang bawat porsiyento ng pagmamahal na naramdaman niya para sa Amo niya ay para bang sinindihang bulak na kahit ang abo nito ay hindi mahagilap. Kung noon ay uhaw siya na makita ang Amo niya araw-araw. Ngayon ay pagkamuhi at pagkasuklam na lamang sa taong iyon ang mayroon siya.“Kailangan mong maging matatag ngayon, Lila. Hindi ka puwedeng umalis sa impyernong ito dahil mahirap makahanap ng trabaho,” wika niya na nakatanaw sa sahig.Dalawang araw na ang lumipas simula noong gabing inangkin ng Amo niya ang kaniyang katawan. Masakit pa rin ang kaniyang pagkababae at hindi maalis sa puso niya ang pagkadismaya sa taong iyon. Pero nanatili siya sa mansiyon upang magtrabaho. Titiisin ang poot na mayroon siya para sa Amo niya dahil kailangan niya ang trabahong ito.Bumaba siya. Akala niya ay nakaalis na si Ryllander. Ang hindi niya alam ay sadya siyang hinintay nito. Luminga siya sa paligid at wala siyang nakitan
Chapter 62:Halos magsusumigaw siya sa paghingi ng tulong subalit walang nakarinig sa kaniya dahil tiyak ay tulog na ang mga katulong. Nahapdi na ang braso niya. Lubos ang takot niya sa lalaking nakatitig sa kaniya ngayon. Hindi na niya kilala ang Amo niya. Para bai tong may sapi ng diyablos.“Sir, t-tama na po,” pagmamakaawa niya sa lalaki.Tinapon siya nito sa sahig. Marahan niyang inahon ang sarili na magulo ang buhok at ang kaninang magandang damit ay napunit na.“Bakit kailangan mo akong suwayin nang ilang beses, Miss Maid?!” tanong nito sa kaniya. “At bakit kailangan ang lalaking iyon pa ang kinausap mo kanina?”Hinawi niya ang mga hibla ng buhok niyang nakaharang sa kaniyang mukha. Ang emosyon niya ay naging samu’t sari na.“Diyos ko! A-Ano ba ang ginawa ko roon? Sinabi na nga sa iyo ni Anthony na w-wala akong ginawang masama! Ang unfair mo! Malaya kang nakikipaglandian sa mga babae sa party pero ako ay pinagbawalan mong makipag-usap sa kaibigan ko?!”“Hindi ako nakikipaglandia
Chapter 61:Matatanaw pa ang mga tao sa main venue ng party. Ang kaniyang Amo ay patuloy pa rin sa pakikipagsayawan at kuwentuhan sa ibang panauhin. Hindi matinag ang inis niya na para bang isa siyang bomba na inalisan ng pin sa mga oras na ito. Mayamaya ay baka sasabog na.Huminga siya nang malalim at pilit na ngiti ang ginawa niya nang nakita niya na papalapit na sa kaniyang gawi si Anthony. May dalang isang bote ng alak ang kaibigan at isang kaha ng sigarilyo. Kinindatan siya ng lalaki nang makalapit na ito sa kaniya. Nilapag nito ang bote ng alak at isang kaha ng sigarilyo sa mesa na naroon.“Bakit ganiyan ka-haba ang mukha mo, Adellilah? It is given that you are beautiful even though you are having a long face, but you are gorgeous when you smile. Isa pa ay hindi ako sanay na makita kang ganiyan. Is there any problem?” tanong ng kaniyang kaibigan, kinuha nito ang dalawang maliliit na baso at nilapag sa tabi ng bote.Umiling siya at tumingin sa alak na dala ng lalaki.“Ano ang ala
Chapter 60:“You can do it,” bulong ni Ryllander bago siya inalalayan nito na umakyat sa entablado.“Here we go. Everyone, I know that not everybody here knew this beautiful lady. She is the woman I mentioned earlier. The ever-beautiful girlfriend of Ryllander Callares. She is Adellilah Mantoha,” pagpapakilalang muli sa kaniya ni Mrs. Han.Sinabi ng titig ng Ginang na kaya niyang ibalik kay Celine ang ginawa nito sa kaniya. Tumango siya at agad na ngumiti sa madla sa kabila ng kaba na namayani sa kaniyang buong pagkatao.May mga tao ang nagagalak na tumingin sa kaniya. Ang iba naman ay mayroong galit ang mga titig na binato sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang ibang tao. Sa wari niya ay dalawa lang ang dahilan kaya sila nagagalit sa kaniya. Dahil ay espesyal ang trato ni Mrs. Han sa kaniya o baka naman ay nagagalit sila dahil nobyo niya ang lalaking pinangarap ng karamihan.“M-Magandang gabi,” simula niya.“Akala ko ba ay sa ibang bansa ka nakapag-aral, Lila? Why you are s
Chapter 59:Maraming mga bisita ang mga Han. Hindi lamang ang mga kasapi ng organisasyon at asosasyon ang naririto ngayon. Maging ang mga kamag-anak nila at ibang kakilala ay naririto rin. Ang akala niya na ang mga Mejes na ang siyang pinakamayaman sa lahat. Mayroon pa pala at hindi na siya magdududa kung may mas mayaman pa sa mga Han.Isang kulay na dirty white dress na ang laylayan ay sa ibabaw ng kaniyang mga tuhod ang suot ni Lila. Simple lamang ito pero halos isangdaang libo na naman ang nagasto para bilhin ito. Medyo mura na nga raw ito sabi ni Adah dahil siya ang bibili. Kung sa iba ibebenta ang damit ay tiyak na lalagpas ito sa dalawangdaang libong piso.Ang kaniyang kapares sa party ay nakasuot ng dirty white na long sleeve at itim na slacks. Parehong simple lamang ang mga damit nila subalit ang mga mata ng mga naroon ay nakatitig sa kanilang dalawa.“Sir, wala po ba akong dumi sa mukha?” tanong niya sa kaniyang Amo sa pabulong na paraan. “Kanina pa sila nakatitig, e. Kinakab
Chapter 58:“Palagi kang abala nitong mga nakaraang mga araw, Sir Ryllander. Ano ho ba ang ginagawa mo?”Hindi siya iniwan ng kaniyang Amo. Hanggang ngayon na halos mag-alas diyes na ay kasama pa rin niya ito sa hardin. Nagpahatid pa ng dalawang tasa ng kape ang Amo niya rito para sa kanilang dalawa. Si Lordes ang naghatid kaya ay hindi siya nakaligtas sa mapang-asar na titig ng Ginang. Para itong nanood ng sine kung kiligin sa kanila ni Ryllander.“May kailangan lang akong hulihin, Miss Maid.”“Ano po?”“There’s a beast in the city and I want to catch him with my own hands.”Noong una ay ang sabi ni Ryllander sa kaniya ay abala ito sa opisina dahil sa bagong putahe na ilalabas ng restaurant na pagmamay-ari nito. Pero ngayon ay dinaan siya ng Amo niya sa isang malalim at matalinghagang mga salita.“Hindi ko po kayo gets, Sir.”“Hindi mo naman kailangan na ma-gets ang sinabi ko. Ang kailangan mo lang gawin ay alisin na ang pag-aalala mo para sa akin.”“Parang malabo iyon, Sir Ryllander
Chapter 57:“Celine, hinayaan kita na siraan ako sa management noon. Pero hindi kita hahayaan na guluhin pa ako,” wika ni Adah. “Pero kung magpupumilit ka na sumuksok sa lugar ko ay pagbibigyan kita sa gusto mo. I might be soft, Celine. But my bullets are strong and would probably could kill demons like you.”“Akala mo naman ay matatakot mo ako, Adah Laos!”“Umalis ka na lang, Celine. Ang problema kasi sa iyo ay kahit na saan ka na lang sumusulpot. Kahit hindi mo lugar ay nagpapakita ka ng pagiging hayok mo sa atensiyon. Matuto kang lumugar,” wika ni Lila. “Gusto kong ipaalala sa iyo na wala ka sa kadiliman kung saan ikaw ang reyna-reynahan.“May araw ka rin sa akin, Adah! Lalo ka na, Lila!” saad nito bago na lumabas.Hahatakin sana ni Adah si Celine pero ay hinila niya si Adah.“Hayaan mo na siya,” aniya.“Kahit kailan ay napakasama ng budhi niya. She’s mothering all the insecurities she had inside of her,” bulyaw pa ni Adah.Huminga ito nang malalim at agad na tumingin sa kaniya.“O
Chapter 56:Napako sa bouquet ng bulalak ang titig ni Lila. Hindi niya maiwasan ang ngumiti dahil sa bagay na ito. Tanang buhay niya ay hindi pa siya nakatanggap ng bulaklak na mula sa isang lalaki. Nililigawan siya ng mga lalaki sa kanilang probinsiya subalit ang dala lamang nila ay kanilang mga sarili. Kung minsan ay pinapasabi lamang ng mga iyon sa iba na gusto nila si Lila.Ngayon ay may nagbigay sa kaniya ng bulaklak. Pero hindi naman siya nililigawan ng lalaking nagbigay nito. Kung tawagin ni Ryllander ang bouquet na iyon ay peace offering lamang. Pangarap niya ang makatanggap ng bulaklak mula sa lalaking mahal niya. Subalit mas higit sana siyang matutuwa kung mahal din siya ng taong nag-alay ng bulaklak sa kaniya.Tumunog ang kaniyang cellphone. Sinagot niya ito dahil nais niyang malaman kung sino ang tumatawag. Wala kasing pangalan ang tumawag na numero sa kaniya.“Hello,” aniya.“Yes. Hello, Darling,” bati ng pamilyar na boses sa kaniya. “I am glad that you answered the call.