Mabilis lumipas ang mga buwan, at sa wakas, tuluyan nang nakarekober si Azriel. Hindi man naging madali ang proseso, sa bawat araw na nagdaan, hindi siya iniwan ni Zarraeah—palaging nandiyan, alalay sa kanya, at sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, mas lalo siyang nahulog dito.Nasa garden ng mansion sila, tahimik na pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Sa tabi niya, si Zarraeah, hawak ang isang tasa ng tsaa habang nakatingin sa malayo."Parang kailan lang, hindi mo pa ako maalala," basag ni Azriel sa katahimikan.Napatingin si Zarraeah sa kanya, may bahagyang ngiti sa labi. "At parang kailan lang, muntik mo na akong iwan."Napangiti si Azriel, pero ramdam ang bigat sa puso niya. "Hindi ko kaya."Hindi agad sumagot si Zarraeah. Sinalo lang niya ang tingin nito, parang may gustong sabihin pero hindi maituloy."Ano 'yun?" tanong ni Azriel, bahagyang lumapit dito.Umiling si Zarraeah. "Wala lang... weird lang. I feel... different. Hindi ko ma-explain, pero mas magaan, mas... ako na tala
Terakhir Diperbarui : 2025-02-24 Baca selengkapnya