Special Chapter 9 Hanggang bigla niyang ginulo ang buhok ko na parang bata. "Hoy! Ano ba ‘yan, Tristan!" reklamo ko, sabay hampas sa braso niya. "Ang cute mo kasi kapag naiinis," natatawa niyang sagot. "Akala mo naman ang gwapo mo," irap ko, pero halata namang nagpapatawa lang ako. "Correction," sabi niya, sabay ngiti na parang pang-commercial ng toothpaste. "Hindi lang ako gwapo, Greek god levels ako, remember?" Napailing ako. "Wow, self-proclaimed Greek god pala ‘to." "Syempre! Kulang na lang laurel wreath sa ulo at toga," biro niya, sabay pose na parang si Zeus na may imaginary lightning bolt. "Pwede ka ring si Hades," kontra ko. "Para sa mga moments na sobrang kulit mo." "Grabe ka!" Nagsimula siyang magkunwaring dramatic. "Nasaktan ako doon, Rachel." "Teka, may nakalimutan ka pang role," dagdag ko, sabay tingin sa kanya nang pilya. "Pwede ka ring si Narcissus!" "Uy, uy! Bakit naman?" tanong niya, kahit halatang alam na niya ang sagot. "Kasi sobrang bilib mo sa sarili m
Last Updated : 2025-03-25 Read more