Special Chapter 18 Pagpasok namin sa maliit na opisina ng judge, naroon na ang ilang staff at isang legal assistant na mag-aasikaso ng mga dokumento. Tahimik akong naupo sa tabi ni Tristan, ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. "Good afternoon," bati ng judge, isang matandang lalaki na may maamong mukha. "Handa na ba kayong magsimula?" "Yes, Your Honor," sagot ni Tristan, hawak pa rin ang kamay ko. "Miss Rachel, are you sure about this?" tanong ng judge, tila sinisigurong buo ang loob ko. "Yes, Your Honor," mahina pero buo ang boses ko. Sinimulan na ng judge ang seremonya. Bawat salita niya ay parang unti-unting nagpapalalim sa bigat ng sitwasyon. Lahat ay parang isang panaginip — isang mabilis na desisyong ngayon ay nagiging totoo. "And now, do you, Tristan Dela Vega, take Rachel as your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, until death do you part?"
Huling Na-update : 2025-03-28 Magbasa pa