Home / Romance / ANG PIYAYA NI PIPAY / Chapter 101 - Chapter 110

All Chapters of ANG PIYAYA NI PIPAY: Chapter 101 - Chapter 110

121 Chapters

🥹Wawa ka naman, Ethan 🥹 Chapter 101

Chapter 101 Napalunok ako. Alam ko naman iyon, pero bakit parang may hindi siya sinasabi? "Ano pa?" tanong ko, hindi nagpatinag. Tumawa siya nang mahina, tila naaaliw sa pagiging prangka ko. "Ang buhay ni Piazza Fontana Vega ay isang sikreto na hindi basta-basta isisiwalat." "Anong ibig mong sabihin?" mas lalong kumunot ang noo ko. "Kung gusto mong malaman ang buong katotohanan," tumagilid siya ng upo at pinagkrus ang mga daliri, "kailangan mong maghintay. Hindi lahat ng sagot ay makukuha mo sa isang gabi, Ethan Monteverde." Nagpanting ang tenga ko. Masyado siyang maraming paligoy-ligoy. "Ano ang itinatago mo sa akin, Donya Grace?" madiin kong tanong. Ngumiti lang siya. "Hindi ako ang nagtatago, Ethan. Baka si Pipay mismo ang ayaw niyang malaman mo ang katotohanan." Madiin kong pinagmasdan si Donya Grace. May kung anong kirot sa dibdib ko sa sinabi niya. "At bakit naman niya gugustuhing itago sa akin ang totoo?" tanong ko, pilit na pinapanatili ang kontrol sa aking boses. N
last updateLast Updated : 2025-02-06
Read more

😭Kawawa ia naman, Ethan 😭 Chapter 102

Chapter 102 Habang binabaybay ko ang daan pauwi, hindi ko na kayang pigilin ang sakit na nararamdaman ko. Parang ang bigat ng puso ko, parang may mga pirasong nawawala at hindi ko alam kung paano muling buuin. Lahat ng mga alaala ko kay Pipay, mga pagkakamali ko, mga pagkakataong nagkulang ako sa kanya, nagbalik sa isip ko. "Kung mahal ko siya, bakit ko siya pinabayaan?" bulong ko sa aking sarili habang binabaybay ang madilim na kalsada. Hindi ko kayang isama sa aking puso ang katotohanang si Pipay ay dumaan sa isang mahirap na laban, naglakbay nang mag-isa, at ako ang naging dahilan kung bakit siya nawalan ng lakas. Sana, sana ay may pagkakataon pa akong itama ang lahat. Pero parang ang hirap. Parang ang sakit tanggapin na baka hindi ko na siya kayang maabot. "Sa huli, ako pa rin ang may kasalanan," tanging nasabi ko na lang habang pinipigilang hindi mapaiyak. Habang papalapit ako sa aking bahay, parang ang bigat ng bawat hakbang. Lahat ng nangyari sa amin ni Pipay, ang mga
last updateLast Updated : 2025-02-07
Read more

🥴 Grabe ka, Pipay 🥴 Chapter 103

Chapter 103Pipay POVAng puso ko ay naglalagos ng galit habang naiisip ko ang posibilidad na pumunta si Ethan sa mansion. Hindi ko alam kung anong rason, pero ang takot na baka malaman niya ang tungkol kay Jhovel ay nagbigay sa akin ng kaba. Hindi ko kayang makita ang galit sa mga mata ni Ethan, at mas lalong hindi ko kayang makita ang reaksyon nito kapag malaman niyang may anak kami."Ano ba ang nangyari, Mama?!" galit kong tanong habang naglalakad ako sa loob ng mansion. "Bakit pumunta siya dito? Ano ang sinabi mo?"Hindi ko na kayang itago pa ang galit ko, at sinabayan ko pa ng lakas ng boses ko. Natatakot ako na masira ang lahat ng pinaghirapan ko, pati na ang katahimikan na itinago ko sa likod ng mga taon ng distansya at lihim."So, what?" Ang mga salitang binitiwan ng Mama ko ay tila mga palasong tumama sa akin. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang reaksyon niya, at lalo na ang bigat ng nararamdaman ko sa puso ko."Hindi mo ba naiintindihan, Mama?!" galit kong sabi. "Bak
last updateLast Updated : 2025-02-07
Read more

🥴 Pipay, masyado kang seryoso 🥴 Chapter 104

Chapter 104 Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, alam ko sa sarili ko na may malaking parte ng puso ko ang patuloy na nasasaktan dahil sa mga desisyon kong iniwasan ko siya, si Ethan. Minsan naiisip ko, kung sana naisip ko ito dati pa, baka ibang kwento na sana ang buhay namin ngayon. "Huwag mong sisigawan si lola, Mommy," dagdag pa ng anak ko, na nagpatuloy sa pag-pupumilit magpatahimik sa akin. "Sorry, anak. Hindi ko na uulitin." sabi ko, sabay haplos sa kanyang ulo. Kung may isang bagay na mahalaga sa akin, iyon ay ang kanyang kaligayahan at hindi niya dapat makita ang mga hindi pagkakasunduan namin ng lola. "Promise?" tugon sa aking anak. "Promise," sagot ko habang nakatingin sa inosenteng mga mata ng aking anak. Hinawakan ko ang kanyang maliit na kamay at marahang pinisil ito. "Okay, Mommy! No more fighting with Lola, okay?" sabi niya, sabay ngumiti. "Yes, baby. No more fighting," sagot ko, kahit alam kong mahirap pigilan ang galit na namumuo sa puso ko. "Good!" Mabilis
last updateLast Updated : 2025-02-08
Read more

🤧 Wag naman ganyan, Pipay 🤧 Chapter 105

Chapter 105 Kinabukasan Maagang nagising si Pipay. Kahit pagod sa trabaho kahapon, hindi niya magawang bumawi ng tulog. Alam niyang darating si Margaret ngayon para makita si Jhovel, at hindi niya alam kung paano niya haharapin ito. Bumangon siya mula sa kama at nilapitan ang anak niyang mahimbing pang natutulog. Marahan niyang hinaplos ang buhok nito at saka marahang hinalikan sa noo. "Anak, gigising ka na. May bisita tayo mamaya," mahina niyang sabi. Dahan-dahan namang iminulat ni Jhovel ang kanyang mga mata at nag-inat. "Good morning, Mommy," bati nito habang hinahaplos ang kanyang mga mata. "Good morning, baby. Halika, maghanda na tayo," aniya sabay buhat sa anak. Mabilis na lumipas ang oras, at habang nasa sala si Pipay, abala sa paghigop ng kape, isang itim na sasakyan ang huminto sa harap ng kanilang mansyon. Napatigil siya sa paghigop at inilapag ang tasa. Hanggang dumating si Margaret. "Magandang umaga, Pipay!" bati niya sa akin. Kahit galit ako sa kanyang anak ay ma
last updateLast Updated : 2025-02-08
Read more

🥴 Invitation card🤧 Chapter 106

Chapter 106Pagkawala nila sa aking paningin ay agad akong nagtungo sa aking silid upang mag-bihis para pumasok sa opisina.Pagkatapos kong magbihis ng isang formal na kasuotan, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Malamig ang ekspresyon ko, ngunit sa loob-loob ko, magulo ang aking isipan.Huminga ako ng malalim bago lumabas ng silid at tinungo ang garahe kung saan naghihintay ang aking driver.“Sa kumpanya po tayo, Ma’am?” tanong nito nang makapasok ako sa sasakyan.“Oo, doon tayo dumiretso,” malamig kong tugon saka isinara ang aking mga mata, pilit nilalabanan ang bumabagabag sa akin.Habang nasa biyahe, hindi ko mapigilang isipin kung tama ba ang desisyon kong hayaang makasama ni Margaret si Jhovel. Alam kong hindi siya ang problema… kundi ang posibilidad na malaman ni Ethan ang katotohanan.Napailing ako. Hindi. Hindi ko hahayaang mangyari iyon.Hanggang nagsalita muli ang driver na kinabalik sa aking isipang lumilipad."Ma'am, andito na po tayo," saad nito."Ha? A-ah, salamat m
last updateLast Updated : 2025-02-08
Read more

🥰 Unexpected Visitor 🥰 Chapter 107

Chapter 107"Wala nga ba, Pipay?" biglang tanong sa aking isipan.Napapikit ako nang mariin at pinigilan ang sariling mapahinga nang malalim. Tama na, Pipay. Wala ka nang karapatan pang magtanong o magduda.Ngunit bakit ganito? Bakit may kirot pa rin sa puso ko?Napahawak ako sa aking sentido, pilit pinapakalma ang sarili. Ayokong bumalik sa sakit ng nakaraan, ayokong maalala kung paano niya ako itinakwil noon, kung paano niya ako iniwan nang hindi man lang lumilingon.Pero ngayon, narito siya, muling humaharap sa akin na tila may pagsisisi sa mga mata.Hindi na mahalaga 'yon.Pinilit kong ituon ang sarili sa trabaho, pero kahit anong gawin ko, hindi ko mapigilan ang isang bahagi ng puso kong humina… at bumulong:"Paano kung hindi pa talaga tapos ang kwento natin?"Habang nasa kalagitnaan ako sa pag-iisip ng biglang kumatok ang secretary ko. "Ms. Vega, may gusto maki-usap sayo!" sabi niya sa akin."Who?" takang tanong ko."Ms. Cie Jill Ventura," tugon nito kaya napa-angat ang aking ul
last updateLast Updated : 2025-02-09
Read more

😱 Ipinakilala na ni Pipay ang kanyang anak 😱 Chapter 108

Chapter 108 "Alam mo, Pipay, bakit hindi mo na lang ipakilala sa publiko ang anak mo. Hindi yung itinatago mo sa lahat na parang isang pagkakamaling nagkaroon ka ng isang anak," seryosong sabi ni Rafael sa akin. Napaisip ako sa kanyang sinabi hanggang nabuo ang isang disisyon sa aking isipan ang ipakilala ang anak ko sa buong mundo. "Sige, bukas. Ipakilala ko si Jhovel sa buong mundo. Hindi ako dadalo sa kasal ni Ethan," tugon ko dito. Ngumiti si Rafael at tinapik ang kamay ko. “Yan ang tamang desisyon, Pipay. Ang anak mo ay isang biyaya, hindi isang bagay na kailangang itago.” Napabuntong-hininga ako ngunit sa loob-loob ko, parang may bumagsak na pabigat mula sa dibdib ko. Tama si Rafael. Panahon na para hindi ko na itago si Jhovel. Habang kumakain kami, hindi ko maiwasang isipin kung ano ang magiging reaksyon ng lahat—lalo na ni Ethan—kapag nalaman nilang may anak kami. Pero hindi na ako natatakot. Hindi na ako magtatago. “Bukas, aayusin ko ang lahat. Magpapatawag ako ng pres
last updateLast Updated : 2025-02-09
Read more

😍 Jhovel Fontana Vega -Monteverde 😍 Chapter 109

Chapter 109 Hanggang tuluyan akong nakatulog. Kinabukasan, isang bagong araw ang sumalubong sa akin. Pagdilat ng aking mga mata, agad kong naalala ang desisyong ginawa ko kagabi—ang ipakilala si Jhovel sa buong mundo. Huminga ako ng malalim bago bumangon. "Ito na ang simula ng bagong buhay ko," bulong ko sa sarili habang tumitingin sa aking repleksyon sa salamin. Hindi ko na kailangang lumingon pa sa nakaraan. Ang mahalaga ngayon ay ang anak ko… at ang buhay na dapat naming harapin nang magkasama. Habang nakatitig ako sa aking repleksyon sa salamin, biglang kumatok si Inday. "Ma’am, nakahanda na po ang almusal ninyo. Nasa dining area na rin po si Jhovel." Napangiti ako ng bahagya. "Sige, bababa na ako." Pagdating ko sa hapag-kainan, agad akong sinalubong ng anak ko. "Good morning, Mommy!" Masaya itong yumakap sa akin. Hinaplos ko ang kanyang ulo at marahang hinalikan ang kanyang noo. "Good morning, anak. Handa ka na ba sa araw na ito?" "Yes, Mommy! Pero saan po t
last updateLast Updated : 2025-02-09
Read more

😱 Naku, Ethan 😱 Chapter 110

Chapter 110 Ethan POV Habang nag-uusap kami ni Cie Jill ay inamin ko dito ang totoo kong nararamdaman. Kung paano ako hinindian ni Pipay at hindi pinatawad hanggang ngayon. "Alam mo ba kung gaano ka sakit yun. Oo inaamin ko na nasaktan ko siya noon kaya humingi ako ng tawad pero ayaw niya ako patawarin," sambit ko dito. "Alam ko na unfair sayo, Cie Jill, pero gusto ko lang sabihin sayo bago tayo ikasal mamaya!" dagdag kong sabi. Bumuntong-hininga muna ito bago nag Salita. "Kapag ayaw sayo ang isang tao. 'Eh, di! I let go mo na. Hindi siya kawalan sayo, siya ang nawalan. Hindi ikaw!" tugon ni Cie Jill sa akin. Napabuntong-hininga ako sa sinabi ni Cie Jill. Alam kong may punto siya, pero bakit parang hindi ko matanggap? Parang may kung anong pumipigil sa akin na tuluyang bitiwan si Pipay. "Hindi ganun kadali, Jill. Hindi ko siya basta-basta kayang kalimutan." Napailing siya saka hinawakan ang kamay ko. "Ethan, mamayang hapon na ang kasal natin. Gusto kong sigurado ka sa gi
last updateLast Updated : 2025-02-09
Read more
PREV
1
...
8910111213
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status