Chapter 103Pipay POVAng puso ko ay naglalagos ng galit habang naiisip ko ang posibilidad na pumunta si Ethan sa mansion. Hindi ko alam kung anong rason, pero ang takot na baka malaman niya ang tungkol kay Jhovel ay nagbigay sa akin ng kaba. Hindi ko kayang makita ang galit sa mga mata ni Ethan, at mas lalong hindi ko kayang makita ang reaksyon nito kapag malaman niyang may anak kami."Ano ba ang nangyari, Mama?!" galit kong tanong habang naglalakad ako sa loob ng mansion. "Bakit pumunta siya dito? Ano ang sinabi mo?"Hindi ko na kayang itago pa ang galit ko, at sinabayan ko pa ng lakas ng boses ko. Natatakot ako na masira ang lahat ng pinaghirapan ko, pati na ang katahimikan na itinago ko sa likod ng mga taon ng distansya at lihim."So, what?" Ang mga salitang binitiwan ng Mama ko ay tila mga palasong tumama sa akin. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang reaksyon niya, at lalo na ang bigat ng nararamdaman ko sa puso ko."Hindi mo ba naiintindihan, Mama?!" galit kong sabi. "Bak
Chapter 104 Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, alam ko sa sarili ko na may malaking parte ng puso ko ang patuloy na nasasaktan dahil sa mga desisyon kong iniwasan ko siya, si Ethan. Minsan naiisip ko, kung sana naisip ko ito dati pa, baka ibang kwento na sana ang buhay namin ngayon. "Huwag mong sisigawan si lola, Mommy," dagdag pa ng anak ko, na nagpatuloy sa pag-pupumilit magpatahimik sa akin. "Sorry, anak. Hindi ko na uulitin." sabi ko, sabay haplos sa kanyang ulo. Kung may isang bagay na mahalaga sa akin, iyon ay ang kanyang kaligayahan at hindi niya dapat makita ang mga hindi pagkakasunduan namin ng lola. "Promise?" tugon sa aking anak. "Promise," sagot ko habang nakatingin sa inosenteng mga mata ng aking anak. Hinawakan ko ang kanyang maliit na kamay at marahang pinisil ito. "Okay, Mommy! No more fighting with Lola, okay?" sabi niya, sabay ngumiti. "Yes, baby. No more fighting," sagot ko, kahit alam kong mahirap pigilan ang galit na namumuo sa puso ko. "Good!" Mabilis
Chapter 105 Kinabukasan Maagang nagising si Pipay. Kahit pagod sa trabaho kahapon, hindi niya magawang bumawi ng tulog. Alam niyang darating si Margaret ngayon para makita si Jhovel, at hindi niya alam kung paano niya haharapin ito. Bumangon siya mula sa kama at nilapitan ang anak niyang mahimbing pang natutulog. Marahan niyang hinaplos ang buhok nito at saka marahang hinalikan sa noo. "Anak, gigising ka na. May bisita tayo mamaya," mahina niyang sabi. Dahan-dahan namang iminulat ni Jhovel ang kanyang mga mata at nag-inat. "Good morning, Mommy," bati nito habang hinahaplos ang kanyang mga mata. "Good morning, baby. Halika, maghanda na tayo," aniya sabay buhat sa anak. Mabilis na lumipas ang oras, at habang nasa sala si Pipay, abala sa paghigop ng kape, isang itim na sasakyan ang huminto sa harap ng kanilang mansyon. Napatigil siya sa paghigop at inilapag ang tasa. Hanggang dumating si Margaret. "Magandang umaga, Pipay!" bati niya sa akin. Kahit galit ako sa kanyang anak ay ma
Chapter 106Pagkawala nila sa aking paningin ay agad akong nagtungo sa aking silid upang mag-bihis para pumasok sa opisina.Pagkatapos kong magbihis ng isang formal na kasuotan, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Malamig ang ekspresyon ko, ngunit sa loob-loob ko, magulo ang aking isipan.Huminga ako ng malalim bago lumabas ng silid at tinungo ang garahe kung saan naghihintay ang aking driver.“Sa kumpanya po tayo, Ma’am?” tanong nito nang makapasok ako sa sasakyan.“Oo, doon tayo dumiretso,” malamig kong tugon saka isinara ang aking mga mata, pilit nilalabanan ang bumabagabag sa akin.Habang nasa biyahe, hindi ko mapigilang isipin kung tama ba ang desisyon kong hayaang makasama ni Margaret si Jhovel. Alam kong hindi siya ang problema… kundi ang posibilidad na malaman ni Ethan ang katotohanan.Napailing ako. Hindi. Hindi ko hahayaang mangyari iyon.Hanggang nagsalita muli ang driver na kinabalik sa aking isipang lumilipad."Ma'am, andito na po tayo," saad nito."Ha? A-ah, salamat m
Chapter 107"Wala nga ba, Pipay?" biglang tanong sa aking isipan.Napapikit ako nang mariin at pinigilan ang sariling mapahinga nang malalim. Tama na, Pipay. Wala ka nang karapatan pang magtanong o magduda.Ngunit bakit ganito? Bakit may kirot pa rin sa puso ko?Napahawak ako sa aking sentido, pilit pinapakalma ang sarili. Ayokong bumalik sa sakit ng nakaraan, ayokong maalala kung paano niya ako itinakwil noon, kung paano niya ako iniwan nang hindi man lang lumilingon.Pero ngayon, narito siya, muling humaharap sa akin na tila may pagsisisi sa mga mata.Hindi na mahalaga 'yon.Pinilit kong ituon ang sarili sa trabaho, pero kahit anong gawin ko, hindi ko mapigilan ang isang bahagi ng puso kong humina… at bumulong:"Paano kung hindi pa talaga tapos ang kwento natin?"Habang nasa kalagitnaan ako sa pag-iisip ng biglang kumatok ang secretary ko. "Ms. Vega, may gusto maki-usap sayo!" sabi niya sa akin."Who?" takang tanong ko."Ms. Cie Jill Ventura," tugon nito kaya napa-angat ang aking ul
Chapter 108 "Alam mo, Pipay, bakit hindi mo na lang ipakilala sa publiko ang anak mo. Hindi yung itinatago mo sa lahat na parang isang pagkakamaling nagkaroon ka ng isang anak," seryosong sabi ni Rafael sa akin. Napaisip ako sa kanyang sinabi hanggang nabuo ang isang disisyon sa aking isipan ang ipakilala ang anak ko sa buong mundo. "Sige, bukas. Ipakilala ko si Jhovel sa buong mundo. Hindi ako dadalo sa kasal ni Ethan," tugon ko dito. Ngumiti si Rafael at tinapik ang kamay ko. “Yan ang tamang desisyon, Pipay. Ang anak mo ay isang biyaya, hindi isang bagay na kailangang itago.” Napabuntong-hininga ako ngunit sa loob-loob ko, parang may bumagsak na pabigat mula sa dibdib ko. Tama si Rafael. Panahon na para hindi ko na itago si Jhovel. Habang kumakain kami, hindi ko maiwasang isipin kung ano ang magiging reaksyon ng lahat—lalo na ni Ethan—kapag nalaman nilang may anak kami. Pero hindi na ako natatakot. Hindi na ako magtatago. “Bukas, aayusin ko ang lahat. Magpapatawag ako ng pres
Chapter 109 Hanggang tuluyan akong nakatulog. Kinabukasan, isang bagong araw ang sumalubong sa akin. Pagdilat ng aking mga mata, agad kong naalala ang desisyong ginawa ko kagabi—ang ipakilala si Jhovel sa buong mundo. Huminga ako ng malalim bago bumangon. "Ito na ang simula ng bagong buhay ko," bulong ko sa sarili habang tumitingin sa aking repleksyon sa salamin. Hindi ko na kailangang lumingon pa sa nakaraan. Ang mahalaga ngayon ay ang anak ko… at ang buhay na dapat naming harapin nang magkasama. Habang nakatitig ako sa aking repleksyon sa salamin, biglang kumatok si Inday. "Ma’am, nakahanda na po ang almusal ninyo. Nasa dining area na rin po si Jhovel." Napangiti ako ng bahagya. "Sige, bababa na ako." Pagdating ko sa hapag-kainan, agad akong sinalubong ng anak ko. "Good morning, Mommy!" Masaya itong yumakap sa akin. Hinaplos ko ang kanyang ulo at marahang hinalikan ang kanyang noo. "Good morning, anak. Handa ka na ba sa araw na ito?" "Yes, Mommy! Pero saan po t
Chapter 110 Ethan POV Habang nag-uusap kami ni Cie Jill ay inamin ko dito ang totoo kong nararamdaman. Kung paano ako hinindian ni Pipay at hindi pinatawad hanggang ngayon. "Alam mo ba kung gaano ka sakit yun. Oo inaamin ko na nasaktan ko siya noon kaya humingi ako ng tawad pero ayaw niya ako patawarin," sambit ko dito. "Alam ko na unfair sayo, Cie Jill, pero gusto ko lang sabihin sayo bago tayo ikasal mamaya!" dagdag kong sabi. Bumuntong-hininga muna ito bago nag Salita. "Kapag ayaw sayo ang isang tao. 'Eh, di! I let go mo na. Hindi siya kawalan sayo, siya ang nawalan. Hindi ikaw!" tugon ni Cie Jill sa akin. Napabuntong-hininga ako sa sinabi ni Cie Jill. Alam kong may punto siya, pero bakit parang hindi ko matanggap? Parang may kung anong pumipigil sa akin na tuluyang bitiwan si Pipay. "Hindi ganun kadali, Jill. Hindi ko siya basta-basta kayang kalimutan." Napailing siya saka hinawakan ang kamay ko. "Ethan, mamayang hapon na ang kasal natin. Gusto kong sigurado ka sa gi
Dear Readers, Maraming salamat sa pagsama sa amin sa kwento nina Tristan at Rachel. Mula sa mga hindi inaasahang pagkikita hanggang sa pag-usbong ng tunay na pagmamahalan, naging saksi kayo sa kanilang paglalakbay — isang kwentong nagsimula sa kasunduan ngunit nauwi sa wagas na pag-ibig. Sa bawat pagtawa, pagluha, at pagsubok na kanilang hinarap, ipinakita nina Tristan at Rachel na ang pagmamahal ay hindi kailanman perpekto. Ngunit sa pagtanggap, pag-unawa, at pagpapatawad, ito ay nagiging mas matibay at totoo. Sana ay nadama ninyo ang bawat emosyon at aral na nais naming iparating sa kwentong ito. At tulad ng natutunan nina Tristan at Rachel, nawa’y hanapin at pahalagahan ninyo rin ang pagmamahal na tunay at wagas. Maraming salamat sa inyong suporta, hanggang sa muli nating pagkikita sa susunod na kwento! With love and gratitude, Inday Stories
Special Chapter 27 Bigla na lang sumigaw si Jhovel, ang anim na taong gulang na anak nina Pipay at Ethan, na may labis na tuwa. "Yehey! We have cousin soon!" malakas niyang sabi, sabay talon-talon pa. Natahimik ang lahat ng saglit, pagkatapos ay halos sabay-sabay na nagtawanan. "Aba, Jhovel!" sabi ni Pipay, hinila siya papalapit. "Saan mo naman nakuha ‘yang idea na ‘yan?" "Eh kasi po," aniya, nakangiti at inosente. "Sabi ni Daddy, kapag ikinasal na si Tito Tristan at Tita Rachel, magkakaroon na ako ng kalaro! Sabi niya rin, maganda daw ‘yun para may kakampi ako pag kalaban si Mommy sa board games!" Halos mapahagalpak ako sa tawa, at pati si Rachel ay napapailing habang natatawa. "Ethan!" singhal ni Pipay, bagamat natatawa rin. "Ikaw pala may pakana nito!" "Wala akong kasalanan!" depensa ni Ethan, nagtataas ng kamay. "Totoo naman ah! Mas masaya kung may cousin si Jhovel!" "Hala, mukhang may pressure na tayo agad, Tristan," bulong ni Rachel sa akin, nakangiti ngunit ma
Special Chapter 26Pagkatapos magsalita ni Rachel, muling nagsalita ang pari."Sa harap ng Diyos at ng mga mahal ninyong kaibigan at pamilya, narinig natin ang inyong mga sumpa ng pagmamahalan at katapatan sa isa’t isa. Ngayon, sa pamamagitan ng kapangyarihang ipinagkaloob sa akin, idinedeklara ko kayo bilang mag-asawa."Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko inakala na ganito pala ang pakiramdam ng ganap na maging isang asawa."Tristan, maaari mo nang halikan ang iyong asawa," dagdag ng pari na may malumanay na ngiti.Dahan-dahan akong lumapit kay Rachel. Kitang-kita ko ang tuwa at pag-ibig sa kanyang mga mata. Para bang sa mga sandaling ito, kami lang ang nasa mundo. Inabot ko ang kanyang mukha, hinaplos ang pisngi niya, at marahan siyang hinalikan.Narinig ko ang palakpakan at masasayang hiyawan ng mga bisita, ngunit para sa akin, tanging si Rachel lamang ang mahalaga."Congrats, Tristan!" sigaw ni Pipay habang tumatalon sa tuwa. "Officially Mrs. Rachel Dela Vega ka na!"
Special Chapter 25Kanina pa ako hindi mapakali. Narito na ako sa harap ng altar, suot ang itim na tuxedo, pero parang mas nahihirapan pa akong huminga kaysa sa araw ng mga malalaking business deals ko."Relax lang, Tristan!" sabi ni Ethan, asawa ni Pipay, sabay tapik sa balikat ko. "Darating din 'yun.""Alam ko naman 'yun," sagot ko, pilit na ngumiti. "Pero hindi ‘yun ang dahilan ng kaba ko."Napakunot-noo si Ethan. "Eh, ano pa ba? Sigurado ka bang wala ka nang ibang tinatago? Baka may surprise guest ka diyan o may ex na biglang sumulpot—""Hoy!" inis kong putol sa kanya. "Wala akong ganun!"Tumawa lang si Ethan, pero ako? Hindi ko talaga mapigilan ang kaba. Lalo na’t kanina ko pa iniisip ang tatlo kong pinsan — sina Pipay, Rafael, at Lucas — na nasa bridal room kasama si Rachel."Paano kung tinuruan nila ng kung anu-anong kabalastugan ang asawa ko?" bulong ko kay Ethan, tila nanlalambot na ako sa pag-aalala. "Kilala mo naman ‘yung mga ‘yun! Wala akong laban sa trip ng tatlong ‘yun!"
Special Chapter 24Isang buwan ang mabilis na lumipas, at ngayon nga ay narito na ang araw na pinakahihintay namin ni Tristan — ang araw ng aming muling kasal. Hindi na ito isang kasunduan, kundi isang seremonya ng pagmamahalan.Sa mga nakalipas na linggo, mas lalo kong minahal si Tristan. At sa bawat araw na kasama ko siya, napagtanto kong siya ang lalaking gusto kong makasama habambuhay.Naging masaya rin akong makilala ang ilan sa mga pinsan niya — sina Pipay, Rafael, at Lucas. Sadyang nasa dugo ng mga Dela Vega ang pagiging mabait at masayahin. Si Pipay lalo na, palaging may kwentong nakakatawa at laging nagpapagaan ng paligid. Pareho kaming mahilig sa kape at madalas kaming magkwentuhan tungkol sa kung ano-ano lang."Rachel! Siguraduhin mong handa ka na mamaya, ha?" biro ni Pipay habang tinutulungan akong ayusin ang mga bridal essentials."Oo naman!" natatawang tugon ko. "Pero, kinakabahan pa rin ako.""Normal lang 'yan!" sabi ni Lucas, sabay kindat. "Si Tristan nga kanina pa nag
Special Chapter 23Rachel POVPagkatapos ng halik na iyon, ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng aking puso. Hindi ko alam kung paano ko mapapakalma ang sarili ko, pero isa lang ang sigurado — totoo ang lahat ng nangyayari.Nasa mga mata ni Tristan ang sinseridad. Hindi ko inaasahan na aabot kami sa puntong ito, pero narito na kami, at hindi ko na gustong umatras."Rachel," bulong niya habang marahan niyang hinaplos ang pisngi ko. "Simula ngayon, hindi na tayo kailangang magtago. Hindi na natin kailangang magpanggap sa harap ng iba. Totoo na ‘to, ikaw at ako."Napangiti ako, pero ramdam ko pa rin ang kaba. "Paano kung… paano kung magbago ang isip mo, Tristan? Paano kung isang araw magising ka at maisip mong hindi ako sapat?"Hinawakan niya ng mas mahigpit ang mga kamay ko. "Rachel, hindi ako basta-basta nagbabago ng isip. At kung sakali mang may mga pagsubok na dumating, haharapin natin ‘yon. Magkasama."Hindi ko napigilan ang luha na pumatak mula sa mga mata ko. Hindi ito luha ng
Special Chapter 22Tristan's POVPagkatapos ng mahabang araw, narito ako sa veranda ng mansion ng mga Rosales, katabi si Rachel. Isang basong wine ang hawak ko, pero ang mas matindi kong nararamdaman ay ang bigat ng mga salitang binitiwan niya kanina."Kahit na alam nating hindi ito totoo?"Paulit-ulit iyong tumatakbo sa isip ko. Oo, kasal nga kami sa papel, pero hanggang kailan namin itatago ang kasinungalingang ito? Hindi ko maipaliwanag, pero sa tuwing tinitingnan ko si Rachel, may kung anong pumipiga sa dibdib ko. Parang gusto kong patunayan na pwedeng maging totoo ang lahat."Tristan, okay ka lang ba?" tanong niya, halatang napansin ang malalim kong iniisip.Napangiti ako ng bahagya, pilit itinatago ang bumabagabag sa akin. "Oo naman. Medyo naisip ko lang kung paano ko nakuha agad ang loob ng Daddy mo."Natawa siya. "Kailangan ko yatang matuto ng mga business tactics mo.""Pwede kitang turuan," sabi ko, sabay sulyap sa kanya. "Pero sa tingin ko, hindi ka naman mahirap matuto. Mat
Special Chapter 21"Welcome, Rosales Family, Iho!" bungad ni Daddy, sabay abot ng kamay kay Tristan.Nagulat ako sa naging tono ni Daddy — malumanay at tila may sinseridad. Hindi ko inaasahan ang ganitong pagtanggap. Agad namang tinanggap ni Tristan ang kanyang kamay at magalang na ngumiti."Salamat po, Sir," sagot ni Tristan. "Malaking karangalan pong makilala kayo."Nakahinga ako nang maluwag at napangiti. Sa isang iglap, nawala ang kaba ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa maayos na pagtanggap ni Daddy o dahil sa paraan ng pakikipag-usap ni Tristan na laging may respeto."Halika na, iho. Huwag na tayong magpanggap na pormal. Sabihin mo na lang 'Dad'," nakangiting dagdag ni Daddy na ikinagulat ko.Napatingin ako kay Mommy, at nagkibit-balikat lang siya na parang nagsasabing 'I told you so.'"Thank you, Dad," tugon ni Tristan, bakas sa mukha niya ang kasiyahan."Rachel, anak," tawag ni Mommy habang hinawakan ang kamay ko. "Dapat sinabi mo agad sa amin na ganito kaguwapo at maayos ang n
Special Chapter 20 "Mom, huwag naman po ganyan," mahina kong sabi habang pinipigilan ang pag-ikot ng mga mata ko. "Kahapon lang halos maputol ang mga linya ng telepono ko kakatawag niyo para sermonan ako. Ngayon naman, bigla na lang kayo masaya?" "Aba syempre, anak!" sagot ni Mommy na tila tuwang-tuwa. "Hindi naman kasi namin inakala na isang Dela Vega pala ang napangasawa mo. Kilalang-kilala ang pamilya nila, Rachel! Napakayaman at makapangyarihan. Naku, siguradong secured na ang future mo!" Napabuntong-hininga ako. "Mom, hindi naman po tungkol sa pera o kapangyarihan ang buhay." "Alam ko, anak. Pero hindi mo rin maikakaila na malaking bagay 'yan. Isa pa, hindi na namin kailangang mag-alala kung magiging maayos ba ang buhay mo." "Mom, mahalaga po ba talaga kung gaano kayaman si Tristan? Hindi po ba mas mahalaga kung masaya ako?" Natigilan si Mommy. Narinig ko ang isang malalim na hininga mula sa kabilang linya bago siya muling nagsalita. "Anak, syempre gusto ko naman talaga an