Home / Romance / The Missing Piece / Kabanata 61 - Kabanata 70

Lahat ng Kabanata ng The Missing Piece: Kabanata 61 - Kabanata 70

98 Kabanata

Chapter Sixty-one

EKSAKTONG alas otso nang magsilabasan ang mga studyante. Napakarami ng mga ito na halos magsiksikan na palabas ng gate kaya alam niyang hindi niya basta-basta makikita ang dalaga.Pinagmasdan na lang niya ang mga nagsisilabasang mga studyante mula sa loob ng sasakyan para hintaying makita ang dalaga.Nang sa wakas ay kaunti na lang ang lumalabas na studyante, ay doon niya pa lang nakita ang dalaga. Pero nanumbalik ang galit niyang nararamdaman katulad kanina nang makita niyang kasama pa rin nito ang kausap nitong lalaki kanina.Madadaanan ng mga ito ang tapat ng kotse niya kaya bago pa man tumapat ang mga ito ay bumaba na siya. Nagulat pa ang dalaga nang makita siya nito.“Jacob? Anong ginagawa mo rito? Kailan ka pa dumating? Nasaan si kuya Troy?” sunud-sunod na tanong nito.Mas lalong nadagdagan ang galit niya dahil siya na nga ang kaharap, ibang tao pa ang hinahanap.“Huwag mo na siyang hanapin dahil hindi siya darating. Ako na ang maghahatid sa ‘yo ngayon,” seryosong sambit niya.B
last updateHuling Na-update : 2025-01-13
Magbasa pa

Chapter Sixty-two

Tumingin sa kanya ang dalaga ng tuwid at walang reaksyon, pagkatapos ay nagsalita.“Bakit, anong gagawin mo? Ano, ako mag-a-adjust? Kahit magkaklase kami dapat hindi nagkikita at nag-uusap?” pagkatapos ay tumawa ito ng pagak. “Paano kung may group activity kami at nagkataon na nasa iisang grupo kami? Parang hindi mo naman pinagdaanan ang maging studyante ha, para hindi maintindihan ang paliwanag ko.”“So, wala na pala akong karapatan na pagsabihan ka o pakialaman ang mga nakikita ko sa ‘yo, gano’n ba ang punto mo?” painsultong tugon niya rito.“Bakit, may sinabi ba ‘ko?” umismid ito. “Alam mo sa ating dalawa, kung mayroon mang dapat na magalit, ako ‘yon at hindi ikaw. Halos sampung araw kang nawala at wala ka man lang text message na pinadala o tumawag man lang para kumustahin ako o magsabi ka man lang kung ano na ang ginagawa mo sa buhay o kung nasaan ka mang lupalop. Pagkatapos, ngayon ka na nga lang nagpakita sa ‘kin ay ganito pa ang treatment na matatanggap ko sa ‘yo!” may himig h
last updateHuling Na-update : 2025-01-14
Magbasa pa

Chapter Sixty-three

HINUBAD niya ang suot na jacket at inihagis dito.“Wear this!”Mabilis naman nitong dinampot iyon at agad na isnuot. Wala pa rin itong tigil sa kaiiyak.“Shit! Shit! Damn it!” pagmumura niya habang hinahampas ang manibela ng sasakyan.Pinagmasdan niya ang dalaga sa gilid ng kanyang mga mata. Sabog ang buhok nito at may pulang likidong tumutulo sa gilid ng mga labi nito.Nakaramdam tuloy siya ng konsensya. Dahil sa selos at galit ay nasaktan niya ito. Marahil ay tama nga ito, kung ano iyong nakikita niya ay gano’n rin niya isipin.Hindi man lang siya nakinig sa mga paliwanag nito at ipinagdidiinan pang nagtataksil ito sa kanya. Muli ay tama ito, wala siyang nakita at wala siyang ebidensya.Samantalang kung tutuusin, siya ang totoong may kasalanan at nagtataksil dito dahil wala itong kalam-alam sa sinasabi niyang importanteng pinuntahan niya.Iyon ang hindi niya kayang sabihin dito dahil hindi niya makakayang iwanan siya nito. Kilala niya ito, kapag nalaman nitong may girlfriend siya sa
last updateHuling Na-update : 2025-01-14
Magbasa pa

Chapter Sixty-four

ALAS kwatro ng madaling araw ay ginising si Michaela nang pagkalam ng kanyang sikmura. Bumangon muna siya at pumasok sa banyo para na rin tingnan ang itsura niya sa salamin.Tiningnan niya ang kabuuan niya sa harap ng salamin. Nagulat siya sa nakitang hitsura niya. Namamaga at naniningkit ang kanyang dalawang mata dahil sa labis na pag-iyak kagabi, at puro pasa rin ang kanyang dalawang braso maging kanyang dalawang binti.May sugat din siya sa gilid ng labi, at namamaga ang pang-ibabang bahagi niyon. May kaunting pasa rin ang kanyang magkabilaang pisngi. Sa hitsura niya ‘y para siyang binugbog.Sobrang lakas talaga kagabi ng binata. Sa paraan pa lang nang paghawak nito sa kanya ay diin na diin at dinaganan pa siya nito kaya siya nagkanda pasa-pasa.Paano niya ngayon ito itatago? Ano na lang ang sasabihin ng mga taong makakakita sa kanya? Namomroblema tuloy siya ngayon.Hindi pa naman siya sanay sa make up o maging ang mag-lipstick man lang pero ngayon, mukhang kakailanganin niya ito p
last updateHuling Na-update : 2025-01-14
Magbasa pa

Chapter Sixty-five

NANG mapatingin siya rito ay may nakita siyang awa sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Wala na ang matigas na anyo nito katulad kagabi. Bumalik na ulit ito sa dati.“Ela, we need to talk about what happened last night,” may pagsusumamo sa tinig nito. “Bakit pala hindi mo ‘ko hinintay kanina? Naglakad ka lang ba o sumakay ng tricycle? Pinag-alala mo’ ko, paano na lang kung may nangyaring masama sa ‘yo?”Awtomatikong napataas ang isa niyang kilay sa ipinapakita nitong concern sa kanya. At saka, bakit sa pangalan na naman niya siya nito tinatawag? Wala na ang dating masarap sa kanyang pandinig na pagtawag nito sa kanya ng ‘sweetheart’. At kagabi niya pa iyon napansin.“Then it’s none of your business! Eh di mamatay kung mamatay! Pakialam mob a?!” biglaang sagot niya rito.Parang bigla tuloy nagrebelde ang utak niya nang makita niya ito ngayong umaga, at ang masaklap pa, kinausap pa siya nito. Napapaikot tuloy ang mga mata niya ng wala sa oras.“Ela, please! Pagbigyan mo naman ak
last updateHuling Na-update : 2025-01-14
Magbasa pa

Chapter Sixty-six

TUMIKHIM muna si Michaela bago sumagot sa sinabi ni Ms. Glydel sa apat na kasama.“Ma’am, hindi naman po nila ako inaaway. Wala naman po silang ginagawang masama sa ‘kin,” paliwanag niya.“Eh, ano ‘yong narinig ko kanina na parang nasasaktan ka?” tanong nito at isa-isang tinapunan ng tingin ang apat na babae.Muli silang nagkatinginan. Nakikita niya sa mukha ng apat na parang gusto nang magsabi ng mga ito kay Ms. Glydel tungkol sa mga nakitang pasa at sugat niya pero pinanlakihan niya lang ng mata ang mga ito at sunud-sunod na inilingan, senyales na huwag ituloy ng mga ito ang binabalak na sabihin sa kanilang manager ang nakita.“Pasensiyahan tayo pero, kailangan ninyong---.”Hindi na natapos ni Ms. Glydel ang dapat sanang sasabihin nito dahil tumunog ang cellphone nito mula sa bulsa ng suot nitong slacks pants.Kinuha nito iyon at sinagot. Pagkatapos kausapin ang kung sinumang tumawag ay binalingan siya nito.“Michaela, pinapapunta ka ngayon din ni sir Jacob sa opisina niya.” “At kay
last updateHuling Na-update : 2025-01-15
Magbasa pa

Chapter Sixty-seven

IPINATONG rin nito ang baba sa balikat niya.“Sorry na. Lahat naman ng tao ay nagagalit at nagkakamali. Nakakapagbitiw ng mga masasakit at hindi magagandang salita. Kaya ako humihingi ng sorry kasi nga, alam kong ako ‘yong may mali. Nagkasala ako sa ‘yo,” malambing na sambit nito.Sinubukan niyang tanggalin ang pagkakayakap nito sa kanya ngunit mas hinigpitan pa nito iyon. Wala pa siyang balak na patawarin ito sa ngayon kaya ayaw niya ng ganitong lambing mula rito.Kung mananatili kasi sila sa gano’ng posisyon, ay baka bumigay na naman siya at hindi niya mapanindigan na pahirapan itong manuyo sa kanya.“Jacob, umalis ka diyan sabi!” malakas niyang sambit habang patuloy pa rin na tinatanggal ang pagkakayakap ng mga braso nito sa baywang niya.“Patawarin mo muna ako.”“Patawarin?! Mapang-uyam siyang tumawa. “Luh, asa ka!”“Gagawin ko ang lahat, patawarin mo lang ako,” pakiusap pa nito.Bigla siyang natigil sa ginagawang pilit na pagtanggal sa braso nito nang marinig ang sinabi nito. May
last updateHuling Na-update : 2025-01-16
Magbasa pa

Chapter Sixty-eight

“Paanong nangyaring magkakakilala silang tatlo nina Glydel?” tanong nito out of nowhere.Sa wakas ay nagsalita na rin ito.“Si ma’am Glydel lang ang may karapatang sagutin ka sa tanong mong ‘yan. Kung ako sa ‘yo, kausapin mo na si ma’am Glydel tungkol diyan habang hindi pa huli ang lahat sa ‘min. Dahil nanganganib ang buhay niya kay Geneva at kay Vanessa, pati na rin ako.”Muli na naman itong nagulat sa sumunod na ibinunyag niya.Hindi niya maiwasang madagdagan ang inis na nararamdaman dito dahil napapansin niyang sa dinami-rami ng mga binitiwan niyang salita, ay siya namang kabaliktaran nito.Hindi na nga masagot-sagot nito ang mga katanungan niya ay tanong rin ang isasagot nito. Nauubos na tuloy ang inipon niyang pasensya kanina.Parang ayaw na rin nitong magsalita kaya dederetsahin na niya ito.“Jacob, isang tanong, isang sagot. Ano ang koneksyon mo kay Vanessa? Sino siya sa buhay mo?”“I-I… I can’t answer you now,” kandautal na sagot nito habang nakayuko.Tumawa siya ng mapakla sa
last updateHuling Na-update : 2025-01-16
Magbasa pa

Chapter Sixty-nine

ANG galing din namang umakto ni Vanessa kung sakali. May alam na pala ito sa takbo ng buhay niya at siguradong si Geneva ang ginagamit nitong mata, kaya ngayon ay malinaw na sa kanya ang biglaang pagsulpot nito sa restaurant at maging ang ginawang pang-iinsulto nito kay Michaela.Pero nang magkita sila ni Vanessa ay kunwari pa itong nagulat. Pero dati na rin palang may alam ito sa kasalukuyan niyang buhay.Kaya muli niya itong paiimbestigahan pero this time, ay tungkol na sa masama nitong binabalak at hindi na dahil sa kalagayan nito.Alas sais na pero wala pa rin siyang balak na umuwi. Nang mag-alas singko nga kanina ay inabangan niya talaga ang paglabas ni Michaela sa restaurant para pagmasdan ito.Balak niya rin namang sundin ang kagustuhan ng dalaga na huwag na niya muna itong kakausapin at ihatid sundo. Para na rin mabigyan ito ng space at katahimikan. Lalo na ‘t kasalukuyan itong nag-aaral. Ayaw niya namang siya ang maging dahilan para hindi ito makapag-focus sa pag-aaral.Pinas
last updateHuling Na-update : 2025-01-16
Magbasa pa

Chapter Seventy

MATAMAN lang din siyang nakikinig sa kwento nito.“Ipinasok nga niya ako sa kanilang kompanya pagka-graduate na pagka-graduate ko at binigyan niya ako ng posisyon bilang office staff, katulad ng ipinangako niya. madalas na bumisita roon si Vanessa. Kaya doon ko rin siya unang nakita at nakilala. Kahit na noong lumalaki na ang tiyan niya, ay madalas pa rin siya roon. Naririnig ko ang bawat pag-uusap nila dahil doon mismo ako nakapwesto sa opisina ni Geneva. Nang minsa ‘y may biglang nag-resign sa kompanya nina Vanessa, ay hiniram niya muna ako kay Geneva para pumalit pansamantala. Hanggang sa tuluyan ng doon ako nagtrabaho at hindi na nakabalik pa kay Geneva.”“And? What happened next?” hindi makapaghintay na tanong niya rito.“Ayon, akala ko, bukal sa loob nila na makatulong sa ‘kin kaya nila ako kinuha bilang empleyado. Iyon pala, isusumbat lang nila sa ‘kin iyon at ang masaklap pa, ginagamit nila ito para i-block mail ako. Ang dami nilang iniutos sa ‘kin dati na labag sa loob ko per
last updateHuling Na-update : 2025-01-16
Magbasa pa
PREV
1
...
5678910
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status