ISANG buwan ang lumipas na parang naging normal na lang kay Michaela ang lahat. Aalis siya ng maaga sa staff house at sasakay ng tricycle papuntang restaurant.Sa hapon naman, pagkatapos ng kanyang duty ay agad-agad na siyang umaalis para naman pumasok, at muli, sumasakay ulit siya ng tricycle.Sa loob ng isang buwan na iyon ay hindi man lang sila nagkausap ni Jacob. Kahit ang mag-text o magtawagan ay hindi na rin.Naisip niyang mas mabuti na rin iyon para mabigyan nila ng sapat na panahon ang kani-kanilang mga sarili para makapag-isip-isp.Pero nagulat siya nang isang araw, ay bigla siya nitong pinadalhan ng mensahe. Nakikiusap ito na kung pwede, ay samahan niya ito sa gaganaping business gathering sa maynila dahil muli raw na naka-leave ang secretary nito.Ayaw man niyang tanggapin ang alok nito ‘y wala siyang magagawa dahil naging parte na rin ng trabaho niya ang samahan ito kapag wala ang secretary nito.Ayaw din sana niyang magkaroon ng absent sa school lalo na ‘t nasa kalagitnaa
NAMAMANGHANG pinagmamasdan ni Michaela ang sariling repleksyon sa harap ng salamin. Hindi niya mapigilang masiyahan sa nakikitang hitsura niya ngayon.Ngayon lang niya napansin sa sarili niya na may tinataglay din pala siyang angking kagandahan.Katatapos lang niyang ayusan kaya heto siya at pinagmamasdan ang sarili sa harap ng salamin.Nakasuot siya ng long black dress na expose ang isa niyang balikat at may slit sa bandang kaliwang binti niya. Bumakat ang natural niyang ka-sexy-han dahil fitted ito, mula sa kanyang may kaliitang baywang hanggang sa may katambukan niyang pang-upo.Pinarisan naman ito ng isang five inches high heeled sandals na kasing kulay din nang dress na suot niya na nagpadagdag sa kanyang katamtamang tangkad.Ang buhok niya ‘y nakaayos ng pa-high messy bun style na naglabas ng magandang hulma nang kanyang mukhang hugis puso. Pinagsuot din siya ng hikaw na halos sumayad na sa kanyang balikat.Light make up lang ang ini-apply sa mukha niya pero red-lipstick naman a
HINDI nagbibiro si Jacob sa mga binitiwan niyang salita kanina sa dalaga noong nasa loob sila nang elevator.He had felt so much desire earlier, especially when they were inside next to each other and it was just the two of them.Sobrang pagpipigil ang ginawa niya sa sarili huwag lang itong tuluyang maangkin kanina. Halos mawala rin sa isip niya ang business gathering na pupuntahan dahil ang tanging nais niya kanina ay maangkin ito.Kundi dahil sa pagtulak nito sa kanya ay baka tuluyan na siyang nakalimot. Kung hindi pa bumukas ang elevator ay hindi pa sila titigil sa pagsasagutan.Mabuti na lang at nagawa pa nitong umangkla sa braso niya nang alukin niya ito. Ngumingiti naman ito sa bawat nakakasalubong nila na parang walang bangayang nangyayari sa pagitan nila.Hanggang sa makarating na sila sa venue ng gaganaping business gathering party ng mismong hotel na kinaroroonan nila.Mayroon kasi itong in-house restaurant na pwedeng pagdausan ng party na kakasya ang isang libong katao. Nas
“Steph, pwede bang iwanan ko muna sa ‘yo si Michaela? Makikipagkwentuhan lang ako at kumustahan na rin sa mga kakilala ko rito.”“Sure! Sige na, lumayas ka na kung saang lupalop mo man gustong pumunta!” pagtataboy sa kanya ng pinsan.“Sama ng ugali mo. Kaya ka hindi nagkaka-boyfriend,” birong totoo niya.Sa edad kasi nitong twenty-four ay hindi pa ito nagkakaroon ng boyfriend. Siguro dahil mataas ang standard nito pagdating sa mga lalaki dahil mataas din naman talaga ang standard nito kahit babae ito.“Ikaw na bahala sa kanya, baka may ibang umaligid diyan, lagot ka sa ‘kin,” huling sambit niya bago tumalikod.May sinasabi pa ito pero hindi na niya lang pinansin at dire-diretsong umalis para tunguhin ang nagkakatipon-tipon na kapwa businessman.NAHIHIYA man pero walang magawa si Michaela kundi ang sumunod kay Stephany nang yayain siya nitong umupo sa may mesa.Pagkaupo nila ay eksaktong may dumaang waiter na may dalang alak. Pinatigil nito ang nasabing waiter at kumuha ito ng dalawang
NAGKUNWARI siyang hindi niya nakikita ang lalaking patungo sa kanyang direksyon. Ngunit napabaling din ang paningin niya rito nang tuluyan na itong makalapit sa kanya at nagtanong.“Excuse me, Miss? Are you with someone?” nakangiting tanong nito kaya lumabas ang magkabilaang biloy nito sa pisngi.Parang pamilyar ang mukha nito sa kanya pero hindi niya alam kung saan niya nakita. Disturbing naman masyado ang kagwapuhan nito kaya nagkanda-utal siya sa pagsagot dito.“A-Ahm, O-Oo, ma-may ka-kasama a-ako. Na-nag CR lang siya saglit.”“Dapat hindi ka niya iniiwang mag-isa rito lalo na ‘t napakagan---”Hindi na natapos ang sasabihin nito nang may tumawag dito.“Insan! Mabuti at nakarating ka?” si Stephany na palapit na sa direksyon nila.Bumeso rito si Stephany katulad nang ginawa nito kanina kay Jacob.“Oo naman. Hindi ako pwedeng hindi sumipot dito dahil alam mo naman…” sinadya nitong bitinin ang sinasabi.“Eh ano naman kung hindi ka rito sumipot? Bakit, natatakot ka sa kanya?” tanong dit
ILANG sandali pa ‘y si Jericho naman ang nagpaalam.“Bro, alis na muna ‘ko, ha? Puntahan ko lang din ‘yong mga kaklase kong naririto rin,” paalam nito at saka tumingin din sa dalaga. “Maiwan ko na muna kayo, Michaela. At pasensya na rin kanina.”“Wala ‘iyon. Sige, enjoy ka na lang din,” nakangiting tugon naman dito ng dalaga.NANG tuluyan ng makaalis si Jericho ay binalingan siya ng dalaga nang nag-aapoy nitong mga mata.“Saan ka ba kasi galing?! Alam mo namang ikaw lang ang kilala ko rito tapos, bigla-bigla mo ‘kong iiwanan? Paano kung wala si ate Stephany?” galit na sambit nito.“Kaya nga kita iniwan kasi nandiyan siya. Gusto ko lang naman na maka-bonding mo ang baliw na pinsan ko. Para naman may makilala kang bago. Tingnan mo, ‘di ba nagkasundo nama kayo?”“Ah basta, hindi mo pa rin dapat ako iniwa---”Hindi na nito naituloy ang sasabihin. Nakatingin ito sa bandang likuran niya at takot ang nababasa niya sa mukha nito.Agad itong tumayo at tumabi sa kanya na halos magpakandong na.
NARINIG niyang lumabas na ang babae sa kanang bahaging cubicle, pagkatapos ay nagsalita ito.“Vanessa, matagal ka pa riyan?”Tuluyan na siyang nanghina at napaiyak. Tinabunan niya ng kamay ang kanyang bibig para hindi umalpas ang kanyang paghikbi.Kanina pa niya hinihintay na banggitin ng pinaghihinalaan niyang si Geneva ang pangalan ng kausap nito para makumpirma niya ang kanyang hinala.Paano nagawa sa kanya ito ni Jacob? Paano nito nagawang maglihim sa kanya na may kasintahan na pala ito at ang masaklap pa, ay may anak na rin ang mga ito.Kahit saang anggulo tingnan, ay wala siyang laban kay Vanessa dahil ito ang ina nang anak ni Jacob. At ang relasyon nila ng binata ay bagong-bago pa lang.Mas marami na itong pinagsamahan at ng binata kaysa sa kanila ngayon. Kaya alam niyang mas pipiliin ito ni Jacob kaysa sa kanya.“Tumatawag si Venisse. Ano na naman kaya ang kailangan ng batang ito?” sambit ni Vanessa na hanggang ngayon ay nasa loob pa rin ng cubicle.“Hay naku, girl. Lumabas k
MAHIGIT isang oras na ang nakararaan, pero hanggang ngayo ‘y nasa loob pa rin ng restroom si Michaela. Wala na siyang pakialam kung mangalay man sa kahihintay sa kanya ang binata sa labas.Hindi siya pwedeng lumabas ng ganoon ang kanyang hitsura. Mugto ang mga mata niya sa patuloy na pag-iyak, at halos mabura na rin ang kanyang make up sa bawat pagpunas niya ng mga luha.Kaya ang ginawa niya ‘y pasimple siyang lumabas ng restroom at kung may makakasalubong man siya, ay niyuyuko niya ng todo ang kanyang ulo para walang makapansin o makakilala sa kanya.Matagumpay siyang nakasakay ng elevator ng walang nakakapansin sa kanya pabalik sa silid na kinaroroonan niya kanina. Doon na lang siya mamamalagi hanggang sa matapos ang event.Paglabas niya ng elevator ay wala man lang katao-tao siyang nakita kahit saang parte. Sa sobrang tahimik ay dinig na dinig niya ang tunog ng kanyang suot na sandals habang naglalakad.Hindi pa man siya nakakapasok nang silid ng biglang may tumawag sa kanyang pan
“ANG MGA walang hiyang ‘yon! Ang sasama talaga ng mga budhi nila! Ano pa bang ikina-iinggit nila sa kaibigan ko, eh wala namang kayamanan iyon! Hindi na sila nakuntento sa kung anong mayroon sila!” malakas na sambit nito na akala mo ‘y nasa harapan lang nito ang dalawang babaeng kinamumuhian.“Relax ka lang. Dahil nakuha na nila ang kabayaran sa mga ginawa nila,” pagpapakalma niya rito.“Bakit po, ano ang ibig ninyong sabihin?” kunot-noo nitong tanong. Pero mababakas pa rin ang galit sa mukha nito.“Sad to say, naaksidente si Geneva dahil sa pagtatangkang tumakas sa mga pulis na humahabol sa kanya. Kaya ayon, nahulog ang minamaneho niyang sasakyan sa bangin. Pinuntahan ko ang kinaroroonan niyang ospital, pero hindi ako nagpakita sa kanya. Putol ang dalawang paa nito, at bali ang isang braso. May na-dislocate rin na mga buto sa kanyang mukha. Kaya para na siyang mawawala sa katinuan niya dahil hindi niya matanggap ang nangyari sa kanya,” mahabang litanya niya.Napasinghap ito sa gulat
“HINDI ba dapat ako ang nagtatanong sa ‘yo ng ganyan?” tanong niya kay Claire sa mababang tono. Gusto niyang malaman ang dahilan nito kaya ayaw niyang masindak ito sa kanya.Nakita niya ang pagdaan ng takot sa buong sistema nito. Bahagya rin itong nanginig at hindi na mapakali sa pagkakaupo. Hindi siguro nito inaasahan ang itatanong niya, kaya hindi nito iyon napaghandaan. Hindi na muna niya sinegundahan ang tanong, bagkus ay hinintay niya muna itong sumagot.“Si-Sir…paano…pero…” kandautal na sambit nito na hindi matapos-tapos ang nais na isatinig.Tuluyan na niyang inalis ang atensyon sa pagpipirma ng mga papeles para harapin ito.“Bakit wala kang sinabi sa ‘kin? Alam mo kung gaano ako nag-alala sa kanya, nakita mo naman, ‘di ba? Halos hindi na ‘ko makatulog nang maayos at makakain nang maayos sa kaiisip sa kanya kung nasaan ba siya, kung kumakain pa ba siya, kung nasa mabuti ba siyang lugar at kalagayan. Saksi ka, alam ko iyon. Ngayon, gusto kong marinig ang paliwanag mo tungkol doo
GABI. Malungkot na nakatanaw si Michaela sa dagat habang nakatayo sa may terrace. Iniisip niya kung kailan ba babalik si Jacob. Miss na miss na niya ito. Hindi na siya makapaghintay na muli itong makita.Maya-maya ay naramdaman niya ang presensiya ni nanay Minerva. Tumabi ito sa kanya at tumanaw din sa payapang dagat.“Nami-miss mo siya, ‘no? Babalik din iyon, huwag kang mag-alala. Baka marami lang inaasikaso kaya hindi agad nakabalik,” panimula nito sa usapan.“Hindi ko naman po ide-deny na sobra ko na siyang na mi-miss. Tama po kayo. At saka, alam ko naman po na kapag nasa trabaho iyon, talagang doon naka-focus ang kanyang atensyon. Wala akong ibang gustong mangyari sa ngayon, kundi ang umuwi na siya at ng makita at mayakap ko na siya,” sambit niya sa malungkot na tinig.“Mangyayari rin iyan, maghintay ka lang. Malay mo bukas o makalawa ay nandito na siya. ibaling mo muna sa ibang bagay ang atensyon mo para hindi ka mainip sa paghihintay sa kanya.”“Eh paano naman po, saan?”“Naku,
ISANG LINGGO na ang nakalilipas mula nang umalis si Jacob sa isla. Gusto na niyang bumalik para masilayan man lang si Michaela, pero kapag naiisip niyang labis siya nitong kinamumuhian ay bigla siyang umaatras. Natigil siya sa pagmumuni-muni nang tumunog ang kanyang cellphone.Tiningnan niya kung sino ang tumatawag, ang private investigator na inatasan niyang mag-imbestiga sa masasama at tiwaling gawain ni congressman Lagdameo. Desidido na siyang banggain ito at ipakulong.Kinakailangan lang niya ng maraming ebidensiya para mangyari ang kanyang gusto. At ngayon na siguro ang pinakahihintay niyang araw. Pinindot niya ang answer button at sinagot ang nasa kabilang linya.“Hello? Any update?”“Yes, Sir! At siguradong hindi na siya makakalabas pa ng kulungan sa mga ebidensiyang nakalap ko. Kailan niyo ba balak kunin sa ‘kin ang mga ito?” tukoy nito sa mga ebidensiyang hawak.“Ngayon din. Hindi na ‘ko makapaghintay na masampahan siya ng kaso,” nakangising sagot niya sa kausap na para bang
MASAYANG-MASAYA si Vanessa sa balita na sinabi sa kanya ni Ethan. Kahit na alam niyang darating din ang araw na makukulong siya, ay sapat na ang pagpayag ni Jacob sa suhestiyon niya kay Ethan na bigyan siya ng isang buwan para makasama ang anak.Kahit malaki ang pagkakasala niya rito ay nagawa pa rin siyang pagbigyan. Kaya hindi niya sasayangin ang pagkakataon na pwede pa siyang magbago. Handa na siyang harapin ang bagong buhay na naghihintay sa kanya sa kulungan. At hindi niya alam kung makakalabas pa ba siya dahil alam niyang mabigat na kaparusahan ang katumbas nang ginawa niyang kasalanan sa batas.Habang iniisip niya ang mga bagay na iyon ay may ngiti siya sa labi habang nakatanaw sa hardin sa harap ng bahay ni Ethan. Maya-maya ay bigla na lang itong nagsalita sa likuran niya.“Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala! Mukhang malalim ang iniisip mo, ah!” nakangiting bati nito sa kanya sabay upo sa tabi niya.“Sino ba ang hindi lalalim ang isip sa sobrang daming ganap sa buh
HABANG binabaybay ni Jacob ang daan patungo sa kanyang restaurant ay isang hindi kilalang numero ang rumehistro sa kanyang tumutunog na cellphone. Agad niya itong dinampot at sinagot.“Hello? Sino ‘to?”“Hello, Mr. Perkins! Pwede ba tayong magkita ngayon? May importante lang akong sasabihin sa 'yo, at kailangan ay personal. Sana ‘y mapagbigyan mo ako,” boses ni Raymond sa kabilang linya.“Actually, I’m on my way sa restaurant, doon na lang tayo magkita,” sagot niya rito.“Sige Mr. Perkins, thank you!”Agad na niyang ibinaba ang cellphone pagkatapos na putulin nito ang tawag. Nagtataka siya kung ano pa ba ang kailangan nito sa kanya. Hindi na niya ito pinagtuunan pa masyado ng pansin. Malalaman din naman niya ito mamaya.Nagtaka pa siya nang maabutan niyang naroroon na si Raymond. Bumaba ito ng sasakyan nang makitang pumarada na ang kanyang sasakyan.“Naunahan mo pa ‘ko, ha? Sobrang importante ba ng sasabihin mo?”“Yes, Mr. Perkins!”Niyaya niya itong sa opisina na lang niya sila magus
NASA MANSYON ngayon si Jacob at kasalukuyang nasa kanyang silid. Nabalitaan niya ang nangyari kay Geneva. Paunti-unti na itong sinisingil ng karma. Pinuntahan niya ang kinaroroonan nitong ospital hindi para tingnan at kumustahin ang kalagayan nito, kundi para ipaalala rito na naaksidente man ito, ay hindi pa rin ito makakatakas sa batas. Hihintayin niya munang gumaling ito bago niya ipakulong.Ngunit nagulat siya sa nakitang hitsura nito. Nakasilip siya sa salamin ng pintuan sa kinaroroonan nitong silid sa ospital. Putol ang dalawa nitong mga paa habang nakasemento naman ang isang braso. Halos hindi niya ito makilala sa mga tinamong pasa at sugat sa mukha nito.Paano niya pa ito ipakukulong kung mas malala pa sa pagpapakulong ang tinamo nito? Kahit siguro sino ang makakita sa hitsura nito, ay tutubuan ng awa at konsensiya sa puso. Mas lalo pa siyang nagulat sa mga narinig mula rito. Kausap kasi nito ang ina at ama at nagwawala, pilit naman na inaawat ito ng mag-asawa.“Mommy, daddy, h
KINABUKASAN ay maagang nagising si Michaela. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng excitement sa kaisipang balak na niyang kausapin ng maayos si Jacob. At hihingi rin siya ng paumanhin sa mga hindi magandang salitang nabitiwan niya rito.Paglabas niya ng silid ay dumiretso agad siya patungo sa silid ng binata. Kumatok siya sa pintuan nito. Ngunit nagulat siya nang si nanay Minerva ang nagbukas ng pintuan.“Nanay Minerva, kailan po kayo dumating?” tanong niya sa matanda.“Kaninang madaling araw lang, hija. May kailangan ka ba kaya ka naparito sa kwarto ni Jacob?”“Ah, gusto ko po sanang kausapin si Jacob,” nahihiyang pag-amin niya rito.“Naku anak, kanina pa siya umalis pagdating ko rito! Bakit, hindi pa ba kayo nagkakausap simula nang umalis ako?”Yumuko lang siya sa halip na sagutin ang tanong nito.“Halika, pumasok ka muna,” paanyaya nito sa kanya.Pumasok naman siya. Iginala niya ang buong paningin sa kabuuan ng silid, malinis ito at kaunti lamang ang mga naroong gamit. M
SAMANTALANG nagngi- ngitngit naman si Michaela sa galit nang iwanan siyang mag-isa ni Jacob sa terrace. Babawian niya sana ito ngayon sa pamamagitan ng mga salita dahil mukhang may gana siyang kausapin ito nang pasumbat.Pero mukhang siya ang nabawian dahil mukhang hindi ito interesadong kausapin siya. Akala ba niya ay gusto nitong kausapin niya ito? Ano ang nangyari at iniwanan siya?“Bwisit!” sigaw na lang niya habang ipinapadyak ang mga paa sa sobrang inis sa binata.Sobra talagang nag-iinit ang ulo niya ngayon at parang hindi niya kayang lumipas ang gabi ng hindi niya naaaway ang binata. Kaya ang ginawa niya ‘y tinungo niya ang direksyon patungo sa kwarto nito at malalakas na katok ang pinakawalan niya sa pintuan. Hindi naman nagtagal at binuksan naman nito ang pintuan.“Ano? May kailangan ka ba?” malumanay na tanong nito at nakatingin sa kanya ang namumungay nitong mga mata. Siguro dahil nakainom ito.“Oo! Marami! Kailangan kong ilabas lahat ng sama ng loob ko sa ‘yo! Ang kapal m