HINDI nagbibiro si Jacob sa mga binitiwan niyang salita kanina sa dalaga noong nasa loob sila nang elevator.He had felt so much desire earlier, especially when they were inside next to each other and it was just the two of them.Sobrang pagpipigil ang ginawa niya sa sarili huwag lang itong tuluyang maangkin kanina. Halos mawala rin sa isip niya ang business gathering na pupuntahan dahil ang tanging nais niya kanina ay maangkin ito.Kundi dahil sa pagtulak nito sa kanya ay baka tuluyan na siyang nakalimot. Kung hindi pa bumukas ang elevator ay hindi pa sila titigil sa pagsasagutan.Mabuti na lang at nagawa pa nitong umangkla sa braso niya nang alukin niya ito. Ngumingiti naman ito sa bawat nakakasalubong nila na parang walang bangayang nangyayari sa pagitan nila.Hanggang sa makarating na sila sa venue ng gaganaping business gathering party ng mismong hotel na kinaroroonan nila.Mayroon kasi itong in-house restaurant na pwedeng pagdausan ng party na kakasya ang isang libong katao. Nas
“Steph, pwede bang iwanan ko muna sa ‘yo si Michaela? Makikipagkwentuhan lang ako at kumustahan na rin sa mga kakilala ko rito.”“Sure! Sige na, lumayas ka na kung saang lupalop mo man gustong pumunta!” pagtataboy sa kanya ng pinsan.“Sama ng ugali mo. Kaya ka hindi nagkaka-boyfriend,” birong totoo niya.Sa edad kasi nitong twenty-four ay hindi pa ito nagkakaroon ng boyfriend. Siguro dahil mataas ang standard nito pagdating sa mga lalaki dahil mataas din naman talaga ang standard nito kahit babae ito.“Ikaw na bahala sa kanya, baka may ibang umaligid diyan, lagot ka sa ‘kin,” huling sambit niya bago tumalikod.May sinasabi pa ito pero hindi na niya lang pinansin at dire-diretsong umalis para tunguhin ang nagkakatipon-tipon na kapwa businessman.NAHIHIYA man pero walang magawa si Michaela kundi ang sumunod kay Stephany nang yayain siya nitong umupo sa may mesa.Pagkaupo nila ay eksaktong may dumaang waiter na may dalang alak. Pinatigil nito ang nasabing waiter at kumuha ito ng dalawang
NAGKUNWARI siyang hindi niya nakikita ang lalaking patungo sa kanyang direksyon. Ngunit napabaling din ang paningin niya rito nang tuluyan na itong makalapit sa kanya at nagtanong.“Excuse me, Miss? Are you with someone?” nakangiting tanong nito kaya lumabas ang magkabilaang biloy nito sa pisngi.Parang pamilyar ang mukha nito sa kanya pero hindi niya alam kung saan niya nakita. Disturbing naman masyado ang kagwapuhan nito kaya nagkanda-utal siya sa pagsagot dito.“A-Ahm, O-Oo, ma-may ka-kasama a-ako. Na-nag CR lang siya saglit.”“Dapat hindi ka niya iniiwang mag-isa rito lalo na ‘t napakagan---”Hindi na natapos ang sasabihin nito nang may tumawag dito.“Insan! Mabuti at nakarating ka?” si Stephany na palapit na sa direksyon nila.Bumeso rito si Stephany katulad nang ginawa nito kanina kay Jacob.“Oo naman. Hindi ako pwedeng hindi sumipot dito dahil alam mo naman…” sinadya nitong bitinin ang sinasabi.“Eh ano naman kung hindi ka rito sumipot? Bakit, natatakot ka sa kanya?” tanong dit
ILANG sandali pa ‘y si Jericho naman ang nagpaalam.“Bro, alis na muna ‘ko, ha? Puntahan ko lang din ‘yong mga kaklase kong naririto rin,” paalam nito at saka tumingin din sa dalaga. “Maiwan ko na muna kayo, Michaela. At pasensya na rin kanina.”“Wala ‘iyon. Sige, enjoy ka na lang din,” nakangiting tugon naman dito ng dalaga.NANG tuluyan ng makaalis si Jericho ay binalingan siya ng dalaga nang nag-aapoy nitong mga mata.“Saan ka ba kasi galing?! Alam mo namang ikaw lang ang kilala ko rito tapos, bigla-bigla mo ‘kong iiwanan? Paano kung wala si ate Stephany?” galit na sambit nito.“Kaya nga kita iniwan kasi nandiyan siya. Gusto ko lang naman na maka-bonding mo ang baliw na pinsan ko. Para naman may makilala kang bago. Tingnan mo, ‘di ba nagkasundo nama kayo?”“Ah basta, hindi mo pa rin dapat ako iniwa---”Hindi na nito naituloy ang sasabihin. Nakatingin ito sa bandang likuran niya at takot ang nababasa niya sa mukha nito.Agad itong tumayo at tumabi sa kanya na halos magpakandong na.
NARINIG niyang lumabas na ang babae sa kanang bahaging cubicle, pagkatapos ay nagsalita ito.“Vanessa, matagal ka pa riyan?”Tuluyan na siyang nanghina at napaiyak. Tinabunan niya ng kamay ang kanyang bibig para hindi umalpas ang kanyang paghikbi.Kanina pa niya hinihintay na banggitin ng pinaghihinalaan niyang si Geneva ang pangalan ng kausap nito para makumpirma niya ang kanyang hinala.Paano nagawa sa kanya ito ni Jacob? Paano nito nagawang maglihim sa kanya na may kasintahan na pala ito at ang masaklap pa, ay may anak na rin ang mga ito.Kahit saang anggulo tingnan, ay wala siyang laban kay Vanessa dahil ito ang ina nang anak ni Jacob. At ang relasyon nila ng binata ay bagong-bago pa lang.Mas marami na itong pinagsamahan at ng binata kaysa sa kanila ngayon. Kaya alam niyang mas pipiliin ito ni Jacob kaysa sa kanya.“Tumatawag si Venisse. Ano na naman kaya ang kailangan ng batang ito?” sambit ni Vanessa na hanggang ngayon ay nasa loob pa rin ng cubicle.“Hay naku, girl. Lumabas k
MAHIGIT isang oras na ang nakararaan, pero hanggang ngayo ‘y nasa loob pa rin ng restroom si Michaela. Wala na siyang pakialam kung mangalay man sa kahihintay sa kanya ang binata sa labas.Hindi siya pwedeng lumabas ng ganoon ang kanyang hitsura. Mugto ang mga mata niya sa patuloy na pag-iyak, at halos mabura na rin ang kanyang make up sa bawat pagpunas niya ng mga luha.Kaya ang ginawa niya ‘y pasimple siyang lumabas ng restroom at kung may makakasalubong man siya, ay niyuyuko niya ng todo ang kanyang ulo para walang makapansin o makakilala sa kanya.Matagumpay siyang nakasakay ng elevator ng walang nakakapansin sa kanya pabalik sa silid na kinaroroonan niya kanina. Doon na lang siya mamamalagi hanggang sa matapos ang event.Paglabas niya ng elevator ay wala man lang katao-tao siyang nakita kahit saang parte. Sa sobrang tahimik ay dinig na dinig niya ang tunog ng kanyang suot na sandals habang naglalakad.Hindi pa man siya nakakapasok nang silid ng biglang may tumawag sa kanyang pan
DAHIL sa pangungulit nang dalawa ay napilitan na siyang ikwento rito ang dahilan nang kanyang pag-iyak.“Wala akong ideya kung bakit nagpakalasing si Jacob ngayon. Basta ang huling nangyari ay nagpasama ako sa kanya sa restroom at sinabi kong hintayin niya na lang ako sa labas,” panimula niya. “ “Pagpasok ko nang restroom ay may narinig akong nag-uusap na dalawang babae, at base sa boses nang isa na pamilyar sa ‘kin, ay kay Geneva ‘yon.”“So, kilala amo pala si Geneva?” tanong ni Stephany.Samantalang si Jericho ay nakikinig lang.“Oo, palagi iyong nasa restaurant noong ina-allowed pa siya ni Jacob na pumunta roon.”“Bakit? Ngayon ba, hindi na?” tanong muli ni Stephany.“Hindi na, banned na siya roon. Simula noong pinagtangkaan niya akong saktan at pinagsabihan nang mga masasakit na salita.”“Hindi pa rin talaga nagbabago ang babaeng ‘yan! Bakit ba kasi minana niya ang ugali ng bestfriend niyang si Vanessa!” galit na sambit nito.Siya naman ang napatanong dito.“Kilala mo si Vanessa?”
LASING na si Jacob at umiikot na rin ang paningin niya. Kanina nang iniwanan niya ang dalawa, ay labas ng hotel siya pumunta.May nakita siyang mini garden doon at sa gitna ng matataas na halaman, ay mayroong mesa na napapalibutan ng limang upuan.Doon niya napiling tumambay dahil alam niyang hindi siya masusundan doon ng dalawang babae.Tinawagan niya ang pinsang si Jericho para hatiran siya roon ng alak, sinabi pa niya rito na damihan. Sinabi niya ang kinaroroonan niya at nagsabi pang kapag may nagtanong sa pangalan niya o naghanap sa kanya, ay huwag sasabihin kung nasaan siya.Nagulat ito nang makita ang kinaroroonan niya. Pero hindi naman ito nag-usisa pa dahil alam nitong kapag pinili niyang mapag-isa sa gitna ng napakaraming tao, ay alam nitong may pinagdaraanan siya o kaya nama ‘y may malalim na iniisip.Iniwanan din naman siya nito pagkatapos siyang hatidan nang alak. Pero nang maubos niya ang dinala nito, ay hindi niya inaasahan na malalasing siya agad. Pero kahit umiikot na
NAGULAT na lang si Claire nang biglang bumukas ang pintuan ng silid nila ni Michaela. Pumasok pala ito ngunit napansin agad niya na umiiyak ito. Agad itong dumapa sa kama at doon ay malakas na umiyak, ni hindi man lang napansin ang kanyang presenisya.Napailing-iling na lang siya. Nakakatakot pala magbuntis, kung totoo mang buntis nga ito, nakakabago ng ugali. Itinigil niya ang ginagawang pagbabasa ng libro at nilapitan ito, susubukan niya itong kausapin. Kanina ay okay pa naman ang kaibigan niya bago umalis papuntang ospital, masaya pa nga itong nagpaalam sa kanya at ipinaalalang muli na huwag ipagsasabi ang sikreto nila na alam na nito ang tungkol sa sariling pagbubuntis. Tapos ngayon naman ay umuwi naman itong umiiyak.Umupo siya sa gilid nito at nagsimulang magsalita. “Be, kumusta pala ang checkup mo? Ano ba ang resulta?” malumanay na tanong niya rito para hindi na madagdagan pa ang kung anomang ikinasasama ng loob nito.Ibinigay nito sa kanya ang isang maliit na envelop habang na
HABANG nagmamaneho si Jacob ng sasakyan ay hindi man lang siya iniimikan ng dalaga. Nakabusangot ito at nagkakandahaba na rin ang nguso. Hindi naman niya ito direktang tinitingnan kundi sa sulok lang ng kanyang mga mata dahil baka bigla na namang makatikim ng palad ang kanyang pisngi. Hindi tuloy niya malaman kung totoo ngang buntis ito dahil ayaw naman sa kanyang ibigay at ipakita ang resulta ng checkup.Gusto niyang matawa sa nakikitang reaksyon sa mukha nito pero natatakot siyang ngumiti dahil baka masamain na naman nito. Ngunit nagulat siya nang bigla itong magsalita.“Anong tinitingin-tingin mo riyan, ha?! Akala mo ba hindi ko alam na pasimple mo akong tinitingan? At saka, bakit hindi ka ngumiti, ‘yon bang mapupunit na ‘yang bibig mo para naman ma-satisfy ka sa saya?! Huwag mong pigilan, sige lang! gusto mo humalakhak ka na rin, punuin mo ng boses at hininga mo itong sasakyan, ano?!” nanlalaki ang mga matang wika nito sa kanya.Grabe na talaga. Pati iyon ay nakita pa nito? Mala-l
“CONGRATULATIONS, Ms. Gomez! Isang buwan ka nang buntis!” masayang sambit ng babaeng doctor na siyang tumingin sa kanya.Kahit naman na alam na niyang posible ngang buntis siya ay sobra pa rin siyang natuwa. Hanggang ngayon ay tanging sila lang ng kaibigan niyang si Claire ang nakakaalam na alam na niyang posibleng buntis nga siya.Kanina nang sabihin sa kanya ni Jacob na kailangan niyang magpatingin sa doctor, ay tinanong niya ito kung bakit, sinusubukan niya kung magsasabi ba ito. Pero ang isinagot lang nito sa kanya ay dahil sa pagbabago ng kanyang ugali, baka raw may sakit na siya na siyang nakakaapekto rito.Kung sa ibang pagkakataon lamang na hindi pa niya nahuhulaan ang sariling kalagayan, ay baka todo tanggi pa siya at baka nga mauwi pa sa pag-aaway. Iyon nga lang, pagdating sa private hospital kung saan siya nito dinala para mapatingnan sa doctor, ay gusto nitong sumama sa loob ng silid kung saan siya susuriin.Gusto siguro nito na makita siyang nasusurpresa. Pero dahil nakai
TUWANG-TUWA si Michaela at lihim na kinikilig dahil sa ginagawang pagsisilbi sa kanya ni Jacob. Siguro kaya naging mainitin ang ulo niya dahil sa tagal na hindi ito nakita. May ideya na siya kung bakit ganoon ang kanyang pakiramdam, at nakumpirma niya iyon nang aksidente niyang marinig ang usapan ng tatlo sa kusina.Balak kasi niyang hilahin si Jacob pabalik sa kwarto dahil gusto niya itong masolo kaya bumalik siya, pero iyon na ang eksenang narinig niya. Akala ng mga ito ay wala siyang ideya sa nangyayari sa kanya at nararamadaman niya.Kaya nga nakokonsensiya siya sa nagawang hindi pagimik minsan kay nanay Minerva at pagsusungit kay Claire. Inaasahan naman talaga niya na mabubuntis siya dahil hindi gumagamit ng proteksyon si Jacob kapag may nangyayari sa kanila.Inaakala pa ng mga ito na baka hindi niya matanggap kung sakali mang buntis siya dahil lang sa bata pa siya. Hindi lang alam ng mga ito kung gaano siya kasaya kung totoo mang buntis siya dahil handa siyang maging isang ina la
TAKANG-TAKA si Jacob kung bakit ganoon ang inaasal ni Michaela. Parang may nagbago rito dahil hindi naman iyon ganoon dati.“Claire, kailan pa siya naging ganiyan?” tanong niya sa kaibigan nito na hanggang ngayon ay naroroon pa rin sila sa kusina.“Siguro po, mga one-week na po, Sir. Kahit nga po ako ay nagtataka na rin sa mga ikinikilos niya. Hindi naman siya dating ganyan, eh. Halos araw-araw palagi nga siyang excited gumising para maglakad-lakad kami sa tabing-dagat. At saka dati, ayaw niya ng may natitirang pagkain kasi nasasayangan siya. Pero ngayon nag-iba na siya, eh. Kahit nga ang dating biruan namin kapag ginagawa ko sa kanya ngayon, galit na galit na siya at bigla na lang hindi iimik. Minsan naman, bigla na lang mag wa-walk out at saka iiyak sa kwarto ng mag-isa. Kaya hindi ko na rin po mahulaan, eh,” mahabang litanya nito.“Sige-sige, salamat. Kakausapin ko na lang siya mamaya,” sagot niya.“Hijo, palagay ko ‘y buntis si Michaela,” wika ni nanay Minerva na bigla na lang pum
NAGTATAKA na si Michaela kung bakit halos isang buwan na ang nakalilipas pero hindi pa rin bumabalik si Jacob sa isla. Miss na miss na niya ito at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit labis-labis ang pagnanais niya na makita ito.Naiinis siya at nagagalit sa tuwing naiisip niya na dapat ay nasa tabi niya ito ngayon. Lalo na ngayong hindi maganda ang kanyang pakiramdam. Madalas siyang mahilo at humihilab din ang kanyang sikmura.Kaninang umaga nga ay sumuka siya ng sumuka sa banyo pero parang wala namang lumalabas. Matamlay din siya at walang ganang kumain. Ang tanging gusto lang niya sa mga sandaling ito ay ang presensiya ni Jacob.“Hoy, Be. Pinapatawag ka ni nanay Minerva, kumain ka na raw kasi hindi ka raw kumain ng maayos kanina,” wika ng kaibigan niya.Kasalukuyan siyang nasa terrace habang nakapangalumbaba, na wari ‘y ang tanawin na lang doon ang nakapagbibigay sigla sa kanya.“Wala nga akong ganang kumain, eh. Ang gusto ko, si Jacob. Kailan ba ulit darating iyong tauhan
“HOY BABAE! Ipaliwanag mo nga sa ‘kin kung bakit ang sungit-sungit mo kagabi? At saka, ang sabi mo, baka matagalan ka lang doon, eh buong gabi kang naroon, eh! Tsk!” bungad agad sa kanya ng kaibigang si Claire pagkapasok niya ng silid.Maaga siyang nagising kaya nagpasya siyang bumalik na sa sariling silid para maligo. Pakiramdam kasi niya ‘y nanlalagkit ang buo niyang katawan dahil pinagpawisan sila kagabi ni Jacob dahil sa nakakapagod at nakakaantok na ginawa nila.“Ano ka ba, wala lang iyong pagtataray ko sa ‘yo kahabi, ‘no? Nainis lang talaga kasi ako kay Jacob dahil sa maling akala ko. Nadamay ka pa tuloy sa inis ko,” paliwanag niya.“Bakit hindi ka na nakabalik dito kagabi? May ginawa kayo, ‘no?” mapang-asar nitong tanong.“Eh ano naman sa ‘yo kung may ginawa kami? Bakit, inggit ka?” pang-aasar din niya rito.“Ako, maiinggit?” turo pa nito sa sarili. “Hindi kaya! Sapat na sa ‘kin sina nanay at tatay, pati na rin si kuya para maging masaya at kontento ako sa buhay.”Bigla siyang
NANG MAKABAWI si Jacob mula sa panghihina dulot ng ginawang pagpapaligaya sa kanya ni Michaela, ay ito naman ang pinahiga niya sa kama. Magmamatigas pa sana ito pero wala rin itong nagawa dahil mas malakas siya rito.“Ang sarap ng ginawa mo, ha? Saan mo ba iyon natutunan?” tanong niya rito habang kinakagat-kagat ang punung tainga nito.“Bakit, lahat naman ng bagay ay kayang matutunan kapag gusto, ‘di ba?” may himig pamimilosopo sa tinig nito.“Ang ibig kong sabihin, paano? Saan? Eh, ngayon mo lang naman ito ginawa sa ‘kin?”“Sa mga kaklase kong babae sa eskwelahan. Madalas silang manood ng p*rn kapag vacant period namin. At saka, nagkukwento rin sila ng mga karanasan nila sa sex dahil karamihan sa mga kaklase ko ay may mga asawa ‘t anak na,” paliwanag nito.“Akala ko, may ibang lalaki ka nang pinagpraktisan.”“Ang kapal mo, ha? Ikaw lang ang lalaking nakasiping ko, ‘no? Wala nang iba!” inis na sagot nito.“Bakit ka nagagalit? Akala ko lang naman ‘yon,” pagkatapos ay dumausdos ang halik
GULAT NA GULAT si Jacob nang pagbukas niya ng pintuan ng banyo dahil katatapos lang niyang maligo, ay nakatayong si Michaela ang nabungaran niya. Seryoso itong nakatingin sa kanya, at nararamdaman niyang may bahid iyon ng galit.“Ela, sweetheart. May…problema ba? Ginulat mo naman ako,” wika niya rito.“Sabihin mo nga sa ‘kin ang totoo, naaawa ka ba at nakokonsensiya kay Vanessa kung makukulong man siya?” seryosong tanong nito. Sinundan pa siya nito hanggang sa walk-in closet.Kahit na tinanggal na niya ang tuwalyang nakapulupot sa katawan niya, ay hindi man lang ito natinag. Patuloy pa rin ito sa pagsasalita.“Sagutin mo ang tanong ko, Jacob!” galit na sambit nito.Kunut-noo siyang napalingon dito dahil parang kakaibang Michaela ang kaharap niya ngayon. Iba yata ang galit na pinapakita nito.“Sweetheart, ano ba ang nangyayari sa ‘yo? ano ba ang ikinagagalit mo? Bakit ka nagkakaganyan?” malumanay na tanong niya at sinubukang yakapin ito ngunit mabilis itong lumayo sa kanya.“Jacob, aya