Home / Romance / The Missing Piece / Chapter Eighty

Share

Chapter Eighty

Author: Serene Hope
last update Last Updated: 2025-01-21 07:39:33

LASING na si Jacob at umiikot na rin ang paningin niya. Kanina nang iniwanan niya ang dalawa, ay labas ng hotel siya pumunta.

May nakita siyang mini garden doon at sa gitna ng matataas na halaman, ay mayroong mesa na napapalibutan ng limang upuan.

Doon niya napiling tumambay dahil alam niyang hindi siya masusundan doon ng dalawang babae.

Tinawagan niya ang pinsang si Jericho para hatiran siya roon ng alak, sinabi pa niya rito na damihan. Sinabi niya ang kinaroroonan niya at nagsabi pang kapag may nagtanong sa pangalan niya o naghanap sa kanya, ay huwag sasabihin kung nasaan siya.

Nagulat ito nang makita ang kinaroroonan niya. Pero hindi naman ito nag-usisa pa dahil alam nitong kapag pinili niyang mapag-isa sa gitna ng napakaraming tao, ay alam nitong may pinagdaraanan siya o kaya nama ‘y may malalim na iniisip.

Iniwanan din naman siya nito pagkatapos siyang hatidan nang alak. Pero nang maubos niya ang dinala nito, ay hindi niya inaasahan na malalasing siya agad. Pero kahit umiikot na
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • The Missing Piece   Chapter Eighty-one

    NAPAGDESISYUNAN ni Jacob na lapitan at tabihan ang dalaga sa kinauupuan nitong couch habang wala pa ring tigil ito sa kaiiyak para patahanin nito.Bahala na kung makatikim man siya ng sampal at suntok mula rito. Ang importante ‘y kausapin siya nito.“Ela, pasensiya ka na pala kanina. May tumawag kasi sa ‘kin at sinagot ko kaya umalis ako saglit sa labas ng restroom. Nang matapos ang tawag ay pabalik na sana ako pero may tumawag naman sa ‘kin na kakilala ko sa event kaya nakipag-usap muna ako saglit, hanggang sa nakalimutan na kita,” pagsisinungaling niya.Kailangan niyang gumawa ng alibi para lang may masabi rito at para na rin kausapin na siya nito. Pero hindi nito pinansin ang mga sinabi niya. Patuloy pa rin ito sa kaiiyak.“Sweetheart, please. Sabihin mo naman sa ‘kin kung ano ang dahilan ng iniiyakan mo. May nanakit ba sayo? May nang-away? Ano?”Kahit na may kutob na siya kung anuman ang dahilan ng pag-iyak nito, ay pilit niya pa ring pinapaniwala ang sarili na ibang bagay ang dah

    Last Updated : 2025-01-22
  • The Missing Piece   Chapter Eighty-two

    KINABUKASAN ay paika-ikang bumangon si Michaela. Halos mapangiwi siya sa sobrang sakit at hapdi na nararamdaman sa kanyang pang-ibabang bahagi.Nilingon niya ang binatang mahimbing pa ring natutulog. Nakita rin niya ang mantsa ng dugo sa bedsheet na nasa bandang likuran nito, nakatagilid kasi ito ng paghiga.Tiningnan niya ang oras sa kanyang cellphone. Alas kwatro pa lang ng madaling araw. Napabuntung-hininga siya. Hindi sila naka-attend sa pinaka-importanteng event kagabi na dahilan ng pagpunta nila rito. Iba kasi ang nangyari at dinaluhan nila ng binata.Kagabi lang ay sobra-sobra ang galit niya rito at halos isumpa na niya ito. Pero nang yakapin siya nito kagabi at hinalikan, ay hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hinayaan niyang magdire-diretso ito kaya sila humantong sa ganito.Pero bakit wala siyang nakakapang panghihinayang at pagsisisi sa nangyari sa kanila? Na nakuha na ang pinaka iingat-ingatan niyang puri kahit na malabo ang sitwasyon nila ngayon.Kahit na masak

    Last Updated : 2025-01-22
  • The Missing Piece   Chapter Eighty-three

    PAGKATAPOS nang pag-uusap nila ng dalaga ay niyaya na niya itong umuwi. Malapit na rin namang lumiwanag kaya saktong-sakto lang iyon para sa paglabas nila.Masayang-masaya siya dahil sa wakas, ay naintindihan na nag dalaga ang ipinupunto niya. Hindi niya alam ang dahilan ng pagbabago nito pero ang importante, ay okay na silang muli.Mag-iingat na lang din siya sa pakikipagkita kay Vanessa at sa anak para hindi ito makaramdam. Dahil pag nangyari iyon ay baka muli na naman silang bumalik sa dati.Muli na naman siya nitong tinulugan sa buong byahe, pero naiintindihan niya naman ito dahil alam niyang napagod niya ito kagabi.Pagdating nila sa staff house ay hindi niya hinayaang mag-isa itong pumasok. Inalalayan niya talaga ito papasok hanggang sa makarating ito sa mismong silid nito para makasigurado siyang nasa maayos na kalagayan na ito kapag iiwanan niya.Habang nandoon pa siya nag-aayos naman ito ng mga gamit sa loob ng silid habang siya ay hinayaan lang nitong maupo sa kama nito. May

    Last Updated : 2025-01-22
  • The Missing Piece   Chapter Eighty-four

    “Ja-Jacob, pwede ba ‘ng huwag na muna nating pag-usapan ang nakaraan? Baka mahalata ng anak natin na nag-aaway tayo, baka makaapekto pa ‘yon sa kanyang isip.”“Iyan ba talaga ang rason? O, iniiwasan mo lang na pag-usapan iyon?”“Nasabi ko na rin naman sa ‘yo ang lahat ng dahilan, ‘di ba? Napag-usapan na natin ‘yon.”“Alam mo, may pakiramdam akong may mal isa mga sinabi mo sa ‘kin.”Kumunot ang noo nito.“Anong ibig mong sabihin? Na gawa-gawa ko lang ‘yon? Na hindi iyon totoo lahat?”“Hindi ko na kailangang sagutin yan dahil ikaw mismo ang nakakaalam,” sarkastikong tugon niya rito.“Bakit ka ba nagkakaganyan? Ano ba ‘ng nagawa kong mali? Pwede mo namang sabihin sa ‘kin ngayon para maliwanagan ako.”Tiningnan niya ito ng makahulugan at nginitian ng mapang-uyam.“Talaga? Bakit ko pa kailangang sabihin sa ‘yo eh ikaw mismo sa sarili mo, alam mo.”Napatawa naman ito ng mapakla sabay haplos sa mahabang buhok nito.“Bakit kasi hindi mo na lang ako direstahin para naman hindi ako nagmumukhang

    Last Updated : 2025-01-22
  • The Missing Piece   Chapter Eighty-five

    SIMULA noong gabing may nangyari sa kanila at nagkaayos sila, ay muling bumalik sa dati ang treatment nila sa isa ‘t isa.Hinahatid at sinusundo siya ng binata pati sa pagpasok sa school. Hindi na rin nito nakakalimutan ang petsa at araw kada buwan na sumasapit ang kanilang buwanang anibersaryo.Kung hindi sila mag de-date sa labas o kaya naman mamamasyal sa ibang lugar, ay inuubos nila ang oras sa pagsasama sa bahay nito para manood ng movie o kaya naman magluto ng mga paborito nilang pagkain.Hindi na rin ito nagseselos sa kaklase at kaibigan niyang si Albert dahil nakikita naman nito na purong pag-aaral at pagkakaibigan lang ang namamagitan sa kanila nito.Hindi rin naman niya maipagkakaila na nagtapat ng saloobin at nanligaw din sa kanya ang kaklase, pero ipinaliwanag naman niya rito ang lahat ng tungkol sa kanila ni Jacob kaya hindi na ito nagpursige pang ipagpatuloy ang panliligaw para sa kanya.Ang sabi pa nito ay basta magkaibigan pa rin sila at sana ‘y walang magbago sa pinag

    Last Updated : 2025-01-23
  • The Missing Piece   Chapter Eighty-six

    “So, ang ibig mong sabihin, hindi kayo okay ni Jacob?” rinig niyang tanong ni Geneva sa kaharap babae.Tumpak! Ito nga si Vanessa. Kung pagbabasehan ang pisikal na kaanyuan, ay walang-wala siya rito. Kaya hindi na siya magtataka kung sa huli ay ito ang piliin ng binata.Muli na namang nanubig ang mga mata niya. Paano ang sinabi niya sa sariling ipaglalaban niya ang pagmamahal sa binata kung talong-talo siya?Maganda ito at may anak. Mas may dahilan ito para piliin ng binata. Muli niyang itinuon ang pansin sa pakikinig sa pinag-uusapan ng dalawa. Hindi rin niya nakalimutang mag-record para sa ebidensya.“Ano pa nga ba? Hindi naman siya ganyan sa ‘kin dati, ‘di ba? Halos lahat ng gusto ko dati ay suportado niya, at nami-miss ko na ang treatment niyang iyon sa ‘kin.”“Ano ba kasing ginawa mo at gano ‘n ang nangyari?”“Wala! Hindi ko nga alam kung paano niya nalaman na nakatira ako ngayon kina mommy at daddy. Hindi ba, wala ka namang sinasabi sa kanya?”“Syempre wala! Katulad ng palagi mo

    Last Updated : 2025-01-23
  • The Missing Piece   Chapter Eighty-seven

    “Eh may balita ka pa ba sa totoong ama nito?” Si Geneva habang nasa direksyon ng bata ang mga mata.Mas lalong nangunot ang noo niya. Anong totoong ama pinagsasabi nito?“Ayun, araw-araw nagte-text at tumatawag, nakakasawa na! kung bakit ba kasi hinayaan nina mommy at daddy na malaman ng lalaking iyon na nagkaanak kami!”“Kawawa naman iyong tao, girl. Hindi lang naman ikaw ang gumawa kay Venisse, kundi kayong dalawa.”“Kanino ka ba talaga kakampi, ha? Sa akin, o sa kanila?”“Ikaw naman, nagsasabi lang naman ako ng totoo.”“Isipin mo nga ang sinasabi mong nagsasabi ka ng totoo! Sa tingin mo ba, deserved ni Venisse magkaroon ng ama na katulad niya? My gosh, Geneva! Mag-isip ka nga! Bakit nawawala na minsan ang pagiging demonyita mo at nakakramdam ka na ng awa?!”“Grabe ka naman maka-demonyita sa ‘kin. Parehas lang naman tayo. Sa ‘yo nga ako nagmana, eh.”“Basta, hindi pwedeng malaman ni Jacob na hindi niya totoong anak si Venisse at walang nangyari sa ‘min noong huling bakasyon naming s

    Last Updated : 2025-01-23
  • The Missing Piece   Chapter Eighty-eight

    KINAGABIHAN habang nakahiga na sa kanyang kama ay hindi mapigilan ni Michaela ang balikan sa kanyang isip ang naging pag-uusap nina Geneva at Vanessa.Wala siyang ideya kung bakit masama ang ugali ni Vanessa, ayaw man niyang husgahan ito pero sa ginagawa nito, ay ito na mismo ang nagpapakilala sa sarili na masama itong tao.Hindi man lang nito iniisip ang magiging kapakanan ng anak nito. Ayaw nitong ipakilala sa anak ang tunay na ama at ibang lalaki pa ang napili nitong ipakilala.Nakapa-unfair nito dahil kawawa ang tunay na mag-ama dahil pinagkaitan nito na makilala at makasama ang isa ‘t isa. Unfair din kay Jacob na kumilala ng hindi nito tunay na anak at kadugo, lalo na ‘t hanggang ngayon ay wala pa itong sinasabi sa kanya.Ngayon niya naintindihan ang sinasabi nitong kumplikado. Kahit siguro sino naman, kapag may involve na anak ay ito talaga ang unang poprotektahan nito.Napabuntung-hininga siya. Hindi niya alam kung paano sasabihin kay Jacob ang mga nalaman. Baka kasi hindi siya

    Last Updated : 2025-01-23

Latest chapter

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety-four

    NAGULAT na lang si Claire nang biglang bumukas ang pintuan ng silid nila ni Michaela. Pumasok pala ito ngunit napansin agad niya na umiiyak ito. Agad itong dumapa sa kama at doon ay malakas na umiyak, ni hindi man lang napansin ang kanyang presenisya.Napailing-iling na lang siya. Nakakatakot pala magbuntis, kung totoo mang buntis nga ito, nakakabago ng ugali. Itinigil niya ang ginagawang pagbabasa ng libro at nilapitan ito, susubukan niya itong kausapin. Kanina ay okay pa naman ang kaibigan niya bago umalis papuntang ospital, masaya pa nga itong nagpaalam sa kanya at ipinaalalang muli na huwag ipagsasabi ang sikreto nila na alam na nito ang tungkol sa sariling pagbubuntis. Tapos ngayon naman ay umuwi naman itong umiiyak.Umupo siya sa gilid nito at nagsimulang magsalita. “Be, kumusta pala ang checkup mo? Ano ba ang resulta?” malumanay na tanong niya rito para hindi na madagdagan pa ang kung anomang ikinasasama ng loob nito.Ibinigay nito sa kanya ang isang maliit na envelop habang na

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety-three

    HABANG nagmamaneho si Jacob ng sasakyan ay hindi man lang siya iniimikan ng dalaga. Nakabusangot ito at nagkakandahaba na rin ang nguso. Hindi naman niya ito direktang tinitingnan kundi sa sulok lang ng kanyang mga mata dahil baka bigla na namang makatikim ng palad ang kanyang pisngi. Hindi tuloy niya malaman kung totoo ngang buntis ito dahil ayaw naman sa kanyang ibigay at ipakita ang resulta ng checkup.Gusto niyang matawa sa nakikitang reaksyon sa mukha nito pero natatakot siyang ngumiti dahil baka masamain na naman nito. Ngunit nagulat siya nang bigla itong magsalita.“Anong tinitingin-tingin mo riyan, ha?! Akala mo ba hindi ko alam na pasimple mo akong tinitingan? At saka, bakit hindi ka ngumiti, ‘yon bang mapupunit na ‘yang bibig mo para naman ma-satisfy ka sa saya?! Huwag mong pigilan, sige lang! gusto mo humalakhak ka na rin, punuin mo ng boses at hininga mo itong sasakyan, ano?!” nanlalaki ang mga matang wika nito sa kanya.Grabe na talaga. Pati iyon ay nakita pa nito? Mala-l

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety-two

    “CONGRATULATIONS, Ms. Gomez! Isang buwan ka nang buntis!” masayang sambit ng babaeng doctor na siyang tumingin sa kanya.Kahit naman na alam na niyang posible ngang buntis siya ay sobra pa rin siyang natuwa. Hanggang ngayon ay tanging sila lang ng kaibigan niyang si Claire ang nakakaalam na alam na niyang posibleng buntis nga siya.Kanina nang sabihin sa kanya ni Jacob na kailangan niyang magpatingin sa doctor, ay tinanong niya ito kung bakit, sinusubukan niya kung magsasabi ba ito. Pero ang isinagot lang nito sa kanya ay dahil sa pagbabago ng kanyang ugali, baka raw may sakit na siya na siyang nakakaapekto rito.Kung sa ibang pagkakataon lamang na hindi pa niya nahuhulaan ang sariling kalagayan, ay baka todo tanggi pa siya at baka nga mauwi pa sa pag-aaway. Iyon nga lang, pagdating sa private hospital kung saan siya nito dinala para mapatingnan sa doctor, ay gusto nitong sumama sa loob ng silid kung saan siya susuriin.Gusto siguro nito na makita siyang nasusurpresa. Pero dahil nakai

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety-one

    TUWANG-TUWA si Michaela at lihim na kinikilig dahil sa ginagawang pagsisilbi sa kanya ni Jacob. Siguro kaya naging mainitin ang ulo niya dahil sa tagal na hindi ito nakita. May ideya na siya kung bakit ganoon ang kanyang pakiramdam, at nakumpirma niya iyon nang aksidente niyang marinig ang usapan ng tatlo sa kusina.Balak kasi niyang hilahin si Jacob pabalik sa kwarto dahil gusto niya itong masolo kaya bumalik siya, pero iyon na ang eksenang narinig niya. Akala ng mga ito ay wala siyang ideya sa nangyayari sa kanya at nararamadaman niya.Kaya nga nakokonsensiya siya sa nagawang hindi pagimik minsan kay nanay Minerva at pagsusungit kay Claire. Inaasahan naman talaga niya na mabubuntis siya dahil hindi gumagamit ng proteksyon si Jacob kapag may nangyayari sa kanila.Inaakala pa ng mga ito na baka hindi niya matanggap kung sakali mang buntis siya dahil lang sa bata pa siya. Hindi lang alam ng mga ito kung gaano siya kasaya kung totoo mang buntis siya dahil handa siyang maging isang ina la

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety

    TAKANG-TAKA si Jacob kung bakit ganoon ang inaasal ni Michaela. Parang may nagbago rito dahil hindi naman iyon ganoon dati.“Claire, kailan pa siya naging ganiyan?” tanong niya sa kaibigan nito na hanggang ngayon ay naroroon pa rin sila sa kusina.“Siguro po, mga one-week na po, Sir. Kahit nga po ako ay nagtataka na rin sa mga ikinikilos niya. Hindi naman siya dating ganyan, eh. Halos araw-araw palagi nga siyang excited gumising para maglakad-lakad kami sa tabing-dagat. At saka dati, ayaw niya ng may natitirang pagkain kasi nasasayangan siya. Pero ngayon nag-iba na siya, eh. Kahit nga ang dating biruan namin kapag ginagawa ko sa kanya ngayon, galit na galit na siya at bigla na lang hindi iimik. Minsan naman, bigla na lang mag wa-walk out at saka iiyak sa kwarto ng mag-isa. Kaya hindi ko na rin po mahulaan, eh,” mahabang litanya nito.“Sige-sige, salamat. Kakausapin ko na lang siya mamaya,” sagot niya.“Hijo, palagay ko ‘y buntis si Michaela,” wika ni nanay Minerva na bigla na lang pum

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-eighty-nine

    NAGTATAKA na si Michaela kung bakit halos isang buwan na ang nakalilipas pero hindi pa rin bumabalik si Jacob sa isla. Miss na miss na niya ito at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit labis-labis ang pagnanais niya na makita ito.Naiinis siya at nagagalit sa tuwing naiisip niya na dapat ay nasa tabi niya ito ngayon. Lalo na ngayong hindi maganda ang kanyang pakiramdam. Madalas siyang mahilo at humihilab din ang kanyang sikmura.Kaninang umaga nga ay sumuka siya ng sumuka sa banyo pero parang wala namang lumalabas. Matamlay din siya at walang ganang kumain. Ang tanging gusto lang niya sa mga sandaling ito ay ang presensiya ni Jacob.“Hoy, Be. Pinapatawag ka ni nanay Minerva, kumain ka na raw kasi hindi ka raw kumain ng maayos kanina,” wika ng kaibigan niya.Kasalukuyan siyang nasa terrace habang nakapangalumbaba, na wari ‘y ang tanawin na lang doon ang nakapagbibigay sigla sa kanya.“Wala nga akong ganang kumain, eh. Ang gusto ko, si Jacob. Kailan ba ulit darating iyong tauhan

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-eighty-eight

    “HOY BABAE! Ipaliwanag mo nga sa ‘kin kung bakit ang sungit-sungit mo kagabi? At saka, ang sabi mo, baka matagalan ka lang doon, eh buong gabi kang naroon, eh! Tsk!” bungad agad sa kanya ng kaibigang si Claire pagkapasok niya ng silid.Maaga siyang nagising kaya nagpasya siyang bumalik na sa sariling silid para maligo. Pakiramdam kasi niya ‘y nanlalagkit ang buo niyang katawan dahil pinagpawisan sila kagabi ni Jacob dahil sa nakakapagod at nakakaantok na ginawa nila.“Ano ka ba, wala lang iyong pagtataray ko sa ‘yo kahabi, ‘no? Nainis lang talaga kasi ako kay Jacob dahil sa maling akala ko. Nadamay ka pa tuloy sa inis ko,” paliwanag niya.“Bakit hindi ka na nakabalik dito kagabi? May ginawa kayo, ‘no?” mapang-asar nitong tanong.“Eh ano naman sa ‘yo kung may ginawa kami? Bakit, inggit ka?” pang-aasar din niya rito.“Ako, maiinggit?” turo pa nito sa sarili. “Hindi kaya! Sapat na sa ‘kin sina nanay at tatay, pati na rin si kuya para maging masaya at kontento ako sa buhay.”Bigla siyang

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-eighty-seven

    NANG MAKABAWI si Jacob mula sa panghihina dulot ng ginawang pagpapaligaya sa kanya ni Michaela, ay ito naman ang pinahiga niya sa kama. Magmamatigas pa sana ito pero wala rin itong nagawa dahil mas malakas siya rito.“Ang sarap ng ginawa mo, ha? Saan mo ba iyon natutunan?” tanong niya rito habang kinakagat-kagat ang punung tainga nito.“Bakit, lahat naman ng bagay ay kayang matutunan kapag gusto, ‘di ba?” may himig pamimilosopo sa tinig nito.“Ang ibig kong sabihin, paano? Saan? Eh, ngayon mo lang naman ito ginawa sa ‘kin?”“Sa mga kaklase kong babae sa eskwelahan. Madalas silang manood ng p*rn kapag vacant period namin. At saka, nagkukwento rin sila ng mga karanasan nila sa sex dahil karamihan sa mga kaklase ko ay may mga asawa ‘t anak na,” paliwanag nito.“Akala ko, may ibang lalaki ka nang pinagpraktisan.”“Ang kapal mo, ha? Ikaw lang ang lalaking nakasiping ko, ‘no? Wala nang iba!” inis na sagot nito.“Bakit ka nagagalit? Akala ko lang naman ‘yon,” pagkatapos ay dumausdos ang halik

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-eighty-six

    GULAT NA GULAT si Jacob nang pagbukas niya ng pintuan ng banyo dahil katatapos lang niyang maligo, ay nakatayong si Michaela ang nabungaran niya. Seryoso itong nakatingin sa kanya, at nararamdaman niyang may bahid iyon ng galit.“Ela, sweetheart. May…problema ba? Ginulat mo naman ako,” wika niya rito.“Sabihin mo nga sa ‘kin ang totoo, naaawa ka ba at nakokonsensiya kay Vanessa kung makukulong man siya?” seryosong tanong nito. Sinundan pa siya nito hanggang sa walk-in closet.Kahit na tinanggal na niya ang tuwalyang nakapulupot sa katawan niya, ay hindi man lang ito natinag. Patuloy pa rin ito sa pagsasalita.“Sagutin mo ang tanong ko, Jacob!” galit na sambit nito.Kunut-noo siyang napalingon dito dahil parang kakaibang Michaela ang kaharap niya ngayon. Iba yata ang galit na pinapakita nito.“Sweetheart, ano ba ang nangyayari sa ‘yo? ano ba ang ikinagagalit mo? Bakit ka nagkakaganyan?” malumanay na tanong niya at sinubukang yakapin ito ngunit mabilis itong lumayo sa kanya.“Jacob, aya

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status