DAHIL sa pangungulit nang dalawa ay napilitan na siyang ikwento rito ang dahilan nang kanyang pag-iyak.“Wala akong ideya kung bakit nagpakalasing si Jacob ngayon. Basta ang huling nangyari ay nagpasama ako sa kanya sa restroom at sinabi kong hintayin niya na lang ako sa labas,” panimula niya. “ “Pagpasok ko nang restroom ay may narinig akong nag-uusap na dalawang babae, at base sa boses nang isa na pamilyar sa ‘kin, ay kay Geneva ‘yon.”“So, kilala amo pala si Geneva?” tanong ni Stephany.Samantalang si Jericho ay nakikinig lang.“Oo, palagi iyong nasa restaurant noong ina-allowed pa siya ni Jacob na pumunta roon.”“Bakit? Ngayon ba, hindi na?” tanong muli ni Stephany.“Hindi na, banned na siya roon. Simula noong pinagtangkaan niya akong saktan at pinagsabihan nang mga masasakit na salita.”“Hindi pa rin talaga nagbabago ang babaeng ‘yan! Bakit ba kasi minana niya ang ugali ng bestfriend niyang si Vanessa!” galit na sambit nito.Siya naman ang napatanong dito.“Kilala mo si Vanessa?”
LASING na si Jacob at umiikot na rin ang paningin niya. Kanina nang iniwanan niya ang dalawa, ay labas ng hotel siya pumunta.May nakita siyang mini garden doon at sa gitna ng matataas na halaman, ay mayroong mesa na napapalibutan ng limang upuan.Doon niya napiling tumambay dahil alam niyang hindi siya masusundan doon ng dalawang babae.Tinawagan niya ang pinsang si Jericho para hatiran siya roon ng alak, sinabi pa niya rito na damihan. Sinabi niya ang kinaroroonan niya at nagsabi pang kapag may nagtanong sa pangalan niya o naghanap sa kanya, ay huwag sasabihin kung nasaan siya.Nagulat ito nang makita ang kinaroroonan niya. Pero hindi naman ito nag-usisa pa dahil alam nitong kapag pinili niyang mapag-isa sa gitna ng napakaraming tao, ay alam nitong may pinagdaraanan siya o kaya nama ‘y may malalim na iniisip.Iniwanan din naman siya nito pagkatapos siyang hatidan nang alak. Pero nang maubos niya ang dinala nito, ay hindi niya inaasahan na malalasing siya agad. Pero kahit umiikot na
NAPAGDESISYUNAN ni Jacob na lapitan at tabihan ang dalaga sa kinauupuan nitong couch habang wala pa ring tigil ito sa kaiiyak para patahanin nito.Bahala na kung makatikim man siya ng sampal at suntok mula rito. Ang importante ‘y kausapin siya nito.“Ela, pasensiya ka na pala kanina. May tumawag kasi sa ‘kin at sinagot ko kaya umalis ako saglit sa labas ng restroom. Nang matapos ang tawag ay pabalik na sana ako pero may tumawag naman sa ‘kin na kakilala ko sa event kaya nakipag-usap muna ako saglit, hanggang sa nakalimutan na kita,” pagsisinungaling niya.Kailangan niyang gumawa ng alibi para lang may masabi rito at para na rin kausapin na siya nito. Pero hindi nito pinansin ang mga sinabi niya. Patuloy pa rin ito sa kaiiyak.“Sweetheart, please. Sabihin mo naman sa ‘kin kung ano ang dahilan ng iniiyakan mo. May nanakit ba sayo? May nang-away? Ano?”Kahit na may kutob na siya kung anuman ang dahilan ng pag-iyak nito, ay pilit niya pa ring pinapaniwala ang sarili na ibang bagay ang dah
KINABUKASAN ay paika-ikang bumangon si Michaela. Halos mapangiwi siya sa sobrang sakit at hapdi na nararamdaman sa kanyang pang-ibabang bahagi.Nilingon niya ang binatang mahimbing pa ring natutulog. Nakita rin niya ang mantsa ng dugo sa bedsheet na nasa bandang likuran nito, nakatagilid kasi ito ng paghiga.Tiningnan niya ang oras sa kanyang cellphone. Alas kwatro pa lang ng madaling araw. Napabuntung-hininga siya. Hindi sila naka-attend sa pinaka-importanteng event kagabi na dahilan ng pagpunta nila rito. Iba kasi ang nangyari at dinaluhan nila ng binata.Kagabi lang ay sobra-sobra ang galit niya rito at halos isumpa na niya ito. Pero nang yakapin siya nito kagabi at hinalikan, ay hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hinayaan niyang magdire-diretso ito kaya sila humantong sa ganito.Pero bakit wala siyang nakakapang panghihinayang at pagsisisi sa nangyari sa kanila? Na nakuha na ang pinaka iingat-ingatan niyang puri kahit na malabo ang sitwasyon nila ngayon.Kahit na masak
PAGKATAPOS nang pag-uusap nila ng dalaga ay niyaya na niya itong umuwi. Malapit na rin namang lumiwanag kaya saktong-sakto lang iyon para sa paglabas nila.Masayang-masaya siya dahil sa wakas, ay naintindihan na nag dalaga ang ipinupunto niya. Hindi niya alam ang dahilan ng pagbabago nito pero ang importante, ay okay na silang muli.Mag-iingat na lang din siya sa pakikipagkita kay Vanessa at sa anak para hindi ito makaramdam. Dahil pag nangyari iyon ay baka muli na naman silang bumalik sa dati.Muli na naman siya nitong tinulugan sa buong byahe, pero naiintindihan niya naman ito dahil alam niyang napagod niya ito kagabi.Pagdating nila sa staff house ay hindi niya hinayaang mag-isa itong pumasok. Inalalayan niya talaga ito papasok hanggang sa makarating ito sa mismong silid nito para makasigurado siyang nasa maayos na kalagayan na ito kapag iiwanan niya.Habang nandoon pa siya nag-aayos naman ito ng mga gamit sa loob ng silid habang siya ay hinayaan lang nitong maupo sa kama nito. May
“Ja-Jacob, pwede ba ‘ng huwag na muna nating pag-usapan ang nakaraan? Baka mahalata ng anak natin na nag-aaway tayo, baka makaapekto pa ‘yon sa kanyang isip.”“Iyan ba talaga ang rason? O, iniiwasan mo lang na pag-usapan iyon?”“Nasabi ko na rin naman sa ‘yo ang lahat ng dahilan, ‘di ba? Napag-usapan na natin ‘yon.”“Alam mo, may pakiramdam akong may mal isa mga sinabi mo sa ‘kin.”Kumunot ang noo nito.“Anong ibig mong sabihin? Na gawa-gawa ko lang ‘yon? Na hindi iyon totoo lahat?”“Hindi ko na kailangang sagutin yan dahil ikaw mismo ang nakakaalam,” sarkastikong tugon niya rito.“Bakit ka ba nagkakaganyan? Ano ba ‘ng nagawa kong mali? Pwede mo namang sabihin sa ‘kin ngayon para maliwanagan ako.”Tiningnan niya ito ng makahulugan at nginitian ng mapang-uyam.“Talaga? Bakit ko pa kailangang sabihin sa ‘yo eh ikaw mismo sa sarili mo, alam mo.”Napatawa naman ito ng mapakla sabay haplos sa mahabang buhok nito.“Bakit kasi hindi mo na lang ako direstahin para naman hindi ako nagmumukhang
SIMULA noong gabing may nangyari sa kanila at nagkaayos sila, ay muling bumalik sa dati ang treatment nila sa isa ‘t isa.Hinahatid at sinusundo siya ng binata pati sa pagpasok sa school. Hindi na rin nito nakakalimutan ang petsa at araw kada buwan na sumasapit ang kanilang buwanang anibersaryo.Kung hindi sila mag de-date sa labas o kaya naman mamamasyal sa ibang lugar, ay inuubos nila ang oras sa pagsasama sa bahay nito para manood ng movie o kaya naman magluto ng mga paborito nilang pagkain.Hindi na rin ito nagseselos sa kaklase at kaibigan niyang si Albert dahil nakikita naman nito na purong pag-aaral at pagkakaibigan lang ang namamagitan sa kanila nito.Hindi rin naman niya maipagkakaila na nagtapat ng saloobin at nanligaw din sa kanya ang kaklase, pero ipinaliwanag naman niya rito ang lahat ng tungkol sa kanila ni Jacob kaya hindi na ito nagpursige pang ipagpatuloy ang panliligaw para sa kanya.Ang sabi pa nito ay basta magkaibigan pa rin sila at sana ‘y walang magbago sa pinag
“So, ang ibig mong sabihin, hindi kayo okay ni Jacob?” rinig niyang tanong ni Geneva sa kaharap babae.Tumpak! Ito nga si Vanessa. Kung pagbabasehan ang pisikal na kaanyuan, ay walang-wala siya rito. Kaya hindi na siya magtataka kung sa huli ay ito ang piliin ng binata.Muli na namang nanubig ang mga mata niya. Paano ang sinabi niya sa sariling ipaglalaban niya ang pagmamahal sa binata kung talong-talo siya?Maganda ito at may anak. Mas may dahilan ito para piliin ng binata. Muli niyang itinuon ang pansin sa pakikinig sa pinag-uusapan ng dalawa. Hindi rin niya nakalimutang mag-record para sa ebidensya.“Ano pa nga ba? Hindi naman siya ganyan sa ‘kin dati, ‘di ba? Halos lahat ng gusto ko dati ay suportado niya, at nami-miss ko na ang treatment niyang iyon sa ‘kin.”“Ano ba kasing ginawa mo at gano ‘n ang nangyari?”“Wala! Hindi ko nga alam kung paano niya nalaman na nakatira ako ngayon kina mommy at daddy. Hindi ba, wala ka namang sinasabi sa kanya?”“Syempre wala! Katulad ng palagi mo
HALOS mabaliw si Jacob sa kaiisip kung saan at paano hahanapin ang kanilang nawawalang anak. Dahil sa labis na galit at pagkamuhi niya kay Vanessa ay nawala na sa isip niya na may anak siyang dapat na pinagtutuunan ng pansin.Nang tumawag sa kanya si Vanessa ay halata niya sa boses nito ang kaba at sobrang takot para sa nawawala nilang anak kaya agad siyang napasugod sa kinaroroonan nito.Nagtaka pa siya kung bakit sa isang hotel ito naroroon at hindi sa bahay ng mga magulang nito. Gusto na rin sana niyang mag-report sa mga pulis pero pinigilan siya nito dahil mas magiging delikado raw ang lagay ng kanilang anak sa mga kidnappers dahil kabilin-bilinan daw ng mga ito na huwag magsusumbong sa mga pulis.Ayaw din nitong magsabi sa mga magulang na nakidnap ang kanilang anak dahil ayaw na daw nitong bigyan ng problema at isipin ang mga magulang. Nagtataka man ay sinunod na lang niya ang mga sinabi nito.Napabaling ang paningin niya sa pintuan ng banyo kung saan kalalabas lang ni Vanessa mu
MASAYA silang nagkukwentuhan ng binata habang magkaharap silang kumakain sa loob ng opisina nito.Panay ang subuan nila habang nagtatawanan. Pero maya-maya lang ay biglang tumunog ang cellphone nito.Hindi nito pinansin nang makitang si Geneva ang tumatawag. Pero ng muling may tumawag ng sunud-sunod ay napilitan na rin nitong sagutin ang tumatawag.“What?!!!” Napalakas ang boses nito at bigla ding napatayo.Siya naman ay kunot-noong nagtataka kung bakit gano’n ang naging reaksyon nito.“Okay, hintayin mo na lang ako, pupunta na ‘ko ngayon diyan!” Sambit ng binata bago nito pinatay ang tawag at inilagay sa bulsa ng suot na slacks pants ang cellphone nito.Mabilis din nitong dinampot ang coat na nakasampay sa sandalan ng upuan nito at mabilis na naglakad papunta sa pintuan.Kung hindi niya pa ito tinanong ay hindi man lang nito maaalala na naroon siya kasama nito. Halos makalimutan nito ang presensya niya dahil lang sa may tumawag dito.“Jacob, saan ka pupunta? Bakit parang nagmamadali
SAMANTALA pagdating ni Vanessa sa kanilang bahay ay pagalit itong naupo sa couch sa kanilang sala. Tila pagod na pagod ito sa ginawang pagsampal sa kanya nang babae ni Jacob.Hindi siya makakapayag na hindi siya makaganti. Para ano pa ‘t naging spoiled brat siya dati at naging sikat kung hindi niya gagamitin ang kakayahan niya at ang mga ang koneksyon niya.May namumuong plano sa kanyang isip kaya agad niyang tinawagan ang kaibigang si Geneva. Hindi naman nagtagal ay dumating din naman ito.Pagbungad na pagbungad pa lang nito sa pintuan ay agad ng nagtanong.“Oh, anong atin? Gabi na pero nagawa mo pa rin akong storbohin?”“Arte mo! May naisip lang akong ideya kung paano ko mapapabalik si Jacob sa ‘kin!”“Oh? Bakit hindi mo na lang muna ni-text o kaya naman ay sinabi na lang sa ‘kin sa tawag at kailangan mo pa talaga akong papuntahin dito?” Nakapamaywang nitong sambit sa harapan niya.Sa tingin niya ay halos magka-level ang init ng mga ulo nila ngayon.“Nagrereklamo ka na ba sa mga ini
SA NAKIKITA niyang ekspresyon ng binata ay halatang nagtitimpi lang ito sa kaharap. Samantalang si Vanessa ay kahit hindi man niya naririnig ang mga sinasabi nito sa binata ay alam niyang nagmamakaaawa na naman ito para balikan ng binata.Base sa mga kilos at ekspresyon ng mukha nito ay halatang ipinagpipilitan nito ang sarili. Nakakaramdam na rin siya ng inis na unti-unting naging galit lalo na nung nakita niyang hinihila nito sa braso ang binata.Napaka kapal talaga ng mukha nito kaya bumaba siya para ipamukha ang pagiging talunan nito sa puso ng binata.Pak! Pak! Isang malalakas na mag-asawang sampal ang ibinigay niya sa magkabilaang pisngi nito. Sa lakas ng pwersa niya ay nangati at sumakit ang kanyang palad. Samantalang si Vanessa ay hindi agad nakahuma.Kahit ang binata ay bahagyang natulala at walang maapuhap na sasabihin dahil siguro hindi nito inaasahan na magagawa niya iyon.Nilapitan niya si Vanessa na ngayon ay sapo ang magkabilaang nasaktang pisngi at nanunubig din ang mg
PARANG walang nangyaring panununtok sa mukha niya ang naganap sa kasiyahang nakikita ngayon ni Jacob sa mukha ng dalaga habang kasalukuyang nilalantakan ang mga pagkaing nakahain sa harap nila.Tawa rin ito ng tawa sa pinapanood nilang anime cartoon movie na siya namang kabaliktaran niya. Bored na bored na siya sa kanilang pinapanood, ngunit wala siyang magawa dahil ito ang gusto nitong panoorin.Mukhang hindi ito nagbibiro sa sinabi nito kanina na gutom ito dahil kaunti na lang ang natitira sa pagkarami-rami nang mga pagkaing in-order niya.Tinanong niya ito kung gusto pa ba nitong um-order siya na agad naman nitong tinanggihan.“Huwag na, baka masayang lang. Busog na ‘ko, eh” sabay dighay nito. “Ops, sorry,” nakangiting sambit nito.Ngayon ay may ideya na siya kung ano ang makakapagpaalis ng galit nito sa kanya. Napangiti na lang siya ng lihim.kinahapunan maaga pa lang ay nagdesisyon na siyang ihatid ito dahil may ginagawa raw itong project na kailangan pang bilhin ang mga materyal
NAGISING si Jacob dahil sa malakas na paghikbi ng dalaga sa kanyang tabi. Dahan-dahan siyang bumangon habang bumukas sarado ang kanyang mga mata dahil hindi pa siya tuluyang nahihimasmasan mula sa pagkakatulog.Nang tuluyan na siyang magmulat ng mga mata, ay nakita niya itong nakaupo sa kanyang tabi habang namimilipit ito hawak ang puson. Nataranta siyang bigla at agad itong dinaluhan.“Sweetheart, bakit ka umiiyak? May masakit ba sa ‘yo?” nag-aalalang tanong niya rito.Ngunit nang tumingin ito sa kanya ay isang masamang tingin ang ipinukol nito sabay suntok sa kanyang mukha.“Ouch!!! Ano ba? Nagtatanong ako rito ng maayos tapos bigla-bigla ka na lang manununtok?” sambit niya rito habang sapo ang pisngi.Napabangon tuloy siya bigla. Paroo ‘t parito siya habang hinuhulaan kung ano na naman ang nagawa niyang kasalanan dito.“Sweetheart, ano na naman ba ang nagawa ko sa ‘yong mali? Pwede ba ‘ng sabihin mo na kasi, ang hirap manghula, eh!” muling tanong niya rito.Pero muli lang siya nito
PAGPASOK nila sa opisina ay ng binata ay agad siya nitong niyaya na umupo sa couch.“Halika, maupo muna tayo,” paanyaya nito sa kanya.Magkatabi silang umupo at inakbayan pa siya nito.“Sweetheart, ngayong nakita at nakilala mo na si Vanessa, ano ba ‘ng magiging reaksyon mo? Ano ba ‘ng mga sasabihin mo sa ‘kin?” tanong nito.“Wala. Bakit, may ine-expect ka bang sasabihin ako?” balik tanong niya rito.“Oo. At marami akong ine-expect. At saka, totoo ba ‘yong sinabi mo kay Vanessa kanina na may alam kang madilim niyang sekreto? Kilala mo na ba siya dati?”Kunwari ‘y tinawanan niya ang itinanong nito sa kanya.“Syempre hindi, ano ka ba? Ngayon ko lang siya nakita at nakilala.” Wala rin siyang balak na sabihin sa binata ang mga nalalaman niya tungkol dito. Gaya nga ng sinasabi niya, hihintayin niya ang tamang pagkakataon.“Eh bakit natakot siya sa ‘yo kanina nang sabihin mong may alam ka sa sekreto niya? Sa kanya oo, maniniwala akong pwedeng may nalalaman siya tungkol sa ‘yo dahil alam ko
SA HALIP ay binalingan nito si Vanessa at pinagsabihan.“Hoy, girl! Kapag ayaw na sa ‘yo, huwag mo nang ipipilit ang sarili mo dahil nagmumukha ka lang desperada. Akala ko ba mas maganda ka at sexy kaysa sa ‘kin, eh bakit parang mas gusto niya ‘ko kaysa sa ‘yo?” mapang-asar na sambit dito ni Michaela.Muntikan na siyang mapaubo sa sinabi nito. Palaban talaga ito at kahit noon pa man ay pansin niya na ito. Kaya nga minsan lang siya rito manalo sa tuwing nag-aaway sila.Naniningkit ang mga matang binalingan ito ni Vanessa.“Hoy ikaw, manahimik ka! Hindi ko hinihingi ang opinyon mo! Baka mawala iyang pagtatapang-tapangan mo kapag ibinulgar ko ang mabaho mong sekreto.”“Ako rin, mayroon din akong alam na madilim mong sekreto,” diniinan talaga nito ang pagkakabigkas sa huling salita. “At kapag ibinulgar ko rin ‘yon, baka hindi lang ang tapang mo ang mawala, kundi pati na si…” sinadya nitong putulin ang sinasabi at tumingin ito sa kanya.Nabitiwan tuloy bigla ni Vanessa ang kanyang braso. N
PAGDATING nila sa parking lot ng restaurant ay nagusot ang mukha ni Jacob nang makita roon si Vanessa. Bihis na bihis ito na parang a-attend ng fashion show.Kung siguro katulad pa noon ang nararamdaman niya rito, ay talagang mapapanganga siya sa hitsura nito ngayon. Aminado naman siyang maganda naman talaga ito.Pero iba na ngayon, kahit siguro maghubad pa ito sa harapan niya ‘y hindi niya maiisip na galawin ito dahil puro galit at pagkamuhi na lang ang nararamdaman niya ngayon para rito.Talagang sinadya siguro siyang hinatayin nito dahil nakatayo ito sa mismong pagpa-parking-an niya ng kanyang sasakyan.Tiningnan naman niya ang katabing dalaga mula sa gilid ng kanyang mga mata. Wala siyang nakikitang kahit na anong reaksyon sa mukha nito pero alam niyang nakita nito si Vanessa.“Sweetheart, dito ka muna. Ako na muna ang bababa dahil kakausapin ko muna ‘tong babae sa harap natin,” pakiusap niya rito.“Ano ka ba, pwede mo naman siyang kausapin na kasama ako, right? I promise, makikin