“Good afternoon, Sir! Ma’am!” Binati kami ng bawat kasambahay at guards na nakakasalubong namin. Malaki din ang bahay ng Lola ni Morgan, mukhang lahat sa pamilya nila ay ubod ng mga yaman. Pagdating namin sa sala ay binati kami ng isang nurse na may edad na, tulak nito ang wheelchair kung saan nakasakay si Lola Juliana na hindi na nakakatayo. Apat na buwan na daw itong hindi nakakatayo dala ng katandaan. Lumapit si Morgan dito at humalik sa noo nito, lumapit naman ako at nagmano dito. Wala kaming nakuhang reaksyon dito pero kumikislap ang mga mata nito habang nakatingin sa apo. Ang sabi ni Morgan sa akin ay hindi na daw ito nakakapagsalita, pero halatang nakikilala pa nito ang apo nito base sa kasiyahang nakikita ko sa mga mata nito. Mayamaya ay lumabas galing sa kusina si Tita Kiray, halatang katatapos lang nito magbake dahil may suot pa itong apron at may hawak pa itong spatula, nabanggit kasi sa akin ni Morgan na talagang mahilig ito magbake kaya alam ko. “Morgan, iha, dumating
Terakhir Diperbarui : 2025-03-19 Baca selengkapnya