Nang mahimigan ang lamig sa boses ko ay bumuntong-hininga ito. “Alam kong galit ka, Saddie. And you have a reason to be angry, hindi kita masisisi dahil kasalanan ko ‘yon, naging duwag ako.” “Navy, wala na akong galit sayo, kilala mo ako, hindi ako mapagtanim ng galit. At isa pa nakamove on na ako at masaya na ako ngayon.” “What?!” Halos mabingi ako sa lakas ng sigaw nito. “Nakamove on? Don’t tell me na… oh never mind. Alam ko naman na galit ka lang. Naging gag0 kasi ako. And i’m really sorry for that.” Bumaba ang boses nito. “Pwede ba tayong mag usap?” Mahinahon na tanong nito. Bumuntong hininga ako. Ilang buwan na ang nakalipas pero ngayon lang ako nito tinawagan. Kung noong mga unang aras at linggo siguro ay baka pinagbigyan ko pa ito na kausapin ako. “Navy, hiwalay na tayong dalawa, wala na tayong dapat pag usapan pa.” “Pero, Saddie, mahalaga ang gusto kong sabihin sa’yo. Please let’s talk.” Samo nito. Umiling-iling ako sa hangin. “I’m sorry pero wala ng dahilan para m
Huling Na-update : 2025-03-14 Magbasa pa