LIKE 👍
“Good afternoon, Sir! Ma’am!” Binati kami ng bawat kasambahay at guards na nakakasalubong namin. Malaki din ang bahay ng Lola ni Morgan, mukhang lahat sa pamilya nila ay ubod ng mga yaman. Pagdating namin sa sala ay binati kami ng isang nurse na may edad na, tulak nito ang wheelchair kung saan nakasakay si Lola Juliana na hindi na nakakatayo. Apat na buwan na daw itong hindi nakakatayo dala ng katandaan. Lumapit si Morgan dito at humalik sa noo nito, lumapit naman ako at nagmano dito. Wala kaming nakuhang reaksyon dito pero kumikislap ang mga mata nito habang nakatingin sa apo. Ang sabi ni Morgan sa akin ay hindi na daw ito nakakapagsalita, pero halatang nakikilala pa nito ang apo nito base sa kasiyahang nakikita ko sa mga mata nito. Mayamaya ay lumabas galing sa kusina si Tita Kiray, halatang katatapos lang nito magbake dahil may suot pa itong apron at may hawak pa itong spatula, nabanggit kasi sa akin ni Morgan na talagang mahilig ito magbake kaya alam ko. “Morgan, iha, dumating
(Saddie pov) Imbes na ihatid ay dinala muna ako ni Morgan sa isang pag aari niyang condo. Pagkapasok pa lang ay sabik na agad nitong sinibasib ng halik. “Morgan—wait,” Awat ko rito, hindi pa kasi nasasara ng maayos ang pinto, nang makita nito ang concern ko ay tinulak nito ang pinto gamit ang paa niya habang buhat ako. Ginantihan ko ito ng mapusok na halik habang nakakawit ang braso ko sa leeg nito. Pareho kaming sabik at uhaw sa labi ng isa’t isa. Halos maubusan kami ng hangin ng magbitiw kaming dalawa, sabik na sabik kami pareho sa isa’t isa at hindi na makapaghintay na mag isa ang nag iinit naming katawan. Inaamin ko na hindi lang si Morgan ang nag iinit kanina sa kotse maging ako din ay hindi makapaghintay na angkinin nito. “I want you so badly, Saddie!” Paos na anas ni Morgan habang hinahalikan ako, bumaba ang halik nito sa leeg ko at hanggang sa cleavage ko. Hindi ito nakatiis, binaba niya ako sandali at hinubad ang suot kong dress at binaba nito hanggang kalahati ng hita ang
(Saddie pov) Habang lulan kami ng sasakyan papunta sa bahay ni Papa ay hindi ko namalayan na pinisil ko ang kamay ni Morgan dahil sa kaba ko. Naalala ko kasi ang sinabi sa akin ni Papa noon sa hospital. Nang tingnan ako ni Morgan ay ngumiti ako, ayoko kasing mahalata nito na kinakabahan ako. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa sinabi sa kanya ang mga sinabi ni Papa. Alam ko naman na hindi ko na kailangan ipaliwanag o ipagtanggol ito dahil naiiba si Morgan at malayo ito sa sinasabi nito. Hindi naman lahat ng mayaman ay parepareho. Patutunayan ko nalang na naiiba ang nobyo ko, mahal ako ni Morgan at ilang beses ko na ‘yong napatunayan. Pagdating sa tapat ng bahay nila papa ay bumaba na kami ng sasakyan. Tumingin ako sa bahay nila Papa. Naalala ko sa tuwing pupunta ako dito ay hindi ako nakakapasok sa loob, hanggang labas lang ako dahil hindi ako pinapahintulutan pumasok ng asawa ni Papa. Kaya ng papasukin kami nito ay nagulat talaga ako. Siguro dahil nakilala nito si Morgan kaya inimbi
Iniwas ko ang tingin ko at nahihiya na yumuko. Nakakahiya. Baka mamaya sabihin ni Morgan na ang drama ko. “It's okay, my love. They leave you when you're just a kid. It's natural to feel that way. It's valid.” Sinapo niya ang pisngi ko at inangat ang ulo ko. “From now on, I will love you twice as much so you won't have to look for anything else. How about that?” Natawa ako sa biro nito. “Ikaw talaga, puro ka kalokohan.” Sumimangot ito. “Tsk. Do i look like joking to you?” “Oo na! Oo na! Hindi ka naman mabiro! Alam ko naman love mo ako ng sobra… hindi lang doble kaya nga mahal din kita. Tara na, di’ba may pupuntahan pa tayo?” Pilyo ako nitong nginitian kaya nagkahinala ako. “Morgan, naman eh!” “What? Hahaha!” Maang-maangan nito. Alam ko naman na dadalhin na naman ako nito sa condo nito. Palagi nitong dinadahilan sa akin na kailangan namin bigyan ng apo ang lola nito. Pero alam kong palusot lang niya ‘yon para umiskor sa akin. “TALAGA, ikakasal ka na? Congratulation!” Bati
(Morgan pov) I was about to fetch Saddie when she called me. Inaya daw ito ng mga kaibigan papunta sa isang bar. Ayokong pumunta ito sa gano’ng lugar pero nangako naman ito na ito na ang huling beses na pupunta ito sa gano’ng klaseng lugar. Gusto lang daw nito na makasama ang mga kaibigan bago kami magpakasal. Saddie is beautiful —no, she’s more than beautiful, she’s stunning and gorgeous. Lalaki ako at alam ko na ang mga tipo nito ang mga pinagkakaguluhan ng mga lalaki. Kaya ayaw ko sanang payagan ito dahil alam ko na pagsasawaan itong tingnan ro’n lalo na sa magandang hugis ng katawan nito. Intead of saying NO, kasalungat iyon ng sinagot ko. Ayokong masakal ito sa relasyon namin at gusto kong isipin niya na hindi ako seloso at katulad ng ex nito. Isang oras palang ang lumipas pero hindi na ako mapakali. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pinuntahan ito. I was about to approach her when I saw her with someone, nakita ko na ang lalaking ito noon sa lockscreen ng cellphone niya
(Kiray pov) Pagdating namin ni Laxus mula sa pamimili ay hinanap ko agad ang mga anak namin sa kasambahay na sumalubong sa akin. “Nasa kusina si Sir Morgan, ma’am. Si Kirk naman ay nasa taas kasama si Ma’am Juliana.” Nasa kusina si Morgan? Kumunot ang noo ko, maging si Laxus ay nagtaka. Kilala kasi namin ang panganay namin, bukod sa kakatuto lang nito sa pagluluto ay hindi ito mahilog o magaling magluto. Nagkatinginan kaming mag asawa at sabay na napangiti pa. Mukhang ganito ang epekto ng pag ibig sa panganay naming anak. Pagdating namin sa kusina ay nadatnan namin na makalat dito. Nang makita kami ni Morgan ay bumati ito. “Ang dami mo yatang niluluto, anak. Para ba kay Saddie lahat ng ito?” Nanunudyong ngumiti ako ng tumango ito. “Ang sweet naman pala ng anak ko, manang-mana ka talaga sa akin.” Biro ko. Hinapit ako ni Laxus sa bewang at may hinampo itong nagsalita. “Bakit? Sweet din naman ako ah. Kung may pinagmanahan man ang anak natin, ako ‘yon at hindi ikaw.” Natawa ako ng
(Saddie pov) Pagkatapos kong magligo at magbihis ay nagpaalam na ako kina Mama. Ngayong araw kasi ang balik ko sa bahay namin noon. Nagpasya ako na bumalik doon dahil nahihiya na ako kina Tito. At isa pa, gusto kong makasama si Morgan. Ikakasal na rin naman kami after five months kaya wala ng kaso kahit magsama kami sa iisang bahay. Saka mutual decision namin ‘yon at nasa tamang edad na rin naman kami. Pagkatapos magpaalam ni Morgan sa Mama ko at stepfather ko ay umalis na kami. Habang lulan ng sasakyan ay kanina ko pa napapansin na hindi mabura ang ngiti ni Morgan sa labi. Mukhang naeexcite din ito na makasama na ako. Pagdating sa bahay ay agad ako nitong niyakap at hinalikan pagkasara palang ng pintuan. Tinulak ko ito para awatin dahil naalala ko na may lakad pa kami mamaya pero hindi ito nagpaawat. “Let me kiss you my love… just one kiss.” Anas nito pagkatapos akong lamutakin ng halik sa labi at leeg. Namumulang hinampas ko ito sa dibdib. “Anong one kiss? Eh halos ten minutes
“Ikaw ha, dahilan mo lang pala ang pagturo ko sayo para malapitan mo ako. Kailan mo pa ako gusto?” Namula ang tenga nito sa tanong ko. Namula din ako. Ibig sabihin pala ay tama ang hinala ko?! “Tsk. Who told you that?” Kumamot ito sa kilay. “Si mommy talaga ang daldal!” Hanggang sa pag uwi namin ay hindi ito umaamin sa akin, mukha itong nahihiya. Pagkatapos kong magpalit ng damit ay bumaba na ako. Nagulat ako dahil naabutan ko itong nagluluto, naka loose pants lang ito at halatang kakaligo lang. Nagtaka ako ng makita na pang dalawang tao ang niluto nitong Korean noodles, eh hindi naman ito kumakain ng maanghang. “Mumu—“ pinigilan ko ang matawa ng pagkasubo nito ay namula ang mukha nito sa anghanh. “Wag mo na kasi pilitin na kumain nito, tingnan mo para kang kamatis sa pula.” Pinigilan ko ito ng kumain ito ulit pero hindi ito nagpaawat. Napailing nalang ako. Alam ko naman na ginagawa niya ito para masabayan ako. Gano’n ako nito kamahal, kahit malayo sa bagay na gusto niyang gawin
(Morgan pov) “Wala pa rin nahuling driver! Hindi ba nakapagtataka? Apat na beses ka ng muntik maaksidente pero wala naman driver ang mga sasakyan na muntik makabangga sayo. Aksidente ba talaga ‘to o sinadya? Saka lahat ng sasakyan na ginamit ay unidentified at hindi kilala kung sino ang may ari!” “The cctv footages? Did you check it?” “Oo, pero katulad no’ng nauna ay blindspot at hindi naabot ng cctv ang mga nangyari.” Pinigilan ko ang magmura ng malakas. Ayoko kasing magising si Saddie ngayon na mahimbing na natutulog. “Mag imbestiga ka. Sigurado na may maiiwang butas ang may pakana ng ito. Ireport mo agad sa akin ang malalaman mo.” Utos ko rito bago binaba ang tawag. I clenched my fist. Tama si Jerome. Nakapagtataka na apat na beses itong nangyari. Sa una ay iisipin mong aksidente ang lahat. Pero ng marinig ko ang huling sinabi nito ay napaisip na ako. This is not a fvcking incident —plano ito at sinadya. Ngunit sino ang gagawa nito? Naningkit ang mata ko ng may hin
(Saddie pov) Hinaplos ko ang sugat ni Morgan sa kilay habang nagpapasalamat sa diyos dahil ligtas ito. Buti nalang at hindi malubha ang tinamo nito. Kundi ay baka hindi lang gasgas ang natamo nitong mga sugat. Nang masiguro kong tulog na ito ay saka ako tumayo para kunin ang ointment na nireseta ng doktor para sa sugat nito. Pagkatapos lagyan ng ointment ang sugat nito ay kinumutan ko ito bago lumabas ng kwarto. “Masakit pa rin ba ang tiyan mo, iha?” Tanong ni mommy Kiray ng masalubong ko ito. May dala itong gatas para sa buntis. Dahil tulog si Morgan ay sa sala muna kami tumuloy. “Pasensya ka na sa nangyari, iha. Dapat ay nakinig ako kay Morgan. Hindi ka sana mawawalan ng malay kung sinunod ko ang sinabi ng anak ko.” Puno ng pagsisisi na sabi nito. Pagkalapag nito ng gatas ay hinawakan ko ang kamay nito. “Mommy, hindi mo kailangan humingi ng tawad, wala ka pong kasalanan. Ang totoo nga po ay nagpapasalamat ako dahil sinabi niyo sa akin. Dahil kung hindi ay baka hindi ko nalam
(Saddie pov) Halatang kinakabahan si Stephanie na makaharap si mama kaya hinawakan ko ito sa kamay. “Wag kang matakot, hindi nangangagat si mama.” Biro ko dito. Natawa ito ng bahagya. Pagkabukas ng pinto ay nakangiting sinalubong kami ni mama. Halatang nagulat pa si Stephanie dahil sa mainit na pagsalubong dito ng mama ko. “M-magandang hapon po, tita. P-para nga po pala sa inyo, herbal tea. Nalaman ko po kasi na kagagaling niyo lang sa sakit.” “Maraming salamat, iha. Nag abala ka pa. Halika maupo muna kayo ng kapatid mo.” Sumunod kami kay mama ng magpatiuna ito sa paglalakad. Habang naglalakad kami ay panay ang siko sa akin ni Stephanie. Halatang kabado pa rin ito na harapin ang mama ko. Hindi ko ito masisisi. Kasi kung ako ang nasa kalagayan nito ay baka gano’n din ako. Pagdating namin sa sala ay umupo kami. Naabutan pa nga namin na naglalaro ang mga stepbrother ko. Wala si tito ngayon dahil nasa trabaho ito kaya sila lang ang nasa bahay ngayon. “N-naku tita maraming s
“Hindi mo ba sasagutin?” Tanong ko kay Stephanie. Nandito kami ngayon sa isang restaurant at kumakain. Bigla nalang kasi ito nag alok na ililibri ako ng lunch. Gusto daw nito makabonding ako kahit minsan sa labas. Hindi na ako nagpasama kay mommy Kiray at mama dahil sinundo naman ako nito kanina sa bahay. Bumuntonghininga ito. Kanina pa kasi nagriring ang cellphone nito sa tawag nila papa at tita Letty. Mukhang hanggang ngayon ay wala itong balak makipag usap sa magulang nito. “Saddie, hindi kasi madaling gawin ‘yon. Hindi pa sa ngayon. Teka nga pala. Diba may lakad ka ngayon? Samahan na kita.” “Ah oo nga pala. Sigurado ka ba? Baka kasi mamaya makaistorbo ako sa pasok mo.” “Naku hindi. Day off ko ngayon. Saka naboboring ako sa inuupahan ko eh. Kaya sasamahan na kita.” Kinawit nito ang kamay sa braso ko. “May gwapo ba sa pupuntahan natin? Baka meron, single ako at pwedeng-pwede ireto.” “Lokoloko ka. May dadalawin lang ako. Saka may kukunin ako sa bahay.” Tingnan mo ‘tong bab
“Happy birthday, Mumu!” Natawa kami nila mommy ng sumimangot ito. Paano ay sinuprise namin ito gamit ang kids party. Eh wala kasi kaming ibang maisip ni mommy Kiray. Kaya ito ang naisip namin para maiba naman. “Happy birthday, Mumu… happy birthday, Mumu… happy birthday happy birthday… happy birthday to you!!!” Sabay naming kanta ni Mommy, habang sila daddy Laxus at Kirl ay natatawang umiiling sa gilid. “Hipan mo na ang kandila anak. Pero bago ‘yon ay mag wish ka muna.” “Mom!” “Oh bakit? Sasabihin mo na naman na hindi totoo ‘yon? Aba tingnan mo, nakapag asawa ka ng katulad ni Saddie dahil ‘yon anh wish mo noong bata ka. Hindi lang maganda ang naging asawa mo, mabait at mapagmahal pa. Kaya sige na, magwish ka na.” Pamimilit dito ng mommy nito. Napapailing nalang na sumunod ito. Wala din kasi kaming balak na tigilan ito. Nakangiting lumapit ako sa kanya at nilagay sa ulo niya ang birthday hat na may character pa ni Mickey mouse. “Ano ang winish mo, Mumu? Hindi naman
(Saddie pov) bumuntong hininga ako habang nakangalumbaba na nakatingin sa cake na ginawa ko. Dalawang aras na akong nagpapractice na gumawa ng cake pero hindi ako natututo. Sinunod ko naman ang mga binilin sa akin ni mommy Kiray. Tumatawang nilapitan ako ni mama. “Anak, isang linggo pa naman ang birthday ng asawa mo. May pitong araw ka pa para mag aral.” “Paano kung hindi pa rin masarap ang gawa ko?” Ngumuso ako ng tumawa ito. Nawawalan na kasi ako ng pag asa na sasarap ang gawa ko. “Masarap man ‘yan o hindi ang mahalaga anak ay nag effort ka. Sigurado ako na magugustuhan ni Morgan anuman ang ibigay mo sa kanya. Saka sa palagay ko ay wala na siyang hihilingin pa ngayon dahil dito.” Sabay himas nito sa nakaumbok kong tiyan. Napangiti ako. Tama si mama. Sigurado na kahit ano ang ibigay ko ay maa-appreciate ng asawa ko. Nandito ngayon si mama dahil wala si mommy Kiray para samahan ako. Saka gusto nito na maalagaan din ako habang buntis ako dahil nga maselan ako. Malaki na
(Saddie pov) Tumingin ako sa salamin. Medyo nahahalata na ang tiyan ko. Mag aapat na buwan na rin pala ang pinagbubuntis ko. Lumapit si Morgan sa akin at hinapit ako. “Are you ready?” “Medyo. Pero kinakabahan pa rin ako.” First time ko kasi na dadalo sa isang Business event na kasama si Morgan. Annual party kasi ng kumpanya kaya kinakailangan na dumalo ang mga King. Ayoko sanang sumama dahil hindi naman ako sanay na dumalo sa malaking pagtitipon na gaya no’n. Pero mapilit si Morgan. “Relax, my love. Isa ka na ngayong King kaya madalas na tayong pupunta sa mga event na kagaya nito ng magkasama. Don’t be nervous… nasa tabi mo lang ako. Saka wala namang kakain sa’yo do’n.” Tawang biro nito. Ngumuso ako. “Alam mo naman na hindi ako marunong makipag socialize.” Sagot ko rito. Naglakbay ang asul nitong mata sa kabuohan ko. Nakasuot kasi ako ngayon ng Peplum Blue dress na halos umabot sa talampakan ang haba. Kahit medyo bukol na ang tiyan ko ay napakaganda ko pa rin sa suot ko.
Nagulat si Morgan pagdating dahil sinabi ko dito na nagluto ako para sa kanya. “Niluto mo ang lahat ng ito?” Gulat na tanong nito. Nang tumango ako ay nag isang linya ang kilay nito. “Hindi ba sinabi ko na sayo na huwag mong pagurin ang sarili mo?” “Ngayon lang naman, Mumu. Matagal na rin kasi no’ng pinagluto kita kaya nagluto ako para sayo. Wag ka ng magalit please…” Sobrang saya ko kasi matapos mapanood ang interview rito. Kaya naisip ko na paglutuan ito. Kahit man lang dito ay makabawi ako sa ginawa nito. Malambing na yumakap ako rito at nagpapacute na tumingala rito. Nahihiya man akong magpacute dahil ang tanda ko na ay kailangan kong gawin. Epektib naman ang ginawa ko dahil bumuntonghininga ito at gumanti sa akin ng isang mahigpit na yakap. “May nangyari ba? You look happy…” puna nito ng mapansin na hindi mawala ang ngiti sa labi ko. “Kasi ano… napanood ko ‘yung interview sayo. Ikaw ha, hindi mo man lang sinabi sa akin na magpapa interview ka. Kung hindi pa nabanggit ng mo
Hindi pala madaling magbuntis. Noong una ay nagki-crave lang ako sa mga pagkain. Pero ngayon ay palagi na akong nahihilo at sumusuka tuwing umaga. Mabuti nalang at nandiyan sila mommy Kiray. Ito ang nagpapakalma kay Morgan at nagsasabi na normal lang ang pinagdadaanan ko. “Bye, my love. Babalik din ako asap. Kailangan ko lang i-close ang deal na ito for the company.” Tumingin si Morgan sa ina pagkatapos nitont humalik sa labi ko. “Mom, ikaw na muna ang bahala sa asawa ko. Pagkatapos ng meeting ko ay babalik agad ako.“ tumingin ito sa akin. “Ano ang gusto mong pasalubong pag uwi ko?” Ngumuso ako. Lahat kasi ng gusto ko ay nandito na sa bahay, mapa pagkain man ‘yan o kung ano. Wala na akong hahanapin pa. Palagi kasi nitong sinisiguro na makukuha ko ang lahat bg gusto ko. “Basta umuwi ka lang ng ligtas ay masaya na ako, Mumu. Ingat ka ha…. I love you!” “I love you more, my love. I’ll go ahead, mom!” Humalik din ito sa noo ng mommy nito bago tuluyang nagpaalam. Nakangiti naman na