LIKE 👍
(Morgan pov) “Find her now! Wag kayong babalik ng hindi nalalaman kung nasa’n siya!” “Yes, Sir!” Tugon ng mga tauhan na inutusan kong hanapin si Saddie. Sumandal ako sa swivel chair at hinilot ang sintido ko pagkatapos tawagan ang mga ito. This is all my fault. Kung hindi ako naglihim rito ay hindi ko ito masasaktan. Hindi na sana nito sa balita nalaman ang tungkol kay Flory. “Fvck! Kasalanan ko ‘to!” Hindi sana ito lalayas sa bahay kung hindu ako naglihim dito at nagpaliwanag agad ako noong una palang. Mayamaya ay nakarinig ako ng katok. Inaasahan ko na ang secretary ko ito pero si Kirk ang pumasok. Nilapag nito ang folder na may report tungkol sa former coach ko at dating kaibigan. “I took it from Jerome. Tutal ay pupunta naman ako dito kaya ako na ang nagdala nito sa’yo.” Paliwanag nito. “Nakausap ko si Mommy, she denied about the newspaper statement. Hindi totoo na sinabi niya na engaged na kayo ni Flory at malapit ng ikasal. The photo they released was fake. Pina-take dow
Nainip ako kaya lumabas ako at sumandal muna sa kotse ko. Hindi nagtagal ay may dumating na may edad na babae at kumatok, pinagbuksan ito ng may edad na lalaki. “Kuya, sigurado ka ba na ibebenta mo ang lupa mo sa probinsya? Akala ko ba ay hindi mo ibebenta iyon dahil paboritong puntahan iyon ni Ate Marilou. Saka pamana sa’yo ‘yon ni Tatay… alam kong mahalaga iyon sa’yo.” Narinig ko na gipit ang lalaki na hininala ko na stepfather ni Saddie. Mukhang mabuti itong tao dahil handa itong ibenta ang lupa para sa pamilya nito. May lumabas na batang lalaki na tinatayang nasa sampong taong gulang kaya natigil sa pag uusap ang magkapatid. Tinaboy agad ng lalaki ang babae para hindi ito marinig ng anak na kalalabas lang. “Papa,si Ate Saddie, parang malungkot po siya.” Sumbong ng batang lalaki sa ama. “Paano mo naman nasabi, anak?” “Eh kasi po, palagi po siyang umiiyak. Parang ang sad niya po talaga… baka po ayaw sa akin. Kasi diba po kapag halfbrother lang ayaw sa kanila ng halfsister?”
(Saddie pov)Malungkot na tumingin ako sa mga bulaklak na binigay sa akin ni Morgan. Gusto kong pagsisihan na tinaboy ko ito kahit pinaliwanag na sa akin nito ang lahat. Natatakot kasi ako na baka pinapaikot lang niya ako kaya pinili ko muna na pag isipan ang relasyon naming dalawa. Mahal ko siya pero natatakot ako na baka side chick lang ako nito. Bukod kasi sa akin, at kina Mama ay wala ng nakakaalam na nobya niya ako. Ewan ko ba. Hindi naman ako dating ganito, na mapaghinala. Pero simula ng lokohin ako ni Navy at palabasin na mayaman sa magulang nito ay mabilis na akong magkaro’n ng duda. Natatakot kasi ako na baka masaktan ako katulad ng ginawa nito sa akin noon. Umupo si Mama sa tabi ko ng makita ako nito. “Ma, ano ang dapat kong gawin? Mahal ko po si Morgan pero natatakot ako baka magsinungaling ulit siya sa akin. Paano po kung sinabi lang niya ang gusto kong marinig para pagaanin ang loob ko? Ayoko po makasakit ng kapwa ko babae, iyon ang huling bagay na gusto kong magawa, ang
Nagulat ako ng makita sila Tita Kiray at ang asawa nito kasama si Morgan at isa pang lalaki na kahawig ni Morgan… Ano ang ginagawa nila ditong lahat? Nilapitan at niyakap ako ni Tita Kiray, kinamayaman naman ako ng asawa nito at ng lalaking hinihinala ko na kapatid ni Morgan. Nagpalipat-lipat ang tingij ko sa kanila, takang-taka ako bakit narito sila at wala sa airport. “I knew it, Ganda. Sabi na nga ba may kakaiba sa tinginan ninyong dalawa ng aking anak.” Namula ako at yumuko. Napansin pala iyon ng ginang. Nakakahiya, baka nandito ito para sabihin na layuan ko si Morgan dahil may fiancee na ito at hindi ako nababagay dito. “Natutuwa akong malaman na ikaw ang fiancee ng anak ko, Ganda. Ngayon palang ay welcome to the family, Ganda.” “P-po?” Pero ang akala ko ay… bigla akong nilapitan ni Morgan at niyakap sabay bulong ng “I love you” sa tenga ko. Narealized ko na ako pala ang babaeng tinutukoy ng kasambahay kanina. Ako pala ang fiancee na tinutukoy nito na susunduin. N
(Saddie pov) Ganado akong bumangon kinabukasan. Ang gaan ng pakiramdam ko hindi katulad no’ng nakaraang araw. Nakapaglinis agad ako at nakapagluto ng almusal. Inasikaso ko na rin ang mga kapatid ko sa pagpasok sa eskwela. Busy kasi si Tito sa pag aalaga kay Mama. Nanunudyo akong nginitian ni Mama ng makita niya ako. “Aba mukhang maganda ang gising ng anak ko ngayon. Iba talaga ang nagagawa ng pag ibig!” Namumulang nilapag ko sa harapan nila ni Tito ang kape na tinimpla ko. “Ikaw ba naman ang yayain na pakasalan ng isang Morgan King! Kahit ako ay hindi makapaniwala na fiancee siya ng idol namin ng anak mo!” Ani ni Tito na hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon na magkakilala kami ni Morgan. Kahit nga ang kapatid ko ay walang ginawa kundi kulitin ako tungkol sa nobyo ko. Sinuway lang ito nila Mama kagabi dahil baka mapuyat ito sa katatanong sa akin. Hindi pa kami tapos mag almusal ng kumatok ang ilang kapitbahay nila Mama na malapit na kaibigan nila. Narinig kong nagtatanong
“Good afternoon, Sir! Ma’am!” Binati kami ng bawat kasambahay at guards na nakakasalubong namin. Malaki din ang bahay ng Lola ni Morgan, mukhang lahat sa pamilya nila ay ubod ng mga yaman. Pagdating namin sa sala ay binati kami ng isang nurse na may edad na, tulak nito ang wheelchair kung saan nakasakay si Lola Juliana na hindi na nakakatayo. Apat na buwan na daw itong hindi nakakatayo dala ng katandaan. Lumapit si Morgan dito at humalik sa noo nito, lumapit naman ako at nagmano dito. Wala kaming nakuhang reaksyon dito pero kumikislap ang mga mata nito habang nakatingin sa apo. Ang sabi ni Morgan sa akin ay hindi na daw ito nakakapagsalita, pero halatang nakikilala pa nito ang apo nito base sa kasiyahang nakikita ko sa mga mata nito. Mayamaya ay lumabas galing sa kusina si Tita Kiray, halatang katatapos lang nito magbake dahil may suot pa itong apron at may hawak pa itong spatula, nabanggit kasi sa akin ni Morgan na talagang mahilig ito magbake kaya alam ko. “Morgan, iha, dumating
(Saddie pov) Imbes na ihatid ay dinala muna ako ni Morgan sa isang pag aari niyang condo. Pagkapasok pa lang ay sabik na agad nitong sinibasib ng halik. “Morgan—wait,” Awat ko rito, hindi pa kasi nasasara ng maayos ang pinto, nang makita nito ang concern ko ay tinulak nito ang pinto gamit ang paa niya habang buhat ako. Ginantihan ko ito ng mapusok na halik habang nakakawit ang braso ko sa leeg nito. Pareho kaming sabik at uhaw sa labi ng isa’t isa. Halos maubusan kami ng hangin ng magbitiw kaming dalawa, sabik na sabik kami pareho sa isa’t isa at hindi na makapaghintay na mag isa ang nag iinit naming katawan. Inaamin ko na hindi lang si Morgan ang nag iinit kanina sa kotse maging ako din ay hindi makapaghintay na angkinin nito. “I want you so badly, Saddie!” Paos na anas ni Morgan habang hinahalikan ako, bumaba ang halik nito sa leeg ko at hanggang sa cleavage ko. Hindi ito nakatiis, binaba niya ako sandali at hinubad ang suot kong dress at binaba nito hanggang kalahati ng hita ang
(Saddie pov) Habang lulan kami ng sasakyan papunta sa bahay ni Papa ay hindi ko namalayan na pinisil ko ang kamay ni Morgan dahil sa kaba ko. Naalala ko kasi ang sinabi sa akin ni Papa noon sa hospital. Nang tingnan ako ni Morgan ay ngumiti ako, ayoko kasing mahalata nito na kinakabahan ako. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa sinabi sa kanya ang mga sinabi ni Papa. Alam ko naman na hindi ko na kailangan ipaliwanag o ipagtanggol ito dahil naiiba si Morgan at malayo ito sa sinasabi nito. Hindi naman lahat ng mayaman ay parepareho. Patutunayan ko nalang na naiiba ang nobyo ko, mahal ako ni Morgan at ilang beses ko na ‘yong napatunayan. Pagdating sa tapat ng bahay nila papa ay bumaba na kami ng sasakyan. Tumingin ako sa bahay nila Papa. Naalala ko sa tuwing pupunta ako dito ay hindi ako nakakapasok sa loob, hanggang labas lang ako dahil hindi ako pinapahintulutan pumasok ng asawa ni Papa. Kaya ng papasukin kami nito ay nagulat talaga ako. Siguro dahil nakilala nito si Morgan kaya inimbi
(Morgan pov) “Wala pa rin nahuling driver! Hindi ba nakapagtataka? Apat na beses ka ng muntik maaksidente pero wala naman driver ang mga sasakyan na muntik makabangga sayo. Aksidente ba talaga ‘to o sinadya? Saka lahat ng sasakyan na ginamit ay unidentified at hindi kilala kung sino ang may ari!” “The cctv footages? Did you check it?” “Oo, pero katulad no’ng nauna ay blindspot at hindi naabot ng cctv ang mga nangyari.” Pinigilan ko ang magmura ng malakas. Ayoko kasing magising si Saddie ngayon na mahimbing na natutulog. “Mag imbestiga ka. Sigurado na may maiiwang butas ang may pakana ng ito. Ireport mo agad sa akin ang malalaman mo.” Utos ko rito bago binaba ang tawag. I clenched my fist. Tama si Jerome. Nakapagtataka na apat na beses itong nangyari. Sa una ay iisipin mong aksidente ang lahat. Pero ng marinig ko ang huling sinabi nito ay napaisip na ako. This is not a fvcking incident —plano ito at sinadya. Ngunit sino ang gagawa nito? Naningkit ang mata ko ng may hin
(Saddie pov) Hinaplos ko ang sugat ni Morgan sa kilay habang nagpapasalamat sa diyos dahil ligtas ito. Buti nalang at hindi malubha ang tinamo nito. Kundi ay baka hindi lang gasgas ang natamo nitong mga sugat. Nang masiguro kong tulog na ito ay saka ako tumayo para kunin ang ointment na nireseta ng doktor para sa sugat nito. Pagkatapos lagyan ng ointment ang sugat nito ay kinumutan ko ito bago lumabas ng kwarto. “Masakit pa rin ba ang tiyan mo, iha?” Tanong ni mommy Kiray ng masalubong ko ito. May dala itong gatas para sa buntis. Dahil tulog si Morgan ay sa sala muna kami tumuloy. “Pasensya ka na sa nangyari, iha. Dapat ay nakinig ako kay Morgan. Hindi ka sana mawawalan ng malay kung sinunod ko ang sinabi ng anak ko.” Puno ng pagsisisi na sabi nito. Pagkalapag nito ng gatas ay hinawakan ko ang kamay nito. “Mommy, hindi mo kailangan humingi ng tawad, wala ka pong kasalanan. Ang totoo nga po ay nagpapasalamat ako dahil sinabi niyo sa akin. Dahil kung hindi ay baka hindi ko nalam
(Saddie pov) Halatang kinakabahan si Stephanie na makaharap si mama kaya hinawakan ko ito sa kamay. “Wag kang matakot, hindi nangangagat si mama.” Biro ko dito. Natawa ito ng bahagya. Pagkabukas ng pinto ay nakangiting sinalubong kami ni mama. Halatang nagulat pa si Stephanie dahil sa mainit na pagsalubong dito ng mama ko. “M-magandang hapon po, tita. P-para nga po pala sa inyo, herbal tea. Nalaman ko po kasi na kagagaling niyo lang sa sakit.” “Maraming salamat, iha. Nag abala ka pa. Halika maupo muna kayo ng kapatid mo.” Sumunod kami kay mama ng magpatiuna ito sa paglalakad. Habang naglalakad kami ay panay ang siko sa akin ni Stephanie. Halatang kabado pa rin ito na harapin ang mama ko. Hindi ko ito masisisi. Kasi kung ako ang nasa kalagayan nito ay baka gano’n din ako. Pagdating namin sa sala ay umupo kami. Naabutan pa nga namin na naglalaro ang mga stepbrother ko. Wala si tito ngayon dahil nasa trabaho ito kaya sila lang ang nasa bahay ngayon. “N-naku tita maraming s
“Hindi mo ba sasagutin?” Tanong ko kay Stephanie. Nandito kami ngayon sa isang restaurant at kumakain. Bigla nalang kasi ito nag alok na ililibri ako ng lunch. Gusto daw nito makabonding ako kahit minsan sa labas. Hindi na ako nagpasama kay mommy Kiray at mama dahil sinundo naman ako nito kanina sa bahay. Bumuntonghininga ito. Kanina pa kasi nagriring ang cellphone nito sa tawag nila papa at tita Letty. Mukhang hanggang ngayon ay wala itong balak makipag usap sa magulang nito. “Saddie, hindi kasi madaling gawin ‘yon. Hindi pa sa ngayon. Teka nga pala. Diba may lakad ka ngayon? Samahan na kita.” “Ah oo nga pala. Sigurado ka ba? Baka kasi mamaya makaistorbo ako sa pasok mo.” “Naku hindi. Day off ko ngayon. Saka naboboring ako sa inuupahan ko eh. Kaya sasamahan na kita.” Kinawit nito ang kamay sa braso ko. “May gwapo ba sa pupuntahan natin? Baka meron, single ako at pwedeng-pwede ireto.” “Lokoloko ka. May dadalawin lang ako. Saka may kukunin ako sa bahay.” Tingnan mo ‘tong bab
“Happy birthday, Mumu!” Natawa kami nila mommy ng sumimangot ito. Paano ay sinuprise namin ito gamit ang kids party. Eh wala kasi kaming ibang maisip ni mommy Kiray. Kaya ito ang naisip namin para maiba naman. “Happy birthday, Mumu… happy birthday, Mumu… happy birthday happy birthday… happy birthday to you!!!” Sabay naming kanta ni Mommy, habang sila daddy Laxus at Kirl ay natatawang umiiling sa gilid. “Hipan mo na ang kandila anak. Pero bago ‘yon ay mag wish ka muna.” “Mom!” “Oh bakit? Sasabihin mo na naman na hindi totoo ‘yon? Aba tingnan mo, nakapag asawa ka ng katulad ni Saddie dahil ‘yon anh wish mo noong bata ka. Hindi lang maganda ang naging asawa mo, mabait at mapagmahal pa. Kaya sige na, magwish ka na.” Pamimilit dito ng mommy nito. Napapailing nalang na sumunod ito. Wala din kasi kaming balak na tigilan ito. Nakangiting lumapit ako sa kanya at nilagay sa ulo niya ang birthday hat na may character pa ni Mickey mouse. “Ano ang winish mo, Mumu? Hindi naman
(Saddie pov) bumuntong hininga ako habang nakangalumbaba na nakatingin sa cake na ginawa ko. Dalawang aras na akong nagpapractice na gumawa ng cake pero hindi ako natututo. Sinunod ko naman ang mga binilin sa akin ni mommy Kiray. Tumatawang nilapitan ako ni mama. “Anak, isang linggo pa naman ang birthday ng asawa mo. May pitong araw ka pa para mag aral.” “Paano kung hindi pa rin masarap ang gawa ko?” Ngumuso ako ng tumawa ito. Nawawalan na kasi ako ng pag asa na sasarap ang gawa ko. “Masarap man ‘yan o hindi ang mahalaga anak ay nag effort ka. Sigurado ako na magugustuhan ni Morgan anuman ang ibigay mo sa kanya. Saka sa palagay ko ay wala na siyang hihilingin pa ngayon dahil dito.” Sabay himas nito sa nakaumbok kong tiyan. Napangiti ako. Tama si mama. Sigurado na kahit ano ang ibigay ko ay maa-appreciate ng asawa ko. Nandito ngayon si mama dahil wala si mommy Kiray para samahan ako. Saka gusto nito na maalagaan din ako habang buntis ako dahil nga maselan ako. Malaki na
(Saddie pov) Tumingin ako sa salamin. Medyo nahahalata na ang tiyan ko. Mag aapat na buwan na rin pala ang pinagbubuntis ko. Lumapit si Morgan sa akin at hinapit ako. “Are you ready?” “Medyo. Pero kinakabahan pa rin ako.” First time ko kasi na dadalo sa isang Business event na kasama si Morgan. Annual party kasi ng kumpanya kaya kinakailangan na dumalo ang mga King. Ayoko sanang sumama dahil hindi naman ako sanay na dumalo sa malaking pagtitipon na gaya no’n. Pero mapilit si Morgan. “Relax, my love. Isa ka na ngayong King kaya madalas na tayong pupunta sa mga event na kagaya nito ng magkasama. Don’t be nervous… nasa tabi mo lang ako. Saka wala namang kakain sa’yo do’n.” Tawang biro nito. Ngumuso ako. “Alam mo naman na hindi ako marunong makipag socialize.” Sagot ko rito. Naglakbay ang asul nitong mata sa kabuohan ko. Nakasuot kasi ako ngayon ng Peplum Blue dress na halos umabot sa talampakan ang haba. Kahit medyo bukol na ang tiyan ko ay napakaganda ko pa rin sa suot ko.
Nagulat si Morgan pagdating dahil sinabi ko dito na nagluto ako para sa kanya. “Niluto mo ang lahat ng ito?” Gulat na tanong nito. Nang tumango ako ay nag isang linya ang kilay nito. “Hindi ba sinabi ko na sayo na huwag mong pagurin ang sarili mo?” “Ngayon lang naman, Mumu. Matagal na rin kasi no’ng pinagluto kita kaya nagluto ako para sayo. Wag ka ng magalit please…” Sobrang saya ko kasi matapos mapanood ang interview rito. Kaya naisip ko na paglutuan ito. Kahit man lang dito ay makabawi ako sa ginawa nito. Malambing na yumakap ako rito at nagpapacute na tumingala rito. Nahihiya man akong magpacute dahil ang tanda ko na ay kailangan kong gawin. Epektib naman ang ginawa ko dahil bumuntonghininga ito at gumanti sa akin ng isang mahigpit na yakap. “May nangyari ba? You look happy…” puna nito ng mapansin na hindi mawala ang ngiti sa labi ko. “Kasi ano… napanood ko ‘yung interview sayo. Ikaw ha, hindi mo man lang sinabi sa akin na magpapa interview ka. Kung hindi pa nabanggit ng mo
Hindi pala madaling magbuntis. Noong una ay nagki-crave lang ako sa mga pagkain. Pero ngayon ay palagi na akong nahihilo at sumusuka tuwing umaga. Mabuti nalang at nandiyan sila mommy Kiray. Ito ang nagpapakalma kay Morgan at nagsasabi na normal lang ang pinagdadaanan ko. “Bye, my love. Babalik din ako asap. Kailangan ko lang i-close ang deal na ito for the company.” Tumingin si Morgan sa ina pagkatapos nitont humalik sa labi ko. “Mom, ikaw na muna ang bahala sa asawa ko. Pagkatapos ng meeting ko ay babalik agad ako.“ tumingin ito sa akin. “Ano ang gusto mong pasalubong pag uwi ko?” Ngumuso ako. Lahat kasi ng gusto ko ay nandito na sa bahay, mapa pagkain man ‘yan o kung ano. Wala na akong hahanapin pa. Palagi kasi nitong sinisiguro na makukuha ko ang lahat bg gusto ko. “Basta umuwi ka lang ng ligtas ay masaya na ako, Mumu. Ingat ka ha…. I love you!” “I love you more, my love. I’ll go ahead, mom!” Humalik din ito sa noo ng mommy nito bago tuluyang nagpaalam. Nakangiti naman na