“I’M REALLY SORRY, SADDIE. Kahit ako ay ayaw ipasara ang Studio na ‘to. Pero wala na kaming choice. Baon na nga kami sa utang, hindi pa kumikita ang Studio. Wala na kaming ipapasahod sa inyo.” Laglag ang balikat ang balikat na lumabas ako ng office ng boss namin. Hindi lang ako ang parang pinagbagsakan ng langit at lupa, pati na din ang mga kasama ko. Naging tahanan namin ang Studio sa loob ng tatlong taon kaya mabigat sa loob namin na lisanin ito. Mabait ang mag asawang amo namin dito. Sa loob ng tatlong taon na pagtatrabaho ay wala kami naging problema sa kanila. Sa katunayan ay malaki ang naging tulong nila sa katulad ko na walang matatawag na tahanan, o pamilyang uuwian dahil mayro’n silang dorm para sa mga katulad namin, libre sa lahat, sa tubig, sa kuryente, at upa, tanging pagkain lang ang gastos namin. Kaya karamihan sa amin ay nakaipon talaga. The best amo sila! Malakas naman ang naunang dalawang taon na pagbubukas nito. Pero ng dumami ang naglabasan na kakumpetensya
Last Updated : 2025-03-02 Read more