Home / Romance / Carrying The Zillionaire Triplets / Kabanata 41 - Kabanata 50

Lahat ng Kabanata ng Carrying The Zillionaire Triplets: Kabanata 41 - Kabanata 50

63 Kabanata

Chapter 41

MAGKAHAWAK ANG KAMAY nina Kath at Thirdy na pumasok sa loob ng venue kung saan gaganapin ang welcome party ni Kath. ang party na iyon ay idinaos sa isang hotel. Huminga na muna ng malalim si Kath bago sila tuluyang mapakapasok sa loob. Kahit na sinabi sa kaniya ni Thirdy na huwag na siyang dapat kabahan ay hindi niya pa rin maiwasan na hindi kabahan.Nang pumasok sila sa loob ay bumungad sa kanila ang maraming tao at kahit na inaasahan na nga talaga niyang maraming tao ang dadalo doon ay nagulat pa rin siya. Idagdag pa nang igala niya ang kanyang mga mata ay halos lahat ng mga mata ng taong naroon ay bigla na lang napunta sa kanilang dalawa ni Thirdy ng wala sa oras.Ilang sandali pa ay bigla na lang naramdaman ni Kath ang mahinang pagpisil ni Thirdy sa kanyang palad na hawak nito kung kaya ay hindi niya maiwasang mapatingin dito. Nginitian siya nito ng malumanay dahilan para kahit papano ay gumaan ang nararamdaman niya. Mabuti na lang talaga ay naroon si Thirdy kasama niya.Naglakad
last updateHuling Na-update : 2025-01-07
Magbasa pa

Chapter 42

KUMAIN MUNA ANG lahat bago umpisahan ang party. Bago magkainan ay doon niya nakita si Shaira na may inasikaso pa raw at late daw itong nakarating sa venue. Tahimik silang kumain nila Thirdy sa iisang mesa at tinukso pa nga sila nito ni Thirdy na bagay daw silang dalawa. Tatawa-tawa na lang siya at hindi sineryoso ito. Idagdag pa na hindi pa rin siya mapalagay dahil hanggang sa mga oras na iyon ay para pa ring may mga matang nakasunod sa bawat galaw niya hanggang sa matapos na nga silang kumain.Pagkatapos nun ay inumpisahan na ang party. Ilang pagpapakilala ang sinabi ng emcee sa gabing iyon tungkol sa background niya bago siya tuluyang tawagin. Syempre, dahil si Thirdy ang escort niya ay ito ang umalalay sa kaniya patungo sa stage.Pagdating niya sa stage ay agad siyang nagpunta sa gitna habang hawak ang mic sa kamay niya. Inilibot niya ang kanyang paningin sa buong paligid. Ibat-ibang mga mata ang nakita niya at magkakahalong mga tingin ang nakapukol sa kaniya ngunit tumitig siya k
last updateHuling Na-update : 2025-01-07
Magbasa pa

Chapter 43

PAGPASOK NA PAGPASOK pa lamang ni Melinda sa loob ng bahay nila ay agad na niyang dinampot ang isang vase na nasa dadaanan niya at walang habas niya itong ibinagsak sa sahig. Wala siyang pakialam kung ano ang madampot niya dahil sa labis na galit na nararamdaman niya.“Ma, tama na yan.” pigil ni Jessy sa kaniya at hinawakan ang magkabila niyang braso mula sa likod niya ngunit pinalis niya lang ang kamay nito dahil sa kanyang galit.“Pwede ba! Bitawan mo ako!” sigaw niya rito at napahilamos sa sobrang inis. “Lintik na yan! Napakamalas!” muli niyang sigaw na umalingawngaw halos sa buong kabahayan.Ilang sandali pa mula sa itaas ng hagdan ay lumitaw ang kanyang asawa na nakataas ang kilay habang nakatingin sa kaniya. “Ano na naman ba yan honey?” tanong nito at bumaba.“Kasalanan mo ito!” sigaw ni Melinda at dinuro ito. “Ikaw ang nagpakilala sa taong iyon pero ano? Ang sabi mo ay magaling pero pumalpak siya!” inis na inis na sigaw ni Melinda at pagkatapos ay napaupo sa may sofa.Napahilo
last updateHuling Na-update : 2025-01-10
Magbasa pa

Chapter 44

ILANG ORAS NA ang nakakalipas ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin gumigising si Thirdy at labis na nag-aalala na si Kath dito. Hindi niya maiwasang hindi sisihin ang sarili niya sa nangyari. Kung bakit kasi kailangan nitong iligtas pa siya. Halos kalahating oras na ang lumipas nang ilipat ito sa private room.Ilang sandali pa ay bigla na lang niyang narinig ang tinig ng kapatid ni Thirdy na si Luke mula sa likod niya. “Halos umaga na. Bakit hindi ka na lang muna umuwi Kath para makapagpahinga ka?” tanong nito sa kaniya.Napayuko naman siya ng wala sa oras dahil sa sinabi nito at pagkatapos ay napakagat labi. Deserve niya ba ang magpahinga kung hindi pa rin gumigising si Thirdy? Paano siya makakapaghinga? Puno pa rin ng pag-aalala ang kanyang isip.“Tama, umuwi ka na muna para makapagpahinga.” segunda naman ng kapatid nitong babae na si Vena at pagkatapos ay hinaplos ang likod niya. “Alam kong nag-aalala ka para sa kaniya pero kailangan mo pa ring magpahinga.” dagdag pa
last updateHuling Na-update : 2025-01-14
Magbasa pa

Chapter 45

DAHAN-DAHANG iminulat ni Thirdy ang kanyang mga mata. Unang bumungad sa kaniya ay ang puting kapaligiran kung saan ay agad niyang napagtanto na nasa ospital siya lalo na nang itaas niya ang kanyang kamay ay naka-swero ito. Ginamit niya ang isang kamay upang hawakan ang kanyang ulo dahil ramdam niya ang pagkirot nito.Doon niya nalaman na nakabenda ang kanyang ulo. Habang nakahawak sa kanyang noo ay napapikit siya at pilit na inaalala kung bakit siya nandoon at kung anong nangyari. Doon na niya naalala ang nangyari, babagsakan ng chandelier si Kath at dali-dali siyang tumakbo upang iligtas ito.Ilang sandali pa ay bigla na lang bumukas ang pinto at nakita niya na pumasok mula doon si Kath at nang makita siya na nakamulat na ng mga mata ay dali-dali itong tumakbo sa kaniya at niyakap siya bigla. Magkahalong saya at gulat ang naramdaman niya. Hindi siya makagalaw ngunit sa huli ay ang hagurin ang likod nito ang nagawa niya.Mas lalo pa siyang nagulat nang bigla na lang niyang narinig ang
last updateHuling Na-update : 2025-01-14
Magbasa pa

Chapter 46

PAGKATAPOS ng test kay Thirdy ay ibinalita ng doktor na wala na silang dapat pang ipag-alala dahil nasa stable na itong kalagayan. Pag-alis nga ng doktor ay muling dumating doon si Luke para bantayan si Thirdy kaya nagpaalam na siya. Kailangan niya kasing tulungan sa pag-iimpake ng mga damit ang kanyang ina at mga anak.Nang magdesisyon kasi na pumayag na ang kanyang ina na babalik na sila ng ibang bansa ay nag-secure na ito kaagad ng ticket nila. Dahil nga tiyak na mahihirapan ang kanyang ina sa pag-aalaga sa kanyang mga anak dahil tatlo ito ay sinabi niya na pasamahin na ang kanyang Tita Silvia. Mabuti na lang at pumayag din ito dahil tutal ay meron naman si Nina na makakasama niya sa bahay.Mahirap man sa kaniya na malayo sa kanyang mga anak ay wala siyang pagpipilian. Kailangan niyang lumayo muna sa mga ito lalo pa at may nagtatangka sa buhay niya. Bagamat hindi niya pa alam kung sino ang gumagawa ng mga bagay na iyon sa kaniya ngunit may kutob na siya kaagad. Sino pa ba naman san
last updateHuling Na-update : 2025-01-16
Magbasa pa

Chapter 47

NAPAKUYOM ang mga kamay ni Elsa. “kailangan nating gawin ang lahat para hindi malaman ni Noah ang tungkol sa mga batang iyon.” malamig na bulong niya kay Lindy.Sa loob-loob naman ni Lindy ay napangiti siya dahil kakampi niya pa rin ito. Akala niya ay maghihisterya ito at sasabihin nito na hanapin nila ang mga bata at kuhanin sa babaeng iyon. Ano man ang dahilan nito para gawin iyon ay wala na siyang pakialam pa basta masaya na siya na kinampihan siya nito at iyon lang ang mahalaga para sa kaniya.SAMANTALA, hindi naman maiwasan ni Auring na hindi mapakagat-labi sa kanyang narinig. Isa iyong sikreto at alam niya na kapag nalaman iyon ng kanyang sir Noah ay tiyak na magugulantang ito. Noong araw na palayasin ang dati nitong asawa na si Kath ay sobrang awang-awa siya sa totoo lang.Ilang taon na rin siyang naninilbihan sa pamilya ng mga Montenegro nang dumating ito doon at halos araw-araw ay wala ng ginawa si Donya Elsa kundi ang utusan ito kahit na meron naman siyang katulong nila. Kun
last updateHuling Na-update : 2025-01-16
Magbasa pa

Chapter 48

PARA HINDI malungkot si Kath ay isinubsob na lang niya ang kanyang sarili sa kanyang mga trabaho. Dahil alam niya kapag hindi siya naging abala ay tiyak na malulungkot lang siya at maalala niya lang ang mga anak niya.Nag-aalala na nga sa kaniya si Nina at palagi siya nitong pinupuntahan sa study room kung saan siya naglalagi. Palagi niya rin namang tinatawagan ang kanyang mga anak para kamustahin ngunit hindi niya tinatagalan ang pakikipag-usap sa mga ito dahil mas lalo lang niyang mamimiss ang mga ito at ang pinaka-worst ay baka bigla-bigla na lang siyang mapahagulgol sa harap ng mga ito.NANG MGA ORAS na iyon ay nasa opisina niya siya at may mga dokumentong binabasa. Para iyon sa pinaka-bagong project nila na worth 500 million pesos. Malapit na kasi ang groundbreaking nito kaya pinaghahandaan na nila iyon para na rin maumisahan lalo pa at may mga project pa silang iba.May kumatok sa kanyang pinto ngunit hindi siya nag-angat ng kanyang ulo dahil alam niyang si Shaira lang ito. “Pas
last updateHuling Na-update : 2025-01-24
Magbasa pa

Chapter 49

NAPATINGALA SI KATH sa malaking bahay na nasa harapan niya pagbaba niya ng kanyang kotse. Halos malula siya sa laki ng bahay mula sa labas dahil mukha na itong mansyon sa laki. Hindi niya akalain na ganito kayaman ang pamilya ni Thirdy.Agad siyang lumapit sa may gate dala ang bulaklak. Hindi siya kaagad na pinapasok ng guard at tumawag muna sa loob at tinanong kung kilala ba talaga siya ni Thirdy. Napakahigpit ng seguridad sa bahay ng mga ito at para bang takot na takot ang mga itong magpapasok ng taong hindi nila kilala na para bang na-trauma sila.Nang makumpirma nga na kilala nga talaga siya ni Thirdy ay doon pa lang siya pinapasok. Pagkapasok niya sa loob ay bumungad sa kaniya ang napakarangyang garden na may fountain pa sa gitna. Mula sa gate ay ilang metro pa ang kailangan mong lakarin patungo sa driveway hanggang sa makarating ka sa mismong pinto ng bahay.Hindi niya maiwasang malula. Kung sa labas kanina ay manghang-mangha na siya ay tiyak na mas marangya pa ang makikita niya
last updateHuling Na-update : 2025-01-24
Magbasa pa

Chapter 50

HABANG KUMAKAIN SINA Kath kasama ang ama ni Thirdy at ito ay napakatahimik nilang tatlo. Wala ni isa sa kanila ang gustong magsalita. Tanging ang kalansing lang din ng mga kubyertos ang tanging maririnig sa kusina. Hanggang sa mga oras na iyon ay paulit-ulit pa rin niyang naririnig mula sa kanyang isip ang sinabi ng ama ni Thirdy sa kaniya.Hindi niya maiwasang hindi magtanong kung sino si Amanda? Paano nito nasabi na kamukha niya ang Amanda na iyon? Isa pa kung alam nito ang pamilya kung saan siya nagmula ay tiyak din na alam niya ang pinagmulan niya at kung sino ang mga magulang niya kaya bakit bigla na lang siya nitong tatanungin ng ganun?“Nice to meet you, hija.” biglang sabi nito na dahilan para mag-angat siya ng kanyang ulo at tumingin dito. Nagpupunas na ito ng bibig at mukhang tapos na itong kumain. Hindi niya tuloy alam kung gaano na sila katagal na kumakain, parang nililipad kasi ang isip niya. “Mauuna na ako dahil pupunta pa ako sa mga apo ko.” sabi nito at pagkatapos ay n
last updateHuling Na-update : 2025-01-24
Magbasa pa
PREV
1234567
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status