Home / Romance / Carrying The Zillionaire Triplets / Kabanata 21 - Kabanata 30

Lahat ng Kabanata ng Carrying The Zillionaire Triplets: Kabanata 21 - Kabanata 30

43 Kabanata

Chapter 21

TAAS NOONG NAGLAKAD papasok si Kath suot ang may ilang sentimetrong takong niya. Kailangan niyang tatagan ang kanyang loob dahil wala ng atrasan pa iyon. Isa pa ay bakit ba naman siya matatakot na humarap sa mga walang kwentang tao katulad na lang ng pamilya ng kanyang ama na itinakwil siya at hindi siya kinilala na kamag-anak ng mga ito. Ni wala naman siyang matandaan na ginawa niya na masama sa mga ito ngunit kahit na anong bait ang ipakita niya sa mga ito ay nananatiling ganun pa rin ang trato nila sa kaniya.Ilang sandali pa ay nasa harap na siya ng mahabang lamesa sa conference room at ang lahat ng mga mata ay napunta sa kaniya. Bigla niyang inilibot ang kanyang tingin at kitang-kita niya sa mata ng kanyang tiyahin ang labis na pagkagulat nang makita siya nito. Ilang sandali lang ang dumaan ay naging madilim ang mga mata nito at napuno ng disgusto at matinding pagkamuhi ang mga mata na para bang nakakita ng isang taong nabuhay mula sa kamatayan. Kung hindi ito masaya na makita s
last updateHuling Na-update : 2024-12-11
Magbasa pa

Chapter 22

Napatampal na lang si Kath sa kaniyang noo pagkatapos lumabas ng kaniyang tiyahin. Inasahan na niyang magiging ganito ang sitwasyon ng paghaharap nila ng kaniyang tiyahin ngunit hindi niya inaasahan na kakabahan siya nang makita ang galit sa mga mata nito. Bago pa man siya magpunta doon ay inihanda na niya ang sarili niya at alam niya rin na hindi ito basta-basta papayag na ibigay sa kanyang ang kumpanya. Ilang sandali pa ay narinig niya ang nag-aalalang tinig nito. “Ayos ka lang ba hija?” tanong nito na nagpaangat naman ng tingin niya rito. “Ah, opo. Salamat attorney.” sabi niya rito at pagkatapos ay humarap sa mga taong naiwan sa loob ng conference room. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa mga ito at kung paano niya i- aapproach ang mga ito dahil hindi naman niya alam kung paano tumatakbo ang ganitong klaseng kompanya. Ang pagiging CEO ng isang napakalaking kompanya ay napakalaking responsibilidad para sa kaniya at masasabi niya na kailangan niya ng isang taong gagabay
last updateHuling Na-update : 2024-12-14
Magbasa pa

Chapter 23

“Yes.” tatango- tangong sagot nito sa kaniya. “Hindi nga rin ako makapaniwala pero ayon nga sa balita ay kay Kath daw pala iniwan ang kompanya at ilang ari- arian pa ng lolo nito hindi sa tiyahin nito.” dagdag pa nito. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na napaka-tsismoso din naman pala nito.Hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig dahil dito. Ibig lang sabihin ay lagi niyang makikita si Kath at isa pa ay bakit ito ang napiling magmana ng kompanya? Wala naman itong alam at ni hindi nakatapos ng kolehiyo dahil nga sa ikinasal na sila. Hindi niya maiwasang magtaka. Ano kaya ang ginawa nito para ipagkatiwala ng matanda ang kompanya rito? Isa pa ay sa pagkakaalam niya ay hindi naman siya gusto ng lolo nito kaya paanong nangyari iyon?~~~“Gaano ka na katagal dito sa kompanya?” tanong ni Kath kay Thirdy habang naglalakad sila palabas ng conference room.Nagpresinta kasi ito na ilibot siya sa buong building. Maliit lang naman ang kanilang building at apat na palapag lamang kaya hindi ri
last updateHuling Na-update : 2024-12-14
Magbasa pa

Chapter 24

Naglakad- lakad si Kath hanggang sa may makasalubong siyang babae na agad naman siyang nilapitan. Mukha ngang nang makita siya nito ay nakahinga ito ng maluwag at tila ba siya talaga ang hinahanap nito. Mabilis na lumapit ito sa kaniya at pagkatapos ay kapansin- pansin na may alanganing ngiti ito sa mga labi. “Ma’am Kath kanina ko pa po kayo hinahanap, nandito lang po pala kayo.” sabi nito at pagkatapos ay napakamot sa ulo. “Ako nga po pala si Shaira ang magiging secretary ninyo na dating secretary ng Auntie niyo.” pagpapakilala nito. Agad naman siyang napangiti dahil sa sinabi nito. Hindi na talaga siya mahihirapan dahil may secretary pa siya na gagabay sa kaniya kahit pa wala si Thirdy lagi sa kompanya. “Nice to meet you.” ganting sagot niya rito at pagkatapos ay matamis na nginitian din ito. Mas lumapad pa lalo ang ngiti nito dahil sa sinabi niya ngunit mabilis ding naglaho iyon at pagkatapos ay tila bigla itong kinabahan na hindi niya maipaliwanag. Bigla na lang kasing nagbago
last updateHuling Na-update : 2024-12-15
Magbasa pa

Chapter 25

“Pasensya na talaga kayo ma’am Kath…” patuloy na paghingi sa kaniya ni Shaira ng paumanhin at sa katunayan nga ay hindi niya na halos alam kung pang ilang beses na nitong paghingi ng paumanhin sa kaniya iyon. “Ano ka ba naman, okay lang iyon. Hindi mo naman kasalanan ito ‘no.” sabi niya rito at pagkatapos ay patuloy sa pagpupulot ng mga basag na vase sa sahig. “Oo nga po, kaso nga lang ay pati kayo tuloy ay naistorbo. Ito pa naman ang unang araw niyo rito sa kompanya.” sabi nito sa kaniya habang nagwawalis din. Napangiti naman siya ng wala sa oras dahil sa sinabi nito. Kahit papano ay mukhang may makakapalagayan na siya ng loob sa kompanya ng knaiyang lolo. Kailangan niya rin naman kasi ng may magiging close friend para kahit papano ay hindi naman siya mahirapan mag- adjust. “Siya nga pala, pwedeng bang magtanong?” baling niya rito. Nilingon naman siya nito ngunit nagpatuloy pa rin sa kaniyang ginagawa at mabilis na sumagot kasabay ng pagngiti. “Ano yun ma’am Kath?” tanong nito.
last updateHuling Na-update : 2024-12-15
Magbasa pa

Chapter 26

DAHIL nga sa nabanggit sa kaniya ni Shaira ay nagka- interes siyang usisain ang records ng kompanya. Pagkatapos nga lang nilang magmeryenda kanina ay kaagad niyang hiniling rito na kuhanin ang mga iyon upang mabasa niya. Halos mag- iisang oras na nga siyang nagbabasa tungkol sa mga funds at profit ng kompanya at halos sumasakit na ang kaniyang ulo dahil hindi niya mapagtugma ang mga nakalagay doon. Ibig sabihin lamang ay may posibilidad na totoo ang sinabi sa kaniya ni Shaira at hindi basta isang tsismis lamang. Nakatala din doon na kasalukuyan ngang nagbabayad ang kompanya ng pagkakautang sa isang kompanya na Montenegro Builders, na kahit hindi niya pa man nakikita o nakikilala ang may- ari nito ay alam na niya kaagad na ang pamilya ni Noah ang may- ari ng kumpanyang ito. Dahil nga dalawang taon din silang mag- asawa ni Noah ay naging pamilyar din siya kahit papano sa pangalan ng kompanya nito at hindi niya lubos akalain na sa kompanya pa nito nagkautang ang kompanya na itinayo ng
last updateHuling Na-update : 2024-12-16
Magbasa pa

Chapter 27

NAPANGITI siya ng marinig ang sinabi nito. Kahit papano ay may napala siya sa pagpapakasal niya kay Noah dahil nabiyayaan siya ng tatlong gwapong mga anghel na kumulay sa buhay niya at nagsilbing lakas niya noong mga panahong pakiramdam niya ay hinang- hina siya. Masasabi niya na hindi nasayang ang lahat ng iyon lalo pa at ng dahil sa paghihiwalay nila ay naging maayos ang buhay niya at tuluyan niyang nakilala ang kaniyang ina na hindi niya kinamulatan sa buong buhay niya. Ang akala ng mga ito na naging dagok at pagkabigo sa buhay niya ay naging daan upang maging maginhawa siya. “Kung sabagay,” sang- ayon niya rito. Hindi na niya kailangan pang kwestyunin ang mga sinasabi nito bagkus ay kailangan na lang niyang sumabay sa mga sinasabi nito. Nagbago na nga pala siya. Hindi na nga pala niya iniisip ang sasabihin ng ibang tao sa kaniya ngayon at higit sa lahat ay hindi na siya magpapagod pa upang ipaliwanag ang sarili niya sa mga taong kagaya nito. Pare- parehas lang ang mga uri ng m
last updateHuling Na-update : 2024-12-16
Magbasa pa

Chapter 28

“Na-inform ka na ba about sa welcome party ng bagong CEO ng D. A Builders?” tanong ng kaniyang ina sa kaniya. Nasa harap sila ng hapag ng mga oras na iyon kasama niya ang kaniyang ina at kaniyang asawa. Bigla siyang napatigil sa pagputol ng kaniyang hinihiwang steak nang marinig niya ang tanong nito sa kaniya. Napabuntung- hininga siya bago niya nilingon ito dahil sa totoo lang ay ayaw niya sanang pag- usapan iyon dahil wala naman siyang pakialam doon. Bagkus na sumagot ay tinanguan niya lang ito at muling itinuon ang kaniyang pansin sa kaniyang naudlot na ginagawa kanina. Narinig niya ang malalim na paghugot ng malalim na hininga ng kaniyang ina. Ilang sandali pa ay muli na naman itong nagsalita. “Unbelievable!” bulalas nito. “Hindi ko inaasahang ipagkakatiwala ni Diether ang kaniyang kompanya sa bastarda niyang apo.” sabi nito. Siya ay tahimik lang na kumakain at wala sanang balak na gatungan ang mga sinasabi ng kaniyang ina ngunit sumabat si Lindy at nagtanong. “May bagong CE
last updateHuling Na-update : 2024-12-16
Magbasa pa

Chapter 29

HINALIKAN NI KATH ANG noo ng kanyang mga anak pagkatapos ay lumabas na ng silid ng mga ito. Maaga niyang pinatulog ang mga ito dahil inaantok na daw ang mga ito. Marahil ay napagod ang mga itong maglaro sa maghapon.Pagbaba niya sa sala ay naabutan niya ang kanyang ina at mukhang hinihintay talaga siya. Bago siya makababa sa hagdan ay nilingon na siya nito. Naglakad naman siya palapit dito at naupo sa tabi nito. Walang nagsalita sa kanilang dalawa hanggang sa ito na rin ang bumasag nang katahimikan.“So how was your first day?” tanong nito sa kaniya.Napabuntung-hininga lang naman siya nang maalala niya ang nangyari sa kaniya sa loob ng buong maghapon na iyon. Napagod siya, na-stress sa mga nalaman niya na nagkautang ang kumpanya kina Noah. sa laki ng pagkakautang ng kumpanya ay hindi niya alam kung paano niya iyon mababayaran at kung gaano katagal nila iyong mababayaran dahil milyon-milyon iyon. Napahilot na lang siya sa kanyang sentido at napasandal sa sofa. “Tiring.” maikling sagot
last updateHuling Na-update : 2024-12-16
Magbasa pa

Chapter 30

NAGTUNGO SI NOAH SA balkonahe upang magpahangin. Nagdala din siya ng alak doon upang kahit papano ay mabawasan ang sama ng loob niya bago siya pumasok sa silid nila ni Lindy. Papahupain niya muna ang galit niya bago siya muling pumasok sa loob ng silid nila at lambingin ito.Isa pa ay madali lang din naman na lambingin si Lindy kaya lang ang ikinaiinis niya ay palagi na lang itong nagsisimula ng away sa pagitan nilang dalawa. Kahit na maliit lang iyon na bagay ay masyado nito iyong pinapalaki. Samantalang si Kath noon ay hindi man lang siya nito inaway. Sinagot-sagot na lang siya nito noong gabing pinalayas siya nito at hindi niya tuloy maiwasang pagkumparahin ang ugali nito sa ugali ni Lindy.Ngunit ilang sandali pa ay pinulot niya ang baso ng alak at lumagok mula doon. Bakit niya ba ikinukumpara ang babaeng iyon kay Lindy e napakalayo naman ng mga ito sa isat-isa. Ngunit sa pagpikit ng kanyang mga mata ay bigla na naman niyang naalala ang mukha ni Kath nang makita niya ito sa mall.
last updateHuling Na-update : 2024-12-17
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status