Home / Romance / Carrying The Zillionaire Triplets / Kabanata 31 - Kabanata 40

Lahat ng Kabanata ng Carrying The Zillionaire Triplets: Kabanata 31 - Kabanata 40

43 Kabanata

Chapter 31

MAY BINABASA SI KATH nang mga oras na iyon nang makarinig siya ng katok sa kanyang pinto. Hindi siya nag-abalang magtaas ng ulo dahil ang akala niya ay si Shaira lamang iyon ngunit nang bumukas ang pinto at nagsalita ang pumasok ay doon lang siya natigil at napatingala. “Mukhang busying busy ka ah.” sabi ni Thirdy sa kaniya habang nakangiti.“Hindi naman.” sabi niya at ibinaba na muna ang kanyang binabasa at tiningnan ito. “May problema ba?” tanong niya rito.May hawak-hawak itong papel at pagkatapos ay nag-aalangang lumapit sa kaniya pagkatapos nito ay ibinaba nito ang hawak nitong papel sa harap niya kasunod ang isang mahabang buntong-hininga. “Actually, ayokong paniwalaan noong una pero nang makita ko. Napakamot na lang ako ng ulo.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay naupo ito sa harap niya.Agad niya namng pinulot ang ibinaba nitong papel sa harap niya at binasa. Agad na nanlaki naman ang kanihang mga mata nang makita niya ang ilang malalaking halaga na nailabas mula sa pera ng
last updateHuling Na-update : 2024-12-17
Magbasa pa

Chapter 32

“IT’S SETTLED THEN. mauuna na muna ako sa inyo Miss Arevalo.” sabi ng may-ari ng building na ipapatayo. Mabilis naman siyang tumayo at tinanguan ito pagkatapos ay ngumiti.“Thank you again Mr. Montemayor.” sabi niya, ngumiti lang din naman ito at pagkatapos ay tuluyan nang lumabas ng restaurant.Dahan-dahan siyang napaupo sa kanyang kinauupuan at halos hindi makapaniwala. Pumayag ito at nakuha nila ang project. “Ang galing po ninyo ma’am Kath.” puri ni Tim sa kaniya.“Hindi yun dahil sa akin ano. Dahil iyon sa inyo.” sabi niya sa mga kasama niya sa mesa ng mga oras na iyon. Ilan silang magkakasama na nagpunta doon para sa bidding na iyon. Kasama niya ang dalawang engineer at dalawang architect. Kahit na wala siyang alam sa pagpapatayo ng mga gusali, sa pakikinig niya sa mga ito ay may natutunan naman siya kahit papano at masasabi niya na napakahusay ng mga ito.Halos ilang oras din ang itinagal ng kanilang meeting kaya doon na rin sila kumain ng lunch at pagkatapos nila ay nagsibalik
last updateHuling Na-update : 2024-12-18
Magbasa pa

Chapter 33

NAPABUNTONG HININGA SI KATH at pagkatapos ay napasandal sa kanyang swivel chair. Ilang oras na ang lumipas nang makaalis ang tiyahin niya ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin siya mapakali. Paano ba naman ay iniisip pa rin niya ang mga sinabi niya kanina at ang galit sa mga mata nito. Sa ugali nito ay tiyak na mas matindi pang kahihiyan ang gagawin nito para lang mapaalis siya sa kanyang pwesto. Bigla niya tuloy naisip, what if ibalik na lang niya ulit dito ang pamamahala sa kumpanya at bumalik na lang siya ulit sa ibang bansa kung saan ay mas tahimik pa ang buhay nila ng mga anak niya?Paano nga kung ganun na lang kaya? Kaysa halos araw-araw naman na sumakit ang ulo niya dahil sa mga ito. Pero kapag ginawa niya iyon ay paano naman ang lolo niya? Paano kung multuhin naman siya nito bigla? Napabuntong-hininga na lang ulit siya at pagkatapos ay narinig niya ang pagkatok sa pinto niya. Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto at pumasok si Shaira na namumugto pa ang mga mata da
last updateHuling Na-update : 2024-12-18
Magbasa pa

Chapter 34

DAHIL NGA MAAGA PA NAMAN ay napagdesisyunan ni Kath na pumunta ng mall para maghanap ng pwede niyang maisuot sa gaganaping welcome party bukas ng gabi. Wala pa tuloy siyang ideya kung ano ba ang dapat niyang isuot. Siguro ay mamimili na lang siya ng isang formal dress na simple lang. Wala kasi siyang gaanong mga damit sa bahay nila, since hindi naman siya mahilig lumabas. Idagdag pa na kailangan niya ring mamili ng ilan pang mga damit na pwede niyang ipang-pasok sa opisina.Naglakad-lakad siya sa mall, tumitingin-tingin sa mga naka-display na mga damit sa mannequin. Doon na lang muna siya babase ng damit at kapag may nagustuhan siya ay tyaka na lang niya ito isusukat. Ilang store na ang pinuntahan niya ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin siyang napipili hanggang sa isang dress ang nakakuha ng atensyon niya. Isa lang iyong simpleng dress na kulay pink na may napakasimpleng design ngunit kung titingnang maigi ay napaka-elegante nito.Ilang sandali pa ay agad na siyang pu
last updateHuling Na-update : 2024-12-19
Magbasa pa

Chapter 35

SA DI KALAYUAN, bigla namang napatigil sa paglalakad si Thirdy nang makita na may nagsasabunutan sa loob ng isang boutique. Nagkibit balikat na lang siya at lalampasan na sana ito nang makita niya ang pamilyar na mukha, walang iba kung hindi si Kath kaya dali-dali siyang pumasok at inawat ang mga ito. Pilit niyang inihawalay ang babaeng sumasabunot dito at itinulak pagkatapos ay inalalayan niya itong tumayo.“Ang kapal ng mukha mo! Kaya ka iniwan ni Noah dahil wala ka na ngang kwenta baog ka pa!” sigaw ng babae dito at nang marinig niya iyon ay bahagya siyang nagulat. Ang babaeng nasa mid fifties na nasa tabi ng babaeng sumabunot kay Kath ay pamilyar sa kaniya. Ito ang ina ni Noah Montenegro.At tama ba ang ang narinig niya? Iniwan ni Noah? Bigla siyang napatingin kay Kath nang wala sa oras. “Ayos ka lang ba?” tanong niya rito. Tumango naman ito at pagkatapos ay inayos ang buhok niya. Samantalang ang babae ay dali-daling umalis doon na nag-aapoy ang mga mata.Ilang sandali pa ay inala
last updateHuling Na-update : 2024-12-19
Magbasa pa

Chapter 36

PAGDATING na pagdating ni Kath sa kanilang bahay ay agad niyang hinanap ang kanyang ina na nasa study naman nito. Ang kanyang anak ay pinapatulog na ng kanyang Tita Silvia dahil medyo mag-aalas otso na rin nang makauwi siya sa bahay nila. Kumatok muna siya sa pinto at pagkatapos ay pumasok sa loob. Nakita niya ang kanyang ina na may ilang mga dokumentong binabasa ito. Lumapit siya sa harap nito at umupo. “Pwede ba tayong mag-usap Ma?” agad niyang tanong dito.Hindi naman ito nagtaas ng ulo at nanatiling nasa mga papeles ang tingin. “Tungkol saan?”Napabuntung-hininga na lang muna siya bago nagsalita. “Tungkol sa mga bata.” agad niyang sagot. Sa puntong iyon ay biglang napahinto ang kanyang ina at pagkatapos ay napataas ang ulo at tumingin na sa kaniya.“Tungkol sa mga bata?” nakakunot ang noong tanong nito. Ilang sandali pa nga ay tuluyan na nitong ibinaba ang binabasa nito at tumingin sa kaniya. “What about them?” magkasalubong ang kilay na tanong nito kaagad sa kaniya.Napapikit siy
last updateHuling Na-update : 2024-12-24
Magbasa pa

Chapter 37

HABANG KUMAKAIN SILA ng almusal ay bigla niyang narinig ang tanong ng kanyang ina. “Pupunta ka ba sa welcome party ng dati mong asawa?” tanong nito sa kaniya.Dahil sa pagbanggit nito sa salitang dating asawa ay hindi niya napigilan na mapatigil sa kanyang pagsubo sana at hindi sinasadyang mapasulyap kay Lindy. Nakita niya kung paano nagdilim ang mukha nito bagamat hindi ito nagtaas ng ulo. Hindi niya tuloy maiwasang mapahigpit ng hawak sa kanyang kutsara at tinidor pagkatapos ay masamang napatingin sa kanyang ina na para bang sinasabi niya na tumigil na ito sa pagbanggit ng salitang iyon. Dahil sa ilang segundo niyang pananahimik ay biglang nagtaas ng ulo si Lindy at tumingin sa kaniya.Bahagya itong nagulat nang makita nitong nakatingin siya rito. “Well, kung ako ang inaalala mo ay wala sa aking problema.” sagot nito kung saan ay hindi niya maiwasang hindi magtaka at bahagyang nagulat. Parang ilang gabi pa lang ang nakakalipas nang mag-away sila dahil lang sa pagbanggit ng kanyang i
last updateHuling Na-update : 2024-12-26
Magbasa pa

Chapter 38

NAPAPAHILOT SI KATH sa kanyang sentido habang nakasandal sa kanyang swivel chair. Sumasakit ang ulo niya dahil pakiramdam niya ay kulang pa ang tulog niya. Napuyat kasi siya sa pag-iyak kagabi kung saan ay halos namumugto din ang kanyang mga mata. Mabuti na lang kahit papano ay nakatulong ang salamin niya para ikubli ang namumugto niyang mga mata.Ilang sandali pa nga ay may narinig siyang katok sa pinto. Hindi nagtagal ay bumukas ito at iniluwa nito si Shaira. “Good morning ma’am KAth. kamusta ang tulog ninyo? Okay ba? Naku, sabi ko sa inyo mag beautyrest na muna kayo ngayon e para mamayang gabi.” sabi nito sa kaniya.Ngumiti lang naman siya rito at pagkatapos ay umuling. “Ano ka ba, okay lang iyon isa pa ay napakarami pa rin nating trabaho. Kailangan pang tapusin yung plano para sa bagong project.” sabi niya rito at hinawakan na ang mga papel sa ibabaw ng kanyang mesa. Kailangan na kasi nilang simulan iyon next month at kailangan na nilang matapos ang plano para mai-submit na rin ka
last updateHuling Na-update : 2024-12-26
Magbasa pa

Chapter 39

DAHIL NGA WALA PA SIYANG isusuot ay pumayag siya na sumama kay Shaira sa isang boutique. Magaganda nga ang mga damit doon katulad ng sabi nito at masasabi niya na napaka-unique ng mga ito kahit na simple lang ang design. Namili sila ni Shaira ng ilang damit na isusukat niya bago tuluyang nagpunta sa dressing room upang isukat ang mga ito at para na rin tingnan kung ano ang bagay niya.Nakailang beses siyang nagsukat hanggang sa napili na niya ng tuluyan ang damit na pinaka-nagustuhan niya at hindi lang siya ang nagustuhan ito dahil maging si Shaira ay nagustuhan ito. “Bagay na bagay sayo Ma’am Kath.” puri nito habang iniikutan siya nito na may isang masayang ngiti sa kanyang mga labi.“Binobola mo na naman ako…” sabi niya rito ngunit bago pa man ito makasagot ay may isang tinig na nagmula sa likod nila na ikinagulat nila pareho at ikinalingon.“Bagay na bagay mo naman talaga.” sabi nito at paglingon nga nila ay nakita niya si Thirdy na nakatayo sa likod nila at hinahagod siya ng tingi
last updateHuling Na-update : 2025-01-02
Magbasa pa

Chapter 40

NAKATINGIN SI KATH sa sarili niyang repleksyon pagkatapos niyang mag-apply ng light make-up sa kanyang mukha. Halos hindi niya makilala ang sarili niya sa harapan ng salamin lalo pa at nakasuot siya ng simple ngunit napaka-elegante ring mga alahas. Hindi niya maiwasang hindi mapangiti sa kanyang loob-loob dahil sino nga ba naman ang mag-aakala na makakaangat siya sa buhay na meron siya noon at sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan niya ay makakaya niyang lampasan ang mga lahat ng iyon. Masasabi niyang malayo na siya sa buhay niya noon.Ilang sandali pa ay bigla na lang bumukas ang pinto ng kanyang silid kaya tiningnan niya kung sino ang pumasok mula sa salamin at nakita niyang ang tatlo niyang mga anak ang pumasok. Dali-dali siyang humarap sa mga ito. Nang makita niya ang mga ito ay bigla niyang iniunat ang kanyang mga kamay at sinalubong upang yakapin ang mga ito.Nitong mga nakaraang araw kasi ay napaka-busy niya masyado at halos hindi na niya naasikaso pa at ni nakakabonding man
last updateHuling Na-update : 2025-01-02
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status