“IT’S SETTLED THEN. mauuna na muna ako sa inyo Miss Arevalo.” sabi ng may-ari ng building na ipapatayo. Mabilis naman siyang tumayo at tinanguan ito pagkatapos ay ngumiti.“Thank you again Mr. Montemayor.” sabi niya, ngumiti lang din naman ito at pagkatapos ay tuluyan nang lumabas ng restaurant.Dahan-dahan siyang napaupo sa kanyang kinauupuan at halos hindi makapaniwala. Pumayag ito at nakuha nila ang project. “Ang galing po ninyo ma’am Kath.” puri ni Tim sa kaniya.“Hindi yun dahil sa akin ano. Dahil iyon sa inyo.” sabi niya sa mga kasama niya sa mesa ng mga oras na iyon. Ilan silang magkakasama na nagpunta doon para sa bidding na iyon. Kasama niya ang dalawang engineer at dalawang architect. Kahit na wala siyang alam sa pagpapatayo ng mga gusali, sa pakikinig niya sa mga ito ay may natutunan naman siya kahit papano at masasabi niya na napakahusay ng mga ito.Halos ilang oras din ang itinagal ng kanilang meeting kaya doon na rin sila kumain ng lunch at pagkatapos nila ay nagsibalik
NAPABUNTONG HININGA SI KATH at pagkatapos ay napasandal sa kanyang swivel chair. Ilang oras na ang lumipas nang makaalis ang tiyahin niya ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin siya mapakali. Paano ba naman ay iniisip pa rin niya ang mga sinabi niya kanina at ang galit sa mga mata nito. Sa ugali nito ay tiyak na mas matindi pang kahihiyan ang gagawin nito para lang mapaalis siya sa kanyang pwesto. Bigla niya tuloy naisip, what if ibalik na lang niya ulit dito ang pamamahala sa kumpanya at bumalik na lang siya ulit sa ibang bansa kung saan ay mas tahimik pa ang buhay nila ng mga anak niya?Paano nga kung ganun na lang kaya? Kaysa halos araw-araw naman na sumakit ang ulo niya dahil sa mga ito. Pero kapag ginawa niya iyon ay paano naman ang lolo niya? Paano kung multuhin naman siya nito bigla? Napabuntong-hininga na lang ulit siya at pagkatapos ay narinig niya ang pagkatok sa pinto niya. Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto at pumasok si Shaira na namumugto pa ang mga mata da
DAHIL NGA MAAGA PA NAMAN ay napagdesisyunan ni Kath na pumunta ng mall para maghanap ng pwede niyang maisuot sa gaganaping welcome party bukas ng gabi. Wala pa tuloy siyang ideya kung ano ba ang dapat niyang isuot. Siguro ay mamimili na lang siya ng isang formal dress na simple lang. Wala kasi siyang gaanong mga damit sa bahay nila, since hindi naman siya mahilig lumabas. Idagdag pa na kailangan niya ring mamili ng ilan pang mga damit na pwede niyang ipang-pasok sa opisina.Naglakad-lakad siya sa mall, tumitingin-tingin sa mga naka-display na mga damit sa mannequin. Doon na lang muna siya babase ng damit at kapag may nagustuhan siya ay tyaka na lang niya ito isusukat. Ilang store na ang pinuntahan niya ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin siyang napipili hanggang sa isang dress ang nakakuha ng atensyon niya. Isa lang iyong simpleng dress na kulay pink na may napakasimpleng design ngunit kung titingnang maigi ay napaka-elegante nito.Ilang sandali pa ay agad na siyang pu
SA DI KALAYUAN, bigla namang napatigil sa paglalakad si Thirdy nang makita na may nagsasabunutan sa loob ng isang boutique. Nagkibit balikat na lang siya at lalampasan na sana ito nang makita niya ang pamilyar na mukha, walang iba kung hindi si Kath kaya dali-dali siyang pumasok at inawat ang mga ito. Pilit niyang inihawalay ang babaeng sumasabunot dito at itinulak pagkatapos ay inalalayan niya itong tumayo.“Ang kapal ng mukha mo! Kaya ka iniwan ni Noah dahil wala ka na ngang kwenta baog ka pa!” sigaw ng babae dito at nang marinig niya iyon ay bahagya siyang nagulat. Ang babaeng nasa mid fifties na nasa tabi ng babaeng sumabunot kay Kath ay pamilyar sa kaniya. Ito ang ina ni Noah Montenegro.At tama ba ang ang narinig niya? Iniwan ni Noah? Bigla siyang napatingin kay Kath nang wala sa oras. “Ayos ka lang ba?” tanong niya rito. Tumango naman ito at pagkatapos ay inayos ang buhok niya. Samantalang ang babae ay dali-daling umalis doon na nag-aapoy ang mga mata.Ilang sandali pa ay inala
PAGDATING na pagdating ni Kath sa kanilang bahay ay agad niyang hinanap ang kanyang ina na nasa study naman nito. Ang kanyang anak ay pinapatulog na ng kanyang Tita Silvia dahil medyo mag-aalas otso na rin nang makauwi siya sa bahay nila. Kumatok muna siya sa pinto at pagkatapos ay pumasok sa loob. Nakita niya ang kanyang ina na may ilang mga dokumentong binabasa ito. Lumapit siya sa harap nito at umupo. “Pwede ba tayong mag-usap Ma?” agad niyang tanong dito.Hindi naman ito nagtaas ng ulo at nanatiling nasa mga papeles ang tingin. “Tungkol saan?”Napabuntung-hininga na lang muna siya bago nagsalita. “Tungkol sa mga bata.” agad niyang sagot. Sa puntong iyon ay biglang napahinto ang kanyang ina at pagkatapos ay napataas ang ulo at tumingin na sa kaniya.“Tungkol sa mga bata?” nakakunot ang noong tanong nito. Ilang sandali pa nga ay tuluyan na nitong ibinaba ang binabasa nito at tumingin sa kaniya. “What about them?” magkasalubong ang kilay na tanong nito kaagad sa kaniya.Napapikit siy
HABANG KUMAKAIN SILA ng almusal ay bigla niyang narinig ang tanong ng kanyang ina. “Pupunta ka ba sa welcome party ng dati mong asawa?” tanong nito sa kaniya.Dahil sa pagbanggit nito sa salitang dating asawa ay hindi niya napigilan na mapatigil sa kanyang pagsubo sana at hindi sinasadyang mapasulyap kay Lindy. Nakita niya kung paano nagdilim ang mukha nito bagamat hindi ito nagtaas ng ulo. Hindi niya tuloy maiwasang mapahigpit ng hawak sa kanyang kutsara at tinidor pagkatapos ay masamang napatingin sa kanyang ina na para bang sinasabi niya na tumigil na ito sa pagbanggit ng salitang iyon. Dahil sa ilang segundo niyang pananahimik ay biglang nagtaas ng ulo si Lindy at tumingin sa kaniya.Bahagya itong nagulat nang makita nitong nakatingin siya rito. “Well, kung ako ang inaalala mo ay wala sa aking problema.” sagot nito kung saan ay hindi niya maiwasang hindi magtaka at bahagyang nagulat. Parang ilang gabi pa lang ang nakakalipas nang mag-away sila dahil lang sa pagbanggit ng kanyang i
NAPAPAHILOT SI KATH sa kanyang sentido habang nakasandal sa kanyang swivel chair. Sumasakit ang ulo niya dahil pakiramdam niya ay kulang pa ang tulog niya. Napuyat kasi siya sa pag-iyak kagabi kung saan ay halos namumugto din ang kanyang mga mata. Mabuti na lang kahit papano ay nakatulong ang salamin niya para ikubli ang namumugto niyang mga mata.Ilang sandali pa nga ay may narinig siyang katok sa pinto. Hindi nagtagal ay bumukas ito at iniluwa nito si Shaira. “Good morning ma’am KAth. kamusta ang tulog ninyo? Okay ba? Naku, sabi ko sa inyo mag beautyrest na muna kayo ngayon e para mamayang gabi.” sabi nito sa kaniya.Ngumiti lang naman siya rito at pagkatapos ay umuling. “Ano ka ba, okay lang iyon isa pa ay napakarami pa rin nating trabaho. Kailangan pang tapusin yung plano para sa bagong project.” sabi niya rito at hinawakan na ang mga papel sa ibabaw ng kanyang mesa. Kailangan na kasi nilang simulan iyon next month at kailangan na nilang matapos ang plano para mai-submit na rin ka
DAHIL NGA WALA PA SIYANG isusuot ay pumayag siya na sumama kay Shaira sa isang boutique. Magaganda nga ang mga damit doon katulad ng sabi nito at masasabi niya na napaka-unique ng mga ito kahit na simple lang ang design. Namili sila ni Shaira ng ilang damit na isusukat niya bago tuluyang nagpunta sa dressing room upang isukat ang mga ito at para na rin tingnan kung ano ang bagay niya.Nakailang beses siyang nagsukat hanggang sa napili na niya ng tuluyan ang damit na pinaka-nagustuhan niya at hindi lang siya ang nagustuhan ito dahil maging si Shaira ay nagustuhan ito. “Bagay na bagay sayo Ma’am Kath.” puri nito habang iniikutan siya nito na may isang masayang ngiti sa kanyang mga labi.“Binobola mo na naman ako…” sabi niya rito ngunit bago pa man ito makasagot ay may isang tinig na nagmula sa likod nila na ikinagulat nila pareho at ikinalingon.“Bagay na bagay mo naman talaga.” sabi nito at paglingon nga nila ay nakita niya si Thirdy na nakatayo sa likod nila at hinahagod siya ng tingi
HUMAHANGOS na tumakbo si Kath patungo sa ospital at doon na nga niya nakita ang umiiyak na kapatid pala ni Auring sa labas ng morgue. Nang makita niya ito ay dali-dali niya itong nilapitan at sinubukang aluhin mula sa pag-iyak nito sa pamamagitan ng paghaplos niya sa likod nito.Napakarami niyang tanong na gustong tanungin ngunit nagdadalawang isip siya kung magtatanong ba siya rito o ano pero sa huli ay ibinuka niya rin naman ang kanyang bibig dahil gusto niyang malaman kung ano nga ba talaga ang nangyari. “Kung hindi mo mamasamain, pwede ko bang malaman kung ano ang nangyari?” maingat na tanong niya rito. Kailangan niyang mag-ingat dahil alam niya na nagluluksa pa rin ito dahil sa pagkawala ng kapatid nito.Suminghot ito. “Noong isang araw ay aksidente raw siyang nadulas sa may hagdan dahilan para mabagok ang ulo niya at nahulog nga siya sa coma. Akala ko ay okay na ngunit hindi pa rin pala. Nagulat na lang ako kanina paglabas ko dahil tinawagan ako ni Ma’am Lindy na kuhanin ang mg
TINANGGAP na lamang ni Kath ang bulaklak na inabot sa kaniya ni Thirdy. “Salamat.” sabi na lamang niya at hindi na pinansin pa ang sinabi nito. “Siya nga pala, anong ginagawa mo rito?” tanong niya pagkalapag ng bulaklak sa kanyang mesa.Napasimangot naman ito at humawak sa dibdib nito na para bang nasaktan ito ng sobra dahil sa sinabi niya. “Para namang ayaw mo na akong makita. Hindi mo ba alam na nakakasakit ka.” sabi nito at umarte pa.Napailing-iling na lamang siya at napangiti. Inaasar na naman siya nito alam niya. “Hindi nga kase? Bakit nga?” ulit niyang tanong dito. Ang alam niya kasi ay nagpapagaling pa ito kaya hindi pa ito nagpupunta sa kung saan-saan kaya laking pagtataka niya nang bigla na lang itong sumulpot doon.Sumeryoso naman ang mukha nito at pagkatapos ay napabuntong-hininga. “Well, nag-aalala lang ako sayo dahil sa mga nangyari.” sabi nito at tumingin sa kaniya. “Ayos ka lang ba?”Nagulat naman siya sa tanong nito at pagkatapos ay ngumiti. “Oo naman, ano ka ba. Huwa
NAKAUWI NA SI Kath sa bahay nang maalala niyang buksan na ang kanyang cellphone para tawagan na ang kanyang mga anak dahil miss na miss na niya ang mga ito sa totoo lang. Pagkabukas niya ng kanyang cellphone at bigla na lang may nag-pop up na message sa kanyang chat box. Nang buksan niya iyon ay galing pala iyon kay Auring at kaninang umaga pa nito isinend iyon ngunit dahil sa kanyang busy sa maghapon ay hindi na niya napagtuunan pa iyon ng pansin.Agad niyang binasa ito at nagulat siya sa kanyang nabasa. Paano ba naman ayon sa chat nito ay alam na daw diumano ng asawa ni Lindy at nang ina nito na may anak sila ni Noah at narinig niya daw na pinag-uusapan ng mga ito na dapat ay hindi malaman ni Noah ang tungkol sa mga ito.Tumaas ang sulok ng kanyang mga labi. Panigurado na gagawin ang lahat ng mga ito para hindi malaman ni Noah na may anak sila pero ngayon, paano kung siya mismo ang magsabi rito na may anak sila? Lalo pa at para makaganti siya sa dati niyang biyenan na ginawa siyang
LINGGO NG gabi, katatapos lang ni Kath na makipag-usap sa mga anak niya at patulog na sana nang biglang tumunog ang kanyang cellphone at may nag-notif doon. Nang tingnan niya ito ay may nag-add friend sa kaniya sa kanyang social media account at nang tingnan niya ang pangalan ay tila ba pamilyar ito sa kaniya. Hindi siya basta-basta nag-aaccept ng mga request kaya ang ginawa niya ay inistalk niya muna ito at nakita niya na ang account pala na iyon ay kay Auring, ang kasambahay nila Noah.Dahil medyo naging mabait naman ito sa kaniya noong mga panahong nasa bahay pa siya nila Noah ay hindi siya nagdalawang isip na pindutin ang accept button bago tuluyang matulog.KINABUKASAN, maagad siyang bumangon para gumayak sa pagpasok niya sa kanyang opisina. Idagdag pa na sa araw na iyon ay iyon na ang groundbreaking para sa project nila na building ni Mr. Montemayor at bilang CEO ng D.A Builders ay kailangan niyang magpakita doon dahil kasali siya sa seremonya. Para maging komportable siya sa ka
“YO-HOO!” sabi ni Alec at iwinagayway pa ang kamay nito sa harap niya dahilan para mahila siya mula sa kanyang pag-iisip. Wala sa sariling napatingin siya rito.“Ano nga ulit yung sinasabi mo?” tanong niya rito.Napabuntong-hininga naman ito. “Alam mo, siguro ay pagod ka lang. Why don’t you go home and rest?” tanong nito sa kaniya.Sa puntong iyon ay ibinaba naman niya ang kanyang mga hawak na papel at napasandal sa kanyang kinauupuan. “Tutal ay alas tres na ng hapon, maaga man pero okay na iyon. Umuwi ka na at magpahinga.” sabi nito sa kaniya.Kinusot niya naman ang kanyang mga kilay at tiningnan ang kanyang suot na relo. Alas tres na nga ng hapon. Hindi niya akalain na napakabilis ng paglipas ng oras at hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin siyang kumakain. Nalipasan na siya ng gutom o mas tamang sabihin na sa dami ng kanyang iniisip ay hindi na siya nakaramdam pa ng gutom.Napabuntong-hininga na lamang siya. “Siguro nga tama ka. Uuwi na muna ako.” sabi na lamang niya lalo pa
BIGLANG KUMUNOT ang noo ni Kath at hindi makapaniwala sa mga pinagsasasabi sa kaniya ni Noah ng mga oras na iyon. “Pwede ba Noah. Umalis ka na ngayon din kung ayaw mong ipakaladkad kita palabas dito sa kumpanya ko.” mabilis na sabi niya rito.Napatawa naman ito habang nakatingin sa kaniya. “Ang tapang mo na talaga ngayon.” malamig na sabi nito habang nakatingin sa kaniya. Hindi naman siya nagpatalo rito at sinalubong niya nang walang takot ang mga mata nito. Wala siyang dahilan para matakot dito lalo pa at nasa teritoryo niya ito. Kung ang dating siya ang kaharap nito ng mga oras na iyon ay tiyak na nagsusumiksik na siya sa gilid sa labis na takot ngunit ibang-iba na siya ngayon kaya hinding-hindi na siya matatakot dito ngayon.“Dahil ba ikaw na ang CEO ngayon nitong kumpanya na itinayo ng lolo mo at pinaghirapan ng Tita mo?” tanong nito sa kaniya at base sa tono ng boses nito ay punong-puno iyon ng pangungutya na mas lalo pang nagpakuyom sa mga kamay niya. “O dahil naakit mo na si Th
NAGMAMADALI NAMANG lumabas ng opisina niya si Shaira na nang hindi na nagpapaalam sa kaniya. Binati lang nito sandali si Noah at kumaripas ng lumabas. Marahil ay natakot ito sa itsura nito dahil maging siya ay hindi niya maiwasang bumilis ang tibok ng puso niya. Ni ibuka niya ang bibig ay hindi niya magawa at nakatitig lang dito. Pinanuod niya lang ito na naglakad patungo sa kaniya na may mabangis na ekspresyon habang nakatingin sa kaniya na para bang lalamunin siya nito ng buhay. Napalunok na lang siya bigla. “A-anong ginagawa mo rito?” halos nauutal na tanong niya. Hindi niya nga akalain na sa paglipas ng ilang taon ay mauutal pa siya sa harap nito idagdag pa na hindi naman ito ang unang pagkikita nila pagkalipas ng mga taon. Pero kasi pakiramdam niya simula nang pumasok ito sa loob ng opisina niya ay para bang sumikip bigla ang paligid at hindi siya makahinga.“Ano sa tingin mo ha?” malamig na tanong nito dahilan para magtayuan ang mga balahibo ni Kath. sa tono pa lang ng boses ni
PAGDATING PA LANG ni Noah sa kanyang opisina ay agad nang pumasok doon si Alec. dahil doon ay awtomatikong nagsalubong ang kanyang mga kilay habang nakatingin dito. “What? Ang aga-aga.” bungad niya kaagad dito.Masyado pang maagad para ma-stress siya sa ano mang sasabihin nito. “Kanina pa kita hinihintay sir.” mabilis na sabi nito at umupo na sa upuan na nasa harap ng kanyang mesa. Agad niyang naman tinanggal ang suot niyang suit at isinabit ito sa sabitan na nasa gilid.“Ano naman ba kasi ang ibabalita mo? Kamusta na pala yung pinapa-imbestigahan ko sayo?” tanong niya at naupo na rin sa upuan niya.“Well, kaya nga kanina pa kita inaantay dahil tungkol doon ang ibabalita ko.” sabi nito at base sa ekspresyon ng mukha nito ay para bang masaya ito kaya hindi niya maiwasang magtaka at mapakunot ang noo.“Anong tungkol doon?” tanong niya na may interes.“Tama nga ang hinala mo. umamin na ang may ari ng building na sinadya niyang mag-collapse ang building para humingi ng danyos sa kumpanya.
TATLUMPONG MINUTO pa ang lumipas ngunit hindi pa rin napatahan ni Noah ang si ALexa kaya nagpasya na siyang dalhin na ito sa ospital. Kung kanina pa ito iyak ng iyak ay sigurado siya na may problema na ito at pagdating nga sa ospital ay nalaman nila na may kabag lang ito kaya iyak ito ng iyak.Habang pinapaunod niya si Alexa na nakahiga sa kama ay hindi niya maiwasang hindi isipin ang sinabi sa kaniya ni Auring tungkol nga kay Lindy. Napabuntung-hininga siya at pagkatapos ay lumabas ng silid nito. Eksakto namang paglabas na paglabas niya ay nakita niya ang humahangos na si Lindy papunta sa kaniya. Puno ng pag-aalala ang mukha nito. “Nasaan ang anak natin? Kamusta siya? Okay lang ba siya?” sunod-sunod na tanong nito at sa mga mata nito ay nakita niya ang pangingilid ng mga luha nito.Dahil sa itsura nito ay hindi niya napigilan ang sarili niya na yakapin ito ng mahigpit. Sa puntong iyon ay humagulgol na ito habang yakap-yakap niya. Bigla siyang napabuntong-hininga ng wala sa oras at na