Share

Chapter 42

Author: eleb_heart
last update Huling Na-update: 2025-01-07 17:00:57

KUMAIN MUNA ANG lahat bago umpisahan ang party. Bago magkainan ay doon niya nakita si Shaira na may inasikaso pa raw at late daw itong nakarating sa venue. Tahimik silang kumain nila Thirdy sa iisang mesa at tinukso pa nga sila nito ni Thirdy na bagay daw silang dalawa. Tatawa-tawa na lang siya at hindi sineryoso ito. Idagdag pa na hindi pa rin siya mapalagay dahil hanggang sa mga oras na iyon ay para pa ring may mga matang nakasunod sa bawat galaw niya hanggang sa matapos na nga silang kumain.

Pagkatapos nun ay inumpisahan na ang party. Ilang pagpapakilala ang sinabi ng emcee sa gabing iyon tungkol sa background niya bago siya tuluyang tawagin. Syempre, dahil si Thirdy ang escort niya ay ito ang umalalay sa kaniya patungo sa stage.

Pagdating niya sa stage ay agad siyang nagpunta sa gitna habang hawak ang mic sa kamay niya. Inilibot niya ang kanyang paningin sa buong paligid. Ibat-ibang mga mata ang nakita niya at magkakahalong mga tingin ang nakapukol sa kaniya ngunit tumitig siya k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Gle Irallam Garcia
ang tagal nang update po
goodnovel comment avatar
Analyn Arañez Reyes
Wala PNG up date author
goodnovel comment avatar
Ma Sofia Amber Llanda
thank you for the update more please
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 43

    PAGPASOK NA PAGPASOK pa lamang ni Melinda sa loob ng bahay nila ay agad na niyang dinampot ang isang vase na nasa dadaanan niya at walang habas niya itong ibinagsak sa sahig. Wala siyang pakialam kung ano ang madampot niya dahil sa labis na galit na nararamdaman niya.“Ma, tama na yan.” pigil ni Jessy sa kaniya at hinawakan ang magkabila niyang braso mula sa likod niya ngunit pinalis niya lang ang kamay nito dahil sa kanyang galit.“Pwede ba! Bitawan mo ako!” sigaw niya rito at napahilamos sa sobrang inis. “Lintik na yan! Napakamalas!” muli niyang sigaw na umalingawngaw halos sa buong kabahayan.Ilang sandali pa mula sa itaas ng hagdan ay lumitaw ang kanyang asawa na nakataas ang kilay habang nakatingin sa kaniya. “Ano na naman ba yan honey?” tanong nito at bumaba.“Kasalanan mo ito!” sigaw ni Melinda at dinuro ito. “Ikaw ang nagpakilala sa taong iyon pero ano? Ang sabi mo ay magaling pero pumalpak siya!” inis na inis na sigaw ni Melinda at pagkatapos ay napaupo sa may sofa.Napahilo

    Huling Na-update : 2025-01-10
  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 1

    Pabagsak na binitawan ni Noah ang isang envelop sa kaniyang harapan. Hindi niya alam kung ano ang laman nito. Kadadating lamang nito galing sa opisina nito ng mga oras na iyon at kanina pa niya ito hinihintay. Balak niyang kausapin ito na kailangan na nilang lumipat ng bahay. Kasalukuyan silang nakatira sa bahay ng pamilya ni Noah kung saan ay kabahay niya ang byanan niya. Dalawang taon na ang nakakaraan simula nang makasal sila ni Noah at ni minsan ay hindi siya itinuring na manugang ng byanan niya. Mas tamang tawagin siyang kasambahay ng mga ito dahil simula nang magpakasal sila ay pinaalis nito ang lahat ng kasambahay ng mga ito at siya ang ipinalit sa mga ito. Ang pagpapakasal sa isang taong katulad ni Noah ay wala sa hinagap niya at kailanman ay hindi niya naman pinangarap. Isa siyang graduating student sa kurso niyang accountancy nang malaman niya ang nakatakdang pagpapakasal niya kay Noah. noong una ay wala naman talaga siyang balak na magpakasal rito. Ngunit nang tumutol si

    Huling Na-update : 2024-12-03
  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 2

    Walang emosyon si Kath habang bitbit ang maliit na bag habang pababa ng hagdan. Alas- syete na ng mga oras na iyon at katatapos niya lang ipunin lahat ng gamit niya. Isang maliit lang na bag ang pinagkasiyahan ng kaniyang mga gamit dahil wala naman siyang masyadong gamit.Sa baba ng hagdan ay naroon na si Donya Elsa, ang ina ni Noah na demonyita at nang makita siya na pababa ng hagdan ay bigla itong napatayo. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito ng makita siya. Ngiting tagumpay.Hindi niya itinago ang iritasyon at disgusto na nakaguhit sa kaniyang mukha. Wala nang dahilan pa para irespeto niya ito. Isa pa ay hindi nito deserve ang respeto niya dahil sa pag- uugali nito.“I told you…” masayang saad nito na halos humalakhak pa dahil tila ba sa pakiramdam nito ay tila nanalo sa isang pustahan.Ang mga katulad nitong tao ay hindi niya dapat pag- aksayahan ng oras. Akmang lalampasan na sana niya ito ng bigla na lamang siya nitong harangin. Tinapunan niya ito ng masamang tingin. Ano pa

    Huling Na-update : 2024-12-03
  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 3

    HINGAL na hingal at halos lumabas na ang kaniyang dila sa magkahalong uhaw at pagod. Halos magdadalawang oras na yata siyang naglalakad at ramdam na rin niya ang matinding sikat ng araw sa kaniyang balat. Mabuti na lamang at sa wakas ay nasa tapat na siya ng gate ng bahay na kinalakihan niya. Dali- dali siyang lumapit sa gate kung saan siya nag- doorbell. Pagkatapos ng ilang doorbell ay kaagad naman binuksan ng guard ang gate at pagkatapos ay sumilip. Nang makita siya nito ay halos magulat pa ito. Mabilis siya nitong pinagbuksan nang makita niya at pagkatapos ay binitbit nito ang bag niya. Kulang na lamang at mahihimatay na siya sa sobrang pagod ng mga oras na iyon. Dali- dali siyang pumasok sa loob ng bahay kung saan nang makita siya ng mga kasambahay ang nagunot ang mga noo ng mga ito. Maging siya ay napakunot rin ang kaniyang noo dahil ang mga kasambahay na kaharap niya ng mga oras na iyon ay mga hindi niya kilala. Wala na ang mga dating kasambahay at napalitan na ng mga bago. M

    Huling Na-update : 2024-12-03
  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 4

    Napatingala sa langit si Kath ng wala sa oras at pagkatapos ay napapikit at napasabi na, bakit parang ang lupit naman ng mundo sa akin? Sa mga oras na iyon ay hindi niya maiwasan ang hindi mapaisip. Ano bang kasalanan ang nagawa niya sa buhay niya para parusahan siya ng ganito? Hindi niya maiwasan ang magdamdam sa nasa itaas ng mga oras na iyon dahil pakiramdam niya ay tila ba hindi niya maramdaman ang pagkalinga nito sa kaniya. Saan siya nito ngayon pupunta? Wala siyang ibang kamag- anak na kilala kundi tanging ang lolo niya lang at ngayon ay pinalayas pa siya ng Auntie niya sa mismong bahay ng lolo niya na animo’y hindi sila magkadugo. Nalasahan niya ang maalat na likido na nagmumula sa kaniyang mga mata. Pagod na pagod siya sa kaniyang ginawang paglalakad kanina at halos hindi pa niya nababawi ang lakas niya, tapos heto siya ngayon nakasalampak na naman sa kalsada. Tirik na tirik ang araw nang mga oras na iyon, ngunit hindi niya iyon alintana dahil pakiramdam niya ay namanhid an

    Huling Na-update : 2024-12-03
  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 5

    Ramdam na ramdam na ni Kath ang pamamaltos ng paa niya dahil sa kalalakad niya. Halos ilang oras na siyang naglalakad at halos padilim na rin nang mga oras na iyon. Ramdam na ramdam na rin niya ang pagkalam ng sikmura niya dahil halos kaninang umaga pa siya walang kain. Hindi niya naman naharap na kumain kanina nang dumating siya sa bahay ng kaniyang lolo dahil mas inuna niyang hanapin ito at pumunta sa silid nito. Nagugutom na siya at wala siyang dalang pera, idagdag pa na wala din siyang alam na pupuntahan niya. Napatingala siya sa papadilim na kalangitan. Saan siya pupunta? Saan siya matutulog? Bigla siyang napadaan sa isang establisyemento kung saan ay isang restaurant at mas lalo lamang siyang nagutom nang makita niya ang mga kumakain sa loob. Hindi niya tuloy naiwasan ang hindi mapabulong sa hangin na ang swerte- swerte nang mga tao sa loob dahil wala silang mga problema samantalang siya ay tila ba siya binagsakan ng langit at lupa dahil sa dinaranas niya. Sa mga oras na iyon

    Huling Na-update : 2024-12-03
  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 6

    Napahinga ng maluwag si Silvia nang sabihin sa kaniya ng doktor na wala naman daw injury ang babaeng dinala nila sa ospital. Nawalan lamang daw ito ng malay marahil daw sa pagod. Mabuti na lamang at walang masamang nangayri rito dahil kung hindi, paniguradong masesermonan siya ng amo niya. Ilang sandali pa nga ay nagpaalam na ang doktor sa kaniya. Naiwan siyang mag- isa sa silid kung nasaan ito. Napatitig siya sa natutulog na dalaga. Tuyong- tuyo ang mga labi nito at tila ba namumutla ito. Napalingon siya sa dala nitong bag at hindi naiwasan ang mapatanong sa sarili kung saan ito pupunta. Dahil sa bag na dala nito ay nasisiguro niya na naglayas ito sa kanila, pero ang hindi niya lubos maisip ay kung bakit ito nasa kalsada ng madilim na at naglalakad. Hindi ba ito natatakot sa mga adik? Nagkalat pa naman ngayon ang mga masasamang loob sa kalye. Mabuti na lamang at kahit papano ay sila ang dumaan nang mawalan ito ng malay. Habang nakatitig sa natutulog nitong mukha ay hindi niya maiw

    Huling Na-update : 2024-12-05
  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 7

    Hindi na nga nagtagal pa si Kath sa pananatili sa ospital. Kinabukasan rin ay tuluyan na siyang pinayagan ng doktor upang umuwi dahil wala namang nakitang injury sa kaniya. Sadyang nawalan lang talaga siya ng malay dahil sa pinaghalong gutom at pagod. Nang mga oras nga na iyon ay patungon na sila ni Silvia sa bahay nito. Naging seryoso nga ito sa pagkupkop sa kaniya dahil marahil ay naawa ito sa kalagayan niya dahil sino ba naman ang hindi maawa sa kaniya kung sariling pamilya niya mismo ay itinakwil na siya ng tuluyan at wala na rin talaga siyang iba pan mapuntahan. Hindi naman siya pumayag na basta na lamang kupkupin ni Silvia, syempre kahit papano ay tumatanaw siya ng utang na loob rito kaya ipinangako niya rito na siya na ang bahala sa lahat ng gawaing bahay kapalit ng pagpapakain at pagpapatira nito sa kaniya sa bahay nito. Sobra pa sa sobra ang pasalamat niya rito dahil kahit hindi sila magkaano- ano ay hindi ito nagdalawang isip na tulungan siya. Ngayon niya lang napatunayan

    Huling Na-update : 2024-12-05

Pinakabagong kabanata

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 43

    PAGPASOK NA PAGPASOK pa lamang ni Melinda sa loob ng bahay nila ay agad na niyang dinampot ang isang vase na nasa dadaanan niya at walang habas niya itong ibinagsak sa sahig. Wala siyang pakialam kung ano ang madampot niya dahil sa labis na galit na nararamdaman niya.“Ma, tama na yan.” pigil ni Jessy sa kaniya at hinawakan ang magkabila niyang braso mula sa likod niya ngunit pinalis niya lang ang kamay nito dahil sa kanyang galit.“Pwede ba! Bitawan mo ako!” sigaw niya rito at napahilamos sa sobrang inis. “Lintik na yan! Napakamalas!” muli niyang sigaw na umalingawngaw halos sa buong kabahayan.Ilang sandali pa mula sa itaas ng hagdan ay lumitaw ang kanyang asawa na nakataas ang kilay habang nakatingin sa kaniya. “Ano na naman ba yan honey?” tanong nito at bumaba.“Kasalanan mo ito!” sigaw ni Melinda at dinuro ito. “Ikaw ang nagpakilala sa taong iyon pero ano? Ang sabi mo ay magaling pero pumalpak siya!” inis na inis na sigaw ni Melinda at pagkatapos ay napaupo sa may sofa.Napahilo

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 42

    KUMAIN MUNA ANG lahat bago umpisahan ang party. Bago magkainan ay doon niya nakita si Shaira na may inasikaso pa raw at late daw itong nakarating sa venue. Tahimik silang kumain nila Thirdy sa iisang mesa at tinukso pa nga sila nito ni Thirdy na bagay daw silang dalawa. Tatawa-tawa na lang siya at hindi sineryoso ito. Idagdag pa na hindi pa rin siya mapalagay dahil hanggang sa mga oras na iyon ay para pa ring may mga matang nakasunod sa bawat galaw niya hanggang sa matapos na nga silang kumain.Pagkatapos nun ay inumpisahan na ang party. Ilang pagpapakilala ang sinabi ng emcee sa gabing iyon tungkol sa background niya bago siya tuluyang tawagin. Syempre, dahil si Thirdy ang escort niya ay ito ang umalalay sa kaniya patungo sa stage.Pagdating niya sa stage ay agad siyang nagpunta sa gitna habang hawak ang mic sa kamay niya. Inilibot niya ang kanyang paningin sa buong paligid. Ibat-ibang mga mata ang nakita niya at magkakahalong mga tingin ang nakapukol sa kaniya ngunit tumitig siya k

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 41

    MAGKAHAWAK ANG KAMAY nina Kath at Thirdy na pumasok sa loob ng venue kung saan gaganapin ang welcome party ni Kath. ang party na iyon ay idinaos sa isang hotel. Huminga na muna ng malalim si Kath bago sila tuluyang mapakapasok sa loob. Kahit na sinabi sa kaniya ni Thirdy na huwag na siyang dapat kabahan ay hindi niya pa rin maiwasan na hindi kabahan.Nang pumasok sila sa loob ay bumungad sa kanila ang maraming tao at kahit na inaasahan na nga talaga niyang maraming tao ang dadalo doon ay nagulat pa rin siya. Idagdag pa nang igala niya ang kanyang mga mata ay halos lahat ng mga mata ng taong naroon ay bigla na lang napunta sa kanilang dalawa ni Thirdy ng wala sa oras.Ilang sandali pa ay bigla na lang naramdaman ni Kath ang mahinang pagpisil ni Thirdy sa kanyang palad na hawak nito kung kaya ay hindi niya maiwasang mapatingin dito. Nginitian siya nito ng malumanay dahilan para kahit papano ay gumaan ang nararamdaman niya. Mabuti na lang talaga ay naroon si Thirdy kasama niya.Naglakad

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 40

    NAKATINGIN SI KATH sa sarili niyang repleksyon pagkatapos niyang mag-apply ng light make-up sa kanyang mukha. Halos hindi niya makilala ang sarili niya sa harapan ng salamin lalo pa at nakasuot siya ng simple ngunit napaka-elegante ring mga alahas. Hindi niya maiwasang hindi mapangiti sa kanyang loob-loob dahil sino nga ba naman ang mag-aakala na makakaangat siya sa buhay na meron siya noon at sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan niya ay makakaya niyang lampasan ang mga lahat ng iyon. Masasabi niyang malayo na siya sa buhay niya noon.Ilang sandali pa ay bigla na lang bumukas ang pinto ng kanyang silid kaya tiningnan niya kung sino ang pumasok mula sa salamin at nakita niyang ang tatlo niyang mga anak ang pumasok. Dali-dali siyang humarap sa mga ito. Nang makita niya ang mga ito ay bigla niyang iniunat ang kanyang mga kamay at sinalubong upang yakapin ang mga ito.Nitong mga nakaraang araw kasi ay napaka-busy niya masyado at halos hindi na niya naasikaso pa at ni nakakabonding man

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 39

    DAHIL NGA WALA PA SIYANG isusuot ay pumayag siya na sumama kay Shaira sa isang boutique. Magaganda nga ang mga damit doon katulad ng sabi nito at masasabi niya na napaka-unique ng mga ito kahit na simple lang ang design. Namili sila ni Shaira ng ilang damit na isusukat niya bago tuluyang nagpunta sa dressing room upang isukat ang mga ito at para na rin tingnan kung ano ang bagay niya.Nakailang beses siyang nagsukat hanggang sa napili na niya ng tuluyan ang damit na pinaka-nagustuhan niya at hindi lang siya ang nagustuhan ito dahil maging si Shaira ay nagustuhan ito. “Bagay na bagay sayo Ma’am Kath.” puri nito habang iniikutan siya nito na may isang masayang ngiti sa kanyang mga labi.“Binobola mo na naman ako…” sabi niya rito ngunit bago pa man ito makasagot ay may isang tinig na nagmula sa likod nila na ikinagulat nila pareho at ikinalingon.“Bagay na bagay mo naman talaga.” sabi nito at paglingon nga nila ay nakita niya si Thirdy na nakatayo sa likod nila at hinahagod siya ng tingi

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 38

    NAPAPAHILOT SI KATH sa kanyang sentido habang nakasandal sa kanyang swivel chair. Sumasakit ang ulo niya dahil pakiramdam niya ay kulang pa ang tulog niya. Napuyat kasi siya sa pag-iyak kagabi kung saan ay halos namumugto din ang kanyang mga mata. Mabuti na lang kahit papano ay nakatulong ang salamin niya para ikubli ang namumugto niyang mga mata.Ilang sandali pa nga ay may narinig siyang katok sa pinto. Hindi nagtagal ay bumukas ito at iniluwa nito si Shaira. “Good morning ma’am KAth. kamusta ang tulog ninyo? Okay ba? Naku, sabi ko sa inyo mag beautyrest na muna kayo ngayon e para mamayang gabi.” sabi nito sa kaniya.Ngumiti lang naman siya rito at pagkatapos ay umuling. “Ano ka ba, okay lang iyon isa pa ay napakarami pa rin nating trabaho. Kailangan pang tapusin yung plano para sa bagong project.” sabi niya rito at hinawakan na ang mga papel sa ibabaw ng kanyang mesa. Kailangan na kasi nilang simulan iyon next month at kailangan na nilang matapos ang plano para mai-submit na rin ka

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 37

    HABANG KUMAKAIN SILA ng almusal ay bigla niyang narinig ang tanong ng kanyang ina. “Pupunta ka ba sa welcome party ng dati mong asawa?” tanong nito sa kaniya.Dahil sa pagbanggit nito sa salitang dating asawa ay hindi niya napigilan na mapatigil sa kanyang pagsubo sana at hindi sinasadyang mapasulyap kay Lindy. Nakita niya kung paano nagdilim ang mukha nito bagamat hindi ito nagtaas ng ulo. Hindi niya tuloy maiwasang mapahigpit ng hawak sa kanyang kutsara at tinidor pagkatapos ay masamang napatingin sa kanyang ina na para bang sinasabi niya na tumigil na ito sa pagbanggit ng salitang iyon. Dahil sa ilang segundo niyang pananahimik ay biglang nagtaas ng ulo si Lindy at tumingin sa kaniya.Bahagya itong nagulat nang makita nitong nakatingin siya rito. “Well, kung ako ang inaalala mo ay wala sa aking problema.” sagot nito kung saan ay hindi niya maiwasang hindi magtaka at bahagyang nagulat. Parang ilang gabi pa lang ang nakakalipas nang mag-away sila dahil lang sa pagbanggit ng kanyang i

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 36

    PAGDATING na pagdating ni Kath sa kanilang bahay ay agad niyang hinanap ang kanyang ina na nasa study naman nito. Ang kanyang anak ay pinapatulog na ng kanyang Tita Silvia dahil medyo mag-aalas otso na rin nang makauwi siya sa bahay nila. Kumatok muna siya sa pinto at pagkatapos ay pumasok sa loob. Nakita niya ang kanyang ina na may ilang mga dokumentong binabasa ito. Lumapit siya sa harap nito at umupo. “Pwede ba tayong mag-usap Ma?” agad niyang tanong dito.Hindi naman ito nagtaas ng ulo at nanatiling nasa mga papeles ang tingin. “Tungkol saan?”Napabuntung-hininga na lang muna siya bago nagsalita. “Tungkol sa mga bata.” agad niyang sagot. Sa puntong iyon ay biglang napahinto ang kanyang ina at pagkatapos ay napataas ang ulo at tumingin na sa kaniya.“Tungkol sa mga bata?” nakakunot ang noong tanong nito. Ilang sandali pa nga ay tuluyan na nitong ibinaba ang binabasa nito at tumingin sa kaniya. “What about them?” magkasalubong ang kilay na tanong nito kaagad sa kaniya.Napapikit siy

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 35

    SA DI KALAYUAN, bigla namang napatigil sa paglalakad si Thirdy nang makita na may nagsasabunutan sa loob ng isang boutique. Nagkibit balikat na lang siya at lalampasan na sana ito nang makita niya ang pamilyar na mukha, walang iba kung hindi si Kath kaya dali-dali siyang pumasok at inawat ang mga ito. Pilit niyang inihawalay ang babaeng sumasabunot dito at itinulak pagkatapos ay inalalayan niya itong tumayo.“Ang kapal ng mukha mo! Kaya ka iniwan ni Noah dahil wala ka na ngang kwenta baog ka pa!” sigaw ng babae dito at nang marinig niya iyon ay bahagya siyang nagulat. Ang babaeng nasa mid fifties na nasa tabi ng babaeng sumabunot kay Kath ay pamilyar sa kaniya. Ito ang ina ni Noah Montenegro.At tama ba ang ang narinig niya? Iniwan ni Noah? Bigla siyang napatingin kay Kath nang wala sa oras. “Ayos ka lang ba?” tanong niya rito. Tumango naman ito at pagkatapos ay inayos ang buhok niya. Samantalang ang babae ay dali-daling umalis doon na nag-aapoy ang mga mata.Ilang sandali pa ay inala

DMCA.com Protection Status