Keilani POVHabang nakaupo ako sa kama, nakatingin sa laptop at sinusubukang tapusin ang isang pahina mula sa librong binigay ni Sylas, bigla kong naalala si Celestia. Matagal na rin simula nang huli kaming mag-usap, kaya’t napagdesisyunan kong tawagan siya. Isa pa, gusto ko rin malaman ang updates tungkol sa coffee shop ko sa Pilipinas. Kinuha ko ang phone ko at agad na tinawagan ang number ni Celestia. Ilang ring pa lang, sinagot na niya ang tawag.“Keilani! Napatawag ka?” tanong niya na halata ang saya sa boses niya.“Hi, Celestia. Kumusta naman ang coffee shop? May problema ba?” tanong ko sabay ilipat ng laptop sa gilid. Actually, hindi talaga ako tumatawag sa kaniya kasi may usapan naman talaga kami na tatawag lang siya kung may problema, pero dahil hindi naman siya tumatawag ay alam kong walang problema.“Okay naman ang coffee shop. Pero, girl, may gusto akong sabihin sa’yo,” sabi niya na biglang bumaba ang tono ng boses niya na tila may seryosong balita.“Ano ‘yun?”“Si Beatric
Huling Na-update : 2025-01-25 Magbasa pa