Keilani POVSimula nung dumating ako sa Canada, pakiramdam ko ay isang panibagong yugto ng buhay ang naghihintay sa akin. Bagong bansa, bagong simula, bagong pag-asa. Pero sa kabila ng excitement at saya, napansin kong unti-unting nagbabago ang pakiramdam ng katawan ko.Halos araw-araw, barado ang ilong ko at parang mabigat ang ulo ko. Akala ko noong una, simpleng jet lag lang ito, pero habang tumatagal, parang hindi nawawala. May mga gabing napapabalikwas ako sa kama dahil hindi ako makahinga nang maayos.“Are you okay?” tanong ni Sylas minsang makita niya akong naghahanap ng tissue sa kalagitnaan ng gabi.“Yeah, I’m fine. Just a little cold,” sagot ko habang pilit na ngumingiti para hindi siya mag-alala.Pero hindi siya naniwala. Lalo na nang mapansin niyang mas madalas na akong mapagod, kahit hindi naman ako gaanong gumagalaw. Nagiging paborito ko na ang kama at kumot, habang nawawalan na ako ng gana sa mga bagay na dati’y nagpapasaya sa akin.**“Keilani,” sabi niya isang umaga ha
Huling Na-update : 2025-01-22 Magbasa pa