Keilani’s POVIsang malamig na simoy ng hangin ang nagpagising sa akin sa kalagitnaan ng gabi. Napabalikwas ako sa kama at sa gulat ko, naramdaman kong may mabigat na bisig na nakayakap sa akin.Dahan-dahan akong lumingon, at doon ko nakita si Sylas. Nakapikit siya, mukhang mahimbing na natutulog. Pero napansin ko ang kakaiba sa kaniya—nakataas ang mga balahibo niya sa braso, halatang nilalamig. Kagabi lang ay magkalayo kaming natutulog, pagkagising ay ganito.Napatigil ako. Gusto kong alisin ang mga braso niyang nakapulupot sa katawan ko, pero may kung anong bahagi sa akin na nagsasabi na okay lang. Masarap sa pakiramdam ang yakap niya, kahit pa hindi ko dapat iniisip ito.“Keilani, get a grip,” sabi ko sa sarili ko habang pilit na pinapakalma ang tibok ng puso ko.Napasulyap ako ulit kay Sylas. Halos magkasalubong ang mga kilay niya, tila hindi komportable sa lamig ng gabi dahil sa aircon. Hindi ko na kayang makita siyang ganoon, kaya kinuha ko ang kumot sa gilid at ibinalot iyon sa
Huling Na-update : 2024-12-18 Magbasa pa