Keilani’s POVKahit maaga ang imbitasyon para sa anniversary ng Merrit Wine Company, hindi ako nagmadaling mag-ayos. Wala rin akong balak na mag-effort tulad ng ibang asawang babae na tiyak kong a-attend. Ano ba ang halaga ng pagpapaganda sa isang event kung saan halos lahat ng tao ay makakasalanan na gaya nila Braxton at Davina.Simpleng dress lang ang sinuot ko, isang plain black midi dress na may conservative neckline. Walang alahas, walang make-up at ang buhok ko ay pinabayaan ko lang na bagsak na bagsak sa balikat ko. Sa ganitong klase ng event, alam kong magiging kakaiba ang presensiya ko, pero wala akong pakialam.Si Braxton, tahimik lang habang nagbibihis sa kuwarto namin. Hindi niya ako pinigilan sa mga desisyon ko mula noong nalaman kong kabit niya si Davina, ang asawa ni Sylas. Sa totoo lang, parang alipin ko na si Braxton ngayon. Lahat ng gusto ko, sinusunod niya. Marahil ay takot siyang masira ang image niya bilang isa sa mga promising executives sa Merrit Wine Company.A
Keilani's POVHindi ko inasahan na magiging ganoon ka-dramatiko ang gabi ko. Matapos ang sagupaan namin ni Davina sa terrace, akala ko ay tapos na ang laban namin. Pero tila hindi pa nauubos ang mga bala niya. Nang gabing iyon, napilitan akong magtungo sa banyo matapos makaramdam ng pag-ihi.Naglakad ako papunta sa isang restroom sa gilid ng main hall. Ang lugar ay tila mas tahimik kaysa sa mga paligid. Sa pagpasok ko sa banyo, bigla akong napatigil.Naroon si Davina kasama ang tatlong kaibigan niya. Naka-sandal siya sa counter, may hawak na baso ng alak. Ang mga kaibigan niya naman ay abala sa pag-aayos ng kanilang make-up. Sa kanilang presensya, agad kong naramdaman na mali ang desisyong pumasok pa ako sa banyo nang oras na iyon.Habang tahimik akong papunta sa isa sa mga cubicle, narinig ko ang mahinang pagtawa ni Davina.“Oh look, the plain wife is here,” sabi niya.Napalingon ako, kahit alam kong mas mabuti pang magpatuloy na lang ako sa ginagawa ko. Nang tiningnan ko siya, nakit
Keilani's POVPagkatapos ng gabing iyon, wala akong ibang naramdaman kundi matinding inis. Hindi ko matanggap ang ginawa ni Davina sa akin at sa halip na gumaan ang pakiramdam ko matapos siyang harapin, mas lalo akong nagngitngit. Kaya kinabukasan, si Braxton ang napagbuntunan ko ng galit.Maaga siyang nagising, tulad ng nakagawian niya tuwing weekdays. Paglabas niya sa kuwarto, nakita kong tumingin siya sa direksyon ko.“Keilani, bakit wala pang almusal?” tanong niya habang bahagyang naguguluhan. Nakatitig siya sa akin habang nagsusuklay ng basa niyang buhok. Kakaligo lang nito.At dahil masama pa rin ang timpla ng mood ko. Wala akong sinabi. Nakatayo lang ako sa harap ng bintana, iniisip kung paano ko sisimulan ang usapan namin. Ayaw ko na sanang makipag-away, kaya lang sa tuwing maaalala ko si Davina at ang mga kaibigan niya na nilait ako, umiinit talaga ang ulo ko.Makalipas ang ilang minuto, lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang balikat ko at tumingin sa mukha ko.“Is there so
Keilani's POVPag-uwi ko sa condo, ang tanging nais ko lang ay makapagpahinga matapos ang nakakainis na araw. Pero mabuti na lang at maayos na ulit ang coffee shop ko, gawa na ang lahat at nagpadagdag na ako ng CCTV sa harap, gilid at likod ng shop ko.Pagbukas ko ng pinto, hindi ko inaasahang may ibang tao sa loob. Natigilan ako nang makita si Sylas, nakaupo sa sofa at nakangiti sa akin na parang matagal niya na akong hinihintay. “What are you doing here?” tanong ko agad habang hindi maitago ang gulat sa boses ko. Unang kita ko palang sa kaniya ay naisip ko na baka mawawarak na naman ang pukë ko. Naisip ko na baka naglilibög na naman siya kaya naririto.Ngumisi lang siya at tumayo mula sa pagkakaupo. “I brought what you asked for,” sagot niya sabay turo sa mga susi sa lamesa. “The car you wanted. It’s nothing too fancy, just like you requested.”Napatingin ako sa susi at halos hindi ako makapaniwala. “You’re serious?”Tumango siya. “Of course. I promised you, didn’t I?”Halos mapawi
Keilani’s POVIsang malamig na simoy ng hangin ang nagpagising sa akin sa kalagitnaan ng gabi. Napabalikwas ako sa kama at sa gulat ko, naramdaman kong may mabigat na bisig na nakayakap sa akin.Dahan-dahan akong lumingon, at doon ko nakita si Sylas. Nakapikit siya, mukhang mahimbing na natutulog. Pero napansin ko ang kakaiba sa kaniya—nakataas ang mga balahibo niya sa braso, halatang nilalamig. Kagabi lang ay magkalayo kaming natutulog, pagkagising ay ganito.Napatigil ako. Gusto kong alisin ang mga braso niyang nakapulupot sa katawan ko, pero may kung anong bahagi sa akin na nagsasabi na okay lang. Masarap sa pakiramdam ang yakap niya, kahit pa hindi ko dapat iniisip ito.“Keilani, get a grip,” sabi ko sa sarili ko habang pilit na pinapakalma ang tibok ng puso ko.Napasulyap ako ulit kay Sylas. Halos magkasalubong ang mga kilay niya, tila hindi komportable sa lamig ng gabi dahil sa aircon. Hindi ko na kayang makita siyang ganoon, kaya kinuha ko ang kumot sa gilid at ibinalot iyon sa
Keilani’s POV Tahimik ang ospital, tanging tunog ng monitor at mahina kong paghinga ang maririnig sa kwarto ni Braxton. Nakatulog na siya sa kama habang ako naman ay nakaupo sa isang maliit na sofa sa gilid. Tapos na kaming kumain, tapos na rin uminom ng gamot si Braxton. Habang tahimik at walang ginagawa, kausap ko ang mga staff ko sa coffee shop para alamin ang update doon kung may problema ba. Mabuti na lang at wala kaya maaari akong mag-stay nang matagal dito. Nang maalala ko ang isang milyong piso na bigay ni Sylas, parang naisip ko naman magpatayo ng another branch ng coffee shop ko. Nang sa ganoon, mapalago ko pa ang perang ‘yon. Pangit kasi kung itatabi ko lang sa bangko. Mainam na mapalago ko pa lalo. Maya maya, ay bigla na lang bumukas ang pinto. “Keilani!” sigaw ng isang pamilyar na boses. Hindi ko pa man sila nakikita, alam ko na kung sino ang dumating—ang mama ni Braxton at ang kapatid niya Braxton na si Beatrice. Bago pa man ako makapagsalita, agad na akong sinugod
Keilani’s POVHindi ko na pinansin sina Sylas at Davina. Dali-dali akong pumasok sa office room ko para panuorin sila sa CCTV kung anong ginagawa nila rito o kung anong pinaplano ni Sylas.Sa CCTV, kitang-kita sina Sylas at ang asawa niyang si Davina na nakaupo sa isang mesa malapit sa glass window. Sa una kong tingin, parang normal na usapan lang ang nagaganap sa pagitan nilang dalawa. Parehong seryoso ang ekspresyon nila—si Sylas ay nakakunot ang noo, habang si Davina ay tila nagtatangkang magpaliwanag."I don't understand why you're acting like this," sabi ni Davina habang bahagyang tumagilid. May tono ng pagod at inis sa boses niya. Rinig ko ang boses nila kasi malapit ang isang CCTV sa puwesto nila."Maybe because I'm tired of your games, Davina," malamig na sagot ni Sylas.Napanguso ako. Pakiramdam ko ay parang sinasakyan na lang ni Sylas ang pagiging mag-asawa nila. Wala akong nakikitang sparks sa kanila. Saka, feeling ko may gagawin si Sylas. Hindi ko lang mahulaan kung ano ‘y
Keilani’s POVAbala ako sa pagtikim ng mga bagong flavor ng milktea namin. Nagdagdag na rin kasi ako ng mga bagong flavor. Nitong mga nagdaang araw ay marami sa mga customer naming student na naghahanap ng milktea kaya naglagay na rin kami ng ganoon sa menu list namin. At base naman sa mga natikman ko ay siguradong magugustuhan nila ang mga milktea flavors ng coffee shop ko.Halos mamahinga at mauupo palang ako nang biglang mag-ring ang phone ko. Tumawag si Braxton kaya agad ko namang sinagot.“Oh? May problema ba?” tanong ko agad sa kaniya sa kabilang linya.“Wala, pinapauwi na kasi ako ng doctor ko, okay na ang result sa mga na-test sa akin kaya gusto ko nang umuwi, sunduin mo na ako,” sabi niya na akala mo ay nag-utos sa tauhan niya. Sabagay, asawa pa rin niya ako kaya walang ibang gagawa nito kundi ako lamang.**PAGDATING ko sa ospital, agad akong nagtungo sa billing section para asikasuhin ang lahat ng dapat bayaran. Hindi na rin ako nagdalawang-isip; ayokong ma-stress pa si Bra
Keilani POVWala naman talaga kaming dapat na puntahan at gawin ngayon ni Sylas, pero dahil nabanggit sa akin ng staff ko, na ngayon na lalabas ang lahat ng ads ko, heto, nagpunta kami sa highway kahit wala naman kaming dapat na lakarin ngayon.Mula sa loob ng sasakyan, tumigil muna ako saglit sa gilid ng highway. Tiningala ko ang malalaking billboard na halos tatlong magkakahiwalay na poste, pero iisang tema. Grabe, hindi ako makapaniwala na ganito kaganda ang kinalabasan. Nakakahiya lang makita na kami ni Sylas na magkasama na bihis na bihis sa all-black attire habang nakasandal sa isa sa mga pinakamahal na motor ng company ko.“Babe, ang laki pala talaga,” sabi ni Sylas habang binababa ang shades niya. Nakatitig siya sa billboard na para bang art exhibit ito. Ang guwapo ni Sylas sa mga kuha niya, parang binatang sobrang hot pa rin. Tapos ako, parang hindi pa nagkakaanak, ang galing nang kinalabasan. Akala mo ay mga professional na kaming mga model, kahit hindi naman talaga.“We rea
Keilani POVHalos isang linggo na ang nakalipas mula nang dukutin ako ni Braxton. Ngayon, maayos na ako, magaling na ang mga gasgas o sugat na natamo ko. Kalmado na rin si Sylas dahil nagawa na niya ang dapat niyang gawin.Sinampa na namin sa kaniya ang lahat ng kaso na puwedeng isampa sa kaniya, isama pa ang lahat ng mga taong ginawan nila ng kasalanan.Si Davina, nakakulong na, pero si Braxton ay nasa ospital pa nitong mga nagdaang araw dahil nagpapagaling pa dahil sa ginawa ko sa kaniya. Pero sure na raw na hindi na ito makakalakad pa dahil sa ginawa kong pagbaril sa kaniyang mga tuhod. Deserve naman niya iyon.Ngayon, napakasarap sa pakiramdam na alam kong nanalo na kami ni Sylas, na nabigay ko na sa mga kontrabida sa buhay namin ang nararapat na mangyari sa kanila.Nasa veranda ako ngayon ng bahay namin ni Sylas, habang may mainit na tsaa sa aking mga kamay. Habang umiinom, isang good news ang natanggap ko. Narinig ko mismo mula sa abogado namin ang napakasayang balita na sinabi n
Keilani POVNang sa wakas ay matanggal na ang tali sa kamay ko, doon na lumitaw ang nakakalokong ngiti ko. Oras na para ako naman ang maghasik ng gulo sa lugar na kung saan nila ako dinala. Sa totoo lang, ngayon ko lang gagawin ito, pero wala na akong pakelam. Ginawan nila ako ng mali kaya magsisisi sila.Nang alam kong tanggal na ang tali, mabilis akong kumilos gaya nang mga napag-aralan ko sa training ko.“Hey—”Hindi na niya natapos ang sasabihin niya. Tumalon ako mula sa pagkakaupo at mabilis na sinunggaban ang baril mula sa gilid ng pantalon ni Braxton. Nagulat siya. Nag-panic. Pero mas mabilis ako.sa isip-isip ni Braxton ay para siyang nasa action movie. Sa ilang sandali lang kasi ay sunod-sunod kong pinatamaan ng baril ang mga ugok niyang tauhan, pero hindi ako mamamatay-tao, pinatamaan ko sila sa mga katawan nila na alam kong mabubuhay pa sila pero ‘yung hindi na rin sila makakakilos para matulungan si Braxton na mahuli ulit ako.Napaatras si Braxton habang nanlilisik ang mga
Keilani POVNakatali ako sa isang upuang kahoy, kanina pa mahapdi ang kamay ko dahil sa pagkakakiskis ko ng lubid na nakatali sa akin. Ngunit kahit sa ganitong kalagayan, hindi ko hinayaan ang sarili kong matakot. Sa dami na nang nagyari sa buhay ko, ngayon pa ba ako matatakot. Handa na ako sa mga ganitong pangyayari dahil oo, inaasahan kong may mga ganitong gagawin ang mga kalaban sa buhay ko. Pero this time, handa ako, marami na akong napag-aralan at kung sa pakikipag-away lang ng pisikilan, handang-handa na rin ako.Pero kahit na ganoon, alam kong hindi ako pababayaan ni Sylas, may gagawin pa rin siya para puntahan ako pero habang wala siya, dapat din na may gawin ako.Tatlong lalaking mukhang tambay lang sa kanto ang kasama ni Braxton ngayon. Armado, oo, pero halatang hindi naman mga bihasa. Ang mga kilos kasi nila na nakita ko ay parang mga batang naglalaro ng baril-barilan, hindi mga sanay sa tunay na laban. Ang pagkakatali sa akin, bagamat mukhang mahigpit sa paningin ay may lu
Sylas POVNakaupo lang ako sa harap ng laptop ko para sana i-review ang mga contracts na kailangang pirmahan sa board meeting bukas, pero may naabutan akong maliit na package sa ibabaw ng desk ko. Wala itong label, walang pangalan, walang kahit anong palatandaan kung sino ang nagpadala. Ngunit sa loob nito ay may nakita akong isang itim na USB.Napakunot ang noo ko. “What the hell is this?” tanong ko sa sarili ko habang inikot-ikot sa daliri ang USB. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan o ma-curious. Pero sa huli, sinubukan ko pa ring tignan kung anong laman ng USB.Sinaksak ko ang USB sa gilid ng laptop ko. Pagbukas ng folder na lumitaw, iisang video lang ang laman. May label itong “CONFIDENTIAL - PLAY THIS FIRST.”“Alright... Let’s see what this is about,” bulong ko.Pag-click ko ng play, agad lumitaw sa screen ang isang madilim na kuwarto. Nasa loob si Braxton, nakaupo sa isang leather armchair, nakasigarilyo at kaharap ang isang lalaking hindi ko kilala. Malinaw ang audio, ka
Keilani POVTahimik akong nakaupo sa loob ng aking sasakyan habang pinagmamasdan ang labas ng bahay ni Maria Cruz. Isa siya sa mga nabuntis ng hayop na si Braxton na natagpuang patay kamakailan, tama ng bala sa ulo ang ikinamatay niya. Ilang buwan pa lang ang lumilipas mula nang mangyari ito, ngunit wala pa ring konkretong sagot kung sino ang may kagagawan.“Wala pa rin ba kayong nakuha?” tanong ko sa aking tauhan sa kabilang linya ng phone ko.“Wala po, Ma’am Keilani. Ayon sa mga kapitbahay, wala silang narinig na putok ng baril noong gabing iyon. At wala rin silang napansin na kakaibang kilos maliban sa isang itim na sasakyang ilang beses nilang nakitang dumaan sa kalsada.”Napabuntong-hininga ako. “Itim na sasakyan? May plaka ba?” Baka kahit manlang sa sasakyan ay may makuha kaming ebidensya. Gustong-gusto kong malaman kung si Braxton ba ang dahilan ng pagkamatay nila para dumami pa nang dumami ang kasong maisampa sa kaniya.“Wala po kaming nakuhang malinaw na impormasyon tungkol d
Keilani POV“A-ano ‘yun?” tanong ko naman.“Nung bago lang kayong kasal ni Braxton, naalala ko, may nabuntis siyang isang babae,” pag-aamin niya na kinagulat ko.“Talaga?” hindi na ako nagalit, wala naman na sa akin si Braxton. “Bakit ngayon mo lang sinabi?” tanong ko pa.Nahiya siya pero umamin pa rin siya. “Hindi ko sinabi sa iyo kasi…kasi iyon ang ginamit kong panakot kay Braxton para mapapayag siyang may mangyari sa amin palagi sa kama,” sabi niya kaya napailing ako.“Gaga ka talaga, so, sino ang nabuntis niyang babae?” tanong ko kasi napapaisip ako kung sino ‘yon. “Pero, teka, nabuntis? Hoy, baog ‘di ba si Braxton?”Nagulat tuloy ako bigla. “Hindi siya baog, Keilani.”“Sure ka ba diyan, kasi simula’t sapul, alam kong baog talaga siya.”“Nagkaanak siya sa isang babae at pati na rin sa isang babae. Magaling siyang magtago ng sikreto, Keilani. At dahil kung bakit hindi rin kayo magkaanak, ito ay dahil hindi niya kayang suportahan kapag nabuntis ka pa niya. Kasi dala-dalawa na ang an
Keilani POVNang magdesisyon kami na Sylas ipasara ang hotel at maghain ng kaso dahil kumampi at kinunsinte nila ang kawalangyaan nila Davina at Braxton, nasilaw sila sa kakaunting halaga na binigay nito, hindi nila alam na makakapangyarihang tao ang kinakalaban ng dalawa. Sa totoo lang, chill lang ako, si Sylas lang ang talagang mainit na kapag ginawan mo ng mali o kasalanan, siya ang hindi titigil hangga’t hindi ka napupunta sa kulungan.Ilang linggo na ang nakakalipas mula nang mangyari iyon, at ang mga balita mula sa mga kasong isinampa laban kay Braxton at Davina ay patuloy na dumarating. Wala na silang magawa. Ni hindi nila naisip na ang kanilang mga kasalanan ay isa-isang lilitaw at ang kanilang mga kasalanan ay magiging sanhi ng pagbuo ng mga kaso na hindi nila kayang tapusin.“Keilani, it’s all over for them,” sabi ni Sylas na seryosong nakatingin ang mga mata sa akin. Kapag alam ni Sylas na talong-talo na ang kalaban, masayang-masaya at makakapag-relax na siya. “Wala nang lu
Keilani POVPagbalik namin ni Sylas sa mansiyon matapos ang isang masarap na bakasyon sa Boracay, napabuntong-hininga ako kasi alam kong balik na sa trabaho.Pero sa isang banda, masarap ang naging bakasyon namin dahil sobrang daming ganap, ang saya ng mga tawanan at pagmamahalan bonding naming mag-asawa.Sakto naman na kakauwi lang namin ay may isang magandang balita kaming natanggap.Dalawa sa walong model na dapat sana’y kasali sa commercial ad ng Merritt Luxury Motor Company ang dumating sa bahay namin. Kita ko sa kanilang mga mukha ang kaba at pati na rin ang galit, pero alam kong may mahalaga silang sasabihin kaya sila nagpunta rito.Tama ang hinala ko kasi may pinakita sila.Nang ipakita nila sa amin ang mga nakuha nilang CCTV footage mula sa hotel room na pinag-stay-an nila, agad kong naramdaman ang matinding galit. Tama ang hinala ko.Sa screen, malinaw ang mga istura ng dalawang taong isa-isang sumusundo sa mga models. Kahit may suot silang facemask, hindi maikakaila na sila