Dalawang linggo bago matapos ang taon, tapos na lahat ng naka-pending na trabaho sa Design Department. Kaya naman mas madalas na nadadalaw ni Analyn ang Papa niya sa ospital. Tulad ngayong araw, nag-half day uli siya sa trabaho at ginugol ang oras niya sa tabi ng ama-amahan. Hindi pa rin ito nagigising. Nag-aalala na si Analyn. Kasalukuyan niyang minamasahe ang katawan nito habang malungkot na nakatingin sa sa hapis na mukha nito. Malungkot ding nakatingin si Jan sa mukha ng dalaga.“Analyn, cheer up. Huwag kang masyadong mag-alala. Okay naman ang vital signs ng Papa mo.”“Hindi mo maalis sa akin ang magkaganito, Doc Jan,” sagot ni Analyn habang hindi inaalis ang tingin sa mukha ng ama, “pagkatapos ng Bagong Taon, ika-apat na taon na ni Papa na natutulo
Last Updated : 2025-01-13 Read more