Hindi kilala ni Analyn ang lalaki. Ni hindi niya alam kung bisita ba ng DLM ito. Pansin niya ang namumula nitong mga mata.
Biglang tumayo si Analyn mula sa kinauupuan. “Sino ka? Umalis ka na, bago pa ako tumawag ng guard.”
“Ako? Pinapaalis mo?” sagot ng lalaki at saka humakbang palapit kay Analyn.
“Lumayo ka, huwag mo akong hahawakan.” Pilit na pinapatatag ni Analyn ang boses niya sa kabila ng takot na nararamdaman niya.
Pero humakbang pa rin ang lalaki at mabilis na nahawakan ang pisngi niya.
“Oh, hinawakan kita. Ano’ng mangyayari?” nang-aasar na sabi nito.
Tinabig ni Analyn ang kamay ng lalaki. “Aalis
“Sir Anthony! Nahuli namin ang walanghiya!” sigaw mula sa likuran ni Anthony. Lumingon si Anthony sa likod, nakita niya ang hindi kilalang lalaki na nagpupumiglas mula sa pagkakahawak ng mga lalaking empleyado ng DLM. Napansin din niya ang dugo sa may kilay nito at sa gilid ng bibig. Mabilis siyang tumayo at nagmamadaling sinugod ang lalaking gumawa ng kahalayan kay Analyn. Pinagsusuntok niya ito nang walang humpay hanggang sa halos hindi na makilala ang mukha nito. Napamaang ang nanonood na si Vivian. Hindi niya akalain na gagawin ng amo ang ganito, ang tahasang ipakita sa mga empleyado ng DLM at mga matataas na mga bisita kung paano niya iginanti ang sinapit ni Analyn. Nababaliw na ba ang amo ko?! Sa totoo lang, nasorpresa talaga ang lahat ng mga naroroon. Hindi nila maunawaan kung bakit ganun na lang ang galit ng presidente ng DLM sa lalaking nagtangka sa empleyado niya. Sa isang babaeng empleyado.Oo. Obligado ang DLM na protektahan ang kanilang mga empleyado, pero parang
Nasa isang fruit stand si Analyn. Dumaan muna siya roon para bumili ng prutas. Dadalawin niya si Elle ngayon sa ospital. Mabuti na lang at dun din naka-confine ang dalaga kung saan naroon ang Papa niya. Kukunin na sana niya ang wallet niya sa loob ng bag ng marinig niya ang pamilyar na boses ni Anthony. Hinanap niya ang pinagmumulan ng boses nito. Doon pala sa TV iyon nanggagaling. Kasalukuyang ini-interview si Anthony ng mga reporter tungkol sa nangyari nung gabi ng party ng DLM. Sa background ay ang hotel na pinagdausan ng party at may nakalagay na abiso na UNDER RENOVATION. Wala naman kasing magagawa ang management ng hotel kung hindi sumunod sa gusto ni Anthony. Makapangyarihan ang batang presidente ng DLM. Kayang-kaya niya talaga ipasara ang hotel kapag ginusto niya. “Miss, magbabayad ka ba o manonood muna ng balita?” “Ay, eto…” sagot ni Analyn, sabay dukot ng wallet niya sa bag. Iniabot niya sa babae ang bayad niya at saka kinuha ang pinamili.NASA female medical ward ng os
Pagkalabas mula sa kuwarto ni Elle ay diretso ng umalis ng ospital si Analyn. Hindi na muna siya dumaan sa kuwarto ng Papa niya. May mas importante siyang kailangang lakarin.Agad siyang pumara ng taxi. Habang sakay ng taxi, naalala niya ang narinig niyang usapan nila Anthony at Vivian kagabi habang nasa study room ang lalaki. Naka-speaker ang telepono ni Anthony kaya niya narinig. Dalawa lang kasi sila sa bahay kaya siguro kampante si Anthony na ilagay sa speaker mode ang telepono nito. Isa pa, hindi siguro niya akalain na lalabas si Analyn sa kuwartong pinaglagakan niya sa babae. Lumabas kasi si Analyn at hinanap si Anthony para sana sabihin dito na magpadala ng damit niya. Gusto kasi niyang palitan ang punit-punit niyang damit. Narinig ni Analyn kung paanong idinetalye ni Vivian ang gabing iyon na nagpunta sa Buenaventura si Anthony. Totoo namang kumain si Analyn at ang mga taga-Design department nung gabing iyon, at ipinaalam niya iyon kay Anthony. Pero nagkataon na nakita ni
Nakaramdam ng lungkot si Edward sa naging pasya ni Analyn. Nang bigla niyang napansin ang bakas ng kalmot sa leeg nito. “Wait. Sinaktan ka ba ni Anthony?”Napa-isip si Analyn. Bigla niyang naalala na baka nagurlisan nung lalaki ang leeg niya kagabi habang nanlalaban siya rito. “Hindi,” maikling sagot ni Analyn, “aalis na ko,” paalam niya sabay talikod na kay Edward. Nag-aalala siyang maungkat pa ang nangyari kagabi sa party. Pero nagulat ang dalaga ng bigla siyang haltakin ni Edward. “Magsabi ka ng totoo, sinaktan ka ba niya?”“Hindi nga!” inis na sagot ni Analyn. Bumaba mula sa treadmill si Edward at saka padaskol na hinila si Analyn. Agad namang pumalag si Analyn, pero sadyang mas malakas sa kanya ang lalaki kaya walang hirap itong natangay siya papunta sa kung saan.“Saan mo ba ako dadalhin?” tanong ni Analyn habang pinipilit alisin ang brasng hawak niya mula sa kamay ni Edward. Pumasok sila sa isang kuwarto na tila opisina. Iniupo siya ni Edward sa swivel chair na nasa liko
Pagbalik ni Anthony sa kuwarto ni Analyn, gising na ito pero nakatulalang nakaupo sa kama niya.“Bakit? May sakit ka ba?” tanong ni Edward habang naglalakad palapit kay Analyn. Nang huminto siya sa tapat ng babae ay sinalat niya ang noo nito para tingnan kung may lagnat ito. Hindi naiwasan ni Analyn na pagmasdan si Anthony. Sa totoo, hindi siya nakatulog ng nakaraang gabi dahil sa sinabi sa kanya ni Edward tungkol sa namamanang mental illness ng nanay ni Anthony. Parang ang hirap paniwalaan na meron na rin nung sakit si Anthony.“Okay lang ako.”Ngumiti si Anthony. “Good. Get up. Mag-almusal na tayo. Dadalaw tayo kay Elle.”Hindi na kumontra pa si Analyn at sumunod na kay Anthony.NAGTAKA si Analyn na hindi sila sa ospital nagpunta. Wala siyang alam na nakalabas na pala ng ospital ang babae. Ang bahay nila ay makaluma, at maliit lang kumpara sa bahay ng lolo ni Anthony na sobrang laki. Ang bahay nila Elle ay parang iyong katulad ng mga napapanood niya sa mga horror na pelikula. Iyon
Mula ng araw na iyon, hindi na umuwi si i si Anthony sa bahay na ‘yon. Umuwi si Analyn sa bahay ni Anthony sa Grace Village, gusto niya talagang magpaliwanag sa lalaki. Pero hindi rin niya napagkikita roon ito. Nagdesisyon si Analyn na magpunta sa opisina nito sa DLM. Nagtaka siya na wala si Vivian doon. “Ilang araw ng hindi pumapasok si Assistant Vivian, Miss Analyn,” sabi ng napagtanungan na sekretarya ni Analyn. Ilang araw ng hindi pumapasok? Parang napaka-imposible kay Vivian ang hindi pumasok at hindi niya makita si Anthony. “Si Sir Anthony?”“Wala po si boss.”Natigilan si Analyn. Sandali siyang napaisip. Wala pareho si Anthony at Vivian. Ilang araw hindi umuwi si Anthony at ilang araw na ring hindi pumapasok si Vivian. “May maitutulong ba ako sa iyo, Miss?” Naputol ang mga iniisip ni Analyn.“Ah, wala. I mean, sige na. Aalis na ko.”HINDI pumasok si Analyn sa Creatives. Nagbilin lang siya kay Michelle ng mga dapat pang gawin, pagkatapos ay umuwi na uli siya sa bahay ni An
Huling araw ng pasok sa trabaho. Ang lahat ay nagmamadaling umuwi. Naiwan pa sa opisina niya si Analyn. Wala siya ganang umuwi agad. Kanina pa nga niya iniisip kung saan muna dadaan para hindi muna siya makauwi agad. Saktong niyaya siya ni Michelle na manood ng sine. Pero narinig pala ni RJ ang usapan nila.“Hey! Sama ako sa inyo. Ako ang taya.”Gusto kasi ng lalaki na makasama si Analyn. Nakita niya ang pagkakataon na ito. Who knows, baka sa susunod, silang dalawa na lang ni Analyn ang lalabas.“Uy, gusto ko ‘yan… libre. Call!” masayang sabi ni Michelle. “So, tara na?” excited na pag-aaya ni RJ.Magkakasunod silang naglakad papunta sa elevator. Nang bumukas ito, nagulat silang tatlo ng makita si Anthony sa loob kasama ang isang sekretarya niya. Agad na bumati sila Michelle at RJ sa presidente ng DLM. Si Analyn ay hindi kumibo kaya nagtaka si RJ dito. Nakatayo lang siya roon at nakatingin sa lalaki. Kailangan pa siyang hatakin ni Michelle para pumasok sa loob ng elevator. Nang mags
Pagkalabas ni Analyn sa mall, naglakad-lakad muna siya. Nagsingungaling siya kay RJ. Hindi naman niya kailangang umuwi na. Ayaw niya munang umuwi. Ayaw niyang makita si Anthony. Kahit saan pwede siyang pumunta, huwag lang sa bahay nito. Iniisip ni Analyn kung saan siya pwedeng manatili muna ng napatingin siya sa tindahan sa tapat niya. Isa iyong high-end na branded na clothing store. Pumasok siya sa loob nito. Walang ibang namimili sa loob nito kaya agad siyang sinalubong ng store staff. Pasimpleng sinuri ng staff ang suot na damit ni Analyn. Base sa nakita niya, branded din ang suot ng babae, pati na ang bag na gamit nito. Simple lang ang alahas na suot, pero base sa kislap nito ay halatang totoo at hindi peke. Magiliw niyang inasikaso si Analyn. Samantala, wala naman talagang bibilhin si Analyn doon. Hindi siya mahilig bumili ng mga bagay na hindi naman niya talaga kailangan. Napakarami pang mga damit sa lagayan niya na hindi pa niya nasusuot. Nagugulat na lang siya kada bukas ni
Matamang tiningnan ni Analyn si Elle, habang iniisip niya ang isasagot sa tanong nito.“Alam mo, I should hate you. I must hate you. But sad to say… I do not hate you all. Sa totoo lang,” sa wakas ay sagot ni Analyn.Nagsalubong ang mga kilay ni Elle, naguguyluhan sa isinagot ni Ansalyn. “Bakit hindi?”“Oo nga at isa kang spoiled-brat, parang prinsesamaka-asta, minsan mayabang at unreasonable… pero mabait ka naman,”Ikiniling ni Elle ang ulo niya. “Paano mo nasabi?”“Kasi hindi ka mapupunta sa ospital kung hindi ka naglakas-loob na iligtas ako nung nakaraan. Maganda ka pero kadalasan, hindi ka nag-iisip. Ano bang pwedeng itawag dun? Brainless beauty?” Pagkatapos ay bahagyang natawa si Analyn sa naisip niyang salita. Umirap naman si Elle sa kanya. Hindi niya alam kung pinupuri ba siya ni Analyn o inaalipusta siya. “Ikaw ang brainless beauty! Excuse me lang…” Pagkatapos ay sumandok na si Elle ng pagkain mula sa plato ng pagkain na ibinigay sa kanya ni Analyn. Sunod-sunod ang ginawa
“Sa tingin mo, bakit nga ba?” Nauubos na ang pasensiya ni Analyn sa babae. Unang una, pinuntahan niya ito para komprontahin sa pagnanakaw nito sa disenyo niya.“Alam mo, Analyn… wala akong panahong makipaglaro ng guessing game sa ‘yo. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin.”Matamang tinitigan ni Analyn si Elle. Ganun dun ito. Direkta itong nakatingin sa mga mata ni Analyn na parang wala itong ginawang masama sa kanya.Nalilito si Elle sa ikinikilos ni Analyn. Idagdag pa na may kasalukuyan siyang pinagdadaanan.“Ano ba, Analyn? Nagpunta ka ba rito para pagtawanan ako?”Humugot ng malalim na hininga si Analyn. Bakit parang pakiramdam niya ay may hindi tama sa mga
Apat na araw na ang lumipas pero wala pa ring balita si Analyn mula kay Edward. Minabuti niyang pumasok na rin sa trabaho. Binabayaran pa rin naman siya ng kumpanya kahit ilang araw na siyang hindi pumapasok. Ayaw niyang maging issue na naman sa kanila ni Anthony ang bagay na iyon. Pagkarating ni Analyn sa Design department, agad siyang nagpa-meeting dahil matagal siyang nawala. Nasa kalahatian sila ng diskusyon ng may tumawag sa telepono niya. Nakita niya na Unknown Number ang tumatawag kaya binalewala lang ni Analyn iyon. Ipinagpatuloy na niya ang pagsasalita. Pero hindi nagtagal ay muling tumunog ang telepono niya at ang kaparehong numero pa rin ang tumatawag. “Bakit hindi mo muna sagutin, Mam? Baka importante,” suhestiyon ng staff niya na malapit sa kinauupuan ni Analyn. “Excuse me.” “Hello?” kunot-noong tanong ni Analyn sa tumatawag. [“Is this Ms. Analyn Ferrer?”]“Speaking.”[“Hello, Ms. Analyn. I hope that you are having a good day. I am Renz from the Philippine Designer
Ilang minuto na sila nagbibiyahe pero hindi sila nag-uusap. Nang malapit na sila sa destinasyong lugar, nagsalita na si Jan.“Analyn, okay ka na ba pagkatapos n’yong mag-bonding ni Elisa? Sabihan mo lang ako kapag kailangan mo pa ng karamay. Alam ko, very short lang ang naging bakasyon dito ni Elisa. Pero ako, any time, pwede ako magpaalam sa ospital.”Humugot ng malalim na hininga si Analyn. Ayaw man niyang sabihin kay Jan ang mga nabuong salita sa isip niya, pero sa tingin niya ay dapat na niyang tapatin ang binata. Magiging unfair siya sa binata kung hindi pa niya sasabihin ang totoo. “Doc Jan, thank you for trying your best to help me. Pero hindi maso-solve ng ganun-ganun lang ang mga problema ko. Hindi ang pag-aliw lang sa akin ang makakatapos sa mga problema ko.”Hindi sumagot si Jan. Tahimik lang siyang nag-drive. “Doc Jan, huwag na ako. Iyong mga taong nagmamahal sa akin, hindi nagiging maganda ang buhay. Kaya, Doc Jan–”“Naalala mo pa ba nung una tayong nagkakilala?” tanon
“Doc Jan.”[“Analyn, let’s have dinner. Pumunta ka sa JB Building along C Circle. There is a revolving restaurant at the top floor. Nagpa-reserve na ko and I am on my way there. I don’t take no as an answer.”]Walang nagawa si Analyn kung hindi ang magpunta. Inasikaso siya kanina ni Jan sa ospital, at maliit na bagay lang ang sabayan niya itong kumain ng hapunan.Mabuti na lang din at malapit lang sa hotel na kinaroroonan niya ang nasabing lugar. Nagdesisyon si Analyn na lakarin na lang ang papunta sa sinabing building ni Jan. Na-enjoy niya ang paghampas ng hangin sa kanyang mukha habang naglalakad siya.Nang ihatid si Analyn ng staff sa mesang naka-reserba kayJan, napahinto si Analyn bago pa makarating sa mesang okupado ng binata.&nbs
Nagising si Analyn sa amoy ng disinfectant. Saka lang niya naalala na nasa ospital nga pala siya. Mabigat ang katawan na bumangon mula sa sofa si Analyn at saka naglakad papunta sa kama ng Papa niya. Hinila niya ang isang upuan at saka soya naupo sa tabi nito.“Papa… hindi masaya ang pakiramdam ko.” Tila isang batang nagsusumbong na sabi ni Analyn sa ama-amahan.Peto ang tanging sagot na narinig niya ay tunog. ng mga aparato. Masyado pang maaga kaya hindi pa dumadating si Jan. Hindi pa oras ng shift nito. Pero siyempre ang mga nurse, beinte kuwatro oras ang shift nila. Kaya ng may pumasok na nurse sa kuwarto ay nagulat pa ito. “Ang aga mo, Mam!”Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Analyn dito. Pagkaraan ng ilang oras, saka lang dumating si Jan. Agad niyang nakita ang itsura ni Analyn at nakutuban niyang may problema. “Analyn, ano’ng nangyari sa ‘yo?”Nagmadali siyang lumapit sa dalaga at saka hinipo ang noo nito, pero okay naman ang temperatura niya.“Analyn?” ungkat ni Jan sa ba
Pinigil ni Analyn na tumulo ang mga luha niya na kanina pa nagbabadya. Huminga siya ng malalim para paluwagin ang dibdib niya. Pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga. Aktong lalabas na ng sasakyan si Anthony, kaya agad na nagsalita si Analyn dito.“Ayusin na natin ang hiwalayan natin.”Huminto si Anthony sa gagawing pagbaba. Sinagot niya si Analyn ng hindi lumilingon dito. “Bahala ka. Kung gusto mong ihinto ang gamutan at bayad sa ospital ng Papa mo, gawin mo.”Pagkasabi nun ay agad na lumabas na si Anthony sa sasakyan at saka pabalibag na isinara ang pintuan. Naiwan sa sasakyan si Analyn na naguguluhan. Hindi nagtagal, sumakay sa driver’s seat si Karl. “Nakipagpalit siya ng sasakyan. Iuwi na raw kita,” sabi ng lalaki habang pinapaandar na ang sasakyan.“Ayokong umuwi.”Napahinto si Karl sa pag-atras sa sasakyan. Sa halip ay nilingon niya si Analyn. “Alam ko hindi tayo close. At sandali pa lang tayong nagkakasama. Pero sa unang pagkakataon, ngayon pa lang ako magbibigay ng pay
Muli silang naglabanan ng tingin. “Bakit ka ba ganyan? Ano ba’ng problema mo? Naayos ko naman na iyong issue mo sa contest, ah? Everything has been settled.”Dahil sa muling pagkaka-alala sa topic na iyon, muling bumalik ang lungkot na naramdaman ni Analyn ilang araw na ang nakalipas. Ang kakaibang lungkot na iyon.“Sa tingin mo, pagagalitan kaya ako ng Papa ko dahil nagdesisyon akong mag-isa na magpakasal sa iyo kapalit ng pambayad sa ospital niya pero malungkot naman ako sa buhay ko ngayon?” Pakiramdam ni Anthony ay para siyang sinuntok sa mga binitiwang salita ni Analyn. Masakit para sa kanya na malungkot pala ito sa piling niya. Pero sabi nga ni Analyn, Presidente siya ng isang grupo ng mga kumpanya. Hindi siya pwedeng magbaba ng lebel. “Malinaw naman ang sinabi ko sa iyo noon. Contractual lang ang relasyon natin. Tinulungan mo ako kay Lolo Greg. Tinulungan din naman kita sa pagpapagamot ng Papa mo. Fair deal, di ba? Ano pang ikinagagalit mo ngayon? Tumupad naman ako sa usapan
Pinilit ni Analyn na kalmahin ang sarili niya. Nagpakahinahon siya. Ayaw niyang ipakita sa mga taong kaharap na apektado siya. Sa totoo lang, kanina pa kumakabog ang dibdib ni Analyn. Pilit niyang nilalabanan ang halo-halong emosyon na nararamdaman niya ngayon. Gusto niyang sapakin si Anthony. Gusto niyang sampalin ang babaeng nasa tabi niya. Sa halip ay ngumisi si Analyn sa babae. Kinontrol niya ang emosyon niya at saka naglakad palapit sa dalawa. Inayos niya ang manipis na tirante ng damit ng babae na nakalaylay sa balikat nito. “Girl, nasaan ang delikadesa mo? Hindi dapat ginagawa ang ganyang bagay sa lugar na pwedeng may makakita sa ‘yo.” Pagkatapos ay hinila naman ni Analyn ang laylayan ng damit ng babae. “Hindi ko alam kung tanga ka lang, o sadyang lib*g na lib*g ka na. Alin sa dalawa?” Nakatitig lang sa kanya ang babae, aninaw ang pagkalito sa mukha niya.“So, makakalabas ka ba? O kailangan pa kitang samahang–” Hindi pa tapos ni Analyn ang sinasabi niya ng tumakbo na pal