“Dito ka na maupo sa kabisera, ‘Lo,” sabi ni Anthony kay Greg. “Oh? Eh, ikaw ang may-ari ng bahay. Bisita lang ako rito kaya ikaw dapat ang maupo riyan.”“No, ‘Lo. Kahit bahay ko ‘to, ikaw pa rin ang head of the family. Kaya, dito ka maupo,” sagot ni Anthony at saka iginiya ang lolo niya sa pag-upo sa kabisera.Naupo naman si Greg. Mauupo sana si Analyn sa katapat na upuan ni Anthony nang pigilan siya ni Greg.“Analyn, doon ka maupo sa tabi ng asawa mo.”Tipid na ngumiti si Analyn sa matanda at saka lumipat sa katabing upuan ni Anthony.Habang naglalakad si Analyn papunta sa tabi ni Anthony, hindi mapigilan nni Greg na hindi sundan ng tingin ang dalaga. Wala na siyang maipipintas pa sa napangasawa ng apo. Mabait itong bata, ramdam niya. Hindi importante sa kanya kung isa mang ulila si Analyn at malabo ang nakaraan. Ang importante, may maganda itong pag-uugali.
Huling Na-update : 2025-01-05 Magbasa pa