Sa isang common CR humantong sila Analyn at Edward.“Ang galing mo,” sabi ni Edward kay Analyn.“Ha? Ano ‘yun?”“So nung kitang makilala, nagpakasal ka na noon kay Anthony? Sabihin mo sa akin, paano mo siya napa-oo?”Sumandal si Edward sa lababo, pinag-krus ang mga paa at saka may dinukot sa bulsa ng coat niya. Isang kahon ng sigarilyo pala ang kinuha niya mula roon. Kumuha siya mula roon ng isang stick at saka lighter mula sa kabilang bulsa, at saka sinindihan ang sigarilyo.Tipid na ngumiti si Analyn.“Baka it’s the other way around, Sir Edward.”&ldq
“Anthony, pwede mo ba akong mahalin? Hindi naman ako mahirap mahalin, ah? Maganda naman ako, maganda ang family background. Tapos ng kolehiyo. Tagapagmana ng ilang kumpanya ng pamilya ko. Ano pa ba ang hahanapin mo sa akin? Pwede mo akong ipagmalaki kahit kanino. Kung ikukumpara ako sa ibang babae, di hamak naman na mas makaka-angat ako sa kanila. Mahal ka rin ng pamilya ko. Approved ka na sa kanila. Hindi ba okay ‘yun? We will have a harmonious family. Kung may gusto kang baguhin ko sa sarili ko, gagawin ko. Please, Anthony… mahal na mahal kita mula pa nung mga bata tayo. Ang tagal ko ng kinikimkim ang nararamdaman ko para sa iyo. Hindi ko na mahintay na hintayin ka na mapansin ako kaya ginagawa ko ito ngayon.”Nasa isang VIP room si Brittany sa isang sikat na hotel sa Tierra Nieva. Nilansi niya si Anthony para magpunta roon. Ang balak niya ay may mangyari sa kanila ng lalaki ngayon para hindi na ito makawala pa. Halos magmakaawa na si Brittany sa lalaki. Nakaupo ito sa lapag at haw
Binasa ni Edward ang dulo ng upos ng sigarilyo sa gripo sa lababo at saka iyon itinapon sa basurahan. “Now I know why Anthony led me away that day. Ang akala ko kaya siya gumawa ng paraan na paalisin ako ng Tierra Nueva ay dahil para maka-ungos siya sa Del Mundo acquisition. Hindi pala.”“Eh, bakit ba?”“Nandito ka na nga at kasama ka niya. Hindi pa ba maliwanag sa iyo?” Tinalikuran ni Edward si Analyn. Naghugas ito ng kamay niya sa gripo. “I am more interested in you, Analyn, Be mine. Hindi tatagal ang kasal n’yo ni Anthony, ako na ang nagsasabi,” bigla ay sabi ni Edward.“At sino ka para sabihin ‘yan?” inis na sagot ni Analyn. Hindi sumagot si Edward. Kumuha siya ng ilang piraso ng tissue at saka pinunasan ang basang kamay. Pagkatapon niya sa ginamit na tissue sa basurahan, nilapitan niya si Analyn ay saka hinapit ang katawan ng dalaga palapit sa kanya. “Huwag kang magkamali, Analyn. Hindi mabuting tao ang napangasawa mo.”Itinaas ni Analyn ang mga kamay at saka itinukod sa mga
Nanlaki ang mga mata ni Analyn. Palihim siyang nag-panic. Hindi ba naisip ni Anthony na may kasama sila rito sa sasakyan? Itutulak sana ni Analyn ang binata, pero mas pinalalim nito ang paghalik at pakiramdam niya ay nalulunod na siya sa mga halik ng binata. Napapikit na lang si Analyn, nagpatangay na lang siya sa paghalik ng binata sa kanya. Hindi na alam ni Analyn kung gaano sila katagal naghahalikan. Ang alam lang niya ay nage-enjoy siya, at kung pwede lang ay huwag ng matapos ang halik ng binata.Nang bitiwan ni Anthony ang mga labi ni Analyn, tinitigan niya ang mukha nito. Gusto niyang mapangiti sa nakitang itsura nito. Tila ito wala sa wisyo, kaya isinandal niya ang ulo nito sa balikat niya. “Sleep,” utos ni Anthony, “malayo pa tayo sa bahay.”Naging sunud-sunuran na lang si Analyn sa binata. Ipinikit niya ang mga mata niya. Niyakap siya ni Anthony ng isa nitong braso. Pakiramdam niya ngayon ay para siyang nakalutang sa hangin, lalo na nang ikulong ni Anthony ang kamay niya sa
Malapit na ang uwian ng makatanggap ng mensahe si Analyn galing kay Anthony. Mabigat na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Lumabas siya ng opisina niya habang mahigpit na hawak ang kanyang telepono. Hindi na niya kailangang itanong kay Anthony ang dahilan kung bakit siya nito pinapaakhyat sa opisina niya.Ginamit niya ang private elevator ni Anthony. Binigyan siya nito ng access. Kailangan lang niyang itapat ang fingerprint niya sa scanner. Walang ibang nakakaalam nito kung hindi ang mga staff lang ni Anthony.Pagkalabas niya ng elevator, napansin niyang walang tao roon. Sumilip siya sa Meeting Room doon. Nakita niyang naroroon si Anthony at Vivian, habang may kasamang iba pang mga hindi niya kilalang mga tao.Napansin niya na pasimpleng sumenyas si Anthony kay Vivian. Agad na tumayo si Vivian at l
Sumimangot si Elle. “Pero, Kuya… bigla ka na lang nagpakasal sa kanya ng hindi namin nalalaman. Hindi kami nakahanda sa balitang ‘yun.”May tumulo pang luha kay Elle. Pasimpeng napa–ismid si Analyn. Magaling aarte itong isang ito.“My marriage is my own business. Hindi ko kailangang ipaalam o ipagpaalam iyon sa ibang tao,” sagot ni Anthony, at saka kinuha ang kahon ng tissue sa mesa niya.Kumuha siya mula roon ng tissue at saka pinunasan ang nabasang pisngi ni Elle. “At least ngayon, alam mo na ang kasal ko.”“Ano ba ang saysay kung alam ko na ngayon? Ano ba’ng nakita mo sa kanya? Mahirap lang siya. Ulila. Walang presentableng pamilya. Nagmamaganda lang naman. Ni hindi nga namin alam kung may pinag-aralan ang babaeng ‘yan. Ano? Gusto mo bang gumawa ng bagong version ng Cinderella story, Kuya Anthony?”“Dahil hindi ako gumagawa ng mga bagay na kahiya-hiya,” sabat ni Analyn.“F**k you!” galit na sagot ni Elle kay Analyn. “Elle! Sa tingin mo ba, sino ang walang pinag-aralan sa inyong
“Saan tayo kakain? Uuwi na ba tayo?” naisipang itanong ni Analyn bago sila makarating ng private elevator ni Anthony.“No. Diyan lang sa restaurant sa ibaba.”Nanlaki ang mga mata ni Analyn.“Dun na lang tayo kumain sa office mo. Magpa take ka na lang sa staff mo.”Nagkibit-balikat si Anthony, “as you wish.”Naglakad na pabalik ang dalawa. Si Analyn ay dumiretso sa loob ng opisina ni Anthony, habang ang lalaki ay nagpunta muna sa cubicle ng mga secretary.Hindi nagtagal, dumating na ang pagkain nila Anthony at Analyn.“Boss Anthony, nandito na po ang pagkain n&rsqu
Katulad ng nakasanayan, pinapaalis muna ni Analyn ang lahat ng tao niya at saka siya aakyat sa palapag ng opisina ni Anthony. Kapag ganung oras, wala na rin ang mga staff ni Anthony doon.Pumasok siya sa opisina ni Anthony, pero wala roon ang lalaki. Inisip ni Analyn na baka nasa meeting na naman ito. Nagkaroon tuloy siya ng pagkakataon na ikutin ang kuwarto nito para mawala ang inip niya.Pero naikot na niya ang buong kuwarto ay hindi pa rin ito dumarating. Naisipan niyang magpunta na sa parking slot nito para makaidlip muna siya habang naghihintay. Pero wala roon ang sasakyan ng lalaki.Umikot siya sa buong floor ng parking, nagbabaka-sakaling naiba lang ng puwesto ang sasakyan ng binata. Pero hindi niya talaga nakita ang sasakyan nito.Saka nam
Matamang tiningnan ni Analyn si Elle, habang iniisip niya ang isasagot sa tanong nito.“Alam mo, I should hate you. I must hate you. But sad to say… I do not hate you all. Sa totoo lang,” sa wakas ay sagot ni Analyn.Nagsalubong ang mga kilay ni Elle, naguguyluhan sa isinagot ni Ansalyn. “Bakit hindi?”“Oo nga at isa kang spoiled-brat, parang prinsesamaka-asta, minsan mayabang at unreasonable… pero mabait ka naman,”Ikiniling ni Elle ang ulo niya. “Paano mo nasabi?”“Kasi hindi ka mapupunta sa ospital kung hindi ka naglakas-loob na iligtas ako nung nakaraan. Maganda ka pero kadalasan, hindi ka nag-iisip. Ano bang pwedeng itawag dun? Brainless beauty?” Pagkatapos ay bahagyang natawa si Analyn sa naisip niyang salita. Umirap naman si Elle sa kanya. Hindi niya alam kung pinupuri ba siya ni Analyn o inaalipusta siya. “Ikaw ang brainless beauty! Excuse me lang…” Pagkatapos ay sumandok na si Elle ng pagkain mula sa plato ng pagkain na ibinigay sa kanya ni Analyn. Sunod-sunod ang ginawa
“Sa tingin mo, bakit nga ba?” Nauubos na ang pasensiya ni Analyn sa babae. Unang una, pinuntahan niya ito para komprontahin sa pagnanakaw nito sa disenyo niya.“Alam mo, Analyn… wala akong panahong makipaglaro ng guessing game sa ‘yo. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin.”Matamang tinitigan ni Analyn si Elle. Ganun dun ito. Direkta itong nakatingin sa mga mata ni Analyn na parang wala itong ginawang masama sa kanya.Nalilito si Elle sa ikinikilos ni Analyn. Idagdag pa na may kasalukuyan siyang pinagdadaanan.“Ano ba, Analyn? Nagpunta ka ba rito para pagtawanan ako?”Humugot ng malalim na hininga si Analyn. Bakit parang pakiramdam niya ay may hindi tama sa mga
Apat na araw na ang lumipas pero wala pa ring balita si Analyn mula kay Edward. Minabuti niyang pumasok na rin sa trabaho. Binabayaran pa rin naman siya ng kumpanya kahit ilang araw na siyang hindi pumapasok. Ayaw niyang maging issue na naman sa kanila ni Anthony ang bagay na iyon. Pagkarating ni Analyn sa Design department, agad siyang nagpa-meeting dahil matagal siyang nawala. Nasa kalahatian sila ng diskusyon ng may tumawag sa telepono niya. Nakita niya na Unknown Number ang tumatawag kaya binalewala lang ni Analyn iyon. Ipinagpatuloy na niya ang pagsasalita. Pero hindi nagtagal ay muling tumunog ang telepono niya at ang kaparehong numero pa rin ang tumatawag. “Bakit hindi mo muna sagutin, Mam? Baka importante,” suhestiyon ng staff niya na malapit sa kinauupuan ni Analyn. “Excuse me.” “Hello?” kunot-noong tanong ni Analyn sa tumatawag. [“Is this Ms. Analyn Ferrer?”]“Speaking.”[“Hello, Ms. Analyn. I hope that you are having a good day. I am Renz from the Philippine Designer
Ilang minuto na sila nagbibiyahe pero hindi sila nag-uusap. Nang malapit na sila sa destinasyong lugar, nagsalita na si Jan.“Analyn, okay ka na ba pagkatapos n’yong mag-bonding ni Elisa? Sabihan mo lang ako kapag kailangan mo pa ng karamay. Alam ko, very short lang ang naging bakasyon dito ni Elisa. Pero ako, any time, pwede ako magpaalam sa ospital.”Humugot ng malalim na hininga si Analyn. Ayaw man niyang sabihin kay Jan ang mga nabuong salita sa isip niya, pero sa tingin niya ay dapat na niyang tapatin ang binata. Magiging unfair siya sa binata kung hindi pa niya sasabihin ang totoo. “Doc Jan, thank you for trying your best to help me. Pero hindi maso-solve ng ganun-ganun lang ang mga problema ko. Hindi ang pag-aliw lang sa akin ang makakatapos sa mga problema ko.”Hindi sumagot si Jan. Tahimik lang siyang nag-drive. “Doc Jan, huwag na ako. Iyong mga taong nagmamahal sa akin, hindi nagiging maganda ang buhay. Kaya, Doc Jan–”“Naalala mo pa ba nung una tayong nagkakilala?” tanon
“Doc Jan.”[“Analyn, let’s have dinner. Pumunta ka sa JB Building along C Circle. There is a revolving restaurant at the top floor. Nagpa-reserve na ko and I am on my way there. I don’t take no as an answer.”]Walang nagawa si Analyn kung hindi ang magpunta. Inasikaso siya kanina ni Jan sa ospital, at maliit na bagay lang ang sabayan niya itong kumain ng hapunan.Mabuti na lang din at malapit lang sa hotel na kinaroroonan niya ang nasabing lugar. Nagdesisyon si Analyn na lakarin na lang ang papunta sa sinabing building ni Jan. Na-enjoy niya ang paghampas ng hangin sa kanyang mukha habang naglalakad siya.Nang ihatid si Analyn ng staff sa mesang naka-reserba kayJan, napahinto si Analyn bago pa makarating sa mesang okupado ng binata.&nbs
Nagising si Analyn sa amoy ng disinfectant. Saka lang niya naalala na nasa ospital nga pala siya. Mabigat ang katawan na bumangon mula sa sofa si Analyn at saka naglakad papunta sa kama ng Papa niya. Hinila niya ang isang upuan at saka soya naupo sa tabi nito.“Papa… hindi masaya ang pakiramdam ko.” Tila isang batang nagsusumbong na sabi ni Analyn sa ama-amahan.Peto ang tanging sagot na narinig niya ay tunog. ng mga aparato. Masyado pang maaga kaya hindi pa dumadating si Jan. Hindi pa oras ng shift nito. Pero siyempre ang mga nurse, beinte kuwatro oras ang shift nila. Kaya ng may pumasok na nurse sa kuwarto ay nagulat pa ito. “Ang aga mo, Mam!”Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Analyn dito. Pagkaraan ng ilang oras, saka lang dumating si Jan. Agad niyang nakita ang itsura ni Analyn at nakutuban niyang may problema. “Analyn, ano’ng nangyari sa ‘yo?”Nagmadali siyang lumapit sa dalaga at saka hinipo ang noo nito, pero okay naman ang temperatura niya.“Analyn?” ungkat ni Jan sa ba
Pinigil ni Analyn na tumulo ang mga luha niya na kanina pa nagbabadya. Huminga siya ng malalim para paluwagin ang dibdib niya. Pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga. Aktong lalabas na ng sasakyan si Anthony, kaya agad na nagsalita si Analyn dito.“Ayusin na natin ang hiwalayan natin.”Huminto si Anthony sa gagawing pagbaba. Sinagot niya si Analyn ng hindi lumilingon dito. “Bahala ka. Kung gusto mong ihinto ang gamutan at bayad sa ospital ng Papa mo, gawin mo.”Pagkasabi nun ay agad na lumabas na si Anthony sa sasakyan at saka pabalibag na isinara ang pintuan. Naiwan sa sasakyan si Analyn na naguguluhan. Hindi nagtagal, sumakay sa driver’s seat si Karl. “Nakipagpalit siya ng sasakyan. Iuwi na raw kita,” sabi ng lalaki habang pinapaandar na ang sasakyan.“Ayokong umuwi.”Napahinto si Karl sa pag-atras sa sasakyan. Sa halip ay nilingon niya si Analyn. “Alam ko hindi tayo close. At sandali pa lang tayong nagkakasama. Pero sa unang pagkakataon, ngayon pa lang ako magbibigay ng pay
Muli silang naglabanan ng tingin. “Bakit ka ba ganyan? Ano ba’ng problema mo? Naayos ko naman na iyong issue mo sa contest, ah? Everything has been settled.”Dahil sa muling pagkaka-alala sa topic na iyon, muling bumalik ang lungkot na naramdaman ni Analyn ilang araw na ang nakalipas. Ang kakaibang lungkot na iyon.“Sa tingin mo, pagagalitan kaya ako ng Papa ko dahil nagdesisyon akong mag-isa na magpakasal sa iyo kapalit ng pambayad sa ospital niya pero malungkot naman ako sa buhay ko ngayon?” Pakiramdam ni Anthony ay para siyang sinuntok sa mga binitiwang salita ni Analyn. Masakit para sa kanya na malungkot pala ito sa piling niya. Pero sabi nga ni Analyn, Presidente siya ng isang grupo ng mga kumpanya. Hindi siya pwedeng magbaba ng lebel. “Malinaw naman ang sinabi ko sa iyo noon. Contractual lang ang relasyon natin. Tinulungan mo ako kay Lolo Greg. Tinulungan din naman kita sa pagpapagamot ng Papa mo. Fair deal, di ba? Ano pang ikinagagalit mo ngayon? Tumupad naman ako sa usapan
Pinilit ni Analyn na kalmahin ang sarili niya. Nagpakahinahon siya. Ayaw niyang ipakita sa mga taong kaharap na apektado siya. Sa totoo lang, kanina pa kumakabog ang dibdib ni Analyn. Pilit niyang nilalabanan ang halo-halong emosyon na nararamdaman niya ngayon. Gusto niyang sapakin si Anthony. Gusto niyang sampalin ang babaeng nasa tabi niya. Sa halip ay ngumisi si Analyn sa babae. Kinontrol niya ang emosyon niya at saka naglakad palapit sa dalawa. Inayos niya ang manipis na tirante ng damit ng babae na nakalaylay sa balikat nito. “Girl, nasaan ang delikadesa mo? Hindi dapat ginagawa ang ganyang bagay sa lugar na pwedeng may makakita sa ‘yo.” Pagkatapos ay hinila naman ni Analyn ang laylayan ng damit ng babae. “Hindi ko alam kung tanga ka lang, o sadyang lib*g na lib*g ka na. Alin sa dalawa?” Nakatitig lang sa kanya ang babae, aninaw ang pagkalito sa mukha niya.“So, makakalabas ka ba? O kailangan pa kitang samahang–” Hindi pa tapos ni Analyn ang sinasabi niya ng tumakbo na pal