“Dito ka na maupo sa kabisera, ‘Lo,” sabi ni Anthony kay Greg.
“Oh? Eh, ikaw ang may-ari ng bahay. Bisita lang ako rito kaya ikaw dapat ang maupo riyan.”
“No, ‘Lo. Kahit bahay ko ‘to, ikaw pa rin ang head of the family. Kaya, dito ka maupo,” sagot ni Anthony at saka iginiya ang lolo niya sa pag-upo sa kabisera.
Naupo naman si Greg. Mauupo sana si Analyn sa katapat na upuan ni Anthony nang pigilan siya ni Greg.
“Analyn, doon ka maupo sa tabi ng asawa mo.”
Tipid na ngumiti si Analyn sa matanda at saka lumipat sa katabing upuan ni Anthony.
Habang naglalakad si Analyn papunta sa tabi ni Anthony, hindi mapigilan nni Greg na hindi sundan ng tingin ang dalaga. Wala na siyang maipipintas pa sa napangasawa ng apo. Mabait itong bata, ramdam niya. Hindi importante sa kanya kung isa mang ulila si Analyn at malabo ang nakaraan. Ang importante, may maganda itong pag-uugali.
Nasa sala si Analyn, nakaharap siya sa laptop niya. Balak niya sanang gumawa ng design, pero kanina pa siya nakatitig pero walang pumapasok na design sa isip niya. Hanggang sa namalayan niya na tumutulo na ang mga luha niya.Agad niyang pinunasan ang basang mga pisngi. Pilit niyang ipinokus ang isip na makagawa ng disenyo, para makalimutan niya ang sama ng loob na nasa dibdib niya ngayon. Pero tila may sariling isip ang mga luha niya dahil ayaw nilang magpa-awat.Nang sa wakas ay huminto na ang pagtulo ng mga luha ni Analyn, bitbit ang laptop, umakyat na siya sa itaas para matulog. Ang balak niya ay doon matulog sa dating kuwarto niya. Pero nagulat siya ng lumabas mula roon sa kuwarto si Greg.“Apo, bakit?”Pinilit ngumiti ni Analyn. “Ah, ma
Hindi alam ni Analyn kung magagalit kay Anthony o ano. May kumot na nakalagay sa ibabaw ng katawan niya. Nakasuksok pa rin ang susi sa susian at nakabukas ang aircon. Pero alam naman niya na may trabaho siya, kaya nainis pa rin siya kay Anthony.Inalis ni Analyn ang kumot sa ibabaw ng katawan at saka tiniklop iyon at inilagay sa likurang upuan. Pinatay niya ang makina at kinuha ang susi, at saka lumabas na ng sasakyan. Ano pa ang mukhang ihaharap niya sa mga tao niya? Sobrang late na siya sa trabaho.Samantala, sa conference room sa palapag ng opisina ni Anthony, may nangyayaring meeting. Pero kapansin-pansin sa lahat ng naroroon na tila wala sa meeting ang isip ng presidente ng DLM.Kanina pa nasa laptop nito ang atensyon niya at wala sa mga nagre-report. Manaka-naka pa itong napapangiti sa screen ng la
Tumunog ang telepono ni Anthony. Agad niyang binasa ang mensaheng naroon. “The celebration of Del Mundo acquisition will be in three days. Be ready,” sabi ni Anthony ng hindi nag-aangat ng mukha mula sa binabasang mensahe sa telepono niya.Nagtaka si Analyn. Akala niya ay iyon ang pinuntahan ngayon ni Anthony at Vivian. Akala niya ay nagbago na ang isip ng binata na si Vivian na lang ang isama sa halip na siya. “Seryoso ka bang makita ako ng mga tao in public?”Saka lang nag-angat ng tingin si Anthony. “Ang mga taong attend doon ay mga ka-alyado ko, so wala sa kanilang magliligwak ng impormasyon.”Sa isip ni Analyn, wala naman siyang magagawa. Pero naisipan niyang asarin ang binata. “Wala sa usapan natin ang mga pagpunta ko sa mga ganyang okasyon. Kung gusto mo ako talagang isama, sa palagay ko, kailangan mong magdagdag ng bayad sa akin kada event na isasama mo ako.”“Huwag mo namang ipahalata na mukha kang pera.”Nainis si Analyn sa salita ni Anthony. “Ganun ba? So, bakit kaya
Terminated? Pag-uulit ni Analyn ng salita sa isip niya. Totoo ba? Kaya talagang gawin ni Anthony na i-terminate ang kontrata ni Justine sa DLM?Binitiwan ni Anthony ang ulo ni Analyn kaya tumuwid ng tayo ang dalaga. Saka naman lumabas ng sasakyan si Anthony. Inalalayan niya ito at saka iginiya papunta sa kabilang panig ng sasakyan.“Uwi na tayo. Uuwi na si Lolo Greg ngayon sa bahay niya.”Nagpagiya na lang muna si Analyn. Nalilito siya sa sinabi ni Anthony. Meron ba talagang isang negosyante na magpapa-terminate ng pagkakakitaang kontrata para lang sa kanya?Namalayan na lang ni Analyn na nakarating na pala sila sa bahay ni Anthony. Ganunpaman, litong-l
Kinaumagahan, maaga pa lang ay wala na si Analyn sa bahay ni Anthony. Ipinadala siya ni Anthony sa isang skin clinic. Halos kalahating araw ang ginugol doon ni Analyn para lang mapaganda ang balat niya.Pagkakain ng tanghalian ay inayusan na siya, tapos ay binihisan na siya ng pinakasikat na coutorier sa buong Tierra Nueva.“You are really a beauty…” namamanghang sabi ng gumawa ng damit ni Analyn habang pinagmamasdan siya.“Ay! Isa lang po akong ordinaryong nilalang dito sa Tierra Nueva,” nahihiyang sagot ni Analyn.“Girl… hindi mo na dapat sinasabi ‘yan. Oo. Isa ka lang ordinaryong nilalang noon. Pero hindi na ngayon. Always remember that.”
Ang lahat ay nabigla sa sinabi ni Anthony. Kahit na si Analyn ay hindi nakahuma. Kahit pa alam niyang iyon talaga ang balak ng lalaki, hindi pa rin niya inaasahan na matapang nitong iaanunsiyo ang relasyon niya sa kanya. Walang nakapagsalita sinuman sa mga taong naroroon. Sandaling natahimik ang paligid. Si Edward ang unang nakabawi. Nagtaas ito ng isang kilay na para bang may duda siya sa sinabi ni Anthony. “Mrs. De la Merced?” patungkol ni Edward kay Analyn, “kailan kayo ikinasal? Parang hindi yata nabalita na may nangyaring kasalan sa mga De la Merced?”Naramdaman ni Analyn ang paghawak ni Anthony sa beywang niya, kaya napalingon siya sa binata. “Civil marriage. We had one. Not a very long time ago. To follow ang church. You see, may sakit ang father ng wife ko, at…” sinulyapan ni Anthony si Analyn kaya nagkasalubong ang mga tingin nila, “mas preferred kasi niya na maihatid siya sa altar ng Papa niya.”Iilan lang ang nagkomento sa sinabi ni Anthony. Pero halata naman ng mga nar
Sa isang common CR humantong sila Analyn at Edward.“Ang galing mo,” sabi ni Edward kay Analyn.“Ha? Ano ‘yun?”“So nung kitang makilala, nagpakasal ka na noon kay Anthony? Sabihin mo sa akin, paano mo siya napa-oo?”Sumandal si Edward sa lababo, pinag-krus ang mga paa at saka may dinukot sa bulsa ng coat niya. Isang kahon ng sigarilyo pala ang kinuha niya mula roon. Kumuha siya mula roon ng isang stick at saka lighter mula sa kabilang bulsa, at saka sinindihan ang sigarilyo.Tipid na ngumiti si Analyn.“Baka it’s the other way around, Sir Edward.”&ldq
“Anthony, pwede mo ba akong mahalin? Hindi naman ako mahirap mahalin, ah? Maganda naman ako, maganda ang family background. Tapos ng kolehiyo. Tagapagmana ng ilang kumpanya ng pamilya ko. Ano pa ba ang hahanapin mo sa akin? Pwede mo akong ipagmalaki kahit kanino. Kung ikukumpara ako sa ibang babae, di hamak naman na mas makaka-angat ako sa kanila. Mahal ka rin ng pamilya ko. Approved ka na sa kanila. Hindi ba okay ‘yun? We will have a harmonious family. Kung may gusto kang baguhin ko sa sarili ko, gagawin ko. Please, Anthony… mahal na mahal kita mula pa nung mga bata tayo. Ang tagal ko ng kinikimkim ang nararamdaman ko para sa iyo. Hindi ko na mahintay na hintayin ka na mapansin ako kaya ginagawa ko ito ngayon.”Nasa isang VIP room si Brittany sa isang sikat na hotel sa Tierra Nieva. Nilansi niya si Anthony para magpunta roon. Ang balak niya ay may mangyari sa kanila ng lalaki ngayon para hindi na ito makawala pa. Halos magmakaawa na si Brittany sa lalaki. Nakaupo ito sa lapag at haw
Pagkatapos ng tatlumpung minuto, dumating na si Anthony. Kasama niya si Damian. Agad na sinalubong sila ni Analyn. “Napaka-thoughtful nitong si Antony,” sabi ni Damian kay Analyn.“Nahihiya nga po ako sa inyo. Although nagdya-jive naman kayo ni Lolo, pero siyempre, iba pa rin ‘yung nasa sarili kang bahay. Pasensiya na po at hindi namin kayo agad nabalikan, naging busy kami ni Analyn,” paliwanag ni Anthony.Tinapik ni Damian ang balikat ni Anthony habang nakangiti.“So, bakit ang tagal nakabalik?” sabat naman ni Analyn.Binuksan ni Anthony ang pintuan sa likurang bahagi ng sasakyan at saka may kinuha mula roon. Isang katamtamang laki ng kahon ang kinuha niya mula roon na may tatak ng ipinapabiling pagkain ni Analyn.“Mahaba ang pila nitong tiramisu crepe mo kaya ako natagalan.” Agad namang kinuha ni Analyn ang kahon mula kay Anthony at saka nagmamadaling binuksan ito. May kasama ng tinidor sa loob ng kahon kaya kinuha iyon ni Analyn at saka tinikman ang crepe.Sumimangot ang mukha ni
Nang nagising si Analyn, wala na si Anthony sa tabi niya. Bumangon siya at tiningnan kung nasa banyo ang asawa, pero wala ito roon. Dali-dali siyang lumabas ng kuwarto at sumilip sa barandilya. Sakto na nakita niya ang papalabas na si Anthony. Narinig naman ni Anthony ang ingay sa itaas kaya tumingin ito sa itaas. “Saan ka pupunta?” tanong ni Analyn.“Susunduin ko ang Papa mo. Nakalimutan mo na ba na nandoon pa siya sa bahay ni Lolo?” Sa totoo lang, nawala na talaga iyon sa isip ni Analyn sa dami ng iniisip niya. “Ah, okay. Bilhan mo na rin ako ng crepe dun sa paborito kong cake house. Gusto ko ‘yung tiramisu flavor.” “Okay. Aalis na ako.”Tuluyan ng lumabas ng bahay si Anthony. Narinig na lang ni Analyn ang tunog ng papaalis na sasakyan sa labas. Tumalikod na si Analyn para pumasok na uli sa kuwarto nang bigla siyang napatigil sa paghakbang. Bigla niyang naalala na may driver naman si Anthony dito at may driver din si Lolo Greg sa bahay niya. Mas gugustuhin pa talaga ni Anthon
Ibinuka ni Analyn ang mga labi niya, may gusto siyang sabihin pero walang lumabas mula sa lalamunan niya. Iyong tawag ba kanina na natanggap ni Anthony ay para sabihan siya na nakita na nga si Ailyn? At iniwan siya nito para makita niya si Ailyn?Hindi mapaniwalaan ni Analyn na nakabalik na nga si Ailyn. Parang ang hirap paniwalaan. Sa totoo lang, umasa rin naman siya na sana ay buhay pa si Ailyn at makabalik ito sa pamilya niya. Hiniling niya ito dahil naniniwala siyang siya na ang mahal ni Anthony. Naniniwala siyang sa dami at bigat ng mga pinagdaanan nilang dalawa ni Anthony, wala ng makakagiba sa relasyon nila. Pero nagbalik na nga siya…At iba ang nararamdaman ngayon ni Analyn. Pakiramdam niya ay may delubyo na namang darating sa buhay mag-asawa nila ni Anthony. “Na-surprise ka ba?” nang-iinis na tanong ni Edward.Pakiramdam ni Analyn ay biglang nawala ang lahat ng kumpiyansa sa katawan niya. “Biro mo, nagpunta siya sa bahay ng mga Esguerra ng hindi mo alam? Ni hindi man lan
Nanlaki ang mga mata ni Analyn. “Ano’ng nangyari? Paano nangyari ‘yun?”Lumipad ang tingin ng dalawang matanda kay Analyn dahil sa timbre ng boses nito.[“Hindi ko pa alam ang buong nangyari. Basta, narinig ko. Pero wala pang nakarating na balita sa press at sa mga pulis as of now. At hindi ko rin alam kung may tao bang na-injured dun o ano.”]Kung nasaan man si Elle ngayon ay halatang patago lang ang ginawang pagtawag nito kay Analyn base sa pabulong na pagsasalita nito. Nahalata iyon ni Analyn. [“Pero bukas ng umaga, hindi natin alam kung maitatago pa iyon sa mga press at sa mga pulis.”]“Iyon nga rin ang iniisip ko.”Pagkababa ni Elle sa tawag, hindi pa rin mapakali si Analyn. Hindi niya maisip kung paano nangyari ang aksidente, pinatutukan niya ang project na iyon at todo bantay ang mga tao niya roon. Biglang tumayo si Analyn at saka hinarap ang dalawang matanda. “‘Lo, Papa, aalis na muna ako. May importante lang akong kailangang asikasuhin sa trabaho. Huwag n’yo na akong hint
Kasama si Damian, sa bahay ni Greg nagdiwang ng pagsalubong sa bagong taon sila Anthony at Analyn. Bagaman, may dinaramdam at nanlalambot ang matanda, nakipag-selebra pa rin ito sa kanilang tatlo, pero maaga itong nagpahinga. Nakatanggap ng dalawang ampao si Analyn, isa galing kay Damian, at isa galing kay Anthony. Namilog ang mga mata niya sa tuwa. Madadagdagan na naman ang ipon niya. Nawala ang tuwa niya ng may napansin siya sa dalawang sobre. “Anthony, bakit ang nipis lang ng ampao mo? Etong kay Papa, ang kapal.” Pagkatapos ay binalingan ni Analyn ang ama.“Papa, ibinigay mo na ba sa akin ang buong pensyon mo? Ang kapal ng envelope mo, eh,” pabirong tanong ni Analyn. “Huwag kang umasa. Puro tigsi-singkwentang papel lang ‘yan kaya mukhang makapal,” sagot ni Damian, kay lumabi si Analyn sa kanya. “Hindi ako naniniwal. Ang kapal nito, eh,” sabi ni Analyn habang pinipisil-pisil ang sobre. Pinagbuntunan namin ni Analyn ang asawa. “Ikaw, Anthony. Hindi ba importante sa iyo ang asa
Malapit na ang Bagong Taon. Marami ng nagtitinda ng kung ano-ano sa mga kalsadang nadadaanan nila Anthony at Analyn. Galing sila sa Annual Year-End Party ng lahat ng investor ng DLM Group. Habang pinagmamasdan ni Analyn ang mga iba’t ibang paninda sa labas ng bintana, maraming tumatakbo sa isipan niya. Parang kailan lang nung huling bagong taon. Bago lang sila na naiksala ni Anthony noon. Sino ang mag-aakala na ang anim buwan ay aabot ng isang taon pala?Nilingon ni Analyn si Anthony. “Malapit na naman sa subdivision, gusto kong maglakad kasama ka.” Tumaas ang isang kilay ni Anthony at saka tiningnan ang mga paa ni Analyn. “Magpalit ka muna ng sapatos.”“Wala akong dala. Okay na ‘to. Eh di, kapag sumakit ang paa ko, kargahin mo ko,” tila naglalambing na sagot ni Analyn. Kinalabit ni Anthony ang balikat ng sekretarya niya na nakaupo satabi ni Karl. Agad namang yumuko ang sekretarya at may kinuha sa paanan niya.May kinuha pala itong paper bag at saka inabot iyon kay Anthony. Mula
Abala si Analyn sa laptop niya ng biglang may nagsalita sa gawi ng pintuan. Kinabukasan na ang araw ng pasahod sa mga empleyado nila ni Elle at ngayon pa lang niya nire-review ang attendance ng mga ito.“Bakit naman salubong ang mga kilay mo diyan?”Nag-angat ng tingin si Analyn mula sa laptop niya. Biglang nagliwanag ang mukha niya ng nakita niyang nakatayo si Elle sa may pintuan ng kuwarto niya. Agad siyang napatayo at saka nagmamadaling nilapitan ang kaibigan. Gusto sana niyang magtampo dahil wala itong sinagot sa mga text niya, pero ngayong nakita niya na okay ito ay kinalimutan na lang niya ang pagtatampo. “Elle! Mariosep, akala ko ipauubaya mo na sa akin ang buong Blank,” pagbibiro ni Analyn.Umirap si Elle sa kanya. “Asa ka, malaki ang inilabas kong pera rito,” ang tipikal na sagot ng isang Elle. Niyakap ni Analyn si Elle. “Saan ka ba kasi nagpunta? Bakit ka umalis ng Tierra Nueva?”Nag-alanganin si Elle. Gusto rin sana niyang yakapin pabalik si Analyn, pero meron sa loob n
Walang nagawa si Damian kung hindi ang gumawa ng listahan at ibigay iyon kay Analyn. “Itong nasa huli ng listahan, kulay pulang kahon ito. Nakapatong ito sa pinaka-itaas ng cabinet ko roon. Huwag na huwag mong kakalimutan ‘yan. Kailangang dala mo ‘yan pabalik dito,” pagbibilin ni Damian kay Analyn.“Ano’ng nasa loob nito, Papa? Kayamanan ba?” “Private matter ko ‘yan, Analyn. Huwag ng maraming tanong.”“Sige na, Papa… ano’ng sikreto ang meron ka dun sa kahon?” pangungulit pa ni Analyn.Tumaas ang isang kilay ni Damian. “Sikreto nga, di ba?”“Pera? Marami kang pera?” namimilog ang mga mata na tanong ni Analyn.“Tsk! Ang kulit nitong batang ‘to…”Ngumiti at nag-peace sign si Analyn sa ama. “Joke lang! Hindi na mabiro si Papa…”NANG naroroon na si Analyn sa dating tinutuluyan ni Damian, inobserbahan niya ang bahay. Mukhang wala namang bakas na may nakapasok. Baka hindi pa umaaksyon si Vhance, o nagbabalak pa lang ito ng pwede niyang gawin. Agad na kinuha ni Analyn ang mga nakalagay sa
Pagkatapos ng hindi pagkikita ng ilang araw, naging napakainit ng naging pagniniig ng mag-asawa. Himbing na himbing ang tulog ni Anthony ng nagising si Analyn. Dahan-dahan siyang bumangon. Nang bigla niyang naalala si Elle, baka sumagot na ang kaibigan sa mga text niya.Agad niyang dinampot ang telepono at saka binuksan iyon. Meron na ngang sagot si Elle. Hindi lang isa, kung hindi marami. Agad niyang binuksan ang mga mensahe nito. Nakalagay doon na nagpunta siya ng San Clemente para may asikasuhin tungkol sa negosyo nila. Sinabi rin niya na huwag siyang mag-alala dahil hindi pa sila nagpapanagpo ulit ni Alfie at okay lang siya. Huling mensahe ni Elle na huwag siyang mag-alala para sa kanya. Napa-isip si Analyn. May mali sa mga mensahe ni Elle. Masyado iyong pormal. Parang malayo sa Elle na kilala niya na laging may halong biro o sarkasmo ang pagsasalita nito kahit pa sa text lang. Parang hindi niya ma-imagine na ganun magsalita si Elle katulad ng nabasa niya.Sandali. Kailan pa kam