Semua Bab I SECRETLY WED the BOSS: Bab 311 - Bab 320

320 Bab

311 - INNOCENT

Nagpunta si Analyn sa opisina niya. Ilang araw na kasing sa on-line lang siya nagtatrabaho kaya nakokonsiyensya siya. Parang hindi siya hands-on na may-ari ng kumpanya. Dumaan muna siya sa isang pizza store para bilhan ng merienda ang mga empleyado niya. Lahat sila ay nagulat pagkapasok ni Analyn sa pintuan ng opisina nila.“Wow, boss Analyn… lalo ka yatang gumanda?” papuri ni Michelle.Alam man ni Analyn na binobola siya ng kaibigan, pero gumaan ng konti ang nararamdaman niyang bigat ng katawan dahil sa isyu nila ni Anthony. “Kaya ayaw kong pumupunta rito sa opisina, may dala na nga akong pagkain n;yo, binobola n’yo pa ako.” Nagtawanan tuloy ang iba pang naroroon. Nagkataon na nandoon din pala si Elle. “Mukhang okay na kayong dalawa ni Kuya Anthony, ah?”“Ikaw talaga, napaka-tsismosa mo.”“Curious lang ba. Iba ‘yun sa tsismosa. Saka, halos lahat yata ng tao dito sa Tierra Nueva, curious sa love story n’yong dalawa. In fact, pati nga ang psychologist ko, interesado sa kuwento n’
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-15
Baca selengkapnya

312 - INSIDE THE CAMPUS

Iginiya ni Anthony ang asawa papunta sa walk-in closet para magpalit ng damit. “Ano’ng isusuot ko?”“Anything simple. Just like you.” NANG igiya ni Anthony pababa ng hagdan si Analyn, hindi napansin ni Anthony ang kabang mababanaag sa mga mata nito. “Parang nakakahiya na pumunta roon, Anthony.”“Bakit ka mahihiya?” Naglalakad na sila papunta sa sasakyan ni Anthony. Napansin ni Analyn ang mga bodyguard nito na nakakalat sa bakuran at ang mga sasakyn na gagamitin nila para maging convoy nila. Mukhang napaghandaan na ni Anthony ang lakad nila na ito. “Mapi-pictyuran ka dun kasama ako.” “I don’t care, misis. Sakay na.” Mukhang wala namang choice si Analyn, katulad ng wala rin siyang choice kagabi ng paulit-ulit siyang inangkin ni Anthony. Habang nasa biyahe, may mga tanong sa isip ni Analyn na gusto niyang masagot. Katulad ng: bakit parang bigla ay gusto siyang dalhin ni Anthony sa eskwelahan niya? May nalaman ba ito? Nakarating na sila sa St. Andrew’s University. Sobrang dami
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-15
Baca selengkapnya

313 - ASAWA KO

“B-Bakit mo naman naitanong bigla?”Nagkibit-balikat si Anthony. “Wala lang. Naisip ko lang na maganda ang lugar na ito dito sa campus para manligaw. Romantic. Malaki ang tsansa na sagutin ka ng liligawan mo.”Hindi alam ni Analyn kung ano ba talaga ang motibo ni Anthony sa pagtatanong nun. Sa halip, ang ginawa niya, ibinalik niya ang tanong dito. “Ikaw ba, nagkaroon ka ba ng girlfriend mo rito sa St. Andrew's?”“Wala. Saka isang taon lang ako rito, di ba? Sa abroad na ako nagpatuloy ng pag-aaral. At wala rin akong naging panahon sa panliligaw doon. Puro aral lang ang ginawa ko dahil kailangan ko ng matataas na grades.”“Sus! Maniwala ako sa ‘yo. Sa guwapo mong ‘yan, imposibleng walang aaligid na babae sa ‘yo.” “Ang dami mong sinasabi, pero hindi mo pa rin sinagot ang tanong ko.” Ibinalik ni Analyn ang tingin sa lagoon. Mukhang hindi na niya maiiwasan ang tungkol sa topic na ‘yun. Huminga siya ng malalim bago sinagot ang tanong. “Nag-date kami ng mahigit sa isang taon. Tapos nagp
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-15
Baca selengkapnya

314 - OLD FRIEND

Pagdating ni Analyn sa sasakyan, abala ang asawa sa laptop niya. “Talagang hindi ka pwedeng umalis na hindi mo kasama ang laptop mo, ano?” puna ni Analyn. Nag-angat ng tingin si Anthony kay Analyn at saka ngumiti. “Masanay ka na, babe.”“Ano pa nga ba?”“Pahahatid na lang kita kay Karl sa bahay. Biglang nakipag-meeting ngayong araw ‘yung bagong naga-apply na investor.” “Hindi. Sasama ako sa ‘yo.” Tumaas ang isang kilay ni Anthony. “Hindi ka ba naniniwala sa akin? Sa DLM nga ako pupunta. Promise.” “No. Sabi mo na masanay na ako. So kailangan ko na ring masanay sa mga trabaho mo bilang ako si Mrs. De la Merced.”Malapad na napangiti si Anthony. “I like that…”Gumanti naman ng ngiti si Analyn. “Okay, read this habang nasa biyahe tayo para may idea ka sa background ng company nung investor.”NANG dumating sila sa conference room ng DLM, wala pa roon ang ka-meeting ni Anthony. “Baka gusto mong umatras, may panahon ka pa,” sabi ni Anthony sa asawa. “No. Kaya ko ‘to.”“Okay, sabi
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-16
Baca selengkapnya

315 - ULIT

“Analyn, hindi mo kailangang magsinungaling sa akin.”Kinagat ni Analyn ang ibabang labi. “May alam ka ba?”Hindi sumagot si Anthony, kaya alam na ni Analyn ang ibig sabihin nun. “I’m sorry… pwede ba’ng saka na natin pag-usapan ang tungkol dito?”“Gaano mo na katagal kakilala si Eric?” sa halip ay sagot ni Anthony.“Siya…” Hindi masabi ni Analyn ang dapat sabihin. Ang tanging nagawa niya ay magyuko ng ulo. “Ano?” ungkat ni Anthony. Mas mataas na ang boses nito.Lumunok ng malaki si Analyn, bago lakas-loob na nagsalita. “Siya… ang first… boyfriend ko…”Kumuyom ang palad ni Anthony sa narinig. Magkahalong galit at selos ang nararamdaman niya. “‘Yung senior? Mula sa St. Andrew’s? Bumalik siya sa Tierra Nueva para makita ka?”Sunod-sunod ang ginawang pag-iling ni Analyn. “H-Hindi. Hindi ko alam. Ewan ko. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit siya bumalik dito.”“May gusto ka pa ba sa kanya?” muling tanong ni Anthony.“Apat na taon na ang nakaraan, Anthony. Marami ng nagbago sa akin.”
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-16
Baca selengkapnya

316 - I AM NOT WORTHY

Inulit ni Analyn sa isip niya ang mga sinabi ni Eric. Iniisip niya kung hindi ba siya nagkamali ng dinig. “Analyn, pagkatapos ng maraming taon, na-realize ko na mahal pa rin kita. Ikaw lang ang laman ng puso ko. Walang ibang babaeng pumantay sa pagmamahal ko sa ‘yo. Please give me another chance…”Hindi sinasadyang naikumpara ni Analyn si Eric kay Anthony. Kung magsalita ito ay may pagsusumamo, nakikiusap. Samantalang si Anthony ay may pagka-possessive, gusto niyang lagi siyang sigurado na sa kanya siya at hindi papayagan ang kahit sino na magkaroon ng kaugnayan sa kanya. Pero si Eric, open siya na naging sila ni Anthony, at willing siyang maghintay na maging sila ulit. Hindi nakapagsalita si Analyn. Hindi niya alam kung ano ang isasagot kay Eric. “Natakot ba kita? Sorry… Hindi ko gustong takutin ka. Gusto ko lang malaman mo ang nararamdaman ko ngayon.”Umiling-iling si Analyn. Hindi siya makapaniwala na posible ang sinasabi ni Eric ngayon. Apat na taon na ang nakaraan, at pagkat
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-19
Baca selengkapnya

317 - KUWENTO AT ISTORYA

Nasa bahay si Analyn ng makatanggap siya ng tawag mula kay Mrs. Chan, isang ginang na nakilala niya sa pamamagitan ng pagsama-sama niya kay Anthony,[“Tara, afternoon coffee at the Sky Towers.”]Hindi agad nakasagot si Analyn, nasorpresa siya sa hindi inaasahang imbitasyon ng ginang.“Ano’ng meron?”[“Wala lang… afternoon chit-chats.”]Tumikwas ang isang kilay ni Analyn. “Kanino?”Narinig niya ang mahinang pagtawa ng kausap sa kabilang linya. [“Sino sa tingin mo?”]NANG dumating si Analyn sa pinaka-itaas na palapag ng Sky Towers, nakita niya agad si Brittany sa isang mesa roon. Maraming mga babae ang nakatingin sa kanya pero hindi niya sila binibigyan ng pansin. Nakita rin ni Analyn na may suot itong face mask. Inilibot ni Analyn ng tingin ang buong paligid, pero wala si Mrs Chan. Hindi na niya kailangang hulaan na marahil si Brittany ang nag-utos kay Mrs, Chan para papuntahin siya rito. Sinimulan na niyang maglakad patungo sa mesang inookupa ni Brittany habang hindi niya ito hinihi
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-19
Baca selengkapnya

318 - THAT NIGHT

Bahagyang nagulat si Analyn. Bihira siyang tawagin ni Edward ng ganun. O siguro dahil narito si Brittany sa malapit. “Mr. Zamora, susunduin mo na ba ang asawa mo?” Lumingon si Edward sa gawi ni Brittany. Nakatingin ito sa kanilang dalawa ni Analyn na tila natatawa sa kanila. Nilingon ni Edward ang sekretarya na nasa likuran niya.“Iuwi mo na ang asawa ko,” utos ni Edward dito. “Tapos ka na ba sa trabaho mo, asawa ko?” tanong ni Brittany na hindi pa rin tumatayo. “Yes, kakatapos ko lang sa isang meeting. Pero may isa pa akong kailangang kausapin.”“Okay, kung ganun, mauuna na akong umuwi.” Pagkasabi nun ay tumayo na si Brittany at naglakad na palapit sa sekretarya. Magkasabay na umalis na ang dalawa habang naiwan sila Analyn at Edward. “Kumusta ka?” tanong ni Edward. “Okay ka lang ba?”“Okay naman…” tatango-tangong sagot ni Analyn, nang bigla siyang may naalala. “By the way, may sasabihin pala ako sa ‘yo. Iyong assistant mo? Parang hindi mo yata siya na-train na mabuti. She almo
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-19
Baca selengkapnya

319 - SORRY

Nagulat si Ailyn, hindi na niya maitanggi ang akusasyon ni Analyn. Yumuko siya, at saka nagsalita. “Two hundred thousand.”“Malaki, ha…”Umiling-iling si Ailyn. “Wala akong choice. Ulilang lubos ako at si Sir Edward ang nagpa-aral sa akin sa college. Ginawan niya ako ng pabor, kaya kailangan ko iyong bayaran sa kanya.”“Ang tao, nagpapakamatay sa pera. Ang mga hayop sa gubat, nagpapakamatay sa pagkain. Bawat isa ay may kanya-kanyang paninindigan. Hindi ko pwedeng husgahan ang naging desisyon mo. Pero dahil sa naging desisyon mo, muntik ng masira ang pagsasama namin ni Anthony. At hindi pwedeng manahimik lang ako at walang gagawin.”“Sorry…”“Hindi kita sinisisi sa nangyari.”“Pangako, hindi na ako makikipagkita kay Sir Anthony kahit kailan. Ako na ang iiwas.” Ngumiti si Analyn at saka tumayo na. “By the way, bagay sa iyo ang kulay puting damit. Payo lang… huwag mong dungisan ang kulay na iyan sa mga bagay na gagawin mo pa sa hinaharap.” Pagkasabi nun ay naglakad na paalis doon si
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-19
Baca selengkapnya

320 - FATHER & DAUGHTER CONNECTED BY HEART

“Bukas ng umaga, sumama ka sa akin sa ospital. Magpapakita lang tayo tapos aalis na. May flight akong kailangang habulin para sa isang business trip.” Kalalabas lang ng banyo ni Analyn ng sabihin ni Anthony iyon sa kanya. “Sino’ng nasa ospital?”“Si Tito Sixto. May spinal injury daw.”“Ah, okay. Saan ka naman pupunta?” “Sa San Clemente. I-occular ko iyong bagong branch doon.”“Naririnig ko na maganda raw doon. Minsan, isama mo ako para malaman ko kung totoo.”“Sumama ka na bukas. Put aside your work and accompany me.”Sumimangot si Analyn. “Ayoko. Pag trabaho, trabaho. Kapag pasyal, pasyal lang. Walang trabaho.”“Sus, ang arte. Okay, hahanap ako ng time para maipasyal kita roon. For the meantime, ipapasyal muna kita sa langit ngayon.”Agad na binuhat ni Anthony ang asawa at saka inilapag sa kama. “Maaga tayo gigising bukas, Anthony! natatawang sabi ni Analyn, pero hindi iyon pinansin ng asawa at inumsahan na siyang hubaran.NAPANSIN ng sekretarya ang tila antok na antok pang si A
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-19
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
272829303132
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status