Home / Romance / I SECRETLY WED the BOSS / Chapter 261 - Chapter 270

All Chapters of I SECRETLY WED the BOSS: Chapter 261 - Chapter 270

290 Chapters

261 - KEEP

Nang dumating si Analyn sa ospital, wala pa ang doktor kaya pinaupo muna sila. Hindi naman nagtagal at dumating agad ang doktor. Mabuti na lang at siya pa lang ang unang pasyente kaya mabilis siyang naisalang sa check-up. Matamang nakinig ang doktor sa deskripsyon niya sa sakit na nararamdaman niya. May ilang procedure pang ginawa sa kanya, tapos ay kinausap na siya nito. “Miss, gagawan kita ng referral sa OB-Gyne Department,” sabi ng doktor habang inaabot ang notepad na nasa gilid ng mesa niya.“OB-Gyne?” pag-uulit ni Analyn. Nagsalubong ang mga kilay niya sa narinig. Ang alam niya ay para sa mga may balak magbuntis o buntis lang ang nagpapa-check up sa ganung doktor. Napahinto sa pagsusulat ang doktor sa notepad niya. “Oo. The pregnancy cycle is 23 days. And the baby is misplaced in your fallopian tube, complicated by cervical inflammation, infection and bleeding. Kung ako ang tatanungin, I want to suggest the removal of the fetus. But ang OB pa rin ang may final say dito.” N
last updateLast Updated : 2025-03-23
Read more

262 - REVELATION

Ininom na ni Analyn ang gamot na inireseta ng doktor at bahagyang umigi ang pakiramdam niya. Pero nahihirapan siyang matulog at walang ganang kumain. Naiisip niya si Anthony. Alam niyang hindi basta-basta ang pinagdadaanan nito ngayon. At para malibang, bumaba siya sa coffee shop na nasa ibaba ng hotel na tinutuluyan dala ang laptop niya at doon gumawa ng mga disenyo para sa proyekto nila sa Blank para malibang at maalis sa isip niya ang kalagayan ng negosyo ngayon ni Anthony..Mayamaya, napagod na si Analyn kaya huminto muna siya sa ginagawa. Bigla na naman niyang naalala ang kondisyon niya. Inihawak niya ang isang kamay sa tiyan niya. “Baby, naririnig mo na ba ako?” Hinimas-himas ni Analyn ang impis pa niyang tiyan. “May mabigat na pinagdadaanan ngayon ang Daddy mo. Magkasama nating i-monitor ang tagumpay niya. Okay ba?”“Kung sakaling mabibigyan ka uli ng panibagong buhay, pakiusap… hanapin mo uli ako. Bumalik ka uli sa akin, anak ko.” Nang di inaasahan, nakita niyang pumasok a
last updateLast Updated : 2025-03-24
Read more

263 - ACCIDENT

Natagalan maghanap sila Analyn at Jean ng taxi driver na marunong magsalita ng Ingles. Halos rush hour na ng nakaalis sila. Matrapik na ang mga kalsadang dinadaanan nila.Medyo madaldal ang driver, at maraming tanong sa kanila. Si Jean na ang sumasagot dito dahil alam niyang wala sa wisyo si Analyn. Mayamaya, nag-ring ang telepono ng driver. Dinukot ng driver ang telepono sa bulsa niya. Nakita ni Analyn nang napangiti ito sa screen ng telepono niya. “Naku, tumatawag ang asawa ko.” “Sige lang po, sagutin n’yo na.” Si Analyn ang sumagot. Base sa pagkakangiti nito ng nakita niya ang pangalan ng asawa sa screen ng telepono nito, obvious na mahal na mahal nito ang asawa. Ganun nga ang ginawa ng driver. Masaya nitong sinagot ang tawag ng asawa. Kaya naman nag-drive ito na isang kamay lang ang may hawak sa manibela at ang isang kamay ay hawak ang telepono niya na nasa tenga. Nasa malalim na pag-iisip si Analyn nang bigla na lang na nakarinig siya ng malakas na tunog at ang sigaw ni Jean
last updateLast Updated : 2025-03-24
Read more

264 - HELPLESS

“Tonton! Paano kapag nalaman ni Analyn ang gagawin mong ‘yan? For sure, magagalit ‘yun.”“That’s why there should be no leakage of the information.”“Pero, Anthony–”“Wala na akong choice, Raymond.”Nang gabi ring iyon, sakay na ng eroplano si Anthony pabalik sa Tierra Nueva. Pagkalapag ng eroplano, dumiretso siya sa bahay ng mga Esguerra.Kasalukuyang nagpapahinga si Brittany nang pumasok si Anthony sa loob ng bahay ng mga Esguerra. Nagulat siya ng nakita ang lalaki na naglalakad palapit sa kanya.“Anthony? Bakit ka narito? Akala ko, nasa Hongkong ka?”Ngumiti si Anthony nang malapit na siya kay Brittany. Napatulala naman si Brittany sa ngiti na iyon ng lalaking matagal ng minamahal. Nang nasa tapat na siya ni Brittany, agad niyang sinalat ang noo ng babae. “Oh? Wala ka na agad lagnat? Ang bilis naman?”Namilog ang mga mata ni Brittany. “B-Bumalik ka sa Tierra Nueva dahil sa akin?”“May sakit ka raw kaya nagpa-book agad ako ng flight. Tama ba?” Biglang nag-init ang mukha ni Britta
last updateLast Updated : 2025-03-25
Read more

265 - UNLUCKY

“Naaksidente?” Muntik ng nabitawan ni Raymond ang hawak na tasa na iaabot sana niya kay Jean ng narinig niya ang balita. “Eh, ikaw? Okay ka lang ba? May masakit ba sa ‘yo?” Sunod-sunod na iling ang ginawa ni Jean. “Okay lang ako. Sa side ng kinauupuan ni Analyn ang impact. May konting maliliit na pasa lang ako, pero okay lang ako.”Tumango-tango si Raymond. “Good…”“Kailangang ipaalam mo ito kay Anthony, ngayon na. Nadiskubre ni Analyn na may ectopic pregnancy siya two days ago, tapos ngayon naman, eto. Hindi niya alam na inalis na kanina ang bata sa tiyan niya.”Umalis si Raymond doon. Pagbalik ay hawak na nito ang telepono niya. Idi-nial niya ang numero ni Anthony pero hindi ito sumasagot. Alam niyang abala ito ngayon sa pakikipag-negosasyon sa mga Esguerra. Kilala niya ang kaibigan, kapag nalaman nito kung ano ang nangyari kay Analyn, malamang na iiwan nito kahit sino pa ang kausap at lilipad pabalik ng Hongkong para makita si Analyn. Pinatay na ni Raymond ang tawag. Wala na s
last updateLast Updated : 2025-03-25
Read more

266 - SACRIFICE

Natulos sa pagkakatayo niya si Emily. “Nakaligtas? Ano’ng ibig mong sabihin na nakaligtas?” Gulong-gulo siya at hindi makapaniwala. “Yes, Madam. Nakaligtas siya sa aksidente. Pero meron din pala siyang ectopic pregnancy kaya isinabay na iyon sa operasyon niya nung maaksidente siya. Masyadong maraming dugo ang nawala sa kanya kaya mahina pa ang katawan niya at magtatagal pa siya sa ospital.”Hindi malaman ni Emily kung hahanga siya sa manugang o maaawa rito. Kalat na kalat na ang balita tungkol kina Anthony at Brittany. Idagdag pa na hindi pa nare-resolba ni Anthony ang problema niya sa negosyo.NAPAPANSIN ni Jean na bigla na lang nagbago si Analyn. Hindi na ito madalas nagtatanong tungkol kay Anthony. Hindi na nito inuusisa ang lagay ng problema ni Anthony sa negosyo nito. Lagi itong tahimik at kadalasan ay nakatunghay lang sa labas ng bintana sa kuwarto niya sa ospital. Ngayong araw, may dumating na mga lalaki sa kuwarto ni Analyn, pero hindi naman sila tauhan ni Anthony.“Sino
last updateLast Updated : 2025-03-25
Read more

267 - GOING HOME

Huminga ng malalim si Analyn. Pagkatapos ay tinanong si Emily.“Alam ba ‘to ni Anthony?” Tumingala sa kisame si Emily na para bang naroroon ang kasagutan sa tanong ni Analyn.“Desisyon ko ito. Dahil alam kong ito ang tama.” Pagkatapos ay muli niyang tiningnan si Analyn. “Anyway, sa tingin ko, kapag pumayag ka, papayag na rin siya.”Tumango-tango si Analyn. Medyo lumuwag ang pakiramdam niya. At least, walang alam si Anthony sa ginagawa ng Mama niya.“Oh, by the way, nagkaroon ka raw ng ectopic pregnancy?” Hindi sumagot si Analyn, sensitibo pa rin sa kanya ang paksa na iyon. Inisip ni Emily na kaya hindi sumagot si Analyn ay dahil nalulungkot ito sa pagkawala ng anak nila sana ni Anthony.“Since tapos na ang operasyon mo, wala ng dahilan para malungkot ka. Anyway, bata ka pa naman. Ingatan mo na lang ang katawan mo, para sa susunod, magkaroon ka na ng malusog na baby sa tiyan mo.”Tahimik pa rin si Analyn. “At narinig ko rin na nagbukas ka ng negosyo. Something to do with your desi
last updateLast Updated : 2025-03-26
Read more

268 - NAG-AALALA

Halos lahat ng pasahero sa eroplano ay nakasuot ng walang manggas na damit at hangga’t maaari ay shorts dahil summer pa. Habang si Analyn ay balot na balot ang katawan sa damit na suot.Sa halip kasi na naiinitan ay nilalamig siya. Siguro nga ay hindi pa ganun kalakas pa ang katawan niya. Hindi pa nakabalik ito sa dating resistensiya niya. Si Elle ang kinontak niya para sumundo sa kanya sa airport. Pagkakita sa kanya ng babae ay agad itong tumakbo papunta sa kanya. “Ang payat mo, ah?”Tipid na ngumiti si Analyn. “Diet ako dun sa Hongkong.”“Ahm, Analyn… okay ka lang ba rito?” tanong ni Jean na hawak pa ang handle ng wheelchair na kinauupuan ni Analyn. Nginitian niya ang babae. “Oo. Salamat sa tulong mo. Kaibigan ko ito, si Elle.” Nginitian ni Jean si Elle, ganun din ang huli. Pagkatapos ay muli niyang binalingan si Analyn. “Paano? Dito na lang ako sa airport. Hindi na ako lalabas. In thirty minutes, sasakay na uli ako ng eroplano pabalik ng Hongkong.”Tumango si Analyn. “Salama
last updateLast Updated : 2025-03-26
Read more

269 - WAITING GAME

Nakaparada ang sasakyan ni Elle sa di-kalayuan sa bahay ni Sixto. Nasa loob ang dalawang babae habang parehong nakatingin at nagmamasid sa labas ng bahay. Pero sa dalawa, halatang mas kabado at tense si Elle. “Busy na tao si Tito Sixto. Alam mo naman ‘yun, di ba?” reklamo ni Elle.“Basta, dalhin mo lang ako sa loob ng bahay nila.”Hindi sumagot si Elle, tila nag-iisip siya ng isasagot kay Analyn.“Don’t worry, hindi ko aaminin na isinama mo ako. Sasabihin ko na nakita lang kita sa may gate, na doon lang tayo nagkita,” pagbibigay konsolasyon ni Analyn sa babae.Nagbuga ng hangin si Elle.“Hindi na. Hintayin mo ako rito. Papasok muna ako saa loob. Titingnan ko muna kung nandiyan siya, at kung ano ang sitwasyon sa loob.”Bumaba si Elle ng sasakyan at saka naglakad papunta sa gate ng bahay ng mga Esguerra. Nanatili si Analyn sa loob ng sasakyan. Pero nakalipas na ang ilang minuto, wala pa rinh Elle na bumabalik. Nainip na si Analyn. Pakiramdam niya, walang nangyayari sa araw niya. Maya
last updateLast Updated : 2025-03-26
Read more

270 - INTRUDER

Walang nagawa si Elle kung hindi samahan si Analyn doon. Naupo naman sa wheelchair si Analyn kaya hindi masyadong nag-alala si Elle para rito. Kaya lang, nang tumatagal na, tumitindi na rin ang sikat ng araw. Kaya ang ginawa ni Elle ay pumasok muna sa loob para humingi ng payong sa kasambahay doon. “Nariyan ba si Brittany sa loob?” tanong ni Analyn ng muling lumabas si Elle. “Ang press release di ba ay may lagnat o siya, o maysakit. Whatsoever. Pero hindi totoo ‘yun. Busy siya. Super busy. Marami siyang pinagkakaabalahan. Umaalis siya ng maagang-maaga at gabi na bumabalik.”Samantala, nasa study room na si Edward, kausap si Sixto. Halos dalawang oras na sila magka-usap. Wala naman silang importanteng pinag-uusapan, kung ano-ano lang. Gusto lang ni Edward na pigilan si Sixto na lumabas ng kuwarto. Kapansin-pansin din na parang lumilipad ang isip ni Sixto at wala sa kuwartong iyon ang isip niya. Manaka-naka rin siyang tumitingin sa labas ng bintana, kung saan mula roon ay kita niya
last updateLast Updated : 2025-03-27
Read more
PREV
1
...
242526272829
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status