Walang nagawa si Elle kung hindi samahan si Analyn doon. Naupo naman sa wheelchair si Analyn kaya hindi masyadong nag-alala si Elle para rito. Kaya lang, nang tumatagal na, tumitindi na rin ang sikat ng araw. Kaya ang ginawa ni Elle ay pumasok muna sa loob para humingi ng payong sa kasambahay doon. “Nariyan ba si Brittany sa loob?” tanong ni Analyn ng muling lumabas si Elle. “Ang press release di ba ay may lagnat o siya, o maysakit. Whatsoever. Pero hindi totoo ‘yun. Busy siya. Super busy. Marami siyang pinagkakaabalahan. Umaalis siya ng maagang-maaga at gabi na bumabalik.”Samantala, nasa study room na si Edward, kausap si Sixto. Halos dalawang oras na sila magka-usap. Wala naman silang importanteng pinag-uusapan, kung ano-ano lang. Gusto lang ni Edward na pigilan si Sixto na lumabas ng kuwarto. Kapansin-pansin din na parang lumilipad ang isip ni Sixto at wala sa kuwartong iyon ang isip niya. Manaka-naka rin siyang tumitingin sa labas ng bintana, kung saan mula roon ay kita niya
Sobrang kahihiyan ang nararamdaman ngayon ni Ailyn. Hindi pa siya napahiya sa buong buhay niya. Dalawa lang sila ni Anthony na nakakaalam sa nangyari, pero pakiramdam niya ay wala siyang mukhang maiharap sa lalaki ngayon. Aaminin niya, naapektuhan siya kanina sa ginawa ni Anthony. Pero obvious na obvious naman na kay Analyn niya lang gustong gawin ang makamundong pagnanasa niya. “Bakit? Akala mo ba na ako ang asawa mo kaya mo ginawa ‘yun?” Wala na sanang balak si Anthony na sagutin ang tanong ni Ailyn, pero muli itong nagsalita, dahilan para mapahinto siya sa paglabas sa kuwarto. “Huwag ka ng umasang dadating ang asawa mo! Kalat na kalat na ang balita na pumirma na siya ng annulment paper para mapawalang-bisa ang kasal n’yo.” Madilim ang aura na nilingon ni Anthony si Ailyn. Natakot ang babae sa nakita niyang itsura ni Anthony. “Ulitin mo nga ang sinabi mo.” Tunay na nakakatakot ang boses ni Anthony nang sinabi niya iyon. Napalunok si Ailyn. Parang may biglang bumara sa lalam
Nag-iwas ng tingin si Analyn. Alam naman niya iyon, pero gusto niyang sumugal. Para kay Anthony. Muli niyang tiningnan si Edward.“Pero hindi naman siya ang may idea ng project na iyon. Si Brittany, tama? Kayong dalawa ni Brittany ang nag-tandem, para pabagsakin n’yo si Anthony.”Si Edward naman ang nag-iwas ng tingin sa babae, at saka nagbuga ng hangin.“Analyn, ang larangan ng negosyo ay isa ring larangan ng digmaan. Walang permanenteng kaibigan dito, kung hindi, permanenteng interes lang.”“Oo, nandoon na ako. Kaya nga hindi na ako lumapit sa iyo. Kaya nga si Sir Sixto ang nilapitan ko. Siya na lang ang alam kong pwedeng makatulong sa akin. Siya na lang ang alam kong pwede kong lapitan.”“Alam mo bang pinuntahan ni Anthony si Brittany? Ako na ang nagsasabi sa ‘yo, hindi ka siniseryoso ni Anthony bilang asawa niya. Wala siyang permanenteng interes sa ‘yo, so bakit sa kanya umiikot ang mundo mo?”“Iniisip n’yo siguro na tanga ako. Uto-uto. Bobo. Pero hindi ba dapat iisa lang ang mag
Tatlong araw ng nasa poder ni Edward si Analyn. Kalat na sa mga tao niya sa kusina na may itinatagong babae ang amo nila roon. Madalas naman talaga ay may inuuwing babae ang amo nila, pero kakaiba ang pag-aalaga niya sa babaeng nasa gusali nila ngayon. Ang tatlong pagkain na kailangang ibigay sa maghapon ay may sinusunod na mga espesyal na mga recipe. “Ang sabi, hindi raw okay ang kalusugan ngayon nung babae.” “Talaga ba?” “At take note. Araw-araw siyang pinupuntahan ni boss Edward dun sa kuwarto niya.” “Ano kaya ang itsura? Maganda siguro. Hindi naman siguro pagtutuunan ng pansin ng amo natin kung hindi.” “Malamang.”Nakatunghay muli si Analyn sa labas ng bintana. Eto lang naman kasi ang pinaka-libangan niya rito sa kinaroroonan niya. Hindi nga niya alam kung nasaan siya ngayon. Kung isa ba sa mga bahay ni Edward ito, o isa sa mga negosyo niya. Mahina pa ang katawan ni Analyn. Manaka-naka ay nakakaramdam siya ng pagkahilo. At minsan ay hirap siyang magsalita. Minsan, kapag nap
“Hoy! Bakit ka sumasabat sa usapan namin? Isa ka lang na taga-silbi rito,” sita ng isang lalaki. “Oo nga, alam mo ba kung ano ang pinag-uusapan namin dito?” sabi pa ng isa.Ngumiti si Analyn. Umaayon sa plano niya ang nangyayari ngayon.“Yes, sino ba ang hindi nakakaalam ng kasalukuyang sitwasyon ng DLM Corporation? Nasa krisis ngayon ang nasabing kumpanya, pero sa palagay ko, kayang baligtarin ng DLM ang masamang kapalaran niya ngayon. From defeat to victory. Dati akong nagtatrabaho sa DLM, sa isang mahalagang departamento, kaya alam na alam ko ang financial situation ng kumpanya. At naaalala ko na itinago ni Sir Anthony ang strategy na iyon mula sa ibang mga kalabang kumpanya sa Tierra Nueva para subukan sila.”Napuno ng pagtataka ang mga mukha ng mga lalaking naroroon. “Ano’ng sabi mo? Nagtrabaho ka sa DLM?” tanong ng isang lalaki roon. “Kung ganun, ano’ng ginagawa mo rito bilang isang waiter?” tanong ng isa pa at saka pasimpleng hinagod ng tingin ang unipormeng pang-waiter na s
Tatlong araw na ang nakaraan. Biglang maraming dumating na investment sa DLM Group, dahilan para umayos na ang masamang sitwasyon ng kumpanya. Bigla, gumanda ang kinalalagyan ng kumpanya sa stock market, at bumagsak naman ang sa mga kumalaban na kumpanya sa DLM. Dahil ligtas na ang DLM sa posibleng tuluyang pagbagsak nito, bumalik na sa Tierra Nueva si Anthony. Sa airport, maraming reporters ang hindi inaasahan ni Anthony ang sumalubong sa kanya.“Mr. De la Merced, okay na po ba ang lagay ng DLM Group of Companies kaya bumalik ka na? For good na ba ang pagbalik mo rito?”“Pwede mo bang ibahagi sa amin ang mga naging plano mo ng counter- attack habang nasa Hongkong ka?”“Mr. De la Merced, ano ang magiging next step mo?” “Sir, Sir… ano po ang relasyon ninyo ni Miss Brittany Esguerra?” Dahil sa sobrang sikip at napapalibutan si Anthony ng mga bodyguard niya, hindi sinasadya ng isang taga-media na tamaan ng mic niya ang pisngi ni Anthony. Biglang huminto sa paglalakad si Anthony at s
Ngumiti si Analyn kay Edward. “Ayoko nga sana kasi masasarap ang pagkain dito, pero kailangan ko ng umalis talaga. Baka kasi singilin mo na ako.”“Hindi ko naisip ‘yan, pero binigyan mo ako ng idea,” ganting biro ni Edward. Malapad na ngumiti si Analyn. “Kaya nga uunahan ko ng umalis.” “So, saan ka pupunta pag-alis mo rito ngayon?” “Uhm? Sa ospital.” Tumaas ang isang kilay ni Edward. “Sa ospital?”“Kailangan ko munang mag-follow up check-up. Mula nang lumabas ako ng ospital sa Hongkong, hindi pa ako natingnan ulit ng doktor.” Nagkibit-balikat lang si Edward. Hindi naman nagsinungaling si Analyn. Sa ospital talaga siya nagpunta nang umalis siya sa poder ni Edward. Sa kabutihang palad, maganda ang resulta lahat ng laboratory test at iba pang eksaminasyon niya. “Doc, magkaka-anak pa ba ako?” Hindi napigilang itanong ni Analyn sa OB-Gyne na kaharap ngayon. “Ano ba’ng tanong ‘yan, iha? Bata ka pa, of course, pwede ka pang magbuntis at manganak,”Tipid na ngumiti si Analyn. NAPA
Nagulat si Analyn ng may huminto sa harapan niya na kulay itim na sasakyan paglabas niya ng ospital. Nang bumaba ang sakay nun ay tila tumigil ang pag-ikot ng mundo niya. Parang biglang nalagay sa PAUSE ang lahat sa paligid niya at ang nakikita lang niyang gumagalaw ay ang lalaking matagal ng hindi nasilayan ng mga mata niya. Iilang oras pa lang na nakabalik ng Tierra Nueva si Anthony pero nahanap na agad siya. Hindi nakagalaw si Analyn. Natulos siya sa kinatatayuan niya. Namalayan na lang niya na nasa harapan na pala niya si Anthony. “Masakit pa ba? May masakit ba sa ‘yo ngayon?”Nag-iwas ng tingin si Analyn. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong ni Anthony. Hindi niya kasi matukoy kung alin ba ang masakit na naramdaman niya ng mga nakaraang araw.Napilitang tingnan ni Analy si Anthony. Tinitigan niya ito sa mga mata nito. At saka niya napagtanto na ang lalaking dating pamilyar na pamilyar sa kanya, ngayon bigla, ay estranghero na sa kanya.Hindi malaman ni Analyn kung
Dalawang araw na ang lumipas mula ng nalaman ni Anthony ang pagkakasangkot ni Analyn sa nag-viral na proyekto ni Edward, Dalawang araw na ring hindi pinapansin ni Analyn si Anthony. Oo nga at may kasalanan siya sa lalaki, pero bakit parang siya lang ang nadidiin? Naglilihim din naman ang asawa sa kanya. Kung bakit naman kasi hindi niya magawang direktang tanungin ang asawa. Dala-dala ang tray na may lamang dalawang base ng mango shake, inilabas niya ito sa terrace. Naroroon ang ama at hinihintay siya. Kaagad niyang ibinigay ang isang baso sa ama at kaagad namang tinikman iyon ni Damian. “Iha… huwag ka ng gagawa ulit ng mango shake. Wala kang talent.” Tumikwas ang isang kilay ni Analyn. Dinampot niya ang isang baso ng shake na para sa kanya at saka uminom mula roon. Napangiwi siya pagkatapos sumayad ang shake sa bibig niya. “See? Naniwala ka na sa akin? Mag-drawing ka na lang, anak. Huwag mo ng ulitin na gumawa ng shake.” “Grabe siya, oh… hindi man lang ma-appreciate ‘yung ginawa
“Maganda!“Sinamaan ni Analyn ng tingin si Edward. “Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin. May picture ka ba niya?”Kumunot ang noo ni Edward. “Hindi mo ba nakita kanina?”“Hindi, eh.”“Wala akong picture niya. Kahit pa nakita ko na siya, hindi ko siya pwedeng piktyuran in public. Ako lang ang magiging number one suspect ng mga Esguerra kapag nagkataong lumabas ang litrato niya.”“Pero hindi ba dapat nga ay ipagyabang nila sa mundo na nakita na ang nawawala nilang anak?”“Hindi nila minamadali iyan. May tamang panahon para isiwalat ang pagbabalik ng panganay na anak ng mga Esguerra. Hinihintay lang nila ang tamang panahon.”NANG bumalik si Analyn sa bahay nila ni Anthony, nagulat pa siya ng nakita ang asawa sa sala. Naka-dekuwatro ito ng upo habang nagbabasa ng diyaryo. Nag-angat si Anthony ng mukha ng narinig niya ang pagbukas ngp pintuan. “Bakit ang aga mo? Akala ko ba mamayang tanghali ka pa uuwi?” tanong sa kanya ni Analyn.“Saan ka galing?” sa halip ay sagot ni Anthony sa kanya.
Kahit na nakaawang na ng kaunti ang pintuan, hindi pa rin naiintindihan ni Analyn ang pinag-uusapan ng mga nasa loob. Naririnig lang niya ang mga boses ng mga ito, pero hindi niya nauunawaan ang mga sinasabi nila. Minabuti ni Analyn na umalis na sa kinatatayuan niya, tutal naman, wala naman siyang naririnig sa usapan sa loob ng kuwarto. Bumalik siya sa kuwartong pinagdalhan sa kanya ni Jean. Naupo siya roon at saka muling nag-isip. Maraming mga katanungan ang pumapasok sa isipan niya pero hindi niya kayang bigyan ng kasagutan. Pakiramdam niya ay sasabog na ang ulo niya sa kakaisip. Kaya naman napagpasyahan niyang umalis na lang at iwanan na ang lugar na iyon. Tumayo na si Analyn at saka tinungo ang pintuan. Sakto naman na pagbukas niya ng pintuan ay sakto rin na bumukas ang pintuan ng kuwartong kinaroroonan nila Anthony. Biglang naisara ni Analyn ang pintuan ng kuwarto niya sa takot na makita siya ni Anthony o ni Greg. Nakiramdam si Analyn habang nakasara ang pinto. Nang sa ting
Pagkatapos ng tatlumpung minuto, dumating na si Anthony. Kasama niya si Damian. Agad na sinalubong sila ni Analyn. “Napaka-thoughtful nitong si Antony,” sabi ni Damian kay Analyn.“Nahihiya nga po ako sa inyo. Although nagdya-jive naman kayo ni Lolo, pero siyempre, iba pa rin ‘yung nasa sarili kang bahay. Pasensiya na po at hindi namin kayo agad nabalikan, naging busy kami ni Analyn,” paliwanag ni Anthony.Tinapik ni Damian ang balikat ni Anthony habang nakangiti.“So, bakit ang tagal nakabalik?” sabat naman ni Analyn.Binuksan ni Anthony ang pintuan sa likurang bahagi ng sasakyan at saka may kinuha mula roon. Isang katamtamang laki ng kahon ang kinuha niya mula roon na may tatak ng ipinapabiling pagkain ni Analyn.“Mahaba ang pila nitong tiramisu crepe mo kaya ako natagalan.” Agad namang kinuha ni Analyn ang kahon mula kay Anthony at saka nagmamadaling binuksan ito. May kasama ng tinidor sa loob ng kahon kaya kinuha iyon ni Analyn at saka tinikman ang crepe.Sumimangot ang mukha ni
Nang nagising si Analyn, wala na si Anthony sa tabi niya. Bumangon siya at tiningnan kung nasa banyo ang asawa, pero wala ito roon. Dali-dali siyang lumabas ng kuwarto at sumilip sa barandilya. Sakto na nakita niya ang papalabas na si Anthony. Narinig naman ni Anthony ang ingay sa itaas kaya tumingin ito sa itaas. “Saan ka pupunta?” tanong ni Analyn.“Susunduin ko ang Papa mo. Nakalimutan mo na ba na nandoon pa siya sa bahay ni Lolo?” Sa totoo lang, nawala na talaga iyon sa isip ni Analyn sa dami ng iniisip niya. “Ah, okay. Bilhan mo na rin ako ng crepe dun sa paborito kong cake house. Gusto ko ‘yung tiramisu flavor.” “Okay. Aalis na ako.”Tuluyan ng lumabas ng bahay si Anthony. Narinig na lang ni Analyn ang tunog ng papaalis na sasakyan sa labas. Tumalikod na si Analyn para pumasok na uli sa kuwarto nang bigla siyang napatigil sa paghakbang. Bigla niyang naalala na may driver naman si Anthony dito at may driver din si Lolo Greg sa bahay niya. Mas gugustuhin pa talaga ni Anthon
Ibinuka ni Analyn ang mga labi niya, may gusto siyang sabihin pero walang lumabas mula sa lalamunan niya. Iyong tawag ba kanina na natanggap ni Anthony ay para sabihan siya na nakita na nga si Ailyn? At iniwan siya nito para makita niya si Ailyn?Hindi mapaniwalaan ni Analyn na nakabalik na nga si Ailyn. Parang ang hirap paniwalaan. Sa totoo lang, umasa rin naman siya na sana ay buhay pa si Ailyn at makabalik ito sa pamilya niya. Hiniling niya ito dahil naniniwala siyang siya na ang mahal ni Anthony. Naniniwala siyang sa dami at bigat ng mga pinagdaanan nilang dalawa ni Anthony, wala ng makakagiba sa relasyon nila. Pero nagbalik na nga siya…At iba ang nararamdaman ngayon ni Analyn. Pakiramdam niya ay may delubyo na namang darating sa buhay mag-asawa nila ni Anthony. “Na-surprise ka ba?” nang-iinis na tanong ni Edward.Pakiramdam ni Analyn ay biglang nawala ang lahat ng kumpiyansa sa katawan niya. “Biro mo, nagpunta siya sa bahay ng mga Esguerra ng hindi mo alam? Ni hindi man lan
Nanlaki ang mga mata ni Analyn. “Ano’ng nangyari? Paano nangyari ‘yun?”Lumipad ang tingin ng dalawang matanda kay Analyn dahil sa timbre ng boses nito.[“Hindi ko pa alam ang buong nangyari. Basta, narinig ko. Pero wala pang nakarating na balita sa press at sa mga pulis as of now. At hindi ko rin alam kung may tao bang na-injured dun o ano.”]Kung nasaan man si Elle ngayon ay halatang patago lang ang ginawang pagtawag nito kay Analyn base sa pabulong na pagsasalita nito. Nahalata iyon ni Analyn. [“Pero bukas ng umaga, hindi natin alam kung maitatago pa iyon sa mga press at sa mga pulis.”]“Iyon nga rin ang iniisip ko.”Pagkababa ni Elle sa tawag, hindi pa rin mapakali si Analyn. Hindi niya maisip kung paano nangyari ang aksidente, pinatutukan niya ang project na iyon at todo bantay ang mga tao niya roon. Biglang tumayo si Analyn at saka hinarap ang dalawang matanda. “‘Lo, Papa, aalis na muna ako. May importante lang akong kailangang asikasuhin sa trabaho. Huwag n’yo na akong hint
Kasama si Damian, sa bahay ni Greg nagdiwang ng pagsalubong sa bagong taon sila Anthony at Analyn. Bagaman, may dinaramdam at nanlalambot ang matanda, nakipag-selebra pa rin ito sa kanilang tatlo, pero maaga itong nagpahinga. Nakatanggap ng dalawang ampao si Analyn, isa galing kay Damian, at isa galing kay Anthony. Namilog ang mga mata niya sa tuwa. Madadagdagan na naman ang ipon niya. Nawala ang tuwa niya ng may napansin siya sa dalawang sobre. “Anthony, bakit ang nipis lang ng ampao mo? Etong kay Papa, ang kapal.” Pagkatapos ay binalingan ni Analyn ang ama.“Papa, ibinigay mo na ba sa akin ang buong pensyon mo? Ang kapal ng envelope mo, eh,” pabirong tanong ni Analyn. “Huwag kang umasa. Puro tigsi-singkwentang papel lang ‘yan kaya mukhang makapal,” sagot ni Damian, kay lumabi si Analyn sa kanya. “Hindi ako naniniwal. Ang kapal nito, eh,” sabi ni Analyn habang pinipisil-pisil ang sobre. Pinagbuntunan namin ni Analyn ang asawa. “Ikaw, Anthony. Hindi ba importante sa iyo ang asa
Malapit na ang Bagong Taon. Marami ng nagtitinda ng kung ano-ano sa mga kalsadang nadadaanan nila Anthony at Analyn. Galing sila sa Annual Year-End Party ng lahat ng investor ng DLM Group. Habang pinagmamasdan ni Analyn ang mga iba’t ibang paninda sa labas ng bintana, maraming tumatakbo sa isipan niya. Parang kailan lang nung huling bagong taon. Bago lang sila na naiksala ni Anthony noon. Sino ang mag-aakala na ang anim buwan ay aabot ng isang taon pala?Nilingon ni Analyn si Anthony. “Malapit na naman sa subdivision, gusto kong maglakad kasama ka.” Tumaas ang isang kilay ni Anthony at saka tiningnan ang mga paa ni Analyn. “Magpalit ka muna ng sapatos.”“Wala akong dala. Okay na ‘to. Eh di, kapag sumakit ang paa ko, kargahin mo ko,” tila naglalambing na sagot ni Analyn. Kinalabit ni Anthony ang balikat ng sekretarya niya na nakaupo satabi ni Karl. Agad namang yumuko ang sekretarya at may kinuha sa paanan niya.May kinuha pala itong paper bag at saka inabot iyon kay Anthony. Mula