Hindi umuwi si Analyn sa bahay ni Anthony ng gabing iyon. Masyadong masama ang loob niya sa binata. Hindi niya alam kung paano niya haharapin ito. Naghanap siya ng apartelle na malapit at saka nagbayad para sa isang gabing pananatili.Hindi rin naman siya nakatulog. Marami siyang iniisip. Tungkol kay Anthony at sa kung ano ba talaga ang meron sila. Pero bukod doon, meron ding napagtanto si Analyn sa sarili niya. Nahulog na ang loob niya sa binata. May nararamdaman na siya para rito. Kung kailan pa nagsimula, hindi na alam ni Analyn. Isa lang ang sigurado niya. Kapag pinangatawanan niya ang nararamdaman, alam niyang para na rin niyang ipinahamak ang sarili.Pero ano naman ang kaya ang binata? Naitanong niya sa sarili kung may nararamdaman na rin kaya ito sa kanya? Kahit konti? O baka naman siya lang ang nag-aabalang mag-isip at wala lang siya sa amo?
Nasa kalahatian na ang programa ng makita ni Analyn na dumating si Elle, na may kasamang may edad ng mag-asawa. Marahil ay mga magulang niya ito at ni Brittany. Agad na dumiretso ang pamilya sa mesa kung saan nakaupo si Anthony.Napansin ni Analyn na laging nakadikit si Elle kay Anthony kahit saan man ito magpunta sa loob ng venue. Kahit may kausap si Anthony, nasa di-kalayuan lang si Elle at nakamasid. Sa mga hindi nakakakilala kay Elle, iisipin nila na interesado si Elle kay Anthony dahil sa ginagawa nito. Napansin din ni Anthony ang ginagawa ng dalaga kaya mahinahon niya itong pinagsabihan. “Elle, bisita ka ngayon. Huwag mo akong buntutan. Kung may sasabihin ka sa akin, let’s schedule it on another day. But not now. I am busy entertaining my guests.”“Nakita ko kasi ang bwisit na babaeng ‘yun. Baka lapitan ka, kaya binabakuran kita.”“Elle.”“Ayokong napagkikita ka sa mga okasyong katulad nito na kasama mo siya. Hindi bagay!”Hindi sinagot ni Anthony si Elle. Sa halip, lumingon s
Hindi kilala ni Analyn ang lalaki. Ni hindi niya alam kung bisita ba ng DLM ito. Pansin niya ang namumula nitong mga mata.Biglang tumayo si Analyn mula sa kinauupuan. “Sino ka? Umalis ka na, bago pa ako tumawag ng guard.”“Ako? Pinapaalis mo?” sagot ng lalaki at saka humakbang palapit kay Analyn.“Lumayo ka, huwag mo akong hahawakan.” Pilit na pinapatatag ni Analyn ang boses niya sa kabila ng takot na nararamdaman niya.Pero humakbang pa rin ang lalaki at mabilis na nahawakan ang pisngi niya.“Oh, hinawakan kita. Ano’ng mangyayari?” nang-aasar na sabi nito.Tinabig ni Analyn ang kamay ng lalaki. “Aalis
“Sir Anthony! Nahuli namin ang walanghiya!” sigaw mula sa likuran ni Anthony. Lumingon si Anthony sa likod, nakita niya ang hindi kilalang lalaki na nagpupumiglas mula sa pagkakahawak ng mga lalaking empleyado ng DLM. Napansin din niya ang dugo sa may kilay nito at sa gilid ng bibig. Mabilis siyang tumayo at nagmamadaling sinugod ang lalaking gumawa ng kahalayan kay Analyn. Pinagsusuntok niya ito nang walang humpay hanggang sa halos hindi na makilala ang mukha nito. Napamaang ang nanonood na si Vivian. Hindi niya akalain na gagawin ng amo ang ganito, ang tahasang ipakita sa mga empleyado ng DLM at mga matataas na mga bisita kung paano niya iginanti ang sinapit ni Analyn. Nababaliw na ba ang amo ko?! Sa totoo lang, nasorpresa talaga ang lahat ng mga naroroon. Hindi nila maunawaan kung bakit ganun na lang ang galit ng presidente ng DLM sa lalaking nagtangka sa empleyado niya. Sa isang babaeng empleyado.Oo. Obligado ang DLM na protektahan ang kanilang mga empleyado, pero parang
Nasa isang fruit stand si Analyn. Dumaan muna siya roon para bumili ng prutas. Dadalawin niya si Elle ngayon sa ospital. Mabuti na lang at dun din naka-confine ang dalaga kung saan naroon ang Papa niya. Kukunin na sana niya ang wallet niya sa loob ng bag ng marinig niya ang pamilyar na boses ni Anthony. Hinanap niya ang pinagmumulan ng boses nito. Doon pala sa TV iyon nanggagaling. Kasalukuyang ini-interview si Anthony ng mga reporter tungkol sa nangyari nung gabi ng party ng DLM. Sa background ay ang hotel na pinagdausan ng party at may nakalagay na abiso na UNDER RENOVATION. Wala naman kasing magagawa ang management ng hotel kung hindi sumunod sa gusto ni Anthony. Makapangyarihan ang batang presidente ng DLM. Kayang-kaya niya talaga ipasara ang hotel kapag ginusto niya. “Miss, magbabayad ka ba o manonood muna ng balita?” “Ay, eto…” sagot ni Analyn, sabay dukot ng wallet niya sa bag. Iniabot niya sa babae ang bayad niya at saka kinuha ang pinamili.NASA female medical ward ng os
Pagkalabas mula sa kuwarto ni Elle ay diretso ng umalis ng ospital si Analyn. Hindi na muna siya dumaan sa kuwarto ng Papa niya. May mas importante siyang kailangang lakarin.Agad siyang pumara ng taxi. Habang sakay ng taxi, naalala niya ang narinig niyang usapan nila Anthony at Vivian kagabi habang nasa study room ang lalaki. Naka-speaker ang telepono ni Anthony kaya niya narinig. Dalawa lang kasi sila sa bahay kaya siguro kampante si Anthony na ilagay sa speaker mode ang telepono nito. Isa pa, hindi siguro niya akalain na lalabas si Analyn sa kuwartong pinaglagakan niya sa babae. Lumabas kasi si Analyn at hinanap si Anthony para sana sabihin dito na magpadala ng damit niya. Gusto kasi niyang palitan ang punit-punit niyang damit. Narinig ni Analyn kung paanong idinetalye ni Vivian ang gabing iyon na nagpunta sa Buenaventura si Anthony. Totoo namang kumain si Analyn at ang mga taga-Design department nung gabing iyon, at ipinaalam niya iyon kay Anthony. Pero nagkataon na nakita ni
Nakaramdam ng lungkot si Edward sa naging pasya ni Analyn. Nang bigla niyang napansin ang bakas ng kalmot sa leeg nito. “Wait. Sinaktan ka ba ni Anthony?”Napa-isip si Analyn. Bigla niyang naalala na baka nagurlisan nung lalaki ang leeg niya kagabi habang nanlalaban siya rito. “Hindi,” maikling sagot ni Analyn, “aalis na ko,” paalam niya sabay talikod na kay Edward. Nag-aalala siyang maungkat pa ang nangyari kagabi sa party. Pero nagulat ang dalaga ng bigla siyang haltakin ni Edward. “Magsabi ka ng totoo, sinaktan ka ba niya?”“Hindi nga!” inis na sagot ni Analyn. Bumaba mula sa treadmill si Edward at saka padaskol na hinila si Analyn. Agad namang pumalag si Analyn, pero sadyang mas malakas sa kanya ang lalaki kaya walang hirap itong natangay siya papunta sa kung saan.“Saan mo ba ako dadalhin?” tanong ni Analyn habang pinipilit alisin ang brasng hawak niya mula sa kamay ni Edward. Pumasok sila sa isang kuwarto na tila opisina. Iniupo siya ni Edward sa swivel chair na nasa liko
Pagbalik ni Anthony sa kuwarto ni Analyn, gising na ito pero nakatulalang nakaupo sa kama niya.“Bakit? May sakit ka ba?” tanong ni Edward habang naglalakad palapit kay Analyn. Nang huminto siya sa tapat ng babae ay sinalat niya ang noo nito para tingnan kung may lagnat ito. Hindi naiwasan ni Analyn na pagmasdan si Anthony. Sa totoo, hindi siya nakatulog ng nakaraang gabi dahil sa sinabi sa kanya ni Edward tungkol sa namamanang mental illness ng nanay ni Anthony. Parang ang hirap paniwalaan na meron na rin nung sakit si Anthony.“Okay lang ako.”Ngumiti si Anthony. “Good. Get up. Mag-almusal na tayo. Dadalaw tayo kay Elle.”Hindi na kumontra pa si Analyn at sumunod na kay Anthony.NAGTAKA si Analyn na hindi sila sa ospital nagpunta. Wala siyang alam na nakalabas na pala ng ospital ang babae. Ang bahay nila ay makaluma, at maliit lang kumpara sa bahay ng lolo ni Anthony na sobrang laki. Ang bahay nila Elle ay parang iyong katulad ng mga napapanood niya sa mga horror na pelikula. Iyon
Pagkatapos ng hindi pagkikita ng ilang araw, naging napakainit ng naging pagniniig ng mag-asawa. Himbing na himbing ang tulog ni Anthony ng nagising si Analyn. Dahan-dahan siyang bumangon. Nang bigla niyang naalala si Elle, baka sumagot na ang kaibigan sa mga text niya.Agad niyang dinampot ang telepono at saka binuksan iyon. Meron na ngang sagot si Elle. Hindi lang isa, kung hindi marami. Agad niyang binuksan ang mga mensahe nito. Nakalagay doon na nagpunta siya ng San Clemente para may asikasuhin tungkol sa negosyo nila. Sinabi rin niya na huwag siyang mag-alala dahil hindi pa sila nagpapanagpo ulit ni Alfie at okay lang siya. Huling mensahe ni Elle na huwag siyang mag-alala para sa kanya. Napa-isip si Analyn. May mali sa mga mensahe ni Elle. Masyado iyong pormal. Parang malayo sa Elle na kilala niya na laging may halong biro o sarkasmo ang pagsasalita nito kahit pa sa text lang. Parang hindi niya ma-imagine na ganun magsalita si Elle katulad ng nabasa niya.Sandali. Kailan pa kam
Humalakhak ng malakas si Eric.Tila naaliw ito sa sinabi ni Elle. “Joke ba ‘yan, Elle?” Pagkatapos ay muling tumawa ito.Natigilan si Elle, saka umiling. “Hindi. Totoo ang sinasabi ko.”Huminto sa pagtawa si Eric at saka itinulak si Elle. “Tapos na ang pagiging doktor at pasyente natin. Tapos na ang pagiging doktor ko sa ‘yo.”“Aw, come on, Doc Eric. Ang sabi mo noon ako lang ang gusto mong maging pasyente mo bilang isang psychologist. Actually, naguguluhan nga ako. Babalik ka pala rito sa San Clemente para pamahalaan ang mga negosyo ng pamilya n’yo, pero bakit ka pumunta sa Tierra Nueva para maging doktor ko?” Sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Eric at saka napailing. Bakit ba kasi halos lahat ng mga babae, tingin agad nila sa sarili nila ay espesyal sila sa mata ng isang lalaki? “Sa tingin mo, bakit?” mapanghamong tanong ni Eric kay Elle.Nagsalubong ang mga kilay ni Elle. “Hindi dahil sa akin?” Hinawakan ni Eric ang baba ni Elle, “masyado kang careless, Elle. Ano’ng n
“Sino ang batang ‘yan? Kamag-anak ba ni Anthony ‘yan?” “Hindi… bakit? Bakit parang apektado ka dun sa bata?”Nakahinga ng maluwag si Damian ng marinig niya ang sagot ni Analyn. “Pero bakit may mga litrato siya rito? At kasama pa lagi si Anthony?”“Kababata siya ni Anthony.”Tumango si Damian at saka sunod-sunod na lumunok. Ibinalik niya ang hawak na larawan. “Wala naman. Nagtaka lang ako kasi kamukhang-kamukha mo talaga.”Nagkibit-balikat si Analyn. “Ewan ko lang kung ano ang itsura niya ngayon na malaki na siya.”Piping naidasal na lang din ni Analyn na sana ay buhay pa si Ailyn na kababata ni Anthony.“Sa tingin ko, mas maganda ka sa kanya ngayon,” nakangiting komento ni Damian na may kasama pang pagtapik sa balikat ng anak. SAN CLEMENTE. Huling araw na ni Anthony ngayon sa nasabing lugar. Bukas ay babalik na siya sa Tierra Nueva. Bilang huling gabi, tinipon niya ang mga matataas na opisyal ng DLM, para magsalo silang lahat sa isang hapunan at para na rin magbigay si Anthony n
Kinabukasan ng umaga, nadatnan ni Analyn ang ama na nagpapa-araw sa bakuran. “Papa, ang aga mo namang magising?”“Nako… ganitong oras talaga ako magising. Palibhasa, ang natatandaan mo lang sa akin eh noong tulog lang ako ng tulog sa ospital.”Tumawa si Analyn.“Bakit wala pa siya?” tanong ni Damian. Kumunot ang noo ni Analyn. “Sino'ng siya?” Sumama ang tingin ni Damian sa anak. “Sino pa? Eh, di si Anthony! Sino pa ba?” Muling tumawa si Analyn. Gusto lang naman talaga niyang biruin ang ama.“Bakit kasi hindi mo tawagin sa pangalan niya? Dati naman ang tawag mo kay Eric, ang kaibigan kuno. Hindi rin sa pangalan niya,” natatawa pa ring sabi ni Analyn. Lihim na napangiti si Damian. Napansin niyang kaswal na lang na nababanggit ng anak si Eric. Ibig sabihin ay naka-move on na ito sa relasyon niya dati sa lalaki.“Siyempre! Pinalaki kita, dinamitan, tapos kukunin ka lang sa akin ng kung sinong poncio pilato?” galit-galitan na sagot ni Damian.“Okay, fine,” nakangiting sagot ni Analyn
Nang dumating sila Analyn at Damian sa bahay nila Analyn ay naayos at nalinis na ng mga kasambahay ang tutuluyang kuwarto ng ama. Naiilang si Damian magkikilos sa bahay ni Analyn. Hindi siya nasanay na may mga katulong na umaaligid sa kanya. Simple lang ang buhay niya noong bago siya magkasakit. Isa pa, nalalakihan siya sa bahay na iyon. Sobrang laki, at sobrang tahimik. Pero nagustuhan niya ang hardin. Doon lang siya nakatagpo ng kapayapaan. Pagkatapos kumain ng hapunan, hinanap ni Analyn ang ama pagkatapos niyang mag-shower. Nakita niya ito sa balkonahe at nakatingin sa malayo. Base sa mukha nito, hindi siya mukhang masaya.“Papa, bakit ka nakatulala riyan?” Parang biglang nagising si Damian at saka nilingon ang anak. “Wala lang… naninibago lang. Para kasing ibang-iba na ang paligid ngayon, kumpara nung bago ako nakatulog ng mahaba.” “Sa tingin mo ba nagbago na ko?” “Hindi ikaw ang sinasabi ko. Ang pananaw ko ang nagbago. Maupo ka.” Agad namang naupo si Analyn. “Nasaan naman
Nakahinga ng maluwag si Analyn ng nakita niya ang Papa niya at si Jan na magka-usap sa labas ng clinic nito. Naramdaman siguro ng dalawang lalaki ang presensiya niya dahil sabay itong lumingon sa direksyon niya. Agad na ngumiti si Damian kay Analyn. “Etong si Analyn, masyadong nag-aalala sa akin. Hindi naman ako mawawala,” sabi ni Damian habang papalapit na si Analyn.Akmang tatayo si Damian kaya agad itong inalalayan ni Jan. “Ganun lang talaga ang mga anak. Gusto lang nila masiguro na okay ang magulang nila,” sabi ni Jan habang nakaalalay kay Damian. Nahihiyang hinarap ni Analyn si Jan. “Thank you, Doc Jan. Pasensiya na sa abala. Sobrang nag-alala lang talaga ako kay Papa.”Naiilang naman si Jan kay Analyn kaya hindi niya ito direktang matingnan sa mga mata nito.“Wala ‘yun. Pasyente ko rin naman si Tito, at natural na magmalasakit pa rin ako sa kanya.” Pagkasabi nun ay inabot ni Jan kay Analyn ang resulta ng mga test ni Damian.“Okay naman ang mga result niya. Everything is g
Malayo-layo na ang nalakad ni Analyn pero ramdam na ramdam pa rin niya ang galit sa dibdib niya. “Ibang klase talaga!” inis na sabi ni Analyn.Pumara siya ng taxi at saka nagpahatid sa opisina. Nanginginig pa rin ang katawan ni Analyn kahit nung dumating na siya sa opisina ng Blank. “Oh, sister? Ano'ng nangyari sa ‘yo?” nagtatakang tanong ni Michelle. “Wala lang,” tipid na sagot ni Analyn, at saka dumiretso sa CR.Nakatitig si Analyn sa salamin habang nasa isip niya ang imahe ng mukha kanina ni Edward. Kilala niya si Edward bilang isang matino at matuwid na tao. Kung hindi lang sila magkaaway ni Anthony, baka sakaling naging magkaibigan pa sila. Pero malabo na ngayon ang maging magkaibigan pa sila dahil sa salitang sinabi ni Edward kanina. “Lover… hah! Paano niya nagawang sabihin ”yun?”Tinitigan ni Analyn ang repleksyon niya sa salamin. Iniisip niya na baka mali ang pagkakakilala niya kay Edward. Baka ganun na talaga ang ugali nito sa simula pa lamg at nagpapanggap lang na mat
Naguguluhan si Analyn. Marami siyang tanong sa isip niya. Kinuha niya ang telepono sa bag niya at saka tumipa ng tumipa roon. Mahaba na ang nata-type niya at saka niya pinindot ang SEND na buton. Palaisipan sa kanya kung ano ba ang naging kasalanan ng ama ni Edward at nakulong ito. At alam niyang si Anthony ang tamang tao na tanungin tungkol dito.Medyo naiinip na si Analyn sa paghihintay sa sagot ni Anthony. Inisip niyang baka naka-alis na ang eroplanong sasakyan ng asawa kaya hindi na ito nakasagot sa kanya. Kaya naman ng tumunog ang telepono niya ay nagulat siya. From: AnthonyAng mga pamilya ng Zamora at De la Merced ay may magkasalungat na relasyon. Nang pa-mahalaan ng Papa ko ang mga negosyo ng De la Merced, marami siyang binagong mga policy.Sinuyo niya ang mga Zamora para maging ka-alyado sila ng De la Merced. From: AnthonyNang nagtagumpay na si Papa at nakuha naniya ang loob ng matandang Zamora, agad na Silang nagpirmahan ng kontrata. Pagkatapos nun, tumaas na an
“Hindi na kami magtatagal, baka mahuli ako sa flight ko,” anunsyo ni Anthony, “sumaglit lang talaga kami ng asawa ko rito.”“Salamat,” sagot ni Mercy. Nasa lobby na ng ospital sina Anthony at Analyn. “Kailangan ko ng umalis, misis ko. Ipahatid na lang kita sa driver?” “Okay.”Samantala, kasunod na bumaba nila Anthony at Analyn si Edward, kaya nakita pa sila ng huli roon sa lobby ng ospital. Naabutan niya na hawak ni Anthony sa mga balikat niya si Analyn at binigyan ito ng halik sa kanyang noo. Sakto rin na pumarada ang sasakyan ni Anthony sa tapat ng dalawa at saka sumakay na roon si Anthony. Ibinaba ni Anthony ang salaming bintana.“Naalala ko pala. Iyong bahay na tinitirhan ngayon ng Papa mo, si Vhance ang naghanap nun, di ba?” “Oo.”“I don’t have the time. Kunin mo muna ang Papa mo roon at patirahin mo muna sa bahay natin. Nag-away kami ni Vhance. Mabuti na ‘yung nag-iingat tayo. Hindi natin alam ang takbo ng isip niya. Pwedeng gamitin niya ang Papa mo laban sa akin.”Alam