All Chapters of Love and Coffee Spills (SYJUCO SIBLINGS Series #1: XANDER): Chapter 81 - Chapter 90

107 Chapters

CHAPTER 81 - SOMEONE'S LOVER

“Are you sure okay ka lang? I can postpone the dinner if you are not feeling okay.” Kita sa mukha ni Xander ang pag-aalala sa nobya. Namomroblema si Tori kung paano niya sasabihin kay Xander na hindi siya okay, kasi may kakaiba siyang pakiramdam sa dinner na nakalaan para sa kanila“No, no. Don’t. Okay lang ako,” sagot ni Tori habang kinakain siya ng guilt sa pagsisinungaling sa nobyo.“No menstrual cramps or headache?”  “Wala. Sasabihin ko na lang sa iyo kapag hindi na maayos ang pakiramdam ko.”“Okay, Just tell me immediately, okay?” “Yup!” 
last updateLast Updated : 2024-12-11
Read more

CHAPTER 82 - I CALL IT QUITS

“Bilib din naman ako sa kapal ng apog mo,” dagdag pa ni Tori  na kay Rebecca pa rin nakatingin. Napatuwid sa pagkakatayo si Becca, pero hindi niya nagawang salagin ang patutsada ni Tori.“Kaya pala nung mamatay ang Mama ko, sumulpot si Laurice who is three years younger than me. So, who is someone’s lover, Auntie Rebecca?”Naramdaman ni Tori ang paghawak ni Xander sa kamay niya kaya napipilan na siya. Hindi niya alam kung senyales ba ni Xander iyon na huwag na siyang magsalita. Marahil ay pinapahinto siya ng nobyo na magsalita pa, kung nobyo pa nga ba niya si Xander pagkatapos ng rebelasyon na ito.“Lola, what are these people doing here? Akala ko ba celebration dinner ito ng relasyon namin ni Tori?”
last updateLast Updated : 2024-12-11
Read more

CHAPTER 83 - HELP ME

Hilam sa luha ang mga mata ni Tori. Hindi niya alam kung paano pa haharapin si Xander. Mabuti na lang at saktong may napadaang taxi nung pagkalabas niya ng mansyon ng mga Syjuco. “Saan po tayo, Mam?” alanganing tanong ng taxi driver nang makita siya sa rear mirror na umiiyak.Sandaling nag-isip si Tori. Gusto sana niyang pumunta sa bahay ni Vic. Gusto niyang may makausap at umalo sa kanya. Pero ayaw na niyang madamay si Vic at ang pamilya nito. Dahil sa narinig ng ama kanina, paniguradong iisipin nito na kay Vic siya tatakbo ngayon. Ayaw din niyang umuwi sa condo niya, tiyak na doon siya pupuntahan ni Xander. Natigilan bigla si Tori. Paano niya nasabing hahanapin siya ni Xander pagkatapos ng mga narinig nito kanina? Nang biglang narinig ni T
last updateLast Updated : 2024-12-12
Read more

CHAPTER 84 - POSITIVE

Napangiti si Tori habang nakatingin sa kalendaryo sa telepono niya. Lampas na siya sa dapat ay dadatnan siya ng kanyang monthly period. Mahigit isang buwan na simula ng may nangyari sa kanila ni Ruther. Napahaplos si Tori sa tiyan niya kahit hindi pa siya sigurado na buntis na nga siya. Pero sana nga ay may laman na nga ang tiyan niya. Bakasakaling ang sanggol ang magsalba sa relasyon nila ni Ruther. Hindi man niya mahal ang lalaki, pero kasal na sila. Puwede pa silang bumuo ng pamilya. Isang pamilyang matagal nang wala kay Tori. Iyong matatawag niyang sarili niyang pamilya. Napaspasyahan niyang magbihis para bumili na ng pregnancy kit.TUWANG-TUWA si Tori habang nakatingin sa dalawang kulay pulang guhit sa hawak niyang pregnancy test. Masaya siyang nagpaluto sa kusinera ng masarap at halos mga paborito ni Ruther n
last updateLast Updated : 2024-12-12
Read more

CHAPTER 85 - THAT IS NOT MY CHILD

“Cut the crap, Tori.”Natigilan si Tori, naiwan ang mga kamay niyang may hawak na kubyertos sa ere. Pagkatapos ay nilingon niya si Ruther. Matiim ang pagkakatingin sa kanya ng lalaki kaya napilitang ibaba ni Tori ang hawak na kutsara at tinidor sa gilid ng plato na nasa harapan niya. Pagkatapos ay matamis siyang ngumiti sa asawa habang palihim na dinudukot ang isang bagay mula sa bulsa ng suot niyang bestida.“Ruther, I am pregnant,” sabi ni Tori sa asawa sabay pakita ng ginamit niyang pregnancy kit. Hindi lang isang pregnancy kit, kung hindi tatlo. At lahat ng iyon ay iisa lang ang resulta.Nagsalubong ang mga kilay ni Ruther at hindi maipinta ang pagmumukha nito.
last updateLast Updated : 2024-12-12
Read more

CHAPTER 86 - NADULAS

“Tori, okay ka lang ba?”  Sabay na napalingon si Tori at ang kasambahay na naga-apply ng yelo sa pisngi ni Tori sa dumating. Kita sa mukha ni Chandra ang pag-aalala sa kaibigan. Agad na tumabi ito kay Tori sa sofa. Si Chandra ay nag-iisang kaibigan ni Tori. Naging magkaklase sila sa kolehiyo dahil sa iisang kurso lang sila. Mula ng unang taon nila sa kolehiyo, hindi na sila mapaghiwalay na dalawa. Si Chandra lang ang bukod-tanging nakakaunawa at nakakakilala kay Tori. Halos magkapatid na ang turingan nilang dalawa, lalo na si Tori na hindi naranasang magkaroon ng kapatid.  “Napaano ‘yan?” agad na tanon
last updateLast Updated : 2024-12-13
Read more

CHAPTER 87 - MAGLILIBANG

“Ay, sorry…” sagot naman ni Chandra na tuloy pa rin sa ginagawa sa pisngi ni Tori.“Ano ba naman… Paano ‘to, Tori? Eh di, hindi tayo makakagala nito sa itsura ng pisngi mo na ‘to? Mukha kang sinapak, eh! Masyadong tawag pansin ito. Gusto ko pa naman sana malibang. Pero ayaw ko ng ganitong klaseng paglilibang, Tori.” Napaisip si Tori. Nahulaan na kaya ni Chandra ang totoong nangyari sa pisngi niya at ayaw na lang nitong pag-usapan? Pinilit ni Tori na tumawa, para palabasing hindi naman seryoso ang pasa niya.“Pwede pa naman tayong maglibang kahit nandito lang tayo,” sagot ni Tori, “ano ba’ng gusto mo? Movie? K-drama? Manood tayo run sa entertainmen
last updateLast Updated : 2024-12-13
Read more

CHAPTER 88 - FEAR

Dalawang linggo na ang nakalipas mula ng malaman ni Tori ang pagbubuntis niya. Pero hindi pa nagyayaya si Ruther para sa check up ng kalagayan ni Tori.           Sinadyang abangan ni Tori si Ruther isang umaga bago ito pumasok sa trabaho. Nag-abang si Tori sa tapat ng pintuan ng kuwarto ng lalaki. Ilang minuto ring naghintay si Tori bago nagbukas ng pintuan si Ruther. Nagulat pa ito ng nakitang nakaupo sa labas ng pintuan niya si Tori.           “Ruther!”           Nagmamadaling tumayo si Tori. Pansin niya ang tila iritadong mukha ng lalaki pagkakita sa kanya. Mukha rin itong kulang sa tulog base sa pangangal
last updateLast Updated : 2024-12-13
Read more

CHAPTER 89 - CAUGHT

“Okay naman kayo ni baby, Tori. You are both healthy. Nasa second phase ka na ng pagbubuntis. Actually, patapos na, since nasa ika-sixth months na ang tiyan mo. Konting kembot na lang at papunta ka na sa third trimester and at last, you will be seeing your baby,” nakangiting sabi ng tumitinging doktora kay Tori at sa ipinagbubuntis niya. Malapad na napangiti si Tori. Excited na siya sa pagsisilang niya. Magkakaroon na siya ng kakampi, may matatawag na siyang pamilya. Kahit silang dalawa lang ng baby niya. Pipilitin niyang maging masaya silang dalawa. At mamahalin niya ito nang higit pa sa kaya niyang ibigay na pagmamahal.“By the way, I hope you don’t mind if I ask…”“Ano po ‘yun, doktora?” nakangiti pa ring tanong ni Tori. W
last updateLast Updated : 2024-12-14
Read more

CHAPTER 90 - AKO ANG PROBLEMA

Iyan agad ang tanong ni Adelaida kay Tori pagkatapos niyang  humigop ng kape mula sa tasa niya. Derecho itong tumitig sa mga mata ni Tori. Derecho ring tumingin si Tori sa mga mata ng biyenan. Ilang beses pa kaya niya patutunayan na anak ni Ruther ang batang nasa tiyan niya?“Opo at walang duda.”Hindi pa rin inaalis ni Adelaida ang titig niya sa mga mata ni Tori, na para bang binabasa niya roon ang sinseridad ng sinabi nito. Mayamaya ay tila lumuwag na ang pakiramdam nito. Binawi ang tingin kay Tori at saka muling humigop ng kape mula sa tasa niya. At saka lang napansin ni Adelaida na hindi ginagalaw ni Tori ang shake na inorder niya. “Inumin mo na ‘yang shake mo.”
last updateLast Updated : 2024-12-14
Read more
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status