All Chapters of Love and Coffee Spills (SYJUCO SIBLINGS Series #1: XANDER): Chapter 71 - Chapter 80

107 Chapters

CHAPTER 71 - SOMEONE FROM THE PAST

Mula nung gabing iyon, hindi man pormal na sinagot na ni Tori ang binata, pero may pagkakaunawaan na sila ni Xander na may something special sa pagitan nilang dalawa. Paano mo ba naman mahihindian ang binata sa ipinaparanas nitong pag-aalaga kay Tori? Daig pa ni Tori ang isang prinsesa kung itrato siya ng binata. Isa lang ang napapansin ng dalaga, hindi kay Xander, kung hindi sa lola nitong si Clover at sa tatlong kaibigan nito. Tila hindi na sila nakikipagkuwentuhan sa dalaga sa tuwing araw ng Saturday bonding ng apat na pamilya. Hindi katulad noon na halos nakapalibot sa kanya ang apat na matriarka ng apat na pamilya. O baka naman sadyang binibigyan lang sila ni Xander ng apat na ginang ng pagkakataon na mas lalo pa nilang makilala ang isa’t isa. “Lunch time na, beautiful.”Nilingon ni Tori ang pamilya
last updateLast Updated : 2024-12-08
Read more

CHAPTER 72 - KABADO BENTE

Napabuga ng hangin si Tori. Bakit ba hindi siya nilalayuan ni Ruther. Bakit ba hindi pa siya makalayo sa lalaki? Kasalanan niya rin ito. Sana hindi siya pumayag noon. Sana, ipinaglaban niya ang karapatan niya. Dapat, hindi siya nagpagamit. Kung bakit kasi nakiayon na lang siya sa agos noon. Palibhasa, wala siyang pamilyang matatawag noon. Walang gumagabay sa kanya, walang nagmamahal. Eh di sana, hindi nangyari ang lahat. Eh di sana, wala siyang itinatago kay Xander ngayon. Paano sila liligaya nang tuluyan ni Xander kung ganitong may multo ng nakaraan na nasa pagitan nila?Mariing pumikit si Tori. At sa pagpikit niyang iyon, muling nagbalik ang mga alaala. Pakiramdam ni Tori ay may biglang sumakit sa mga braso niya. Mahapdi iyon. Tila nanunuot ang sakit. Nakagat niya nang hindi sinasadya ang ibabang labi niya. Katulad ng ginagawa niya noon kapag gusto niyang pigiling madama ang sakit na nararamdaman niya.
last updateLast Updated : 2024-12-08
Read more

CHAPTER 73 - WALA SA MOOD

Sinalubong ni Xandra si Xander ng dumating sila ni Tori sa bahay ng mga Syjuco. Nagkataon na naroroon din ang mag-asawang Clover at Judd. Mahigpit na niyakap ni Clover ang apo. Samantalang napansin ni Tori na parang napilitan lang siyang yakapin ng matanda nang batiin niya ito.“‘La, bakit kayo narito ngayon?”“Nagpasama ang Lolo mo sa Mommy mo sa check-up niya sa puso.”“Ah, I see… okay naman po ba si Lolo?”“Oo, okay naman. Takot lang niyang hindi mag-behave, eh di nasermunan ko siya ng katakot-takot. Kaya nga isinasama ang Mommy mo para may taga-awat siya sa akin, eh.”Mahinang natawa si Xander.“Ikaw naman, &ls
last updateLast Updated : 2024-12-08
Read more

CHAPTER 74 - GIRLFRIEND

Soft opening ng AMour Cafè. A para sa Araullo, at M para sa Madrigal, ang dalawang pamilya na nagsanib at utak ng car dealership na ang tawag ngayon ay Madraullo Motors. At AMour, dahil dito sa kumpanya nabuo ang isang pag-ibig. Katulad ng inaasahan, kumpletong dumalo ang apat na pamilya. Hindi mo talaga sila pwedeng matibag kung ang pag-uusapan ay ang suporta nila sa isa’t isa. Tunay namang higit pa sa magkakadugo ang turingan nila, at iyon ang lubos na hinahangaan sa kanila ni Tori. Sila-sila lang ang nandito, pati na ang mga higher management ng kumpanya. “So, one down? One to go?” sabi ni Xia nang lumapit kay Tori. 
last updateLast Updated : 2024-12-09
Read more

CHAPTER 75 - A VISITOR ON THE SOFT OPENING

“Narinig mo ‘yun, Xia?” masayang tanong ni Xander sa bunsong kapatid.“Hindi ako bingi, Kuya. Sa pagkakatanda ko, naglinis ako ng ears ko bago ako nagpunta rito sa soft opening ng AMour Cafè,” seryosong sagot ni Xia, pero halata namang inaasar lang niya ang kapatid.Humarap si Xander sa kapatid, tapos ay hinawakan ang magkabilang balikat ng ni Xia.“She said yes, baby sis! She said yes!” sabi ni Xander sa kapatid habang inaalog-alog ang katawan nito. “I know, right? Narinig ko. Loud and clear. But stop what you are doing to me, or else, ipapabawi ko kay Tori ang pagsagot niya sa ‘yo,” pagrereklamo ni Xia. Tila napapasong biglang
last updateLast Updated : 2024-12-09
Read more

CHAPTER 76 - CELEBRATION

“Congrats, anak. Kung nakikita natin ang Mama mo ngayon, paniguradong all smiles sa iyo ngayon iyon ‘yun at proud na proud. Hindi ka lang nakatapos, magna cum laude ka pa.” Malapad na ngumiti si Tori. Bigla niya tuloy na-miss ang Mama niya. Hindi pa niya nakasama ang mama niya sa alinmang graduation ceremony sa buong buhay niya dahil sampung taon lang siya ng bawian ito ng buhay. Nung araw ng graduation niya sa grade six, si Yaya Caring lang ang dumalo sa araw na iyon dahil busy ang Papa niya sa kaarawan ng kapatid niya sa ama na si Laurice. Nung High School graduation naman niya ay araw naman ng kumpil ni Laurice, kaya ang yaya pa rin niya ang dumalo sa pagtatapos niya. Siguro ay nasanay na lang din si Tori sa ganung malamig na pagtrato sa kanya ng kanyang Papa, kaya balewala na lang sa kanya kung hindi man ito nakapunta. Sa awa sa alaga, pilit namang pinunan ni Yaya Caring ang pagkukulang ng amo kaya ipinasyal niya si Tori sa isang sikat na mall at nanood sila ng sine na hindi lag
last updateLast Updated : 2024-12-09
Read more

CHAPTER 77 - FAMILY DINNER GONE WRONG

Nakabihis na si Tori. Kasalukuyan niyang pinagmamasdan ang sarili sa full-length mirror sa loob ng kuwarto niya. Nasa likuran niya ang kanyang yaya at pinagmamasdan din siya sa salamin.“Ang ganda ng fitting sa akin ano, Yaya?” nakangiting tanong ni Tori.“Oo, anak. Dalagang-dalaga ka na,” nakangiting sagot ni Caring, pero kasabay ang pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata.Napansin iyon ni Tori kaya humarap siya sa yaya niya.  “‘Ya? Bakit may kasamang iyak?” nakapamewang na kuwestiyon niya. Biglang ngumiti si Caring. “Tears of joy, ano ka ba naman? Eh
last updateLast Updated : 2024-12-10
Read more

CHAPTER 78 - SORRY

Bahagyang napaigtad si Tori nang tumunog ang telepono niya na nasa ibabaw ng dashboard ng sasakyan niya. Kanina pa siya hindi mapakali habang nagda-drive pauwi ng condominium unit niya. Hindi na niya kasi alam kung paano ipapaliwanag kay Xander ang biglaan niyang pag-alis sa soft opening ng AMour Cafè. Siguradong-sigurado si Tori na si Xander ang tumatawag ngayon sa kanya.  Wala naman siyang magagawa kung hindi ang sagutin ang tawag ng boyfriend. Boyfriend. Parang hanggang ngayon ay hindi mapaniwalaan ni Tori na boyfriend na niya ang lalaki. Nakakatuwa, at the same time, nakakatakot ang desisyon niyang iyon. Isang suntok sa buwan na desisyon. Napilitang damputin ni Tori ang telepono niya at saka siya nagbuga ng hangin
last updateLast Updated : 2024-12-10
Read more

CHAPTER 79 - IT'S VERY TORI

Palakad-lakad si Tori sa sala ng unit niya. Hindi siya mapakali habang hinihintay ang tawag o text ni Xander na nandito na siya sa building. Hindi pa naman siya marunong umarte. Hindi niya alam kung kaya niyang pangatawanan na may monthly period nga talaga siya ngayon. Wala sa sarili na napasabunot si Tori sa buhok niya. Nagi-guilty siya, hindi naman niya gustong magsinungaling kay Xander. Pero kapag hindi naman niya ginawa iyon, baka iwasan na siya ng binata kapag nalaman nito na hindi si Vic ang totoong ama niya. Ito na nga ba ang sinasabi niya noon. Dapat hindi na siya nakipagmabutihan sa binata. Dapat, hindi na niya in-entertain ang nararamdaman niya para rito. Namali yata siya ng desisyon. Dapat, lumayo na agad siya sa binata para hindi na niya naramdaman dito ang nararamdaman niya ngayon.&nbs
last updateLast Updated : 2024-12-10
Read more

CHAPTER 80 - MAY PART 2

Punong-puno ng mga katanungan ang isip ni Tori kaya nabigla na lang siya na dumikit ang mga labi ni Xander sa mga labi niya. Namilog ang mga mata ni Tori. Iyan ang inisyal na reaksyon niya. Pero nang nadama niya ang malambot na labi nito na nilalaro-laro ang mga labi niya ay sumabay na rin siya sa galaw ng mga labi ni Xander. Iniangat pa ni Tori ang mga kamay at ipinatong sa mga dibdib ng binata. Ngayon lang nahawakan ni Tori ang dibdib ni Xander. Ang tigas ng mga iyon. Bahagya pang idiniin ni Tori ang mga palad niya sa bahagi na iyon ng katawan ng binata. Hindi man nakikita pa ng kanyang mga mata ay humanga na siya sa katawan ng binata sa pagkakasalat niya sa mga iyon. Pihadong maganda ang katawan nito kung pagbabasehan niya ang tigas ng mga dibdib niya. Hinawakan naman ni Xander ang bewang ni Tori at saka hinapit ang katawan nito nang bahagya pala
last updateLast Updated : 2024-12-11
Read more
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status