Mula nung gabing iyon, hindi man pormal na sinagot na ni Tori ang binata, pero may pagkakaunawaan na sila ni Xander na may something special sa pagitan nilang dalawa. Paano mo ba naman mahihindian ang binata sa ipinaparanas nitong pag-aalaga kay Tori? Daig pa ni Tori ang isang prinsesa kung itrato siya ng binata.
Isa lang ang napapansin ng dalaga, hindi kay Xander, kung hindi sa lola nitong si Clover at sa tatlong kaibigan nito. Tila hindi na sila nakikipagkuwentuhan sa dalaga sa tuwing araw ng Saturday bonding ng apat na pamilya. Hindi katulad noon na halos nakapalibot sa kanya ang apat na matriarka ng apat na pamilya. O baka naman sadyang binibigyan lang sila ni Xander ng apat na ginang ng pagkakataon na mas lalo pa nilang makilala ang isa’t isa.
“Lunch time na, beautiful.”
Nilingon ni Tori ang pamilya
Napabuga ng hangin si Tori. Bakit ba hindi siya nilalayuan ni Ruther. Bakit ba hindi pa siya makalayo sa lalaki? Kasalanan niya rin ito. Sana hindi siya pumayag noon. Sana, ipinaglaban niya ang karapatan niya. Dapat, hindi siya nagpagamit. Kung bakit kasi nakiayon na lang siya sa agos noon. Palibhasa, wala siyang pamilyang matatawag noon. Walang gumagabay sa kanya, walang nagmamahal. Eh di sana, hindi nangyari ang lahat. Eh di sana, wala siyang itinatago kay Xander ngayon. Paano sila liligaya nang tuluyan ni Xander kung ganitong may multo ng nakaraan na nasa pagitan nila?Mariing pumikit si Tori. At sa pagpikit niyang iyon, muling nagbalik ang mga alaala. Pakiramdam ni Tori ay may biglang sumakit sa mga braso niya. Mahapdi iyon. Tila nanunuot ang sakit. Nakagat niya nang hindi sinasadya ang ibabang labi niya. Katulad ng ginagawa niya noon kapag gusto niyang pigiling madama ang sakit na nararamdaman niya.
Sinalubong ni Xandra si Xander ng dumating sila ni Tori sa bahay ng mga Syjuco. Nagkataon na naroroon din ang mag-asawang Clover at Judd. Mahigpit na niyakap ni Clover ang apo. Samantalang napansin ni Tori na parang napilitan lang siyang yakapin ng matanda nang batiin niya ito.“‘La, bakit kayo narito ngayon?”“Nagpasama ang Lolo mo sa Mommy mo sa check-up niya sa puso.”“Ah, I see… okay naman po ba si Lolo?”“Oo, okay naman. Takot lang niyang hindi mag-behave, eh di nasermunan ko siya ng katakot-takot. Kaya nga isinasama ang Mommy mo para may taga-awat siya sa akin, eh.”Mahinang natawa si Xander.“Ikaw naman, &ls
Soft opening ng AMour Cafè. A para sa Araullo, at M para sa Madrigal, ang dalawang pamilya na nagsanib at utak ng car dealership na ang tawag ngayon ay Madraullo Motors. At AMour, dahil dito sa kumpanya nabuo ang isang pag-ibig.Katulad ng inaasahan, kumpletong dumalo ang apat na pamilya. Hindi mo talaga sila pwedeng matibag kung ang pag-uusapan ay ang suporta nila sa isa’t isa. Tunay namang higit pa sa magkakadugo ang turingan nila, at iyon ang lubos na hinahangaan sa kanila ni Tori. Sila-sila lang ang nandito, pati na ang mga higher management ng kumpanya.“So, one down? One to go?” sabi ni Xia nang lumapit kay Tori.
“Narinig mo ‘yun, Xia?” masayang tanong ni Xander sa bunsong kapatid.“Hindi ako bingi, Kuya. Sa pagkakatanda ko, naglinis ako ng ears ko bago ako nagpunta rito sa soft opening ng AMour Cafè,” seryosong sagot ni Xia, pero halata namang inaasar lang niya ang kapatid.Humarap si Xander sa kapatid, tapos ay hinawakan ang magkabilang balikat ng ni Xia.“She said yes, baby sis! She said yes!” sabi ni Xander sa kapatid habang inaalog-alog ang katawan nito.“I know, right? Narinig ko. Loud and clear. But stop what you are doing to me, or else, ipapabawi ko kay Tori ang pagsagot niya sa ‘yo,” pagrereklamo ni Xia.Tila napapasong biglang
“Congrats, anak. Kung nakikita natin ang Mama mo ngayon, paniguradong all smiles sa iyo ngayon iyon ‘yun at proud na proud. Hindi ka lang nakatapos, magna cum laude ka pa.” Malapad na ngumiti si Tori. Bigla niya tuloy na-miss ang Mama niya. Hindi pa niya nakasama ang mama niya sa alinmang graduation ceremony sa buong buhay niya dahil sampung taon lang siya ng bawian ito ng buhay. Nung araw ng graduation niya sa grade six, si Yaya Caring lang ang dumalo sa araw na iyon dahil busy ang Papa niya sa kaarawan ng kapatid niya sa ama na si Laurice. Nung High School graduation naman niya ay araw naman ng kumpil ni Laurice, kaya ang yaya pa rin niya ang dumalo sa pagtatapos niya. Siguro ay nasanay na lang din si Tori sa ganung malamig na pagtrato sa kanya ng kanyang Papa, kaya balewala na lang sa kanya kung hindi man ito nakapunta. Sa awa sa alaga, pilit namang pinunan ni Yaya Caring ang pagkukulang ng amo kaya ipinasyal niya si Tori sa isang sikat na mall at nanood sila ng sine na hindi lag
Nakabihis na si Tori. Kasalukuyan niyang pinagmamasdan ang sarili sa full-length mirror sa loob ng kuwarto niya. Nasa likuran niya ang kanyang yaya at pinagmamasdan din siya sa salamin.“Ang ganda ng fitting sa akin ano, Yaya?” nakangiting tanong ni Tori.“Oo, anak. Dalagang-dalaga ka na,” nakangiting sagot ni Caring, pero kasabay ang pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata.Napansin iyon ni Tori kaya humarap siya sa yaya niya.“‘Ya? Bakit may kasamang iyak?” nakapamewang na kuwestiyon niya.Biglang ngumiti si Caring.“Tears of joy, ano ka ba naman? Eh
Bahagyang napaigtad si Tori nang tumunog ang telepono niya na nasa ibabaw ng dashboard ng sasakyan niya. Kanina pa siya hindi mapakali habang nagda-drive pauwi ng condominium unit niya. Hindi na niya kasi alam kung paano ipapaliwanag kay Xander ang biglaan niyang pag-alis sa soft opening ng AMour Cafè. Siguradong-sigurado si Tori na si Xander ang tumatawag ngayon sa kanya. Wala naman siyang magagawa kung hindi ang sagutin ang tawag ng boyfriend. Boyfriend. Parang hanggang ngayon ay hindi mapaniwalaan ni Tori na boyfriend na niya ang lalaki. Nakakatuwa, at the same time, nakakatakot ang desisyon niyang iyon. Isang suntok sa buwan na desisyon.Napilitang damputin ni Tori ang telepono niya at saka siya nagbuga ng hangin
Palakad-lakad si Tori sa sala ng unit niya. Hindi siya mapakali habang hinihintay ang tawag o text ni Xander na nandito na siya sa building. Hindi pa naman siya marunong umarte. Hindi niya alam kung kaya niyang pangatawanan na may monthly period nga talaga siya ngayon.Wala sa sarili na napasabunot si Tori sa buhok niya. Nagi-guilty siya, hindi naman niya gustong magsinungaling kay Xander. Pero kapag hindi naman niya ginawa iyon, baka iwasan na siya ng binata kapag nalaman nito na hindi si Vic ang totoong ama niya.Ito na nga ba ang sinasabi niya noon. Dapat hindi na siya nakipagmabutihan sa binata. Dapat, hindi na niya in-entertain ang nararamdaman niya para rito.Namali yata siya ng desisyon. Dapat, lumayo na agad siya sa binata para hindi na niya naramdaman dito ang nararamdaman niya ngayon.&nbs
“Yes, darling ko. You see, lahat kami sa pamilya… mula kay Lolo Judd and Lola Clover, meron kami lahat. In fact, lahat ng apat na pamilya. Meron lahat ng family members.”Hindi nakapagsalita agad si Tori. Namamangha siya sa idea ng tracking device na nakakabit sa lahat ng miyembro ng pamilya ng apat na magkakaibigan.“Actually, the idea originated from Lolo Klarence. As you know, siya ang pinakamayaman sa apat na magkakaibigan. Being the heir to their family business, sinigurado niya na kung may kikidnap man sa kanya, mahahanap din siya agad thru his tracking device. And so, nung nakidnap nga si siya, nakita nila Lolo Judd, Lolo Adam at Lolo Chad na it’s a good idea for the safety of all the family members.”Hindi pa rin nakapag-react si Tori. Iniisip niya ngayon kung ano kaya ang itsura ng tracking device sa loob ng ngipin niya. Napagkamalan naman ni Xander na labag sa loob ng dalaga ang ginawa niyang walang paalam na
Inilapag ni Xander ang dalang dalawang flower arrangement sa harap ng puntod. Inilagay niya iyon sa magkabilang gilid, pagkatapos ay tumuwid na siya ng tayo. Sandali siyang pumikit at nag-usal ng panalangin.“I hope you like the flowers,” bungad agad ni Xander pagkadilat niya ng nga mata, “iyan kasi ang sabi nung napagtanungan ko na gusto mong bulaklak,” pagkausap ni Xander sa pangalan na nakaukit sa mamahaling lapida sa harapan niya.“Sana lang, hindi nagkamali iyong taong pinagtanungan ko. Baka kasi magalit ka sa akin at multuhin mo ako kapag mali pala itong dala kong mga bulaklak para sa iyo.”Inilipat ng tingin ni Xander ang mga mata niya sa isa pang pangalan na nakaukit sa parehong lapida. Nasa ilalim ito ng unang pangalan. Tipid siyang ngumiti.“Hello, there! Nice meeting you, little one. Be an angel always. I’m sorry for what happened to you. Believe it or not… mahal kita. Nakakahinayang&hellip
Xander kissed Tori passionately.Pakiramdam ni Tori ay hindi siya makahinga sa klase ng halik na ibinibigay ng binata ngayon sa kanya. Punung-puno ng pagkasabik ang mga halik nito, halatang na-miss nga siya ng sobra ng binata. Kaya naman ginantihan niya ng ganun ding kaalab na halik ang mga halik ng binata. At marahil dahil sa epekto ng alak kaya kusang loob na ring tinutugunan ni Tori ang mga halik ni Xander. Para sa dalaga, lasing na siya sa alak, pero mas nakakalasing ang mga halik nito.Dalang-dala na si Tori sa init ng paghahalikan nila. Hindi na niya alam kung ilang beses niyang narinig ang sarili na umungol. Ang mga kamay niya ay pinaglandas niya sa matipunong mga dibdib ng binata. Pakiramdam niya, bawat paghaplos niya sa dibdib nito ay dumadagdag sa init na nararamdaman niya ngayon. Idagdag pa na pina-init na ang katawan niya ng alak na nainom niya kanina. Darang na darang na si Tori. Kung hihilingin ni Xander ang katawan niya, hindi siya magdadalawang-is
Nagising si Tori. Sa tantiya niya ay mag-uumaga na base sa naririnig niyang mga huni ng mga insekto at ibin sa labas ng bintana.Nagtaka pa siya na iba ang disenyo ng kuwartong kinaroroonan niya at wala siya sa kuwartong tinutulugan nya sa bahay nila Sonia. Saka lang unti-unting bumalik sa isip niya ang mga nangyari at kung nasaan siya ngayon.Nanlaki ang mga mata niya nang maalala niya ang huling eksena na naalala niya. Naalala niyang nalasing na siya kagabi pagkatapos nilang kumain ng early dinner. Pinilit niyang alalahanin pa ang mga nangyari pagkatapos pero tila wala nang rumerehistro sa utak niya. Mahinang napasinghap si Tori nang biglang may humapit sa katawan niya mula sa likuran. Nakatagilid kasi siya kaya hindi niya alam kung sino ba iyon. Isiniksik pa ng kung sino man ang mukha nito sa gilid ng leeg niya. BIglang kinabahan si Tori. Base sa bigat ng kamay nito na nakayakap sa tiyan niya, nahulaan ni Tori na lalaki ang nasa likur
Napapikit si Tori ng gumuhit ang mainit na likido sa lalamunan niya. Bahagya pa niyang ipinilig ang ulo niya. Kanina pa siya nage-enjoy sa pag-inom ng alak na iniabot sa kanya ni Xander. Ang sabi naman ni Xander ay konti lang ang alcohol content ng alak. “So, what can you say about the place?” tanong ni Xander.May katagalan na rin silang umiinom ng wine habang may nakahain na iba’t-ibang chips sa ibabaw ng mesa. Sabi ni Xander ay para matunaw ang ga-bundok niyang kinain. Pero alam naman ni Tori na exaggerated lang iyong bundok. Pero sa totoo, marami naman talaga siyang nakain kanina. Nagutom siya sa madamdaming pakikipag-usap sa tatlong tao kanina. Pero hindi naman siguro kasing-laki at kasing-lawak ng bundok ang nakain niya.Tumango-tango si Tori, “it’s so lovely and yet, so peaceful…”“So you like it?” follow-up question ni Xander.Uminom si Tori ng wine mula s
Ahhhh… busog na busog ako!” sabi ni Tori habang hinihimas ang maumbok niyang tiyan.Natawa naman si Xander sa inakto ng babae. Natutuwa siya na nasiyahan ito sa mga pagkaing ipinahanda niya. “Nagustuhan mo ba lahat ng pagkain?” nakangiting tanong ni Xander habang pinagmamasdan ang tila batang kilos ni Tori.“Bakit hindi ko magugustuhan? Eh, favorite ko lang naman lahat ng pinahanda mo.”Napatigil sa paghimas ng tiyan niya si Tori, at saka kunot ang noo na nagtanong sa binata. “Paano mo nalaman ang mga paborito kong pagkain?” Nagkibit ng balikat si Xander.“Ako pa ba?” may pagyayabang na sagot niya, “lahat ng tungkol sa ‘yo, inaalam ko.”Tila lumukso ang puso ni Tori sa sinabi ni Xander. Natuwa siya na ganun siya kahalaga sa binata para alamin ang lahat tungkol sa kanya. Ngayon lang uli may nagpahalaga sa kanya nang ganun. “Ako lang naman ang hindi mahalaga sa ‘yo,” sundot pa ni Xander. Pabiro siyang inirapan ni Tori, “ang drama naman nito.”“Totoo naman. If I am important to you
Nainis si Tori sa tanong ni Xander. Heto na nga at nakikipaghalikan na siya sa binata, tapos may gana pa siyang magselos kay Gener?Pero sa tanong nga ba ni Xander siya nainis, o dahil sa paghinto ni Xander sa paghalik sa kanya?Both! Sagot ng utak ni Tori.Ubod lakas na itinulak ni Tori si Xander, at saka siya mabilis na tumayo at naglakad palayo mula kay Xander. Pero mas mabilis sa kanya si Xander dahil naramdaman na lang niya ang kamay nito sa braso niya.“Where are you going?” tanong sa kanya ng binata sabay hinto ni Tori dahil pigil-pigil siya ng binata.“Anywhere away from you!” inis na sagot ni Tori.Tumaas ang isang sul
Napatanong din si Tori sa sarili kung paanong alam ni Xander ang tungkol kay Gener at sa pagbibigay nito lagi ng gatas ng kalabaw sa kanya.“But I can ask someone to buy fresh milk sa grocery. Kahit ilan pang kahon ang gusto mo,” may pagyayabang na dagdag pa ni Xander.Nahalata ni Tori ang pagseselos ng binata kay Gener sa timbre ng salita nito. Pero binalewala niya iyon. Sa halip ay tinanong niya ito.“Bakit mo alam ‘yun?”“Hah! I have my own ways, darling,” may pagka-inis na sagot ni Xander.May sayang naramdaman si Tori sa kaalamang nagseselos ang binata kay Gener. Muntik pa siyang napangiti pero agad din niyang sinupil. Ayaw niyang makita
Hindi alam ni Tori kung paano pakakalmahin ang puso niya. Mula nang pumasok si Xander sa loob ng kuwarto at masilayan niya ito ay tila may sariling isip ang puso niya at nataranta na ito nang masilayan niyang muli ang guwapong mukha ni Xander. Medyo pumayat ito nang bahagya mula nung huli niya itong makita. Ang facial hair nito ay visible rin ngayon na tila ba ilang araw na itong hindi nakapag-ahit. Ayaw na ayaw pa naman ni Tori sa lalaki ang may balbas at bigote. Pero sa sitwasyon ni Xander, hindi iyon nakapagpa-turn off sa kanya. Sa halip, sa tingin niya ay bagay dito ang ganung konting buhok sa kanyang mukha. Tila ba nakadagdag pa ito sa kanyang kaguwapuhan. Bumrusko ng konti ang dating ng binata para sa kanya. Pakiramdam nga ngayon ni Tori ay gusto na niyang tumayo at salubungin ng yakap ang binatang tila slow motion na naglalakad patungo sa kanya. Nakasuot lang ito ng simpleng muscle sando at cargo pants pero hindi iyon nakabawas sa kaguwapuhan nito. Isang buwan lang siyang nap