Palakad-lakad si Tori sa sala ng unit niya. Hindi siya mapakali habang hinihintay ang tawag o text ni Xander na nandito na siya sa building. Hindi pa naman siya marunong umarte. Hindi niya alam kung kaya niyang pangatawanan na may monthly period nga talaga siya ngayon.
Wala sa sarili na napasabunot si Tori sa buhok niya. Nagi-guilty siya, hindi naman niya gustong magsinungaling kay Xander. Pero kapag hindi naman niya ginawa iyon, baka iwasan na siya ng binata kapag nalaman nito na hindi si Vic ang totoong ama niya.
Ito na nga ba ang sinasabi niya noon. Dapat hindi na siya nakipagmabutihan sa binata. Dapat, hindi na niya in-entertain ang nararamdaman niya para rito.
Namali yata siya ng desisyon. Dapat, lumayo na agad siya sa binata para hindi na niya naramdaman dito ang nararamdaman niya ngayon.&nbs
Punong-puno ng mga katanungan ang isip ni Tori kaya nabigla na lang siya na dumikit ang mga labi ni Xander sa mga labi niya. Namilog ang mga mata ni Tori. Iyan ang inisyal na reaksyon niya. Pero nang nadama niya ang malambot na labi nito na nilalaro-laro ang mga labi niya ay sumabay na rin siya sa galaw ng mga labi ni Xander. Iniangat pa ni Tori ang mga kamay at ipinatong sa mga dibdib ng binata.Ngayon lang nahawakan ni Tori ang dibdib ni Xander. Ang tigas ng mga iyon. Bahagya pang idiniin ni Tori ang mga palad niya sa bahagi na iyon ng katawan ng binata. Hindi man nakikita pa ng kanyang mga mata ay humanga na siya sa katawan ng binata sa pagkakasalat niya sa mga iyon. Pihadong maganda ang katawan nito kung pagbabasehan niya ang tigas ng mga dibdib niya.Hinawakan naman ni Xander ang bewang ni Tori at saka hinapit ang katawan nito nang bahagya pala
“Are you sure okay ka lang? I can postpone the dinner if you are not feeling okay.” Kita sa mukha ni Xander ang pag-aalala sa nobya. Namomroblema si Tori kung paano niya sasabihin kay Xander na hindi siya okay, kasi may kakaiba siyang pakiramdam sa dinner na nakalaan para sa kanila“No, no. Don’t. Okay lang ako,” sagot ni Tori habang kinakain siya ng guilt sa pagsisinungaling sa nobyo.“No menstrual cramps or headache?”“Wala. Sasabihin ko na lang sa iyo kapag hindi na maayos ang pakiramdam ko.”“Okay, Just tell me immediately, okay?”“Yup!”
“Bilib din naman ako sa kapal ng apog mo,” dagdag pa ni Tori na kay Rebecca pa rin nakatingin.Napatuwid sa pagkakatayo si Becca, pero hindi niya nagawang salagin ang patutsada ni Tori.“Kaya pala nung mamatay ang Mama ko, sumulpot si Laurice who is three years younger than me. So, who is someone’s lover, Auntie Rebecca?”Naramdaman ni Tori ang paghawak ni Xander sa kamay niya kaya napipilan na siya. Hindi niya alam kung senyales ba ni Xander iyon na huwag na siyang magsalita. Marahil ay pinapahinto siya ng nobyo na magsalita pa, kung nobyo pa nga ba niya si Xander pagkatapos ng rebelasyon na ito.“Lola, what are these people doing here? Akala ko ba celebration dinner ito ng relasyon namin ni Tori?”
Hilam sa luha ang mga mata ni Tori. Hindi niya alam kung paano pa haharapin si Xander. Mabuti na lang at saktong may napadaang taxi nung pagkalabas niya ng mansyon ng mga Syjuco.“Saan po tayo, Mam?” alanganing tanong ng taxi driver nang makita siya sa rear mirror na umiiyak.Sandaling nag-isip si Tori. Gusto sana niyang pumunta sa bahay ni Vic. Gusto niyang may makausap at umalo sa kanya. Pero ayaw na niyang madamay si Vic at ang pamilya nito. Dahil sa narinig ng ama kanina, paniguradong iisipin nito na kay Vic siya tatakbo ngayon.Ayaw din niyang umuwi sa condo niya, tiyak na doon siya pupuntahan ni Xander. Natigilan bigla si Tori. Paano niya nasabing hahanapin siya ni Xander pagkatapos ng mga narinig nito kanina?Nang biglang narinig ni T
Napangiti si Tori habang nakatingin sa kalendaryo sa telepono niya. Lampas na siya sa dapat ay dadatnan siya ng kanyang monthly period. Mahigit isang buwan na simula ng may nangyari sa kanila ni Ruther. Napahaplos si Tori sa tiyan niya kahit hindi pa siya sigurado na buntis na nga siya. Pero sana nga ay may laman na nga ang tiyan niya. Bakasakaling ang sanggol ang magsalba sa relasyon nila ni Ruther. Hindi man niya mahal ang lalaki, pero kasal na sila. Puwede pa silang bumuo ng pamilya. Isang pamilyang matagal nang wala kay Tori. Iyong matatawag niyang sarili niyang pamilya. Napaspasyahan niyang magbihis para bumili na ng pregnancy kit.TUWANG-TUWA si Tori habang nakatingin sa dalawang kulay pulang guhit sa hawak niyang pregnancy test. Masaya siyang nagpaluto sa kusinera ng masarap at halos mga paborito ni Ruther n
“Cut the crap, Tori.”Natigilan si Tori, naiwan ang mga kamay niyang may hawak na kubyertos sa ere. Pagkatapos ay nilingon niya si Ruther. Matiim ang pagkakatingin sa kanya ng lalaki kaya napilitang ibaba ni Tori ang hawak na kutsara at tinidor sa gilid ng plato na nasa harapan niya.Pagkatapos ay matamis siyang ngumiti sa asawa habang palihim na dinudukot ang isang bagay mula sa bulsa ng suot niyang bestida.“Ruther, I am pregnant,” sabi ni Tori sa asawa sabay pakita ng ginamit niyang pregnancy kit. Hindi lang isang pregnancy kit, kung hindi tatlo. At lahat ng iyon ay iisa lang ang resulta.Nagsalubong ang mga kilay ni Ruther at hindi maipinta ang pagmumukha nito.
“Tori, okay ka lang ba?” Sabay na napalingon si Tori at ang kasambahay na naga-apply ng yelo sa pisngi ni Tori sa dumating. Kita sa mukha ni Chandra ang pag-aalala sa kaibigan. Agad na tumabi ito kay Tori sa sofa. Si Chandra ay nag-iisang kaibigan ni Tori. Naging magkaklase sila sa kolehiyo dahil sa iisang kurso lang sila. Mula ng unang taon nila sa kolehiyo, hindi na sila mapaghiwalay na dalawa. Si Chandra lang ang bukod-tanging nakakaunawa at nakakakilala kay Tori. Halos magkapatid na ang turingan nilang dalawa, lalo na si Tori na hindi naranasang magkaroon ng kapatid. “Napaano ‘yan?” agad na tanon
“Ay, sorry…” sagot naman ni Chandra na tuloy pa rin sa ginagawa sa pisngi ni Tori.“Ano ba naman… Paano ‘to, Tori? Eh di, hindi tayo makakagala nito sa itsura ng pisngi mo na ‘to? Mukha kang sinapak, eh! Masyadong tawag pansin ito. Gusto ko pa naman sana malibang. Pero ayaw ko ng ganitong klaseng paglilibang, Tori.”Napaisip si Tori. Nahulaan na kaya ni Chandra ang totoong nangyari sa pisngi niya at ayaw na lang nitong pag-usapan?Pinilit ni Tori na tumawa, para palabasing hindi naman seryoso ang pasa niya.“Pwede pa naman tayong maglibang kahit nandito lang tayo,” sagot ni Tori, “ano ba’ng gusto mo? Movie? K-drama? Manood tayo run sa entertainmen
“Yes, darling ko. You see, lahat kami sa pamilya… mula kay Lolo Judd and Lola Clover, meron kami lahat. In fact, lahat ng apat na pamilya. Meron lahat ng family members.”Hindi nakapagsalita agad si Tori. Namamangha siya sa idea ng tracking device na nakakabit sa lahat ng miyembro ng pamilya ng apat na magkakaibigan.“Actually, the idea originated from Lolo Klarence. As you know, siya ang pinakamayaman sa apat na magkakaibigan. Being the heir to their family business, sinigurado niya na kung may kikidnap man sa kanya, mahahanap din siya agad thru his tracking device. And so, nung nakidnap nga si siya, nakita nila Lolo Judd, Lolo Adam at Lolo Chad na it’s a good idea for the safety of all the family members.”Hindi pa rin nakapag-react si Tori. Iniisip niya ngayon kung ano kaya ang itsura ng tracking device sa loob ng ngipin niya. Napagkamalan naman ni Xander na labag sa loob ng dalaga ang ginawa niyang walang paalam na
Inilapag ni Xander ang dalang dalawang flower arrangement sa harap ng puntod. Inilagay niya iyon sa magkabilang gilid, pagkatapos ay tumuwid na siya ng tayo. Sandali siyang pumikit at nag-usal ng panalangin.“I hope you like the flowers,” bungad agad ni Xander pagkadilat niya ng nga mata, “iyan kasi ang sabi nung napagtanungan ko na gusto mong bulaklak,” pagkausap ni Xander sa pangalan na nakaukit sa mamahaling lapida sa harapan niya.“Sana lang, hindi nagkamali iyong taong pinagtanungan ko. Baka kasi magalit ka sa akin at multuhin mo ako kapag mali pala itong dala kong mga bulaklak para sa iyo.”Inilipat ng tingin ni Xander ang mga mata niya sa isa pang pangalan na nakaukit sa parehong lapida. Nasa ilalim ito ng unang pangalan. Tipid siyang ngumiti.“Hello, there! Nice meeting you, little one. Be an angel always. I’m sorry for what happened to you. Believe it or not… mahal kita. Nakakahinayang&hellip
Xander kissed Tori passionately.Pakiramdam ni Tori ay hindi siya makahinga sa klase ng halik na ibinibigay ng binata ngayon sa kanya. Punung-puno ng pagkasabik ang mga halik nito, halatang na-miss nga siya ng sobra ng binata. Kaya naman ginantihan niya ng ganun ding kaalab na halik ang mga halik ng binata. At marahil dahil sa epekto ng alak kaya kusang loob na ring tinutugunan ni Tori ang mga halik ni Xander. Para sa dalaga, lasing na siya sa alak, pero mas nakakalasing ang mga halik nito.Dalang-dala na si Tori sa init ng paghahalikan nila. Hindi na niya alam kung ilang beses niyang narinig ang sarili na umungol. Ang mga kamay niya ay pinaglandas niya sa matipunong mga dibdib ng binata. Pakiramdam niya, bawat paghaplos niya sa dibdib nito ay dumadagdag sa init na nararamdaman niya ngayon. Idagdag pa na pina-init na ang katawan niya ng alak na nainom niya kanina. Darang na darang na si Tori. Kung hihilingin ni Xander ang katawan niya, hindi siya magdadalawang-is
Nagising si Tori. Sa tantiya niya ay mag-uumaga na base sa naririnig niyang mga huni ng mga insekto at ibin sa labas ng bintana.Nagtaka pa siya na iba ang disenyo ng kuwartong kinaroroonan niya at wala siya sa kuwartong tinutulugan nya sa bahay nila Sonia. Saka lang unti-unting bumalik sa isip niya ang mga nangyari at kung nasaan siya ngayon.Nanlaki ang mga mata niya nang maalala niya ang huling eksena na naalala niya. Naalala niyang nalasing na siya kagabi pagkatapos nilang kumain ng early dinner. Pinilit niyang alalahanin pa ang mga nangyari pagkatapos pero tila wala nang rumerehistro sa utak niya. Mahinang napasinghap si Tori nang biglang may humapit sa katawan niya mula sa likuran. Nakatagilid kasi siya kaya hindi niya alam kung sino ba iyon. Isiniksik pa ng kung sino man ang mukha nito sa gilid ng leeg niya. BIglang kinabahan si Tori. Base sa bigat ng kamay nito na nakayakap sa tiyan niya, nahulaan ni Tori na lalaki ang nasa likur
Napapikit si Tori ng gumuhit ang mainit na likido sa lalamunan niya. Bahagya pa niyang ipinilig ang ulo niya. Kanina pa siya nage-enjoy sa pag-inom ng alak na iniabot sa kanya ni Xander. Ang sabi naman ni Xander ay konti lang ang alcohol content ng alak. “So, what can you say about the place?” tanong ni Xander.May katagalan na rin silang umiinom ng wine habang may nakahain na iba’t-ibang chips sa ibabaw ng mesa. Sabi ni Xander ay para matunaw ang ga-bundok niyang kinain. Pero alam naman ni Tori na exaggerated lang iyong bundok. Pero sa totoo, marami naman talaga siyang nakain kanina. Nagutom siya sa madamdaming pakikipag-usap sa tatlong tao kanina. Pero hindi naman siguro kasing-laki at kasing-lawak ng bundok ang nakain niya.Tumango-tango si Tori, “it’s so lovely and yet, so peaceful…”“So you like it?” follow-up question ni Xander.Uminom si Tori ng wine mula s
Ahhhh… busog na busog ako!” sabi ni Tori habang hinihimas ang maumbok niyang tiyan.Natawa naman si Xander sa inakto ng babae. Natutuwa siya na nasiyahan ito sa mga pagkaing ipinahanda niya. “Nagustuhan mo ba lahat ng pagkain?” nakangiting tanong ni Xander habang pinagmamasdan ang tila batang kilos ni Tori.“Bakit hindi ko magugustuhan? Eh, favorite ko lang naman lahat ng pinahanda mo.”Napatigil sa paghimas ng tiyan niya si Tori, at saka kunot ang noo na nagtanong sa binata. “Paano mo nalaman ang mga paborito kong pagkain?” Nagkibit ng balikat si Xander.“Ako pa ba?” may pagyayabang na sagot niya, “lahat ng tungkol sa ‘yo, inaalam ko.”Tila lumukso ang puso ni Tori sa sinabi ni Xander. Natuwa siya na ganun siya kahalaga sa binata para alamin ang lahat tungkol sa kanya. Ngayon lang uli may nagpahalaga sa kanya nang ganun. “Ako lang naman ang hindi mahalaga sa ‘yo,” sundot pa ni Xander. Pabiro siyang inirapan ni Tori, “ang drama naman nito.”“Totoo naman. If I am important to you
Nainis si Tori sa tanong ni Xander. Heto na nga at nakikipaghalikan na siya sa binata, tapos may gana pa siyang magselos kay Gener?Pero sa tanong nga ba ni Xander siya nainis, o dahil sa paghinto ni Xander sa paghalik sa kanya?Both! Sagot ng utak ni Tori.Ubod lakas na itinulak ni Tori si Xander, at saka siya mabilis na tumayo at naglakad palayo mula kay Xander. Pero mas mabilis sa kanya si Xander dahil naramdaman na lang niya ang kamay nito sa braso niya.“Where are you going?” tanong sa kanya ng binata sabay hinto ni Tori dahil pigil-pigil siya ng binata.“Anywhere away from you!” inis na sagot ni Tori.Tumaas ang isang sul
Napatanong din si Tori sa sarili kung paanong alam ni Xander ang tungkol kay Gener at sa pagbibigay nito lagi ng gatas ng kalabaw sa kanya.“But I can ask someone to buy fresh milk sa grocery. Kahit ilan pang kahon ang gusto mo,” may pagyayabang na dagdag pa ni Xander.Nahalata ni Tori ang pagseselos ng binata kay Gener sa timbre ng salita nito. Pero binalewala niya iyon. Sa halip ay tinanong niya ito.“Bakit mo alam ‘yun?”“Hah! I have my own ways, darling,” may pagka-inis na sagot ni Xander.May sayang naramdaman si Tori sa kaalamang nagseselos ang binata kay Gener. Muntik pa siyang napangiti pero agad din niyang sinupil. Ayaw niyang makita
Hindi alam ni Tori kung paano pakakalmahin ang puso niya. Mula nang pumasok si Xander sa loob ng kuwarto at masilayan niya ito ay tila may sariling isip ang puso niya at nataranta na ito nang masilayan niyang muli ang guwapong mukha ni Xander. Medyo pumayat ito nang bahagya mula nung huli niya itong makita. Ang facial hair nito ay visible rin ngayon na tila ba ilang araw na itong hindi nakapag-ahit. Ayaw na ayaw pa naman ni Tori sa lalaki ang may balbas at bigote. Pero sa sitwasyon ni Xander, hindi iyon nakapagpa-turn off sa kanya. Sa halip, sa tingin niya ay bagay dito ang ganung konting buhok sa kanyang mukha. Tila ba nakadagdag pa ito sa kanyang kaguwapuhan. Bumrusko ng konti ang dating ng binata para sa kanya. Pakiramdam nga ngayon ni Tori ay gusto na niyang tumayo at salubungin ng yakap ang binatang tila slow motion na naglalakad patungo sa kanya. Nakasuot lang ito ng simpleng muscle sando at cargo pants pero hindi iyon nakabawas sa kaguwapuhan nito. Isang buwan lang siyang nap