“Ay, sorry…” sagot naman ni Chandra na tuloy pa rin sa ginagawa sa pisngi ni Tori.
“Ano ba naman… Paano ‘to, Tori? Eh di, hindi tayo makakagala nito sa itsura ng pisngi mo na ‘to? Mukha kang sinapak, eh! Masyadong tawag pansin ito. Gusto ko pa naman sana malibang. Pero ayaw ko ng ganitong klaseng paglilibang, Tori.”
Napaisip si Tori. Nahulaan na kaya ni Chandra ang totoong nangyari sa pisngi niya at ayaw na lang nitong pag-usapan?
Pinilit ni Tori na tumawa, para palabasing hindi naman seryoso ang pasa niya.
“Pwede pa naman tayong maglibang kahit nandito lang tayo,” sagot ni Tori, “ano ba’ng gusto mo? Movie? K-drama? Manood tayo run sa entertainmen
Dalawang linggo na ang nakalipas mula ng malaman ni Tori ang pagbubuntis niya. Pero hindi pa nagyayaya si Ruther para sa check up ng kalagayan ni Tori.Sinadyang abangan ni Tori si Ruther isang umaga bago ito pumasok sa trabaho. Nag-abang si Tori sa tapat ng pintuan ng kuwarto ng lalaki. Ilang minuto ring naghintay si Tori bago nagbukas ng pintuan si Ruther. Nagulat pa ito ng nakitang nakaupo sa labas ng pintuan niya si Tori.“Ruther!”Nagmamadaling tumayo si Tori. Pansin niya ang tila iritadong mukha ng lalaki pagkakita sa kanya. Mukha rin itong kulang sa tulog base sa pangangal
“Okay naman kayo ni baby, Tori. You are both healthy. Nasa second phase ka na ng pagbubuntis. Actually, patapos na, since nasa ika-sixth months na ang tiyan mo. Konting kembot na lang at papunta ka na sa third trimester and at last, you will be seeing your baby,” nakangiting sabi ng tumitinging doktora kay Tori at sa ipinagbubuntis niya.Malapad na napangiti si Tori. Excited na siya sa pagsisilang niya. Magkakaroon na siya ng kakampi, may matatawag na siyang pamilya. Kahit silang dalawa lang ng baby niya. Pipilitin niyang maging masaya silang dalawa. At mamahalin niya ito nang higit pa sa kaya niyang ibigay na pagmamahal.“By the way, I hope you don’t mind if I ask…”“Ano po ‘yun, doktora?” nakangiti pa ring tanong ni Tori. W
Iyan agad ang tanong ni Adelaida kay Tori pagkatapos niyang humigop ng kape mula sa tasa niya. Derecho itong tumitig sa mga mata ni Tori. Derecho ring tumingin si Tori sa mga mata ng biyenan. Ilang beses pa kaya niya patutunayan na anak ni Ruther ang batang nasa tiyan niya?“Opo at walang duda.”Hindi pa rin inaalis ni Adelaida ang titig niya sa mga mata ni Tori, na para bang binabasa niya roon ang sinseridad ng sinabi nito. Mayamaya ay tila lumuwag na ang pakiramdam nito. Binawi ang tingin kay Tori at saka muling humigop ng kape mula sa tasa niya.At saka lang napansin ni Adelaida na hindi ginagalaw ni Tori ang shake na inorder niya.“Inumin mo na ‘yang shake mo.”
Inilapag ni Sonia ang baso ng orange juice sa bedside table. Tapos ay may kinuha ito mula sa bulsa ng suot niyang uniporme. Inilabas niya mula roon isang ice pack bukod pa sa ginagamit ngayon ni Tori sa mukha niya.“Bago na naman ‘yan?” tanong ni Tori na ang tinutukoy ay ang ice pack na kinuha ni Sonia mula sa bulsa ng uniporme niya.“Bumili uli ako, Mam. Gamit na gamit mo naman.”Hindi alam ni Tori kung maiinis ba siya o matutuwa o maiinsulto sa kasambahay sa isinagot nito. Napagdesisyunan na rin niyang hindi na lang din magkomento. Nahalata yata ni Sonia ang pananahimik niya kaya tumingin ito sa kanya.“Sorry na, Mam,” malungkot na sabi ni Sonia nang ma-realize niya na hindi n
Nang makarating si Tori sa palapag kung nasaan ang opisina nu Ruther, agad siyang sinalubong ng isang lalaki pagkalabas niya mula sa elevator.“Mrs. Choi?”“Yes. Nandiyan ba si Carol?”Si Carol ang nakilala niyang sekretarya ni Ruther nung huling punta niya rito sa opisina ng asawa. Ngumiti ang lalaki kay Tori.“Mam, nasa Marketing na po si Mam Carol. Na-promote po siya. May one year na po.”Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Tori.“Ako na po ang bagong secretary ni Mr. Choi,” dagdag pa ng lalaki.
Nagising si Tori. Pakiramdam niya ay napakahaba ng itinulog niya. Pero nagulat siya nang pagdilat niya ng mga mata ay sumalubong sa kanya ang plain at kulay puting kisame. Napaisip si Tori. Sa pagkakatanda niya ay kulay rose pink at beige ang kombinasyong kulay ng kisame at ng buong kuwarto niya.Lumingon si Tori sa paligid. Pati pala ang pader ng kuwartong kinaroroonan niya ay kulay puti. Lubusan ng nagtaka si Tori. Nang tangkain niyang bumangon saka lang niya napansin ang tila nakakabit sa kanang kamay niya. Saka lang niya napansin ang suwero. Sinundan pa niya ng tingin ang tubo nito paitaas kaya nakumpirma ni Tori na naka-suwero nga siya. Saglit na nagtaka si Tori kung bakit. Wala naman siyang alam na maysakit siya.Iginala niya pa ang mga mata sa loob ng silid na iyon. Mukhang nasa isang private ward
Hindi malaman ni Tori kung ngingiti o iiyak sa nakikita ngayon sa anak. Nasa Neonatal Intensive Care Unit ito. Sapilitan siyang inilabas mula sa kanyang tiyan para mabigyan ng tsansang mabuhay. At ngayon nga ay nakatunghay siya sa payat at maliit na katawan nito.Tuluyan nang bumigay ang kinokontrol niyang pagluha. Gustong sisihin ni Tori ang sarili dahil hindi niya naprotektahan ang anak. Wala siyang magawa habang nakaupo lang siya ngayon sa wheelchair at nakatunghay sa mala-anghel na mukha ng anak. Naaawa siya sa sitwasyon ngayon ng anak na sa liit saniyang iyon ay napakarami namang tubong nakakabit sa katawan.“Tori, maging matatag ka. Baka kung mapaano ka niyan,” narinig niyang sabi ng biyenang babae na nasa likod ng wheelchair na kinauupuan niya, habang m
Iniwan na siya ng attendant at ginawa na niya ang mga sinabi sa kanya. Mag-isa lang niyang ginawa ang lahat ng iyon dahil pinaiwan si Sonia sa labas ng NICU. Nang lumabas siya ng CR ay sinalubong agad siya ng isang nurse.“Misis, pakibilis po,” sabi niya, sabay abot ng face mask kay Tori.Nagtaka si Tori kung bakit siya pinapamadali, pero nadagdagan pa lalo ang pagtataka niya ng makita niya na maraming nurse at may doktor na nakapalibot sa incubator ng anak. Kita rin niya sa nakabukas na kurtina ang malungkot na mukha ni Sonia habang nakatunghay sa anak niya. Doon na sumibol ang kaba sa dibdib niya.Nang maramdaman ng doktor na may pumasok sa kuwarto ay agad itong lumingon sa direksyon ng pintuan.
“Kuya.”Sa halip na lingunin ni Xander ang bagong dating, tinungga niya ang alak na nasa basong hawak niya. Hindi pa rin siya lumingon dito kahit na naupo na ito sa tabi niya. Nasa mini bar si Xander sa loob ng kuwarto niya. Ganito na ang naging routine niya sa halos isang linggong pagkawala ni Tori. Gigising sa umaga, maliligo at papasok sa opisina. Pagkarating naman niya sa hapon, maliligo at saka dederecho na sa mini bar niya para lunurin ang sarili sa alak. Minsan ay sumasabay siya sa hapunan ng pamilya, minsan naman ay hindi. Katulad ngayon, kaya siguro nandito si Xavier ay para yayain siyang kumain. Ito siguro ang nautusan ng ina na tumawag sa kanya.“Huy, Kuya!” pag-uulit ni Xavier, at saka lang siya nilingon saglit ni Xander pero ibinalik din ang tingin sa alak na nasa harapan niya na para bang may tinitingnan siyang imahe doon.&
“Everyone, let’s have first a fifteen-minute break before we go through the rest of the reports. We have prepared a snack for everybody at the back. You may get your snack there,” anunsiyo ng HR Manager ng Araullo branch ng Madraullo Motors.Nandito ngayon si Xander dahil hindi nga nakapasok si Xavier ngayong araw. Hindi niya alam kung nagkukunwari lang ba na masama ang timpla ngayon ng kapatid o totoo. Paano naman kahapon nang umuwi ito mula sa pagdalaw kay Tori ay mukhang okay naman ito. Pero ilang oras lang na nakauwi ito sa bahay nila ay tumawag na agad sa kanya at sinabing siya na muna ang bahala ngayon sa kumpanya. Mabuti na lang at maigi na ang lagay ni Tori at may makakasama ito sa hospital, si Sonia.Napasulyap si Xander sa telepono niyang nasa ibabaw ng mesa nang mag-vibrate ito. Kapag ganitong nasa
Bahagyang nagitla si Tori nang narinig ang boses ni Sonia. Napakurap-kurap pa siya. Tiningnan niya si Sonia na manghang nakatingin sa kanya.“Bakit?” nagtatatakang tanong ni Tori.“Nakatulala ka na naman diyan, Mam.”Bahagyang ipinilig ni Tori ang ulo niya. Hindi siya aware na lumilipad na naman ang isip niya. Mukha namang hindi siya niloloko ni Sonia.Dinampot ni Tori ang tasa ng batirol na ginawa ni Sonia. Dahan-dahan siyang humigop mula sa tasa, para lang magulat na hindi na iyon ganun kainit. Mabilis na ibinaba ni Tori ang tasa sa ibabaw ng mesa.“Malamig na, ah,” napalakas niyang komento, pero hindi naman niya sinisisi si Sonia.
Bumangon si Tori. Naamoy niya ang mabangong amoy ng bawang. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng gutom. Naisip niyang marahil ay nagluluto na si Sonia sa kusina ng bahay.Narinig niya ang huni ng mga ibon at mga kuliglig sa labas. Kung noong una ay hindi siya sanay at naiingayan siya sa mga pang-umagang ingay ng mga hayop at insekto sa paligid, ngayon ay naa-appreciate na niya ang mga bagay na iyon sa halos mag-isang linggo niyang pamamalagi rito sa bahay nila Sonia sa probinsiya.Dinampot ni Tori ang tuwalya bago siya lumabas ng kuwarto niya. Dadaan muna siya sa nag-iisang banyo ng bahay bago tumuloy ng kusina. Maghihilamos at papasadahan muna niya ng sipilyo ang bibig niya. Mabilis lang ang ginawa niyang paghihilamos at pagsisipilyo. Pakiramdam niya ay lalo siyang nakakaramdam ng gutom
Masaya ang lahat habang kumakain. Panay ang tuksuhan at asaran ng magkakapatid na Syjuco. Ang maganda lang sa kanila ay walang napipikon sa mga pang-aasar nila. Tahimik lang na nakikinig at nanonood si Tori sa kanila. Sa isip niya, inisip niya na baka ito na ang huling sandali na makikita niya ang ganitong kaguluhan ng pamilyang ito. Hanggang sa magkasundo ang pamilya Syjuco na umuwi na.“Uuwi na kami para makapagpahinga ka na,” sabi ni Xandra sa dalaga.“Kayo rin po. Pihadong may mga jet lag pa po kayo,” sagot naman ni Tori.“Medyo nga. Oh, sige. Babalik na lang uli ako. Ipagluluto kita.”“Tita, huwag na nga po. Okay lang…”“Oh, no. Basta. Ipagluluto kita.&rd
“Hi, Tori!” Napatingin si Tori sa direksyon ng pintuan, pati na sina Xander at Sonia. Malapad ang ngiti ni Xandra Syjuco nang pumasok mula roon. Kasunod niya sa likod ang asawang si Jordan.“Hi, friend!” masayang bati naman ni Xia.“It should be sis-in-law, di ba?” tanong naman ni Xavier na kasunod na naglalakad ni Xia at may dalang basket na may mga lamang fresh na sunfllower na mga bulaklak.“Eh, di friend sis-in-law na lang. Oh, satisfied ka na, Kuya?” sagot naman sa kanya ni Xia.Inakbayan naman ni Xavier si Xia at saka hinila ito palapit sa kanya.“Flowe
“Darling ko, okay lang naman akong magbantay sa ‘yo. Inabala mo pa itong si Sonia,” sabi ni Xander habang sinusubuan si Tori ng pagkain.“Hindi ako makapaglinis mabuti ng katawan ko dahil sa nakakabit na IV sa isang kamay ko.”“Oh? Bakit hindi mo sinasabi sa akin?”“At ano? Ikaw ang sasama sa akin sa loob ng CR?” nakataas ang isang kilay na balik-tanong ni Tori kay Xander.Tumawa lang si Xander sa reaksyon ni Tori.“Eto talagang darling ko... di bale, makikita ko rin naman ‘yan. Soon…”Inirapan ni Tori si Xander, pero sige pa rin ng tawa ng lalaki.
Mabilis na hinalikan ni Xander si Tori sa pisngi kaya nahinto siya sa pagsisintimyento.“Bibili muna ako ng maiinom nila Tito. Kayo muna ang mag-usap, catch up,” nagbaling ng tingin si Xander kay Vic, “Tito, hot coffee?”“Yes, please. No sugar.”“Any specific blend or type of coffee? Any recipe?”“Anything basta no sugar.”“Got it,” nilingon ni Xander si Julie at Danilo, “how about you, ‘Te Julie? Kuya Danny? Your kids?”“Hot coffee rin ako. Bagay ‘yun sa egg pie na dala namin,” sagot ni Julie at saka binalingan ang dalawang anak, “mga anak, how about you?”
Tila naman napipilan si Tori. Hindi niya alam ang isasagot. Nag-assume nga lang ba siya?“Tatanungin lang kita… since pupunta sila Tito Vic today, gusto mo bang mag-sponge bath? Bubuhatin ba kita para dalhin sa CR? O magdadala na lang ako dito ng tubig sa palanggana?”Namilog ang mga mata ni Tori.“Dadating si Daddy Vic?”Bahagyang natigilan si Xander, nawala ang pilyong ngiti sa mga labi niya.“Bakit? Ayaw mo ba? Nandito rin sila nung unconscious ka pa,” nag-aalalang sagot ni Xander sa dalaga, iniisip niya na baka ayaw makausap ng dalaga si Vic.Umiling si Tori.&ldquo