Dalawang linggo na ang nakalipas mula ng malaman ni Tori ang pagbubuntis niya. Pero hindi pa nagyayaya si Ruther para sa check up ng kalagayan ni Tori.
Sinadyang abangan ni Tori si Ruther isang umaga bago ito pumasok sa trabaho. Nag-abang si Tori sa tapat ng pintuan ng kuwarto ng lalaki. Ilang minuto ring naghintay si Tori bago nagbukas ng pintuan si Ruther. Nagulat pa ito ng nakitang nakaupo sa labas ng pintuan niya si Tori.
“Ruther!”
Nagmamadaling tumayo si Tori. Pansin niya ang tila iritadong mukha ng lalaki pagkakita sa kanya. Mukha rin itong kulang sa tulog base sa pangangal
“Okay naman kayo ni baby, Tori. You are both healthy. Nasa second phase ka na ng pagbubuntis. Actually, patapos na, since nasa ika-sixth months na ang tiyan mo. Konting kembot na lang at papunta ka na sa third trimester and at last, you will be seeing your baby,” nakangiting sabi ng tumitinging doktora kay Tori at sa ipinagbubuntis niya.Malapad na napangiti si Tori. Excited na siya sa pagsisilang niya. Magkakaroon na siya ng kakampi, may matatawag na siyang pamilya. Kahit silang dalawa lang ng baby niya. Pipilitin niyang maging masaya silang dalawa. At mamahalin niya ito nang higit pa sa kaya niyang ibigay na pagmamahal.“By the way, I hope you don’t mind if I ask…”“Ano po ‘yun, doktora?” nakangiti pa ring tanong ni Tori. W
Iyan agad ang tanong ni Adelaida kay Tori pagkatapos niyang humigop ng kape mula sa tasa niya. Derecho itong tumitig sa mga mata ni Tori. Derecho ring tumingin si Tori sa mga mata ng biyenan. Ilang beses pa kaya niya patutunayan na anak ni Ruther ang batang nasa tiyan niya?“Opo at walang duda.”Hindi pa rin inaalis ni Adelaida ang titig niya sa mga mata ni Tori, na para bang binabasa niya roon ang sinseridad ng sinabi nito. Mayamaya ay tila lumuwag na ang pakiramdam nito. Binawi ang tingin kay Tori at saka muling humigop ng kape mula sa tasa niya.At saka lang napansin ni Adelaida na hindi ginagalaw ni Tori ang shake na inorder niya.“Inumin mo na ‘yang shake mo.”
Inilapag ni Sonia ang baso ng orange juice sa bedside table. Tapos ay may kinuha ito mula sa bulsa ng suot niyang uniporme. Inilabas niya mula roon isang ice pack bukod pa sa ginagamit ngayon ni Tori sa mukha niya.“Bago na naman ‘yan?” tanong ni Tori na ang tinutukoy ay ang ice pack na kinuha ni Sonia mula sa bulsa ng uniporme niya.“Bumili uli ako, Mam. Gamit na gamit mo naman.”Hindi alam ni Tori kung maiinis ba siya o matutuwa o maiinsulto sa kasambahay sa isinagot nito. Napagdesisyunan na rin niyang hindi na lang din magkomento. Nahalata yata ni Sonia ang pananahimik niya kaya tumingin ito sa kanya.“Sorry na, Mam,” malungkot na sabi ni Sonia nang ma-realize niya na hindi n
Nang makarating si Tori sa palapag kung nasaan ang opisina nu Ruther, agad siyang sinalubong ng isang lalaki pagkalabas niya mula sa elevator.“Mrs. Choi?”“Yes. Nandiyan ba si Carol?”Si Carol ang nakilala niyang sekretarya ni Ruther nung huling punta niya rito sa opisina ng asawa. Ngumiti ang lalaki kay Tori.“Mam, nasa Marketing na po si Mam Carol. Na-promote po siya. May one year na po.”Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Tori.“Ako na po ang bagong secretary ni Mr. Choi,” dagdag pa ng lalaki.
Nagising si Tori. Pakiramdam niya ay napakahaba ng itinulog niya. Pero nagulat siya nang pagdilat niya ng mga mata ay sumalubong sa kanya ang plain at kulay puting kisame. Napaisip si Tori. Sa pagkakatanda niya ay kulay rose pink at beige ang kombinasyong kulay ng kisame at ng buong kuwarto niya.Lumingon si Tori sa paligid. Pati pala ang pader ng kuwartong kinaroroonan niya ay kulay puti. Lubusan ng nagtaka si Tori. Nang tangkain niyang bumangon saka lang niya napansin ang tila nakakabit sa kanang kamay niya. Saka lang niya napansin ang suwero. Sinundan pa niya ng tingin ang tubo nito paitaas kaya nakumpirma ni Tori na naka-suwero nga siya. Saglit na nagtaka si Tori kung bakit. Wala naman siyang alam na maysakit siya.Iginala niya pa ang mga mata sa loob ng silid na iyon. Mukhang nasa isang private ward
Hindi malaman ni Tori kung ngingiti o iiyak sa nakikita ngayon sa anak. Nasa Neonatal Intensive Care Unit ito. Sapilitan siyang inilabas mula sa kanyang tiyan para mabigyan ng tsansang mabuhay. At ngayon nga ay nakatunghay siya sa payat at maliit na katawan nito.Tuluyan nang bumigay ang kinokontrol niyang pagluha. Gustong sisihin ni Tori ang sarili dahil hindi niya naprotektahan ang anak. Wala siyang magawa habang nakaupo lang siya ngayon sa wheelchair at nakatunghay sa mala-anghel na mukha ng anak. Naaawa siya sa sitwasyon ngayon ng anak na sa liit saniyang iyon ay napakarami namang tubong nakakabit sa katawan.“Tori, maging matatag ka. Baka kung mapaano ka niyan,” narinig niyang sabi ng biyenang babae na nasa likod ng wheelchair na kinauupuan niya, habang m
Iniwan na siya ng attendant at ginawa na niya ang mga sinabi sa kanya. Mag-isa lang niyang ginawa ang lahat ng iyon dahil pinaiwan si Sonia sa labas ng NICU. Nang lumabas siya ng CR ay sinalubong agad siya ng isang nurse.“Misis, pakibilis po,” sabi niya, sabay abot ng face mask kay Tori.Nagtaka si Tori kung bakit siya pinapamadali, pero nadagdagan pa lalo ang pagtataka niya ng makita niya na maraming nurse at may doktor na nakapalibot sa incubator ng anak. Kita rin niya sa nakabukas na kurtina ang malungkot na mukha ni Sonia habang nakatunghay sa anak niya. Doon na sumibol ang kaba sa dibdib niya.Nang maramdaman ng doktor na may pumasok sa kuwarto ay agad itong lumingon sa direksyon ng pintuan.
Nakatunghay si Xander sa maamong mukha ni Tori, habang mahigpit ang hawak niya ka kamay nitong walang nakalagay na suwero. Mataimtiim at tahimik siyang dumadalangin na sana ay magising na ang dalaga.Tatlong araw na itong tulog mula ng maaksidente ito. Mabuti na lang at bago mangyari ang aksidente ay tinangka niyang tawagan si Tori, kaya naman nang manghingi ito ng tulong ay numero niya ang unang lumabas. Tatlong araw na rin siyang hindi nakakapasok sa opisina. Mula nang sagipin niya si Tori sa aksidente ay hindi na siya umalis sa tabi nito. Ipinamahala muna niya sa kapatid na si Xavier ang dalawang branch ng Madraullo Motors habang nagbabantay pa siya kay Tori sa ospital. Ayaw niyang iwanan ang dalaga, iniisip ni Xander na baka magkaroon ng pagkakataon na makaalis si Tori at iwanan na naman siya. Hinding-hindi na siya papayag na mawala pa sa kanya si Tori.
“Yes, darling ko. You see, lahat kami sa pamilya… mula kay Lolo Judd and Lola Clover, meron kami lahat. In fact, lahat ng apat na pamilya. Meron lahat ng family members.”Hindi nakapagsalita agad si Tori. Namamangha siya sa idea ng tracking device na nakakabit sa lahat ng miyembro ng pamilya ng apat na magkakaibigan.“Actually, the idea originated from Lolo Klarence. As you know, siya ang pinakamayaman sa apat na magkakaibigan. Being the heir to their family business, sinigurado niya na kung may kikidnap man sa kanya, mahahanap din siya agad thru his tracking device. And so, nung nakidnap nga si siya, nakita nila Lolo Judd, Lolo Adam at Lolo Chad na it’s a good idea for the safety of all the family members.”Hindi pa rin nakapag-react si Tori. Iniisip niya ngayon kung ano kaya ang itsura ng tracking device sa loob ng ngipin niya. Napagkamalan naman ni Xander na labag sa loob ng dalaga ang ginawa niyang walang paalam na
Inilapag ni Xander ang dalang dalawang flower arrangement sa harap ng puntod. Inilagay niya iyon sa magkabilang gilid, pagkatapos ay tumuwid na siya ng tayo. Sandali siyang pumikit at nag-usal ng panalangin.“I hope you like the flowers,” bungad agad ni Xander pagkadilat niya ng nga mata, “iyan kasi ang sabi nung napagtanungan ko na gusto mong bulaklak,” pagkausap ni Xander sa pangalan na nakaukit sa mamahaling lapida sa harapan niya.“Sana lang, hindi nagkamali iyong taong pinagtanungan ko. Baka kasi magalit ka sa akin at multuhin mo ako kapag mali pala itong dala kong mga bulaklak para sa iyo.”Inilipat ng tingin ni Xander ang mga mata niya sa isa pang pangalan na nakaukit sa parehong lapida. Nasa ilalim ito ng unang pangalan. Tipid siyang ngumiti.“Hello, there! Nice meeting you, little one. Be an angel always. I’m sorry for what happened to you. Believe it or not… mahal kita. Nakakahinayang&hellip
Xander kissed Tori passionately.Pakiramdam ni Tori ay hindi siya makahinga sa klase ng halik na ibinibigay ng binata ngayon sa kanya. Punung-puno ng pagkasabik ang mga halik nito, halatang na-miss nga siya ng sobra ng binata. Kaya naman ginantihan niya ng ganun ding kaalab na halik ang mga halik ng binata. At marahil dahil sa epekto ng alak kaya kusang loob na ring tinutugunan ni Tori ang mga halik ni Xander. Para sa dalaga, lasing na siya sa alak, pero mas nakakalasing ang mga halik nito.Dalang-dala na si Tori sa init ng paghahalikan nila. Hindi na niya alam kung ilang beses niyang narinig ang sarili na umungol. Ang mga kamay niya ay pinaglandas niya sa matipunong mga dibdib ng binata. Pakiramdam niya, bawat paghaplos niya sa dibdib nito ay dumadagdag sa init na nararamdaman niya ngayon. Idagdag pa na pina-init na ang katawan niya ng alak na nainom niya kanina. Darang na darang na si Tori. Kung hihilingin ni Xander ang katawan niya, hindi siya magdadalawang-is
Nagising si Tori. Sa tantiya niya ay mag-uumaga na base sa naririnig niyang mga huni ng mga insekto at ibin sa labas ng bintana.Nagtaka pa siya na iba ang disenyo ng kuwartong kinaroroonan niya at wala siya sa kuwartong tinutulugan nya sa bahay nila Sonia. Saka lang unti-unting bumalik sa isip niya ang mga nangyari at kung nasaan siya ngayon.Nanlaki ang mga mata niya nang maalala niya ang huling eksena na naalala niya. Naalala niyang nalasing na siya kagabi pagkatapos nilang kumain ng early dinner. Pinilit niyang alalahanin pa ang mga nangyari pagkatapos pero tila wala nang rumerehistro sa utak niya. Mahinang napasinghap si Tori nang biglang may humapit sa katawan niya mula sa likuran. Nakatagilid kasi siya kaya hindi niya alam kung sino ba iyon. Isiniksik pa ng kung sino man ang mukha nito sa gilid ng leeg niya. BIglang kinabahan si Tori. Base sa bigat ng kamay nito na nakayakap sa tiyan niya, nahulaan ni Tori na lalaki ang nasa likur
Napapikit si Tori ng gumuhit ang mainit na likido sa lalamunan niya. Bahagya pa niyang ipinilig ang ulo niya. Kanina pa siya nage-enjoy sa pag-inom ng alak na iniabot sa kanya ni Xander. Ang sabi naman ni Xander ay konti lang ang alcohol content ng alak. “So, what can you say about the place?” tanong ni Xander.May katagalan na rin silang umiinom ng wine habang may nakahain na iba’t-ibang chips sa ibabaw ng mesa. Sabi ni Xander ay para matunaw ang ga-bundok niyang kinain. Pero alam naman ni Tori na exaggerated lang iyong bundok. Pero sa totoo, marami naman talaga siyang nakain kanina. Nagutom siya sa madamdaming pakikipag-usap sa tatlong tao kanina. Pero hindi naman siguro kasing-laki at kasing-lawak ng bundok ang nakain niya.Tumango-tango si Tori, “it’s so lovely and yet, so peaceful…”“So you like it?” follow-up question ni Xander.Uminom si Tori ng wine mula s
Ahhhh… busog na busog ako!” sabi ni Tori habang hinihimas ang maumbok niyang tiyan.Natawa naman si Xander sa inakto ng babae. Natutuwa siya na nasiyahan ito sa mga pagkaing ipinahanda niya. “Nagustuhan mo ba lahat ng pagkain?” nakangiting tanong ni Xander habang pinagmamasdan ang tila batang kilos ni Tori.“Bakit hindi ko magugustuhan? Eh, favorite ko lang naman lahat ng pinahanda mo.”Napatigil sa paghimas ng tiyan niya si Tori, at saka kunot ang noo na nagtanong sa binata. “Paano mo nalaman ang mga paborito kong pagkain?” Nagkibit ng balikat si Xander.“Ako pa ba?” may pagyayabang na sagot niya, “lahat ng tungkol sa ‘yo, inaalam ko.”Tila lumukso ang puso ni Tori sa sinabi ni Xander. Natuwa siya na ganun siya kahalaga sa binata para alamin ang lahat tungkol sa kanya. Ngayon lang uli may nagpahalaga sa kanya nang ganun. “Ako lang naman ang hindi mahalaga sa ‘yo,” sundot pa ni Xander. Pabiro siyang inirapan ni Tori, “ang drama naman nito.”“Totoo naman. If I am important to you
Nainis si Tori sa tanong ni Xander. Heto na nga at nakikipaghalikan na siya sa binata, tapos may gana pa siyang magselos kay Gener?Pero sa tanong nga ba ni Xander siya nainis, o dahil sa paghinto ni Xander sa paghalik sa kanya?Both! Sagot ng utak ni Tori.Ubod lakas na itinulak ni Tori si Xander, at saka siya mabilis na tumayo at naglakad palayo mula kay Xander. Pero mas mabilis sa kanya si Xander dahil naramdaman na lang niya ang kamay nito sa braso niya.“Where are you going?” tanong sa kanya ng binata sabay hinto ni Tori dahil pigil-pigil siya ng binata.“Anywhere away from you!” inis na sagot ni Tori.Tumaas ang isang sul
Napatanong din si Tori sa sarili kung paanong alam ni Xander ang tungkol kay Gener at sa pagbibigay nito lagi ng gatas ng kalabaw sa kanya.“But I can ask someone to buy fresh milk sa grocery. Kahit ilan pang kahon ang gusto mo,” may pagyayabang na dagdag pa ni Xander.Nahalata ni Tori ang pagseselos ng binata kay Gener sa timbre ng salita nito. Pero binalewala niya iyon. Sa halip ay tinanong niya ito.“Bakit mo alam ‘yun?”“Hah! I have my own ways, darling,” may pagka-inis na sagot ni Xander.May sayang naramdaman si Tori sa kaalamang nagseselos ang binata kay Gener. Muntik pa siyang napangiti pero agad din niyang sinupil. Ayaw niyang makita
Hindi alam ni Tori kung paano pakakalmahin ang puso niya. Mula nang pumasok si Xander sa loob ng kuwarto at masilayan niya ito ay tila may sariling isip ang puso niya at nataranta na ito nang masilayan niyang muli ang guwapong mukha ni Xander. Medyo pumayat ito nang bahagya mula nung huli niya itong makita. Ang facial hair nito ay visible rin ngayon na tila ba ilang araw na itong hindi nakapag-ahit. Ayaw na ayaw pa naman ni Tori sa lalaki ang may balbas at bigote. Pero sa sitwasyon ni Xander, hindi iyon nakapagpa-turn off sa kanya. Sa halip, sa tingin niya ay bagay dito ang ganung konting buhok sa kanyang mukha. Tila ba nakadagdag pa ito sa kanyang kaguwapuhan. Bumrusko ng konti ang dating ng binata para sa kanya. Pakiramdam nga ngayon ni Tori ay gusto na niyang tumayo at salubungin ng yakap ang binatang tila slow motion na naglalakad patungo sa kanya. Nakasuot lang ito ng simpleng muscle sando at cargo pants pero hindi iyon nakabawas sa kaguwapuhan nito. Isang buwan lang siyang nap