Lahat ng Kabanata ng Love and Coffee Spills (SYJUCO SIBLINGS Series #1: XANDER): Kabanata 91 - Kabanata 100

123 Kabanata

CHAPTER 91 - MY COMPANY ID

Inilapag ni Sonia ang baso ng orange juice sa bedside table. Tapos ay may kinuha ito mula sa bulsa ng suot  niyang uniporme. Inilabas niya mula roon isang ice pack bukod pa sa ginagamit ngayon ni Tori sa mukha niya. “Bago na naman ‘yan?” tanong ni Tori na ang tinutukoy ay ang ice pack na kinuha ni Sonia mula sa bulsa ng uniporme niya.“Bumili uli ako, Mam. Gamit na gamit mo naman.”Hindi alam ni Tori kung maiinis ba siya o matutuwa o maiinsulto sa kasambahay sa isinagot nito. Napagdesisyunan na rin niyang hindi na lang din magkomento. Nahalata yata ni Sonia ang pananahimik niya kaya tumingin ito sa kanya.“Sorry na, Mam,” malungkot na sabi ni Sonia nang ma-realize niya na hindi n
last updateHuling Na-update : 2024-12-14
Magbasa pa

CHAPTER 92 - NAPAHIYA

Nang makarating si Tori sa palapag kung nasaan ang opisina nu Ruther, agad siyang sinalubong ng isang lalaki pagkalabas niya mula sa elevator. “Mrs. Choi?” “Yes. Nandiyan ba si Carol?” Si Carol ang nakilala niyang sekretarya ni Ruther nung huling punta niya rito sa opisina ng asawa. Ngumiti ang lalaki kay Tori. “Mam, nasa Marketing na po si Mam Carol. Na-promote po siya. May one year na po.”Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Tori. “Ako na po ang bagong secretary ni Mr. Choi,” dagdag pa ng lalaki.
last updateHuling Na-update : 2024-12-15
Magbasa pa

CHAPTER 93 - ANAK KO

Nagising si Tori. Pakiramdam niya ay napakahaba ng itinulog niya. Pero nagulat siya nang pagdilat niya ng mga mata ay sumalubong sa kanya ang plain at kulay puting kisame. Napaisip si Tori. Sa pagkakatanda niya ay kulay rose  pink at beige ang kombinasyong kulay ng kisame at ng buong kuwarto niya.   Lumingon si Tori sa paligid. Pati pala ang pader ng kuwartong kinaroroonan niya ay kulay puti. Lubusan ng nagtaka si Tori. Nang tangkain niyang bumangon saka lang niya napansin ang tila nakakabit sa kanang kamay niya. Saka lang niya napansin ang suwero. Sinundan pa niya ng tingin ang tubo nito paitaas kaya nakumpirma ni Tori na naka-suwero nga siya.  Saglit na nagtaka si Tori kung bakit. Wala naman siyang alam na maysakit siya. Iginala niya pa ang mga mata sa loob ng silid na iyon. Mukhang nasa isang private ward
last updateHuling Na-update : 2024-12-15
Magbasa pa

CHAPTER 94 -

  Hindi malaman ni Tori kung ngingiti o iiyak sa nakikita ngayon sa anak. Nasa Neonatal Intensive Care Unit ito. Sapilitan siyang inilabas mula sa kanyang tiyan para mabigyan ng tsansang mabuhay. At ngayon nga ay nakatunghay siya sa payat at maliit na katawan nito. Tuluyan nang bumigay ang kinokontrol niyang pagluha. Gustong sisihin ni Tori ang sarili dahil hindi niya naprotektahan ang anak. Wala siyang magawa habang nakaupo lang siya ngayon sa wheelchair at nakatunghay sa mala-anghel na mukha ng anak. Naaawa siya sa sitwasyon ngayon ng anak na sa liit saniyang iyon ay napakarami namang tubong nakakabit sa katawan.“Tori, maging matatag ka. Baka kung mapaano ka niyan,” narinig niyang sabi ng biyenang babae na nasa likod ng wheelchair na kinauupuan niya, habang m
last updateHuling Na-update : 2024-12-15
Magbasa pa

CHAPTER 95 - REUNITED

Iniwan na siya ng attendant at ginawa na niya ang mga sinabi sa kanya. Mag-isa lang niyang ginawa ang lahat ng iyon dahil pinaiwan si Sonia sa labas ng NICU. Nang lumabas siya ng CR ay sinalubong agad siya ng isang nurse.“Misis, pakibilis po,” sabi niya, sabay abot ng face mask kay Tori.   Nagtaka si Tori kung bakit siya pinapamadali, pero nadagdagan pa lalo ang pagtataka niya ng makita niya na maraming nurse at may doktor na nakapalibot sa incubator ng anak. Kita rin niya sa nakabukas na kurtina ang malungkot na mukha ni Sonia habang nakatunghay sa anak niya. Doon na sumibol ang kaba sa dibdib niya.Nang maramdaman ng doktor na may pumasok sa kuwarto ay agad itong lumingon sa direksyon ng pintuan. 
last updateHuling Na-update : 2024-12-15
Magbasa pa

CHAPTER 96 - TURN OFF

Nakatunghay si Xander sa maamong mukha ni Tori, habang mahigpit ang hawak niya ka kamay nitong walang nakalagay na suwero. Mataimtiim at tahimik siyang dumadalangin na sana ay magising na ang dalaga.Tatlong araw na itong tulog mula ng maaksidente ito. Mabuti na lang at bago mangyari ang aksidente ay tinangka niyang tawagan si Tori, kaya naman nang manghingi ito ng tulong ay numero niya ang unang lumabas. Tatlong araw na rin siyang hindi nakakapasok sa opisina. Mula nang sagipin niya si Tori sa aksidente ay hindi na siya umalis sa tabi nito. Ipinamahala muna niya sa kapatid na si Xavier ang dalawang branch ng Madraullo Motors habang nagbabantay pa siya kay Tori sa ospital. Ayaw niyang iwanan ang dalaga, iniisip ni Xander na baka magkaroon ng pagkakataon na makaalis si Tori at iwanan na naman siya. Hinding-hindi na siya papayag na mawala pa sa kanya si Tori. 
last updateHuling Na-update : 2024-12-16
Magbasa pa

CHAPTER 97 - MUNTIK NA

Pero tinawanan lang siya ni Xander, at saka mabilis siyang hinalikan sa labi niya. “Ayan. Na-turn off na ko,” pabiro niyang sabi pagkatapos niyang halikan si Tori. Lalo tuloy nagpuyos ang loob ni Tori. Nang magsabog yata ng pasensiya ang Maykapal ay nasalo lahat ni Xander.  “Ano’ng gatas ba ang ininom mo nung bata ka at ganyan ka?” inis na tanong ni Tori.Tumawa uli si Xander.“I don’t know… hindi ko iyan naitanong sa Mommy ko. Hayaan mo, kapag dumalaw siya rito sa iyo, tatanungin ko para ma-satisfy ko iyang tanong mo,” maloko nitong sagot.Umirap si Tori sa lalaki.
last updateHuling Na-update : 2024-12-16
Magbasa pa

CHAPTER 98 - SAYING YES IS A MISTAKE

Pinigilan ni Tori ang kamay ni Xander na may hawak ng kutsara ng pagkain na isusubo ng lalaki dapat sa kanya.“What happened to the taxi driver?” may pag-aalalang tanong ni Tori kay Xander.  Ngumiti si Xander. “Don’t worry, he’s okay. Medyo bugbog lang left thigh nya at medyo mahihirapan siyang mailakad iyon agad, pero sabi ng doktor na tumitingin sa kanya, need lang niya ng therapy. Napatango-tango si Tori.“Mabuti naman. Hindi ko yata kakayanin kung may taong mamamatay nang dahil sa akin.”“Hey… that’s why it is called accident. Don’t put the blame on you.
last updateHuling Na-update : 2024-12-16
Magbasa pa

CHAPTER 99 - WAIS

Tila naman napipilan si Tori. Hindi niya alam ang isasagot. Nag-assume nga lang ba siya? “Tatanungin lang kita… since pupunta sila Tito Vic today, gusto mo bang mag-sponge bath? Bubuhatin ba kita para dalhin sa CR? O magdadala na lang ako dito ng tubig sa palanggana?”Namilog ang mga mata ni Tori. “Dadating si Daddy Vic?”Bahagyang natigilan si Xander, nawala ang pilyong ngiti sa mga labi niya. “Bakit? Ayaw mo ba? Nandito rin sila nung unconscious ka pa,” nag-aalalang sagot ni Xander sa dalaga, iniisip niya na baka ayaw makausap ng dalaga si Vic. Umiling si Tori.&ldquo
last updateHuling Na-update : 2024-12-17
Magbasa pa

CHAPTER 100 - THE VISITOR

Mabilis na hinalikan ni Xander si Tori sa pisngi kaya nahinto siya sa pagsisintimyento.“Bibili muna ako ng maiinom nila Tito. Kayo muna ang mag-usap, catch up,” nagbaling ng tingin si Xander kay Vic, “Tito, hot coffee?”“Yes, please. No sugar.”“Any specific blend or type of coffee? Any recipe?”“Anything basta no sugar.”“Got it,” nilingon ni Xander si Julie at Danilo, “how about you, ‘Te Julie? Kuya Danny? Your kids?”“Hot coffee rin ako. Bagay ‘yun sa egg pie na dala namin,” sagot ni Julie at saka binalingan ang dalawang anak, “mga anak, how about you?” 
last updateHuling Na-update : 2024-12-17
Magbasa pa
PREV
1
...
8910111213
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status