All Chapters of Love and Coffee Spills (SYJUCO SIBLINGS Series #1: XANDER): Chapter 101 - Chapter 110

123 Chapters

101 - TULOY ANG PLANO

“Darling ko, okay lang naman akong magbantay sa ‘yo. Inabala mo pa itong si Sonia,” sabi ni Xander habang sinusubuan si Tori ng pagkain. “Hindi ako makapaglinis mabuti ng katawan ko dahil sa nakakabit na IV sa isang kamay ko.”“Oh? Bakit hindi mo sinasabi sa akin?”“At ano? Ikaw ang sasama sa akin sa loob ng CR?” nakataas ang isang kilay na balik-tanong ni Tori kay Xander. Tumawa lang si Xander sa reaksyon ni Tori. “Eto talagang darling ko... di bale, makikita ko rin naman ‘yan. Soon…” Inirapan ni Tori si Xander, pero sige pa rin ng tawa ng lalaki. 
last updateLast Updated : 2024-12-17
Read more

102 - MGA BISITA

“Hi, Tori!” Napatingin si Tori sa direksyon ng pintuan, pati na sina Xander at Sonia. Malapad ang ngiti ni Xandra Syjuco nang pumasok mula roon. Kasunod niya sa likod ang asawang si Jordan. “Hi, friend!” masayang bati naman ni Xia. “It should be sis-in-law, di ba?” tanong naman ni Xavier na kasunod na naglalakad ni Xia at may dalang basket na may mga lamang fresh na sunfllower na mga bulaklak. “Eh, di friend sis-in-law na lang. Oh, satisfied ka na, Kuya?” sagot naman sa kanya ni Xia. Inakbayan naman ni Xavier si Xia at saka hinila ito palapit sa kanya. “Flowe
last updateLast Updated : 2024-12-18
Read more

103 - LAST WORDS

Masaya ang lahat habang kumakain. Panay ang tuksuhan at asaran ng magkakapatid na Syjuco. Ang maganda lang sa kanila ay walang napipikon sa mga pang-aasar nila. Tahimik lang na nakikinig at nanonood si Tori sa kanila. Sa isip niya, inisip niya na baka ito na ang huling sandali na makikita niya ang ganitong kaguluhan ng pamilyang ito. Hanggang sa magkasundo ang pamilya Syjuco na umuwi na. “Uuwi na kami para makapagpahinga ka na,” sabi ni Xandra sa dalaga.“Kayo rin po. Pihadong may mga jet lag pa po kayo,” sagot naman ni Tori.“Medyo nga. Oh, sige. Babalik na lang uli ako. Ipagluluto kita.”“Tita, huwag na nga po. Okay lang…”“Oh, no. Basta. Ipagluluto kita.&rd
last updateLast Updated : 2024-12-18
Read more

104 - EH DI SANA

Bumangon si Tori. Naamoy niya ang mabangong amoy ng bawang. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng gutom. Naisip niyang marahil ay nagluluto na si Sonia sa kusina ng bahay. Narinig niya ang huni ng mga ibon at mga kuliglig sa labas. Kung noong una ay hindi siya sanay at naiingayan siya sa mga pang-umagang ingay ng mga hayop at insekto sa paligid, ngayon ay naa-appreciate na niya ang mga bagay na iyon sa halos mag-isang linggo niyang pamamalagi rito sa bahay nila Sonia sa probinsiya.            Dinampot ni Tori ang tuwalya bago siya lumabas ng kuwarto niya. Dadaan muna siya sa nag-iisang banyo ng bahay bago tumuloy ng kusina. Maghihilamos at papasadahan muna niya ng sipilyo ang bibig niya. Mabilis lang ang ginawa niyang paghihilamos at pagsisipilyo. Pakiramdam niya ay lalo siyang nakakaramdam ng gutom
last updateLast Updated : 2024-12-18
Read more

105 - TULALA

Bahagyang nagitla si Tori nang narinig ang boses ni Sonia. Napakurap-kurap pa siya. Tiningnan niya si Sonia na manghang nakatingin sa kanya.“Bakit?” nagtatatakang tanong ni Tori.“Nakatulala ka na  naman diyan, Mam.”Bahagyang ipinilig ni Tori ang ulo niya. Hindi siya aware na lumilipad na naman ang isip niya. Mukha namang hindi siya niloloko ni Sonia.  Dinampot ni Tori ang tasa ng batirol na ginawa ni Sonia. Dahan-dahan siyang humigop mula sa tasa, para lang magulat na hindi na iyon ganun kainit. Mabilis na ibinaba ni Tori ang tasa sa ibabaw ng mesa. “Malamig na, ah,” napalakas niyang komento, pero hindi naman niya sinisisi si Sonia.
last updateLast Updated : 2024-12-19
Read more

106 - WHERE IS TORI?

“Everyone, let’s have first a fifteen-minute break before we go through the rest of the reports. We have prepared a snack for everybody at the back. You may get your snack there,” anunsiyo ng HR Manager ng Araullo branch ng Madraullo Motors. Nandito ngayon si Xander dahil hindi nga nakapasok si Xavier ngayong araw. Hindi niya alam kung nagkukunwari lang ba na masama ang timpla ngayon ng kapatid o totoo. Paano naman kahapon nang umuwi ito mula sa pagdalaw kay Tori ay mukhang okay naman ito. Pero ilang oras lang na nakauwi ito sa bahay nila ay tumawag na agad sa kanya at sinabing siya na muna ang bahala ngayon sa kumpanya. Mabuti na lang at maigi na ang lagay ni Tori at may makakasama ito sa hospital, si Sonia. Napasulyap si Xander sa telepono niyang nasa ibabaw ng mesa nang mag-vibrate ito. Kapag ganitong nasa
last updateLast Updated : 2024-12-19
Read more

107 - GIVING HER TIME

“Kuya.”Sa halip na lingunin ni Xander ang bagong dating, tinungga niya ang alak na nasa basong hawak niya. Hindi pa rin siya lumingon dito kahit na naupo na ito sa tabi niya. Nasa mini bar si Xander sa loob ng kuwarto niya. Ganito na ang naging routine niya sa halos isang linggong pagkawala ni Tori. Gigising sa umaga, maliligo at papasok sa opisina. Pagkarating naman niya sa hapon, maliligo at saka dederecho na sa mini bar niya para lunurin ang sarili sa alak. Minsan ay sumasabay siya sa hapunan ng pamilya, minsan naman ay hindi. Katulad ngayon, kaya siguro nandito si Xavier ay para yayain siyang kumain. Ito siguro ang nautusan ng ina na tumawag sa kanya.“Huy, Kuya!” pag-uulit ni Xavier, at saka lang siya nilingon saglit ni Xander pero ibinalik din ang tingin sa alak na nasa harapan niya na para bang may tinitingnan siyang imahe doon.&
last updateLast Updated : 2024-12-19
Read more

108 - SI GENER AT ANG GATAS NG KALABAW

Katulad ng araw-araw niyang ginagawa tuwing umaga, nagwawalis ng bakuran ngayon si Tori. Ang pinagkaiba lang, mas maaga siyang nagwalis ngayon. Maaga kasi siyang nagising. Ewan ba niya, bigla na lang sumagi sa isip niya ang imahe ng mukha ni Xander kahit tulog siya. Pinilit niyang matulog uli pero gising na gising na ang diwa niya kaya nagpasya siyang bumangon na. Pagkatapos niyang mabilisang maghilamos at magsipilyo ay sumigi na siya sa pagwawalis. Naabutan pa nga niyang paalis na ang mga magulang ni Sonia.  Halos patapos na si Tori sa pagwawalis. Medyo madilim-dilim pa pero nag-uumpisa nang lumiwanag ang kalangitan nang may tumawag sa kanya.“Tori!”Huminto si Tori sa pagwawalis at saka nilingon ang bakod kung saan nagmula ang boses. Nakita niya si Gener, an
last updateLast Updated : 2024-12-20
Read more

109 - PUTING VAN

Nakatapos ng magwalis ng bakuran si Tori. Tumulong na rin siya kay Sonia sa pagluluto ng pagkaing dadalhin sa mga magulang niya sa pagawaan ng handicrafts. Pero hindi na siya sumama sa dating kasambahay para maghatid. Nagpa-iwan na lang siya rito sa bahay nila Sonia. Ngayon lang siya nagpaiwan mula nang dumating siya roon. Lagi siyang sumasama kay Sonia kahit saan ito magpunta para malibang siya at hindi na maisip ang mga naiwang mga importanteng tao mula sa San Clemente. Pati kasi kay Vic at Julie ay hindi siya nagpaalam. Hindi niya ipinaalam sa mga ito ang balak niyang pag-alis. Alam naman niya kasing kokontra lang ang mga ito kung sakaling sinabi niya. Siya lang at si Sonia ang nakakaalam ng lahat. Nung una nga ay ayaw pang sumang-ayon ni Sonia. Natatakot ito na baka mapahama
last updateLast Updated : 2024-12-20
Read more

110 - KIDNAPPED

Nagising si Tori na nakahiga sa isang kama. Napabalikwas siya nang mapagtanto niyang nasa isang hindi pamilyar na kuwarto siya. Pero agad din niyang nahawakan ang ulo niya nang makaramdam siya ng bahagyang pagkahilo. Saka niya naalala na nawalan siya ng malay kaninang may bumabang dalawang lalaki mula sa puting van na huminto sa tapat ng gate ng bahay nina Sonia. Kasabay nun ay ang pagka-alala niya na may itinakip na panyo sa ilong niya iyong isang lalaking bumaba mula sa van, tapos ay may naamoy siyang hindi maganda mula sa panyo at iyon na ang huli niyang naalala.  Biglang naalarma si Tori. Napahawak siya sa dibdib niya dahil sa biglang pagbilis ng tibok nito. Inalis niya ang kumot na nakatabing sa katawan niya. Iyon pa rin naman ang damit niya at kumpleto. Malinis at maayos pa rin. Walang senyales na ginamitan siya ng dahas ar puwersa. 
last updateLast Updated : 2024-12-20
Read more
PREV
1
...
8910111213
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status