Bumangon si Tori. Naamoy niya ang mabangong amoy ng bawang. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng gutom. Naisip niyang marahil ay nagluluto na si Sonia sa kusina ng bahay.
Narinig niya ang huni ng mga ibon at mga kuliglig sa labas. Kung noong una ay hindi siya sanay at naiingayan siya sa mga pang-umagang ingay ng mga hayop at insekto sa paligid, ngayon ay naa-appreciate na niya ang mga bagay na iyon sa halos mag-isang linggo niyang pamamalagi rito sa bahay nila Sonia sa probinsiya.
Dinampot ni Tori ang tuwalya bago siya lumabas ng kuwarto niya. Dadaan muna siya sa nag-iisang banyo ng bahay bago tumuloy ng kusina. Maghihilamos at papasadahan muna niya ng sipilyo ang bibig niya. Mabilis lang ang ginawa niyang paghihilamos at pagsisipilyo. Pakiramdam niya ay lalo siyang nakakaramdam ng gutom
Bahagyang nagitla si Tori nang narinig ang boses ni Sonia. Napakurap-kurap pa siya. Tiningnan niya si Sonia na manghang nakatingin sa kanya.“Bakit?” nagtatatakang tanong ni Tori.“Nakatulala ka na naman diyan, Mam.”Bahagyang ipinilig ni Tori ang ulo niya. Hindi siya aware na lumilipad na naman ang isip niya. Mukha namang hindi siya niloloko ni Sonia.Dinampot ni Tori ang tasa ng batirol na ginawa ni Sonia. Dahan-dahan siyang humigop mula sa tasa, para lang magulat na hindi na iyon ganun kainit. Mabilis na ibinaba ni Tori ang tasa sa ibabaw ng mesa.“Malamig na, ah,” napalakas niyang komento, pero hindi naman niya sinisisi si Sonia.
“Everyone, let’s have first a fifteen-minute break before we go through the rest of the reports. We have prepared a snack for everybody at the back. You may get your snack there,” anunsiyo ng HR Manager ng Araullo branch ng Madraullo Motors.Nandito ngayon si Xander dahil hindi nga nakapasok si Xavier ngayong araw. Hindi niya alam kung nagkukunwari lang ba na masama ang timpla ngayon ng kapatid o totoo. Paano naman kahapon nang umuwi ito mula sa pagdalaw kay Tori ay mukhang okay naman ito. Pero ilang oras lang na nakauwi ito sa bahay nila ay tumawag na agad sa kanya at sinabing siya na muna ang bahala ngayon sa kumpanya. Mabuti na lang at maigi na ang lagay ni Tori at may makakasama ito sa hospital, si Sonia.Napasulyap si Xander sa telepono niyang nasa ibabaw ng mesa nang mag-vibrate ito. Kapag ganitong nasa
“Kuya.”Sa halip na lingunin ni Xander ang bagong dating, tinungga niya ang alak na nasa basong hawak niya. Hindi pa rin siya lumingon dito kahit na naupo na ito sa tabi niya. Nasa mini bar si Xander sa loob ng kuwarto niya. Ganito na ang naging routine niya sa halos isang linggong pagkawala ni Tori. Gigising sa umaga, maliligo at papasok sa opisina. Pagkarating naman niya sa hapon, maliligo at saka dederecho na sa mini bar niya para lunurin ang sarili sa alak. Minsan ay sumasabay siya sa hapunan ng pamilya, minsan naman ay hindi. Katulad ngayon, kaya siguro nandito si Xavier ay para yayain siyang kumain. Ito siguro ang nautusan ng ina na tumawag sa kanya.“Huy, Kuya!” pag-uulit ni Xavier, at saka lang siya nilingon saglit ni Xander pero ibinalik din ang tingin sa alak na nasa harapan niya na para bang may tinitingnan siyang imahe doon.&
Katulad ng araw-araw niyang ginagawa tuwing umaga, nagwawalis ng bakuran ngayon si Tori. Ang pinagkaiba lang, mas maaga siyang nagwalis ngayon. Maaga kasi siyang nagising. Ewan ba niya, bigla na lang sumagi sa isip niya ang imahe ng mukha ni Xander kahit tulog siya. Pinilit niyang matulog uli pero gising na gising na ang diwa niya kaya nagpasya siyang bumangon na. Pagkatapos niyang mabilisang maghilamos at magsipilyo ay sumigi na siya sa pagwawalis. Naabutan pa nga niyang paalis na ang mga magulang ni Sonia. Halos patapos na si Tori sa pagwawalis. Medyo madilim-dilim pa pero nag-uumpisa nang lumiwanag ang kalangitan nang may tumawag sa kanya.“Tori!”Huminto si Tori sa pagwawalis at saka nilingon ang bakod kung saan nagmula ang boses. Nakita niya si Gener, an
Nakatapos ng magwalis ng bakuran si Tori. Tumulong na rin siya kay Sonia sa pagluluto ng pagkaing dadalhin sa mga magulang niya sa pagawaan ng handicrafts. Pero hindi na siya sumama sa dating kasambahay para maghatid. Nagpa-iwan na lang siya rito sa bahay nila Sonia. Ngayon lang siya nagpaiwan mula nang dumating siya roon. Lagi siyang sumasama kay Sonia kahit saan ito magpunta para malibang siya at hindi na maisip ang mga naiwang mga importanteng tao mula sa San Clemente. Pati kasi kay Vic at Julie ay hindi siya nagpaalam. Hindi niya ipinaalam sa mga ito ang balak niyang pag-alis. Alam naman niya kasing kokontra lang ang mga ito kung sakaling sinabi niya. Siya lang at si Sonia ang nakakaalam ng lahat.Nung una nga ay ayaw pang sumang-ayon ni Sonia. Natatakot ito na baka mapahama
Nagising si Tori na nakahiga sa isang kama. Napabalikwas siya nang mapagtanto niyang nasa isang hindi pamilyar na kuwarto siya. Pero agad din niyang nahawakan ang ulo niya nang makaramdam siya ng bahagyang pagkahilo. Saka niya naalala na nawalan siya ng malay kaninang may bumabang dalawang lalaki mula sa puting van na huminto sa tapat ng gate ng bahay nina Sonia.Kasabay nun ay ang pagka-alala niya na may itinakip na panyo sa ilong niya iyong isang lalaking bumaba mula sa van, tapos ay may naamoy siyang hindi maganda mula sa panyo at iyon na ang huli niyang naalala.Biglang naalarma si Tori. Napahawak siya sa dibdib niya dahil sa biglang pagbilis ng tibok nito. Inalis niya ang kumot na nakatabing sa katawan niya. Iyon pa rin naman ang damit niya at kumpleto. Malinis at maayos pa rin. Walang senyales na ginamitan siya ng dahas ar puwersa.
Kita sa mukha ni Ruther ang pagkainis sa sinabi ni Tori.“Pangalawa, hindi kita kinidnap. O pinakidnap. Or anything! Forget that idea of yours,” dagdag pa ni Ruther.Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Tori kahit pa sinabi iyon ni Ruther. Muli pa itong umirap sa lalaki na para bang hindi niya pinaniniwalaan ang sinabi nito.“Then, kung hindi ikaw, sino? Wala naman akong alam na ibang tao na gagawa sa akin nito,” sagot ni Tori, pero sa isip niya ay pumasok ang imahe ni Clover Madrigal, ang lola ni Xander.Pero ano pa ba ang magiging motibo ng lola ni Xander? Lumayo na nga siya sa apo nito. Nagpaubaya na siya para sa kaligayahan ng binatang iniibig.“Look, Tori. I know
“Ruther, wait!” paghabol ni Tori sa dating asawa habang nagmamadali ang huli sa paglabas sa kuwartong iyon. Nagmamadaling tumayo si Tori para habulin si Ruther na palabas na. Kung hindi naman pala kidnap ito, bakit pa siya iiwan ni Ruther dito? Mabilis na nilingon ni Ruther si Tori habang nakahawak sa door knob.“Sorry, Tori. See you na lang sa outside world!” sagot naman nito, sabay sarado na ng pintuan.“Ruther!”Pero isinara na ni Ruther ang pintuan. Pinilit pa ring marating ni Tori ang pintuan, pero nang hilahin niya ang door knob
“Yes, darling ko. You see, lahat kami sa pamilya… mula kay Lolo Judd and Lola Clover, meron kami lahat. In fact, lahat ng apat na pamilya. Meron lahat ng family members.”Hindi nakapagsalita agad si Tori. Namamangha siya sa idea ng tracking device na nakakabit sa lahat ng miyembro ng pamilya ng apat na magkakaibigan.“Actually, the idea originated from Lolo Klarence. As you know, siya ang pinakamayaman sa apat na magkakaibigan. Being the heir to their family business, sinigurado niya na kung may kikidnap man sa kanya, mahahanap din siya agad thru his tracking device. And so, nung nakidnap nga si siya, nakita nila Lolo Judd, Lolo Adam at Lolo Chad na it’s a good idea for the safety of all the family members.”Hindi pa rin nakapag-react si Tori. Iniisip niya ngayon kung ano kaya ang itsura ng tracking device sa loob ng ngipin niya. Napagkamalan naman ni Xander na labag sa loob ng dalaga ang ginawa niyang walang paalam na
Inilapag ni Xander ang dalang dalawang flower arrangement sa harap ng puntod. Inilagay niya iyon sa magkabilang gilid, pagkatapos ay tumuwid na siya ng tayo. Sandali siyang pumikit at nag-usal ng panalangin.“I hope you like the flowers,” bungad agad ni Xander pagkadilat niya ng nga mata, “iyan kasi ang sabi nung napagtanungan ko na gusto mong bulaklak,” pagkausap ni Xander sa pangalan na nakaukit sa mamahaling lapida sa harapan niya.“Sana lang, hindi nagkamali iyong taong pinagtanungan ko. Baka kasi magalit ka sa akin at multuhin mo ako kapag mali pala itong dala kong mga bulaklak para sa iyo.”Inilipat ng tingin ni Xander ang mga mata niya sa isa pang pangalan na nakaukit sa parehong lapida. Nasa ilalim ito ng unang pangalan. Tipid siyang ngumiti.“Hello, there! Nice meeting you, little one. Be an angel always. I’m sorry for what happened to you. Believe it or not… mahal kita. Nakakahinayang&hellip
Xander kissed Tori passionately.Pakiramdam ni Tori ay hindi siya makahinga sa klase ng halik na ibinibigay ng binata ngayon sa kanya. Punung-puno ng pagkasabik ang mga halik nito, halatang na-miss nga siya ng sobra ng binata. Kaya naman ginantihan niya ng ganun ding kaalab na halik ang mga halik ng binata. At marahil dahil sa epekto ng alak kaya kusang loob na ring tinutugunan ni Tori ang mga halik ni Xander. Para sa dalaga, lasing na siya sa alak, pero mas nakakalasing ang mga halik nito.Dalang-dala na si Tori sa init ng paghahalikan nila. Hindi na niya alam kung ilang beses niyang narinig ang sarili na umungol. Ang mga kamay niya ay pinaglandas niya sa matipunong mga dibdib ng binata. Pakiramdam niya, bawat paghaplos niya sa dibdib nito ay dumadagdag sa init na nararamdaman niya ngayon. Idagdag pa na pina-init na ang katawan niya ng alak na nainom niya kanina. Darang na darang na si Tori. Kung hihilingin ni Xander ang katawan niya, hindi siya magdadalawang-is
Nagising si Tori. Sa tantiya niya ay mag-uumaga na base sa naririnig niyang mga huni ng mga insekto at ibin sa labas ng bintana.Nagtaka pa siya na iba ang disenyo ng kuwartong kinaroroonan niya at wala siya sa kuwartong tinutulugan nya sa bahay nila Sonia. Saka lang unti-unting bumalik sa isip niya ang mga nangyari at kung nasaan siya ngayon.Nanlaki ang mga mata niya nang maalala niya ang huling eksena na naalala niya. Naalala niyang nalasing na siya kagabi pagkatapos nilang kumain ng early dinner. Pinilit niyang alalahanin pa ang mga nangyari pagkatapos pero tila wala nang rumerehistro sa utak niya. Mahinang napasinghap si Tori nang biglang may humapit sa katawan niya mula sa likuran. Nakatagilid kasi siya kaya hindi niya alam kung sino ba iyon. Isiniksik pa ng kung sino man ang mukha nito sa gilid ng leeg niya. BIglang kinabahan si Tori. Base sa bigat ng kamay nito na nakayakap sa tiyan niya, nahulaan ni Tori na lalaki ang nasa likur
Napapikit si Tori ng gumuhit ang mainit na likido sa lalamunan niya. Bahagya pa niyang ipinilig ang ulo niya. Kanina pa siya nage-enjoy sa pag-inom ng alak na iniabot sa kanya ni Xander. Ang sabi naman ni Xander ay konti lang ang alcohol content ng alak. “So, what can you say about the place?” tanong ni Xander.May katagalan na rin silang umiinom ng wine habang may nakahain na iba’t-ibang chips sa ibabaw ng mesa. Sabi ni Xander ay para matunaw ang ga-bundok niyang kinain. Pero alam naman ni Tori na exaggerated lang iyong bundok. Pero sa totoo, marami naman talaga siyang nakain kanina. Nagutom siya sa madamdaming pakikipag-usap sa tatlong tao kanina. Pero hindi naman siguro kasing-laki at kasing-lawak ng bundok ang nakain niya.Tumango-tango si Tori, “it’s so lovely and yet, so peaceful…”“So you like it?” follow-up question ni Xander.Uminom si Tori ng wine mula s
Ahhhh… busog na busog ako!” sabi ni Tori habang hinihimas ang maumbok niyang tiyan.Natawa naman si Xander sa inakto ng babae. Natutuwa siya na nasiyahan ito sa mga pagkaing ipinahanda niya. “Nagustuhan mo ba lahat ng pagkain?” nakangiting tanong ni Xander habang pinagmamasdan ang tila batang kilos ni Tori.“Bakit hindi ko magugustuhan? Eh, favorite ko lang naman lahat ng pinahanda mo.”Napatigil sa paghimas ng tiyan niya si Tori, at saka kunot ang noo na nagtanong sa binata. “Paano mo nalaman ang mga paborito kong pagkain?” Nagkibit ng balikat si Xander.“Ako pa ba?” may pagyayabang na sagot niya, “lahat ng tungkol sa ‘yo, inaalam ko.”Tila lumukso ang puso ni Tori sa sinabi ni Xander. Natuwa siya na ganun siya kahalaga sa binata para alamin ang lahat tungkol sa kanya. Ngayon lang uli may nagpahalaga sa kanya nang ganun. “Ako lang naman ang hindi mahalaga sa ‘yo,” sundot pa ni Xander. Pabiro siyang inirapan ni Tori, “ang drama naman nito.”“Totoo naman. If I am important to you
Nainis si Tori sa tanong ni Xander. Heto na nga at nakikipaghalikan na siya sa binata, tapos may gana pa siyang magselos kay Gener?Pero sa tanong nga ba ni Xander siya nainis, o dahil sa paghinto ni Xander sa paghalik sa kanya?Both! Sagot ng utak ni Tori.Ubod lakas na itinulak ni Tori si Xander, at saka siya mabilis na tumayo at naglakad palayo mula kay Xander. Pero mas mabilis sa kanya si Xander dahil naramdaman na lang niya ang kamay nito sa braso niya.“Where are you going?” tanong sa kanya ng binata sabay hinto ni Tori dahil pigil-pigil siya ng binata.“Anywhere away from you!” inis na sagot ni Tori.Tumaas ang isang sul
Napatanong din si Tori sa sarili kung paanong alam ni Xander ang tungkol kay Gener at sa pagbibigay nito lagi ng gatas ng kalabaw sa kanya.“But I can ask someone to buy fresh milk sa grocery. Kahit ilan pang kahon ang gusto mo,” may pagyayabang na dagdag pa ni Xander.Nahalata ni Tori ang pagseselos ng binata kay Gener sa timbre ng salita nito. Pero binalewala niya iyon. Sa halip ay tinanong niya ito.“Bakit mo alam ‘yun?”“Hah! I have my own ways, darling,” may pagka-inis na sagot ni Xander.May sayang naramdaman si Tori sa kaalamang nagseselos ang binata kay Gener. Muntik pa siyang napangiti pero agad din niyang sinupil. Ayaw niyang makita
Hindi alam ni Tori kung paano pakakalmahin ang puso niya. Mula nang pumasok si Xander sa loob ng kuwarto at masilayan niya ito ay tila may sariling isip ang puso niya at nataranta na ito nang masilayan niyang muli ang guwapong mukha ni Xander. Medyo pumayat ito nang bahagya mula nung huli niya itong makita. Ang facial hair nito ay visible rin ngayon na tila ba ilang araw na itong hindi nakapag-ahit. Ayaw na ayaw pa naman ni Tori sa lalaki ang may balbas at bigote. Pero sa sitwasyon ni Xander, hindi iyon nakapagpa-turn off sa kanya. Sa halip, sa tingin niya ay bagay dito ang ganung konting buhok sa kanyang mukha. Tila ba nakadagdag pa ito sa kanyang kaguwapuhan. Bumrusko ng konti ang dating ng binata para sa kanya. Pakiramdam nga ngayon ni Tori ay gusto na niyang tumayo at salubungin ng yakap ang binatang tila slow motion na naglalakad patungo sa kanya. Nakasuot lang ito ng simpleng muscle sando at cargo pants pero hindi iyon nakabawas sa kaguwapuhan nito. Isang buwan lang siyang nap