“Okay, thanks for the idea, Tito!”Ni-release na ni Xander ang handbrake, paghahanda sa pag-abante ng sasakyan niya. [“You know what, mahusay sa kitchen iyang si Xander. Ang asawa ko ang nag-train diyan, si Ysa. Pero hindi ko pwedeng sabihin na mas magaling si Xander sa Ysa ko, Tori. Eh di,--”]“Tito, gutom na kami ni Tori. Bye na.”[“Bakit? Pwede namang mag-usap pa, ah? Di ba naka-loudspeaker naman ako? Di ba, Tori?”]Napalingon si Tori kay Xander. Lumingon din sa kanya si Xander, and mouthed sorry. Marahang tumango si Tori. Pinaabante naman na ni Xander ang sasakyan. “Yes,Tito. Pwede pa naman po tayong mag-usap habang nasa biyahe kami.”[“Di ba? Masyado lang dinadaga ‘yang si Xander. Natatakot siguro ‘yan na may masabi ako sa ‘yo. Eh, wala naman akong pwedeng masabi. No girlfriend since birth ang batang ‘yan.”]
Last Updated : 2024-12-02 Read more