All Chapters of Love and Coffee Spills (SYJUCO SIBLINGS Series #1: XANDER): Chapter 31 - Chapter 40

104 Chapters

CHAPTER 31 - TREASURE

“This is supposed to be your room. Sa ngayon, it’s bare pa. Well, except for the bed, and other necessities… Hindi ko kasi alam kung ano ang type mong design. But we can do something about it naman. Very fast. Para saan pa at may architectural firm ako kung wala akong mga connections…”Nilingon ni Tori si Vic.“Tito, nag-college ka na, di ba? Bakit nag-aral ka pa uli ng Architecture?”“Iyon talaga kasi ang dream course ko. Pero ayaw ko namang pagastusin ng malaki ang mga magulang ko. Lalo na at ako ang panganay sa aming tatlong magkakapatid. Kaya nung humiling ang Mama mo na huwag na uli akong sumakay ng barko, naisip ko, why not? I will be hitting two birds in one stone. Mapagbibigyan ko na si Arya na mag-stay ako rito sa San Clemente, matutuloy ko pa ang pangarap ko. So, nag-enroll uli ako.”Matamang nakatingin lang si Tori sa mukha ni Vic.“Why are you looking at me like that?” takang-tanong ni Vic.“You love her that much, ha…”Ngumiti si Vic, kasabay ng paghalukipkip ng mga braso
last updateLast Updated : 2024-11-25
Read more

CHAPTER 32 - CORNED BEEF

May ngiti sa mga labi na gumising si Tori. Pagod man siya ng matulog kagabi ay parang hindi naman niya iniinda. May tatlong araw na rin siyang abala sa pamimili at pag-aayos ng mga gamit, katulong si Vic, Julie at ang asawa niyang si Danilo sa bigay na bahay ng Mama niya. Pangalawang gabi na rin na sa bahay na iyon siya natulog. Kumpara sa bahay ng Papa niya sa San Carlos, mas payapa at komportable ang naging pagtulog niya rito. Isama na roon ang isiping regalo sa kanya ng Mama niya ang bahay. Kayang ipagyabang ni Tori na kanya talaga ang bahay na ito at hindi katulad ng pakiramdam niya sa bahay ng Papa niya na parang nakikitira lang siya doon.Patayo na sana si Tori mula sa pagkaka-upo sa kama ng mag-ring ang telepono niya. Julie calling… “Ate Julie?”[”Gising ka na ba? Nandito kami sa labas.”]“Ha?”Nanlaki ang mga mata ni Tori. Nillingon niya ang alarm clock sa tabi ng kama niya at hindi siya nagkamali. Alas-siyete pa nga lang ng umaga.“Bakit ang aga n’yo naman? Sandali. Kagig
last updateLast Updated : 2024-11-26
Read more

CHAPTER 33 - NO

Kumunot ang noo ni Tori. “Viktorio? Akala ko po ba Vic lang talaga ang pangalan n’yo?”“Kapag naiinis o galit ang Mama mo sa akin ang tawag sa akin nun Viktorio. Kahit nung nasa college pa kami.”Napaisip si Tori. Galit ba sa kanya ang Mama niya kaya siya pinangalanan siya ng Viktoria? Wala naman kasing pagmamahalan na namagitan sa mga magulang niya kaya lumalabas na unwanted child siya.“Hindi galit ang Mama mo sa ‘yo.”Napatingin si Tori kay Vic. Paano’ng naisip ng lalaki na iyon nga ang iniisip niya?Pinilit ni Tori na ngumiti. “Hindi naman po. Iba po iyong nasa isip ko.”“Ows? Talaga ba? Hindi nga galit sa iyo ang Mama mo. Sa akin siya galit.”“Bakit naman po?”“Eh pa’no, nabuntis siya na hindi man lang niya ako natikman.”Napabunghalit ng tawa si Tori. “Tito, sige na po. Kakain na tayo. Mukhang gutom ka na nga.”Kumamot sa ulo niya si Vic.“Para ka ring itong si Julie, eh. Ganyang-ganyan din ang reaksyon niya nang sabihin ko sa kanya ‘yun.”Nilingon ni Tori si Julie na naggaga
last updateLast Updated : 2024-11-26
Read more

CHAPTER 34 - DISAPPOINTED

[“Ah…”]Pakiramdam ni Tori ay naguguluhan din si Xander ngayon sa isinagot niya.“Oh! By the way, wala nga pala kami ni Mocha diyan sa condo.” [“Ha? Ganun ba? Eh, nasaan kayo?”]Biglang natigilan si Tori. Ano nga ba ang sasabihin niya sa binata? Di ba at ayaw nga niyang ipaalam dito kung nasaan siya ngayon?“Yeah…” Sadyang pinatagal nang konti ni Tori ang pagsagot kay Xander para makapag-isip siya ng makatotohanang dahilan.“Kasi… di ba… bawal ang pet diyan sa condo? So, naki-sleep over muna kami sa bahay ng isang kaibigan.”[“Kaibigan?”]Hindi sigurado ni Tori, pero parang nay pagdududa ang timbre ng boses ni Xander ng sabihin nito ang salitang ‘kaibigan’.“Yeah. Family friend ng mother ko.”Na totoo naman.[“I see…”]Ngayon naman ay tila may naramdamang panghihinayang si Tori sa boses ni Xander. Akala ni Tori ay magpapaalam na sa kanya si Xander. Pero, hindi pa pala ito tapos sa pakikipag-usap sa kanya. Pakiramdam ni Tori, may gustong sabihin sa kanya ang binata na hindi nito mas
last updateLast Updated : 2024-11-26
Read more

CHAPTER 35 - GREAT KA DIN!

Tara dito. Umupo ka. Pinahihirapan mo naman ang batok ko kakalingon sa ‘yo.”Hindi alam ni Tori kung biro ba iyon o seryoso ang pagkakasabi ni Vic nun, pero sumunod na rin siya. Naupo siya sa bakanteng silya sa tapat ng lalaki.“I’m not disappointed with the Tori in front of me now. I am disappointed with the way this Tori in front of me thinks of herself.”Nakagat ni Tori ang ibabang labi niya.“But that’s the truth, Tito.”“Tsk! No… What happened to little Arya? Nasaan iyong matapang at walang pakialam sa sasabihin ng iba na katulad ni Arya?”Nag-angat ng mukha si Tori kay Vic, pero kita sa mga mata nito ang pangingilid ng mga luha. “Look at you… sa ‘yo pa lang, dina-downgrade mo na agad ang sarili mo. Ikaw mismo,  hinuhusgahan mo na agad ang pagkatao mo.  You should be the one uplifting yourself. You should be the first one building your self-esteem. But what’s happening is the other way around, and I don’t like the
last updateLast Updated : 2024-11-27
Read more

CHAPTER 36 - MABANTOT BA KO?

Narinig ni Tori ang tunog ng doorbell niya. Kanina pa siya gising pero tinatamad pa siya bumangon. Marami kasi silang ginawa at inayos nila Julie at Danny kahapon, kaya medyo napagod siya.Muling narinig ni Tori ang tunog ng doorbell. Tumahol na rin si Mocha na nakapaharap sa direksyon ng pintuan. Napilitan ng bumangon si Tori. Sigurado naman siyang sila Vic, Julie at Danny ang nasa labas. Lalo na at Sabado ngayon, hindi obligadong mag-report ang asawa ni Julie sa architecture firm ni Vic. Mabilis na nagsuot mg roba si Tori at saka nagbukas ng pinto ng kuwarto niya. Agad na nakatakbo si Mocha palabas.“Nauna ka pang lumabas sa akin, Mocha,” sita ni Tori sa alaga, tapos ay sumunod na rin siya rito. “Good morning, Tori!” masayang bati ni Vic sa kanya, pagkatapos ay nagbaling ng tingin kay Julie, “magluto ka na, Julie at nang makapaligo na itong si Tori.”Pagkasabi ni Vic nun ay pumasok na ito sa loob ng bahay ni Tori. Nagtatakang sinundan
last updateLast Updated : 2024-11-27
Read more

CHAPTER 37 - MAFIA BOSS

“Tito, would you mind telling me where we are going?”Tumaas ang isang sulok ng labi ni Vic. “I sold you to a mafia boss.”Nagsalubong ang mga kilay ni Tori. “Tito?””Totoo.”“Meron bang ganun?”“Wait, till you see him. “Seryosong tiningnan ni Tori ang nagda-drive na si Vic. Mukhang hindi nga ito nagbibiro. Pero hindi naman siya naniniwala sa sinasabi nito. Padarag siyang umayos ng upo. Isinandal niya ang likod niya sa sandalan ng upuan.“Bahala ka diyan, Tito.”Bahagyang tumawa si Vic. Ganun lang pala ang kailangan niyang gawin para tumahimik si Tori. Kanina pa kasi ito tanong ng tanong kung saan sila pupunta. Nauubusan na siya ng sasabihin para lansihin ito.Sa wakas ay natanaw na ni Vic ang condominium building na inookupa ng dalaga.“Pupunta tayo sa condo ko, Tito?” “Yup! Nandiyan ‘yung mafia boss na kausap ko.”Humalukipkip si Tori at saka inirapa si Vic kahit hindi naman ito nakatingin sa kanya.“Tito Vic, umayos ka nga…”Muling tumawa si Vic, tapos ay tila may naalala ito.
last updateLast Updated : 2024-11-28
Read more

CHAPTGER 38 - IS SHE THE ONE?

“Looks like everybody is here…” komento ni Xander pagkarating sa bahay nila. Iginala ni Tori ang mga mata. Nagtatanong ang isip niya sa term na everybody ni Xander. Kung titingnan ni Tori, parang may party sa loob ng mansyon ng mga Syjuco sa dami ng nakaparadang mga sasakyan dito sa labas. Magtatanong sana siya kay Xander nang biglang lumitaw si Xia mula sa gate ng mansyon.“Friend!” sigaw nito, at saka kumaway sa direksyon ng sasakyan ni Xander, kahit hindi naman niya nakikita ang sakay sa loob.“Mukhang hindi lang ako ang excited,” narinig ni Tori na komento ni Xander kaya nilingon niya ito.Napaisip si Tori kung sino pa ang sinasabi ni Xander na excited na makita siya. Bigla niyang naisip ang Mommy nila ni Xia. Wala naman siyang alam na iba pang tao na excited na makita siya. Hindi ba nga at nagyayaya pa ang ginang na samahan niya sa pagbisita sa spa o parlor? Bumaba na si Xander mula sa sasakyan niya kaya binuksan na ni Tori ang pintuan sa tabi niya para bumaba na rin. Nagulat
last updateLast Updated : 2024-11-28
Read more

CHapter 39 - PAMILYA

“Kuya, mukhang tinatalo ka na nung isang ‘yan,” sabi naman ni Xavier, ang sumunod kay Xander, habang malapad na nakangiti at nakatingin kay Xander.“Hoy, Xavier. Gumagatong ka pa. Ikaw naman, Ash… kung ano ang ikinatahimik ng ama mo, siya namang alaskador mo,” tukoy ni Xandra doon sa matabang lalaki na inaanak niya.“Kasi naman, doon sa ina nagmana,” singit naman ng isang lalaki na mas bata ng konti kay Xandra. Nagtawanan na naman silang lahat.“Ayan… sa iyo nagmana itong inaanak mo, Kuya Yoseph! Kuhang-kuha…” “Huy, Cassandra… ang bait-bait ko, ha? Di ba, Xyrene ko?” malambing pang tawag ni Yoseph sa asawa. Muling nagtawanan ang mga naroroon.“Huy, mga Tito at Tita. Tama na po. Baka ma-culture shock itong kaibigan ko,” salo ni Xia. Masaya uling nagtawanan ang mga tao roon.“Xander, hindi mo pa kami pinapakilala sa bisita mo,” biglang sabi ng Lolo nila Xia at Xander na si Judd Madrigal, ang haligi at utak ng Madraullo Motors.Dahil sa pagkakabanggit sa pangalan niya, lahat ay tumin
last updateLast Updated : 2024-11-28
Read more

CHAPTER 40 - SA KUWARTO MO O SA GYM?

Pagkatapos ng masaganang tanghalian, niyaya ni Xia si Tori sa isang kuwarto. “Dito tayo sa entertainment room. Dito ang mga girls tumatambay after ng lunch tapos ‘yung mga boys dun naman sa gaming room,” sabi ni Xia nang buksan na niya ang kuwarto. Naroroon na iyong ibang babaeng bisita. “Hi!” pagbati ng ilan kay Tori. Sinuklian ni Tori ng ngiti ang mga naroroon. “Dito ka, Tori,” tawag ng isang babae kay Tori, sabay tapik sa katabi niyang espasyo.Walang nagawa si Tori kung hindi pagbigyan ang tumawag sa kanya na sa pagkakatanda niya ay Amber ang pangalan. “Ako si Amber. Baka hindi mo kasi naalala sa dami ng ipinakilala sa ‘yo kanina over lunch.” “Ah, naalala ko naman,” nahihiyang sagot ni Tori. “Ate Tori, oh,” tawag kay Tori ng isang teenager, si Mikayla, habang may hawak na baso na may lamang inumin. Nag-atubili si Tori kung kukunin ang inumin. "
last updateLast Updated : 2024-11-29
Read more
PREV
123456
...
11
DMCA.com Protection Status