Share

CHAPTGER 38 - IS SHE THE ONE?

Author: CJ1016
last update Huling Na-update: 2024-11-28 17:27:02

“Looks like everybody is here…” komento ni Xander pagkarating sa bahay nila.

Iginala ni Tori ang mga mata. Nagtatanong ang isip niya sa term na everybody ni Xander. Kung titingnan ni Tori, parang may party sa loob ng mansyon ng mga Syjuco sa dami ng nakaparadang mga sasakyan dito sa labas.

Magtatanong sana siya kay Xander nang biglang lumitaw si Xia mula sa gate ng mansyon.

“Friend!” sigaw nito, at saka kumaway sa direksyon ng sasakyan ni Xander, kahit hindi naman niya nakikita ang sakay sa loob.

“Mukhang hindi lang ako ang excited,” narinig ni Tori na komento ni Xander kaya nilingon niya ito.

Napaisip si Tori kung sino pa ang sinasabi ni Xander na excited na makita siya. Bigla niyang naisip ang Mommy nila ni Xia. Wala naman siyang alam na iba pang tao na excited na makita siya. Hindi ba nga at nagyayaya pa ang ginang na samahan niya sa pagbisita sa spa o parlor?

Bumaba na si Xander mula sa sasakyan niya kaya binuksan na ni Tori ang pintuan sa tabi niya para bumaba na rin. Nagulat
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Pres DK
exciting naman, may appearance ang 4 hunks............
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Love and Coffee Spills (SYJUCO SIBLINGS Series #1: XANDER)   CHapter 39 - PAMILYA

    “Kuya, mukhang tinatalo ka na nung isang ‘yan,” sabi naman ni Xavier, ang sumunod kay Xander, habang malapad na nakangiti at nakatingin kay Xander.“Hoy, Xavier. Gumagatong ka pa. Ikaw naman, Ash… kung ano ang ikinatahimik ng ama mo, siya namang alaskador mo,” tukoy ni Xandra doon sa matabang lalaki na inaanak niya.“Kasi naman, doon sa ina nagmana,” singit naman ng isang lalaki na mas bata ng konti kay Xandra. Nagtawanan na naman silang lahat.“Ayan… sa iyo nagmana itong inaanak mo, Kuya Yoseph! Kuhang-kuha…” “Huy, Cassandra… ang bait-bait ko, ha? Di ba, Xyrene ko?” malambing pang tawag ni Yoseph sa asawa. Muling nagtawanan ang mga naroroon.“Huy, mga Tito at Tita. Tama na po. Baka ma-culture shock itong kaibigan ko,” salo ni Xia. Masaya uling nagtawanan ang mga tao roon.“Xander, hindi mo pa kami pinapakilala sa bisita mo,” biglang sabi ng Lolo nila Xia at Xander na si Judd Madrigal, ang haligi at utak ng Madraullo Motors.Dahil sa pagkakabanggit sa pangalan niya, lahat ay tumin

    Huling Na-update : 2024-11-28
  • Love and Coffee Spills (SYJUCO SIBLINGS Series #1: XANDER)   CHAPTER 40 - SA KUWARTO MO O SA GYM?

    Pagkatapos ng masaganang tanghalian, niyaya ni Xia si Tori sa isang kuwarto.“Dito tayo sa entertainment room. Dito ang mga girls tumatambay after ng lunch tapos ‘yung mga boys dun naman sa gaming room,” sabi ni Xia nang buksan na niya ang kuwarto.Naroroon na iyong ibang babaeng bisita.“Hi!” pagbati ng ilan kay Tori.Sinuklian ni Tori ng ngiti ang mga naroroon.“Dito ka, Tori,” tawag ng isang babae kay Tori, sabay tapik sa katabi niyang espasyo.Walang nagawa si Tori kung hindi pagbigyan ang tumawag sa kanya na sa pagkakatanda niya ay Amber ang pangalan.“Ako si Amber. Baka hindi mo kasi naalala sa dami ng ipinakilala sa ‘yo kanina over lunch.”“Ah, naalala ko naman,” nahihiyang sagot ni Tori.“Ate Tori, oh,” tawag kay Tori ng isang teenager, si Mikayla, habang may hawak na baso na may lamang inumin.Nag-atubili si Tori kung kukunin ang inumin."

    Huling Na-update : 2024-11-29
  • Love and Coffee Spills (SYJUCO SIBLINGS Series #1: XANDER)   CHAPTER 41 - HANKIE PANKIE

    Palingon-lingon si Tori sa likuran niya habang naglalakad kasunod ni Xander. Baka kasi may biglang lumabas mula sa kuwartong inalisan niya. Ayaw niyang may makakita sa kanila ni Xander ngayon. Unang-una, kaya nga siya umalis doon sa kuwarto ay dahil sa panay na tukso sa kanya kay Xander, tapos makikita pa silang magkasama ngayon? Kung hindi lang talaga gusto niyang tumakas mula sa tuksuhan, malabong pumayag siya na sumama dito. Sa wakas ay huminto na si Xander sa tapat ng isang pintuan, kaya huminto na rin doon si Tori.“Eto ‘yung…”“Gym,” pagtatapos ni Xander sa sasabihin pa ni Tori, “‘yung katabi ang kuwarto ko,” sabay turo ni Xander sa direksyon sa likuran niya habang na kay Tori ang atensyon niya.Paano ba naman, mamula-mula ang mukha ng dalaga ngayon. Hindi alam ni Xander kung dahil ba sa nilakad nila ngayon kaya ganun, pero ang gandang pagmasdan ng mamula-mulang pisngi ng dalaga. Parang ang sarap nitong kurutin at hali

    Huling Na-update : 2024-11-29
  • Love and Coffee Spills (SYJUCO SIBLINGS Series #1: XANDER)   CHAPTER 42 - ALMOST

    Sa pangalawang pagkakataon, muling nasalo mula sa tuluyang pagbagsak ni Xander si Tori. Pero sa unang pagkakataon, solo nila ngayon ang lugar. Walang ibang tao sa paligid. Kaya kahit magtitigan sila hanggang gusto nila ay walang pipigil sa kanila.Muling naalala ng bawat isa ang nangyari noong nakaraang araw habang titig na titig sila sa mga mata ng bawat isa. Halos pareho lang, magkaiba lang ng lugar. Ang mga palad ni Tori ay nakadantay sa mga dibdib ni Xander. At ang mga kamay ni Xander ay nakahawak sa malambot na mga bewang ni Tori.Pilit nilang binabasa ang mga mata ng bawat isa. Sinasamantala na walang ibang tao sa paligid at pumutol ng kung ano mang mahika na namamagitan ngayon sa pagitan nila. Gustong iparating ni Xander kay Tori ang kagustuhan ng puso niya, habang hinahanap naman ni Tori sa mga mata ni Xander ang sinseridad niya.Para kay Xander, hanggang maaari ay hindi na sana matapos ang eksenang ito sa pagitan nila ni Tori. Napaka-k

    Huling Na-update : 2024-11-29
  • Love and Coffee Spills (SYJUCO SIBLINGS Series #1: XANDER)   CHAPTER 43 - INSIDE MY ROOM

    “What’s happening here? Kanina pa namin naririnig sa ibaba ang ingay n’yo. Alam n’yo namang siesta time ng mga oldies, ang iingay n’yo,” sita ni Xandra sa mga naroroon.“Eh, Mommy kasi si Kuya Xander…” si Xia ang sumagot.“Why? Ano’ng ginawa ni Xander?” tanong uli ni Xandra.“He’s inside his room. With Tori.” Si Amber naman ang sumagot ngayon. “Oh…” napalingon si Xandra sa asawang si Jordan.Magsasalita sana si Jordan nang magsalita si Xander na nakatayo sa nakabukas pang pintuan ng gym, katabi si Tori.“And who gave you all the idea that we are inside my room?”Naglingunan ang lahat ng naroroon sa direksyon nila. Ang mga babae ay gulat na gulat, habang ang mga lalaki naman ay may pinipigilang mga ngiti sa mga labi nila.“What are you doing there?” tanong naman ni Queenie.“Well, I am showing Tori the gym room…” nilingon ni Xander si Tori, “to ask for ideas.” Pagkatapos ay muli siyang nagbaling ng tingin sa mga kausap. “Gusto ko kasi siyang ipa-renovate. I found it old fashioned a

    Huling Na-update : 2024-11-29
  • Love and Coffee Spills (SYJUCO SIBLINGS Series #1: XANDER)   CHAPTER 44 - WE ARE FAMILY

    Magkasunod na bumababa sa hagdan si Xandra at Tori. Tahimik lang sila pareho, hindi alam kung paano babasagin ang katahimikan.“Pasensiya ka na, Tori. Pasensiya ka na sa mga girls. Masyado lang silang protective kay Xander. Masyado kasing mabait si Xander. You know, we are almost family… actually, we are and we were family. Ilang dekada na ba kaming magkakasama? Our fathers, since puro mga only son sila, sila-sila na ang nagturingang magkakapatid. Iyon nga ang lagi nilang sinasabi, they are brothers with different parents.”Nakuha ng ikinukuwento ni Xandra ang interes ni Tori. Pansamantalang nawala sa isip niya ang nangyari sa itaas kanina. Patuloy lang silang naglakad habang naglilitanya si Xandra. Hanggang sa makita nila ang ina nito at ang tatlong asawa pa ng mga kaibigan ng ama niya sa may sala.“As you can see, solid din ang bonding ng mga asawa nila. Hindi lang ‘yan magaganda, the best pa sa advices kung kailangan mo

    Huling Na-update : 2024-11-30
  • Love and Coffee Spills (SYJUCO SIBLINGS Series #1: XANDER)   CHAPTER 45 - OFFICIAL FAMILY MEMBER

    Nawili si Tori sa pagtulong sa pagluluto. Saan ka pa, natutututo ka na, nalilibang ka pa sa mga naririnig mong kuwentuhan ng apat na reyna ng apat na pamilya. Napaisip tuloy siya sa Mama niya. Wala kayang ganitong mga kaibigan ang Mama niya? Si Tito Vic lang ba ang itinuring na pamilya ng Mama niya?“Huy, Tori, Lumilipad yata ‘yang isip mo. Aba, baka magulat ka na lang na nahiwa mo na iyang daliri mo, anak,” sabi ni Clover.Napahinto sa paghihiwa si Tori. Nag-angat siya ng mukha kay Clover. Walang tumatawag sa kanya ng anak kung hindi ang Mama niya noong nabubuhay pa ito, si Yaya Caring at lately, si Tito Vic. Ngayon lang uli may ibang tao na tinawag siyang anak.Napahinto rin sa pagbabalat ng kamote si Clover.“Oh, bakit ganyan ka makatingin sa akin?” tanong niya kay Tori.Nakuha nun ang atensyon ng ibang mga ginang na kasama nilang nakaupo sa mesa. Umiling-iling si Tori habang nakangiti at may pinipigilang emosyon.“Ngayon lang

    Huling Na-update : 2024-11-30
  • Love and Coffee Spills (SYJUCO SIBLINGS Series #1: XANDER)   CHAPTER 46 - ANNOUNCEMENT

    Hindi ine-expect ni Tori na tatabihan siya ni Xander ngayon sa pagkain ng merienda. Hindi ba nga at tila masama ang loob sa kanya ng binata dahil sa eksena kanina? Kahit pa hindi siya sigurado at hindi niya rin tukoy kung ano ang ikinasama ng loob ng binata.“Sorry ha,” mayamaya ay sabi ng binata kay Tori.Napahinto si Tori sa pag-ihip sa pagkain niya.“Sorry saan?” tanong niya sa binata na parang pinaglalaruan ang pagkain ng kutsara niya.Medyo may distansiya sila sa ibang kasama nila. Hindi naman sinasadya na magsolo sila ng puwesto. Pero ito kasi ang pinili ni Tori na puwestuhan dahil nahihiya siya sa mga miyembro ng apat na pamilya na ito. In the first place, hindi naman siya miyembro ng kahit alin sa pamilyang ito. Hindi rin naman niya alam na tatabihan pala siya ni Xander. Para tuloy lumalabas na sinasadya nilang magsolo para makapag-usap sila gaya ng ginagawa nila ngayon.“Dun sa kanina,” walang tiyak na s

    Huling Na-update : 2024-11-30

Pinakabagong kabanata

  • Love and Coffee Spills (SYJUCO SIBLINGS Series #1: XANDER)   107 - GIVING HER TIME

    “Kuya.”Sa halip na lingunin ni Xander ang bagong dating, tinungga niya ang alak na nasa basong hawak niya. Hindi pa rin siya lumingon dito kahit na naupo na ito sa tabi niya. Nasa mini bar si Xander sa loob ng kuwarto niya. Ganito na ang naging routine niya sa halos isang linggong pagkawala ni Tori. Gigising sa umaga, maliligo at papasok sa opisina. Pagkarating naman niya sa hapon, maliligo at saka dederecho na sa mini bar niya para lunurin ang sarili sa alak. Minsan ay sumasabay siya sa hapunan ng pamilya, minsan naman ay hindi. Katulad ngayon, kaya siguro nandito si Xavier ay para yayain siyang kumain. Ito siguro ang nautusan ng ina na tumawag sa kanya.“Huy, Kuya!” pag-uulit ni Xavier, at saka lang siya nilingon saglit ni Xander pero ibinalik din ang tingin sa alak na nasa harapan niya na para bang may tinitingnan siyang imahe doon.&

  • Love and Coffee Spills (SYJUCO SIBLINGS Series #1: XANDER)   106 - WHERE IS TORI?

    “Everyone, let’s have first a fifteen-minute break before we go through the rest of the reports. We have prepared a snack for everybody at the back. You may get your snack there,” anunsiyo ng HR Manager ng Araullo branch ng Madraullo Motors.Nandito ngayon si Xander dahil hindi nga nakapasok si Xavier ngayong araw. Hindi niya alam kung nagkukunwari lang ba na masama ang timpla ngayon ng kapatid o totoo. Paano naman kahapon nang umuwi ito mula sa pagdalaw kay Tori ay mukhang okay naman ito. Pero ilang oras lang na nakauwi ito sa bahay nila ay tumawag na agad sa kanya at sinabing siya na muna ang bahala ngayon sa kumpanya. Mabuti na lang at maigi na ang lagay ni Tori at may makakasama ito sa hospital, si Sonia.Napasulyap si Xander sa telepono niyang nasa ibabaw ng mesa nang mag-vibrate ito. Kapag ganitong nasa

  • Love and Coffee Spills (SYJUCO SIBLINGS Series #1: XANDER)    105 - TULALA

    Bahagyang nagitla si Tori nang narinig ang boses ni Sonia. Napakurap-kurap pa siya. Tiningnan niya si Sonia na manghang nakatingin sa kanya.“Bakit?” nagtatatakang tanong ni Tori.“Nakatulala ka na naman diyan, Mam.”Bahagyang ipinilig ni Tori ang ulo niya. Hindi siya aware na lumilipad na naman ang isip niya. Mukha namang hindi siya niloloko ni Sonia.Dinampot ni Tori ang tasa ng batirol na ginawa ni Sonia. Dahan-dahan siyang humigop mula sa tasa, para lang magulat na hindi na iyon ganun kainit. Mabilis na ibinaba ni Tori ang tasa sa ibabaw ng mesa.“Malamig na, ah,” napalakas niyang komento, pero hindi naman niya sinisisi si Sonia.

  • Love and Coffee Spills (SYJUCO SIBLINGS Series #1: XANDER)   104 - EH DI SANA

    Bumangon si Tori. Naamoy niya ang mabangong amoy ng bawang. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng gutom. Naisip niyang marahil ay nagluluto na si Sonia sa kusina ng bahay.Narinig niya ang huni ng mga ibon at mga kuliglig sa labas. Kung noong una ay hindi siya sanay at naiingayan siya sa mga pang-umagang ingay ng mga hayop at insekto sa paligid, ngayon ay naa-appreciate na niya ang mga bagay na iyon sa halos mag-isang linggo niyang pamamalagi rito sa bahay nila Sonia sa probinsiya.Dinampot ni Tori ang tuwalya bago siya lumabas ng kuwarto niya. Dadaan muna siya sa nag-iisang banyo ng bahay bago tumuloy ng kusina. Maghihilamos at papasadahan muna niya ng sipilyo ang bibig niya. Mabilis lang ang ginawa niyang paghihilamos at pagsisipilyo. Pakiramdam niya ay lalo siyang nakakaramdam ng gutom

  • Love and Coffee Spills (SYJUCO SIBLINGS Series #1: XANDER)   103 - LAST WORDS

    Masaya ang lahat habang kumakain. Panay ang tuksuhan at asaran ng magkakapatid na Syjuco. Ang maganda lang sa kanila ay walang napipikon sa mga pang-aasar nila. Tahimik lang na nakikinig at nanonood si Tori sa kanila. Sa isip niya, inisip niya na baka ito na ang huling sandali na makikita niya ang ganitong kaguluhan ng pamilyang ito. Hanggang sa magkasundo ang pamilya Syjuco na umuwi na.“Uuwi na kami para makapagpahinga ka na,” sabi ni Xandra sa dalaga.“Kayo rin po. Pihadong may mga jet lag pa po kayo,” sagot naman ni Tori.“Medyo nga. Oh, sige. Babalik na lang uli ako. Ipagluluto kita.”“Tita, huwag na nga po. Okay lang…”“Oh, no. Basta. Ipagluluto kita.&rd

  • Love and Coffee Spills (SYJUCO SIBLINGS Series #1: XANDER)   102 - MGA BISITA

    “Hi, Tori!” Napatingin si Tori sa direksyon ng pintuan, pati na sina Xander at Sonia. Malapad ang ngiti ni Xandra Syjuco nang pumasok mula roon. Kasunod niya sa likod ang asawang si Jordan.“Hi, friend!” masayang bati naman ni Xia.“It should be sis-in-law, di ba?” tanong naman ni Xavier na kasunod na naglalakad ni Xia at may dalang basket na may mga lamang fresh na sunfllower na mga bulaklak.“Eh, di friend sis-in-law na lang. Oh, satisfied ka na, Kuya?” sagot naman sa kanya ni Xia.Inakbayan naman ni Xavier si Xia at saka hinila ito palapit sa kanya.“Flowe

  • Love and Coffee Spills (SYJUCO SIBLINGS Series #1: XANDER)   101 - TULOY ANG PLANO

    “Darling ko, okay lang naman akong magbantay sa ‘yo. Inabala mo pa itong si Sonia,” sabi ni Xander habang sinusubuan si Tori ng pagkain.“Hindi ako makapaglinis mabuti ng katawan ko dahil sa nakakabit na IV sa isang kamay ko.”“Oh? Bakit hindi mo sinasabi sa akin?”“At ano? Ikaw ang sasama sa akin sa loob ng CR?” nakataas ang isang kilay na balik-tanong ni Tori kay Xander.Tumawa lang si Xander sa reaksyon ni Tori.“Eto talagang darling ko... di bale, makikita ko rin naman ‘yan. Soon…”Inirapan ni Tori si Xander, pero sige pa rin ng tawa ng lalaki.

  • Love and Coffee Spills (SYJUCO SIBLINGS Series #1: XANDER)   CHAPTER 100 - THE VISITOR

    Mabilis na hinalikan ni Xander si Tori sa pisngi kaya nahinto siya sa pagsisintimyento.“Bibili muna ako ng maiinom nila Tito. Kayo muna ang mag-usap, catch up,” nagbaling ng tingin si Xander kay Vic, “Tito, hot coffee?”“Yes, please. No sugar.”“Any specific blend or type of coffee? Any recipe?”“Anything basta no sugar.”“Got it,” nilingon ni Xander si Julie at Danilo, “how about you, ‘Te Julie? Kuya Danny? Your kids?”“Hot coffee rin ako. Bagay ‘yun sa egg pie na dala namin,” sagot ni Julie at saka binalingan ang dalawang anak, “mga anak, how about you?”

  • Love and Coffee Spills (SYJUCO SIBLINGS Series #1: XANDER)   CHAPTER 99 - WAIS

    Tila naman napipilan si Tori. Hindi niya alam ang isasagot. Nag-assume nga lang ba siya?“Tatanungin lang kita… since pupunta sila Tito Vic today, gusto mo bang mag-sponge bath? Bubuhatin ba kita para dalhin sa CR? O magdadala na lang ako dito ng tubig sa palanggana?”Namilog ang mga mata ni Tori.“Dadating si Daddy Vic?”Bahagyang natigilan si Xander, nawala ang pilyong ngiti sa mga labi niya.“Bakit? Ayaw mo ba? Nandito rin sila nung unconscious ka pa,” nag-aalalang sagot ni Xander sa dalaga, iniisip niya na baka ayaw makausap ng dalaga si Vic.Umiling si Tori.&ldquo

DMCA.com Protection Status